Palaging Manalangin
by Devan Becker
Mula ulo hanggang paa sa buong kalasag ng Diyos, mga minamahal na kapatid na babae, tumayo nang matatag, malakas at puno ng katapangan na harapin ang walang katiyakan na araw. Sa Efeso 6:17, hinikayat tayo ni Pablo na dalhin ang espadang ng Espiritu, ang Salita ng Diyos, at sa talata 18, binigyan niya tayo ng isa pang sandata- ang panalangin. “Palaging manalangin...”, “Manalangin sa lahat ng oras”, “lahat ng panalangin,” “patuloy na manalangin “ —iba’t ibang salin ng mga salita na nagpapahayag ng kung paano ang salita ng Diyos ay inihahanda tayo sa gawain.
Paano ito makikita sa kinagawian sa pang araw araw at pansariling buhay? Ano ang susi sa pagtatatag ng “manalanging madalas” ay patuloy na maging bahagi ng ating buhay araw araw?
Una sa lahat, ang ating panalangin ay dapat nakatuon sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang Diyos ang nasa gitna ng ating buhay panalangin. Ang panalangin ay tungkol sa Diyos at hindi sa atin. Kailangan natin gawing mabuti ang tungkol sa kung ano ang ginawa ng Diyos para sa atin at hindi ang kung ano ang gagawin ng Diyos para sa atin. Kailangan nating pag samahin ang papuri sa Kanya at manalangin nang buong puso nang higit sa ating isip. Ang Diyos sa Kanyang buong kamalayan, ay kilala ang ating puso, at nais Niya na marinig mula sa kaibuturan ng ating puso ang pasasalamat, mga takot at mga minimithi. Ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang panalangin upang makipag usap sa Kanya, at buksan ang biyayang ito sa ating buhay araw araw.
Ang walang pagbabago, hindi pabago bagong saloobin tungkol sa panalangin ay nangangahulugan ng paghanap ng paraan ng “palaging pananalangin” sa araw araw. Simula sa paggising sa umaga, ay magsisimula tayo sa panalangin ng pasasalamat sa Kanyang kaluwalhatian. Ang panalangin ang una at pinakamabuting paraan sa pagsisimula ng ating araw. Hindi ito dapat na maging huling hantungan. Sa Jeremiah 10:10, sinasabi na kailangan nating papurihan ang Diyos “ Sapagkat ang Panginoon ang tunay na Diyos. Siya ang buhay na Diyos at walang hanggang Hari” na tapat sa Kanyang mga pangako. Ipahintulot natin na ang Diyos ang espongha na magdadala ng lahat ng pangamba at payagan ang Diyos na magbago ng iyong pananaw upang sundin ang Kanyang kalooban. Sa tuwirang pagsasalita, ang maagang pananalangin ay maaaring gawin bago pa tumapak ang iyong paa sa sahig, sa iyong paliligo at sa umagang paglalakbay. Ang Diyos na nasa lahat ng dako ay maririnig ka.
Ang pagkilala ng ating mga kasalanan at paghingi ng kapatawaran ay bahagi rin pananalangin nang madalas sa ating kaisipan. Ikaw ba ay nagsisikap na makita ang kabutihan sa isang tao? Sa halip na ipakita ang ating kabiguan, manalangin tayo na mahalin sila kahit na makita ang kamalian o kasalanan sa kanilang buhay. Kung lagi mo silang naisip, ipanalangin mo sila nang madalas. Ano ang nag uudyok upang isipin sila? Kung ito ay mahahawakan, gamitin ito upang ipaalala sa iyo na ipanalangin sila.
Ito ay magagawa rin nang maayos sa ating buhay. May kasalanan ba sa iyong buhay na nais mong pagtagumpayan? Pahintulutan mo na ang pagsubok na ito ay magbigay ng kabutihan sa halip na kasamaan. Ito ay nagbibigay ng ibang pananaw sa ating pang araw araw na pananalangin- namamagitan, paghingi sa Diyos na gumawa sa buhay ng ibang tao. Halimbawa, kung ako ay bumili ng set ng mga kutsilyo, ay naaalala ko ang lalaking binilhan ko nito at siya’y ipinagdadasal ko. Ginagamit ko ang mga kutsilyong ito sa aking kusina, at siya’y ipinanalangin ko nang madalas.
Ang “palaging pananalangin” ay nagsisimula sa pagbibigay ng kaluwalhatian sa Kanya. Ang Diyos ay higit na malaki kaysa sa mga hadlang na ating kinakaharap, at pinagkalooban Niya tayo ng malakas na kasangkapan ng panalangin upang makipag usap sa Kanya. Papurihan natin Siya sa pag tulong Niya sa atin na talunin si Satanas at punuin ang ating mga puso ng kagalakan. Maaari tayong maging mandirigma na “palaging nananalangin.” Ang Diyos ay nakikinig sa ating mga panalangin, at ang Kanyang tagumpay ay tiyak. Bigyan natin ng puwang ang ating mga puso na patuloy na humanap ng mga paraan na magkaroon ng kaisipan ng pananalangin sa lahat ng araw ng ating buhay.