Ang Nagmamasid na Kawal
Ang sumusunod ay isang pag uulat ng mga nangyari sa pagsalakay sa Jerusalem ng hari ng Assyria, si Sennacherib, na matatagpuan sa 2 Kings 18-19, at 2 Chronicles 29-32 :23. Noong panahong iyon, ang hari ng Judah ay si Hezekiah. Ang hilagang kaharian ng Israel ay na sakop ng mga Assyrians dahil sa pakikipagkasundo ng masamang ama ni Hezekiah, si Hari Ahaz. Sinabi sa atin na si Haring Hezekiah ay matuwid sa paningin ng Diyos at hindi sumunod sa yapak ng kanyang masamang ama na si Haring Ahaz, kundi sumunod sa kanyang “ama” na si David. Hinikayat ni Haring Hezekiah ang Judah na manumbalik sa Panginoon, at talikuran ang makasalanang bansa, ang Assyria. At ang bunga, si Sennacherib ay sinalakay at sinakop ang maraming siyudad sa Judah at nagtungo papuntang Jerusalem, na ang pakay ay lipulin ang lahat. Dito tayo magsisimula.
Sa umagang iyon, sila ay nakatayo at nagmamasid. Sila ay may mga armas at pananggalang na ginawa nang marami dahil sa inaasahan nilang papalapit na mga hukbo. Sila ay nakatayo at nakahanda sa pader na ginawa nang madalian (Ephesians 6:10-18). Kahit na sila’y takot, sila ay buong tapang na nakatayo- ang salita ng kanilang pinuno at hari ay kanilang naririnig, “Magpakatapang kayo at magpakatibay!” (1 Corinthians 16:13). Sila ay tapat sa kanilang hari sapagkat ito ay tapat sa kanila at sa makapangyarihang Diyos. Ang kanilang hari ay ipinatanggal ang mga sambahan sa matataas na lugar, ipinadurog ang alaalang bato at ipinagiba ang mga posteng simbolo ng diyosang si Ashera. Muli niyang tinawag ang mga Levita, nilinis ang templo, at kinuhang muli ang mga natirang Israelita. Ang hari ay muling ipinagdiwang ang Kapistahan ng Paglampas ng Anghel at pinag isa ang kaharian sa pamamagitan ng pagdiriwang (Ephesians 2:13-18). Ipinaalala sa kanila ang kanilang pinagmulan, kasaysayan at pakikipagtipan sa Diyos, ang Manlilikha. Makalipas ang maraming taon ng espirituwal na kadiliman, sila ngayon ay nakatayo na may bagong pang unawa, sa katotohanan (John8:12). Makalipas ang maraming salin lahi ng kapabayaan, sila ngayon ay nagdiriwang ng kaligtasan sa pamamagitan ng pag aalay ng Kordero (Hebrews10: 12-14). Hinamon nila ang kaaway- ang kaaway ng Diyos- at may hahantungan ang lahat. Dati, sila’y nagbabayad ng buwis-inalipin ng bansang walang diyos, nguni’t hindi na muli ! (Hebrews 2:14-15). Sila ay maninindigan kung ano ang mabuti at tama. Oo, ngayon ay alam na nila kung kanino sila kabilang, at ang mga kawal ay nakatayo, nagmamasid, naghihintay.
Ang kalaban ay papalapit sa siyudad na may malaking hukbo (Ephesians 6:11-12). Sila ay may mga bakal na patalim, nagliliyab na palaso, at may liko likong espada. Bihasa sa digmaan at karanasan, bihasa sa pagwasak ng kabihasnan, sumusunod sila sa nagsasabing siya ang “hari ng mundo” ( Luke4:5-6 ). Ito ang hukbo na nakita ang digmaan at kalupitaan. Ang hukbo na inaalis ang balat ng tao, ang nananaksak at pinagpuputol putol ang katawan ng mga lalaki, mga babae at mga bata. Ang hukbo na inihahanay ang balat ng mga tao sa mga pader ng siyudad. Ang mga dating umaawit ng papuri sa Diyos sa mga pagdiriwang ay inihihiwalay sa mga sumasamba at winalang halaga. Ang mga mata na nakita ang malinis na templo ay inalisan ng paningin at ipinangalat ang dating kahanga hangang siyudad. Ang mga kamay na na dungisan ng dugo ng mga hayop bilang pag aalay sa dakilang Diyos, ngayon ay nadungisan ng dugo ng kanilang mga anak. Ito ang masamang hukbo na papalapit- ang hukbo ng kaguluhan at kalituhan. Nguni’t sa kainitan ng araw, ang mga kawal ay nakatayo, nagmamasid, tapat.
Ang kaaway ay papalapit at sumisigaw sa banal na lunsod. Nguni’t hindi siya sumisigaw sa hari - na hindi niya mapagtatagumpayan ( Luke 4:1-12 ). Sa halip, ang pansin niya ay nasa mga bagong kawal na nakapila sa pader ng Zion. Ang kaaway ay tumatawag sa kanila sa wikang kanilang nauunawaan. Siya ay naghahandog ng kasinungalingan, na nagbabalat kayo ng
gantimpala, kayamanan at buhay (John8:44). “Hindi totoong mamamatay kayo !” sinasabi niya habang kinukutya niya ang Diyos at ang tipan sa kanyang manlilikha at tagapagligtas. Tulad ng leon na sagisag ng kanyang bansa, ang masamang pinuno ay paglakad lakad, hinaharap ang kanyang masisila (1 Peter 5:8 ). Tinatanong niya ang kanilang hari at gumagawa ng paraan upang pasinungalingan ang katapatan at pag ibig na alam nilang totoo at walang pagbabago. Siya ay nananakot, muling sinasabi ang mga nangyari sa mga namatay sa dahilan ng nagliliyab na palaso at kapangyarihan ng kamatayan ! Kapangyarihan na napakasama at mahalay, walang katulad nila na nakita sa daigdig noon. Ito ay isang pagpapaniwala at paghimok na pagtatalo- ngunit ano ang buhay kung wala ang pagkapari? Ano ang layunin ng tao kung wala ang Diyos? Ang mga kawal ay nagtitiwala sa kanilang hari at inaalala ang utos, “Huwag ninyo siyang sagutin.” At sa kinahapunan,ang mga kawal ay nakatayo, nagmamasid, tahimik.
Habang nangyayari ang lahat, malayo sa pader ng siyudad kung saan ang mga kawal ay tinitiis ang banta ng kaaway, sa loob ng siyudad, sa loob ng bagong linis na templo- ang kanilang hari ay nakikipag usap sa Diyos. Sa tahimik na santuwaryo ng bahay kung saan ang pagsisisi ay binayaran ng dugo ng inosente, ang hari ay lumuluhog para sa kaligtasan ng mga tao at ng mga kaluluwa (Hebrews 4:14-16). Kaiba sa mga kawal, ang pag ibig ng hari sa Diyos ay hindi natitinag. Ang haring ito, na hindi nagbabago sa kanyang paglakad sa landas ng kanyang amang si David, ay hindi lamang tinipon ang mga manlalakbay at mga taong ipinatapon, ay pinag isa at pinag ugnay muli sa Diyos na tapat sa Kanyang pangako. Ang mga kawal na minsan ay sumama sa prinsipe ng kadiliman para sa maling kaligtasan, ay kinakaharap ang bunga ng mga tumalikod sa Diyos-ang parusa na tatanggapin ng mga bansa ay wala na ngayon. Nguni’t ang nag iisa at tunay na Diyos- dahil Siya ay pag ibig, ay isinugo ang Tagapagligtas upang kanilang maging Hari kahit na sila’y hindi karapatdapat (Romans 8:1-4). Ito ang matuwid na Hari, na nagpanumbalik sa pagkapari, ay nananalangin sa Manlilikha para sa buhay ( Hebrews7:23-26). At habang ang kanilang haring tagapagligtas ay nakikipag usap sa Diyos sa gabi, ang mga kawal ay nakatayo, nagmamasid, handa.
Kaginsa ginsa, mula sa bibig ng isang propeta ay dumating ang salita ng kaligtasan, “Hindi siya makakapunta sa siyudad na ito.” Ang digmaan ay hindi pinagwawagihan ng isang tao-paano ito magiging posible na laban sa isang malakas na mandirigma ? Hindi- ang tagumpay ay hindi mapapawalang saysay na ito’y bunga ng lakas ng kalangitan ( Romans 8:31-39). Sa kalaliman ng gabi, habàng ang pader ay napapaligiran ng mga nagmamasid na kawal, at ang siyudad ay natutulog na may kalungkutan, ang anghel ng Panginoon ay hinampas ang masamang kaaway. Ang mga hukbo, mabuti at masama, ay nagising na ang digmaan ay nag wakas na. Ito ang tanging pagkatalo na nakita ng nakakatakot na hukbo sa panahon ng kanilang pananakop. Pinabayaan ng Diyos ang kaaway sa kanilang unang mga pananakop, nguni’t ngayon, sa Kanyang Kapangyarihan at Kaluwalhatian, ang Diyos ay iniligtas ang Kanyang banal na siyudad- para sa Kanya at sa lahi ni David ! Ang kaaway ay lumisan nang may kahihiyan sa kadiliman, nauunawaan ang kanyang kalaban ! (2 Peter 2:4-10). Sila ay natalo at pinalayas sa harapan ng Panginoon.
Ngayon, ang bundok ng Zion, ang siyudad na itinayo sa ibabaw ng burol. ay patuloy na magiging sagisag sa lahat- sa matuwid at masama ( Matthew 5:14-16 ). Dati na ginawang pain ng mga kaaway upang ipakita ang pagkamuhi sa hari, ang mga kawal ngayon ay ilaw ng mundo ! Dati ay mga alipin ng takot at kamatayan, ang mga mamamayan ng Zion ay nakikisalo sa Kaluwalhatian ng Hari ! (Romans 8: 15-17). Sila ang mga patunay ng buhay na Diyos at ang Kanyang tagumpay !(1Corinthians 15:54-58). At ngayon, habang ang bagong araw ay nagliliwanag, tayong mga kawal ay nakatayo, nagmamasid,naghihintay, tinubos. ( Hebrews 12: 22-24 ).