Manalangin sa Lahat ng Oras

“Hindi lang iyan, gamitin ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Banal na Espiritu. At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu...” Ephesians 6: 16-18.

Ang panalangin ay ang madalas na pangunahing bagay na ang ating mga magulang at guro ng Biblia ay itinuturo sa atin kung paano tayo kumilos bilang Kristiyano. Ito ang pangunahing bagay na itinuturo sa atin na magpasalamat sa Diyos sa pagsasalo salo sa pagkain bilang pamilya o sa pag aaral ng Biblia at manalangin kung ano ang nasa isip natin sa araw na iyon.

Nguni’t ano ba ang panalangin? Ito ba ay pinag isipan mo? Sa madaling salita, ang panalangin ay pakikipag usap sa Diyos. Ang diksiyunaryo o talatinigan ay binibigyan ng kahulugan ang panalangin na “isang pakikipag usap o pagluhog sa Diyos sa salita o pag iisip. Ito ay pakikipag usap sa ating Diyos, ang Maylikha ng Daigdig. Isang malaking tanging karapatan na isipin na hindi natin binibigyan ng pansin sapagkat ito ay ating ginagawa simula sa ating pagkabata.

Ngayon, bakit ang panalangin ay binanggit sa mga talata ukol sa pananggalang ng Diyos? Naniniwala ako na dahil ang ating buhay panalangin ay bahagi ng ating pananggalang. Ito ay tumutulong sa atin na maging matatag sa Panginoon. Hindi ka magkakaroon ng pakikipag ugnayan sa kapwa kung hindi ka nakikipag usap sa kanila. Ito ay katulad ng ating buhay panalangin.

Pansinin kung paano ang bawat bahagi ng pananggalang ay nagsisimula sa kilos(action verb).

“ Kaya GAMITIN ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos, para sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag. Kaya maging HANDA kayo. GAWIN ninyong sinturon ang katotohanan. ISUOT ninyo ang pagka matuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. ISUOT ninyo bilang sapatos ang PAGIGING HANDA sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. Hindi lang iyan, GAMITIN ninyo bilang panangga ang pananampalataya

ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. ISUOT ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob sa inyo ng Banal na Espiritu. At MANALANGIN kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu.”

Ephesians 6: 13-18

Ang panalangin ay pagkilos na dapat nating gawin. Madalas na sinasabi sa Biblia na ang panalangin at buhay panalangin ay tatak ng isang Kristiyano.

“ Magpakasigasig kayo sa pananalangin nang may pasasalamat, at habang nananalangin kayo ingatan ninyo ang pag iisip ninyo “ ( Colossians 4:2 ).

“Lagi kayong magalak, laging manalangin, at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari,dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo na mga nakay Kristo Hesus”

( 1 Thessalonians 5:16-18 ).

Tunghayan natin ang ilan sa mga halimbawa ng panalangin mula sa Biblia, at kung ano ang ipinakikita sa atin :

* Ang panalangin ni Hannah para sa isang anak. Sinasabi sa 1Samuel 1:10,15, na siya’y nanalangin sa Panginoon nang buong paghihinagpis ng kaluluwa at tumangis na mainam.

Ang damdaming iyon ay ating nadama sa isang bahagi ng ating buhay- na may nais kang makamit at ikaw ay tumangis nang buong kaluluwa sa Diyos.

* Ang panalangin ni Maria nang malaman niya na siya’y nagdadalantao. Siya ay nagulumihan sapagkat siya’y walang asawa, nguni’t nakita natin ang isa sa mga pinakamagandang panalangin sa Panginoon, nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat nilingap Niya ang kababaan ng Kanyang alipin. Luke 1: 46-55

* Humingi ng panalangin si Esther bago siya humarap sa Hari. Nauunawaan niya na kailangan niya ang panalangin ng ibang tao, kaya hiningi niya ang panalangin ng buong siyudad para sa kanyang sarili. (Esther 4:15-16)

* Ang panalangin ni Hagar nang kawalang pag asa. Si Hagar ay umiyak at nanalangin sa Diyos nang siya at ang kanyang anak ay pinalayas at nagpunta sa ilang, at alam niya na Ito ay nangangahulugan ng kamatayan para sa kanya at sa kanyang anak, at siya’y narinig ng Diyos na mula sa langit (Genesis 21:15-19 ).

* Ang panalangin ni Hesus sa halamanan. Bago dumating ang alam Niyang pinakamahirap na darating sa Kanya, humingi si Hesus ng tulong s Diyos- at ang Diyos ay nagpadala ng anghel upang palakasin Siya ( Luke 22:43 ).

* Ang panalangin ni Solomon ng karunungan. Nang maging hari si Solomon, alam niya kung gaano niya kailangan ang karunungan upang mamuno nang maayos, at ang karunungang iyon ay ang Diyos ang nagkaloob ( 1Kings 3:7-9 ).

* Ang panalangin ni David ng kapatawaran. Ang maraming panalangin ni David para sa kapatawaran ng kanyang pinaka tanyag na kasalanan ay nakatala sa Aklat ng mga Awit, nguni’t ang aking paborito ay ang Awit 51:10, kung saan siya’y nagmakaawa na likhain siya ng Diyos ng malinis na puso at bigyan ng bagong Espiritu na matapat.

* Ang panalangin ni Jonah ng kaligtasan. Si Jonah ay nanalangin sa ilalim ng kawalang pag asa, at siya’y dininig ng Diyos ( Jonah 2:1-9 ).

Ilan lamang ito sa mga halimbawa ng panalangin na matatagpuan sa Biblia, at ito’y nagbibigay sa palagay ko ng tamang saloobin. Na tayo’y dapat na manalangin Sa LAHAT ng oras- kahit na ano ang ating pinagdadaanan. Nais ng Diyos na marinig iyon. Nais Niya na alalahanin natin na isama Siya sa ating buhay, at nais Niya na magtungo tayo sa Kanya para sa tulong at patnubay.

Tatapusin ko ang aking artikulo sa isa sa mga paborito kong pangungusap ni C.S.Lewis.

“ I pray because I’m helpless. I pray because the need flows out of me all the time, waking and sleeping. It doesn’t change God. It changes me.”

“ Ako ay nananalangin sapagkat ako ay walang magawa para sa aking sarili. Ako ay nananalangin sapagkat ang pangangailangan ay dumadaloy sa labas ng aking sarili sa lahat ng oras, gising man o tulog. Hindi ito nagpapabago sa Diyos. Ito ay nagpapabago sa akin.”

Previous
Previous

Palaging Manalangin

Next
Next

Pangasiwaan nang Maayos ang Espada ng Espiritu