Manalangin Tulad ng Isang Bata
by Jennifer Kinnison
Noong nakalipas na ilang buwan nang patutulugin ang aming mga anak, ang panganay kong anak na lalaki na limang taon noon, ay mayroong hindi magandang araw. Maraming magulang ang nakakaranas noon (malimit na nais kong tanggapin). Ako at ang aking asawa ay nagpatay na ng ilaw, at habang kami ay papalabas ng silid, ay narinig namin ang kanyang sinabi, “Dear God, tulungan mo po ako na huwag maging masungit bukas.”
Kami ay nagbungis ngisan sa narinig naming panalangin, nguni’t ngayon, na habang iniisip ko ang damdamin makalipas ang ilang buwan, ako ay lubos na ipinagmamalaki ko ang aking anak. Kinikilala niya kung ano ang mangyayari, at ano ang kanyang agad agad na tugon? Ang manalangin sa Diyos at humingi ng Kanyang tulong. Sa panahong iyon, dumalangin ako sa Diyos na maging tulad ng aking anak at agad na tumungo sa Kanya sa panalangin, kahit na walang kabuluhan ang aking pagkabahala sa panahong iyon.
Ang eksenang nabanggit ay nagbigay sa akin ng pag iisip... kung gaano kayaman ang aking buhay sa pananalangin kung ako ay nananalangin tulad ng isang bata? Ito ay isang alituntunin sa Biblia, na narinig natin kay Hesus sa Mateo18- “Sinasabi Ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbago at maging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo mapapabilang sa kaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ay siyang pinakadakila sa lahat ng kabilang sa kaharian ng Diyos” (Mateo18: 3-4).Madalas nating marinig ang salitang “child-like faith”, o pananampalataya tulad ng isang bata sa ating buhay, nguni’t paano ba ito isasagawa sa aking pang araw araw na panalangin?
Kung tayo ay pumaparoon sa Diyos upang manalangin, manalangin tayo tulad ng isang bata, manalangin tayo kung ano ang nasa ating isipan. Ito ba ay isang pakikipag usap nang walang kabuluhan? Minasdan mo ba ang paglubog ng araw habang ikaw ay nagmamaneho? Kung ano man ang nasa isip mo sa oras na iyon, itaas mo sa Diyos! Tulad ng mga magulang ng mga bata, narinig natin ang lahat ng uri ng nakakatawang mga bagay na ang mga bata ay nagpapasalamat sa Diyos- simula sa pagkain nila ng chicken nuggets nang nakaraang sampung araw hanggang sa kanilang bagong Spiderman na kasuotang panloob. At habang nakakatuwa na marinig ito, ito ay nagkakaloob ng kaalaman na sila’y lumalaki na may pusong marunong magpasalamat.
Isang paraan ng pananalangin tulad ng isang bata ay humiling sa Diyos ng imposible. Narinig mo na ba ang isang bata ay humiling sa Diyos na pumunta sa kalawakan (space), o isang bagay na maaaring imposible? Bakit hindi ka humingi sa Diyos kung ano ang nasa iyong puso, kahit na tingin mo ay imposible? Kahit na makahanap ng bagong trabaho na inaakala natin na hindi tayo karapat dapat,o pagalingin ang isang tao na may maramdaman na walang lunas, na tulad ng sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad, at ng anghel kay Maria, walang imposible sa Diyos (Mateo 19:26, Lukas 1:37). At sinabi pa Niya, “Kung mananatili kayo sa Akin at ang mga salita Ko ay mananatili sa inyo, ipagkakaloob Ko ang anumang hilingin ninyo” (Juan 15:7).
Isa pang paraan na ipinapakita ng mga bata kung paano manalangin ay ang kapayakan ng kanilang pagdarasal. Sila ay nananalangin kung ano ang nasa kanilang puso, at iyon lamang. Iniisip kong madalas, na tayo ay nananalangin nang walang kabuluhang mga salita, at iniisip na ang panalangin ay maging pormal na pakikipag usap sa Diyos. Samantalang kung mayroon mang oras at panahon sa ganitong kalagayan, hindi ito ang hinihingi ng Diyos. Hinihingi Niya na “Lagi kayong magalak, laging manalangin at magpasalamat kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo na mga nakay Kristo (1 Thessalonians 5:16-18).
At sa buong sanlinggong ito, ay binibigyan ko kayo ng lakas ng loob na ingatan sa inyong isip at manalangin tulad ng isang bata. Manalangin nang payak. Manalangin kung ako ang nasa inyong puso. Patuloy na manalangin. At nawa’y pagpalain tayong lahat ng Diyos !