Pangasiwaan nang Maayos ang Espada ng Espiritu

Wielding the Sword of the Spirit. By Sonja Winburn 

“ Sapagkat maliliwanagan ang lahat ng naabot ng liwanag ng katotohanan... Kaya mag ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang, kundi tulad ng marunong na nakakaalam ng kalooban ng Diyos “( Efeso 5:13-17 ).

“ Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Banal na Espiritu. At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu. Ipanalangin ninyo ang dapat na ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na sa lahat ng pinabanal. Ipanalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako, na bigyan ako ng Diyos ng wastong pananalita para maipahayg ko nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon ( Efeso 6: 17-19 ). Ano ang nakikita mo sa iyong pag iisip kung iniisip mo ang paghawak ng espada? Ito ba ang karapatdapat na mga kawal na nakasuot ng baluting bakal na sumusugod nang harapan sa mga kaaway na may katiyakan at may mahabang sandata, na kamukha ng mga Kristiyanong mandirigma mula sa sina unang siglo? Ang gayong kathang isip ay pangkaraniwan; gayunman, ito madaling magdala sa maling kaisipan tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng pagdadala ng Salita ng Diyos na ating mabisang espada.

Ang sinumang tapat na mag aaral ng Biblia ay dapat na pag isipan ang bawat kabuuan ng Biblia na para sa mga sina unang nakikinig bago nila subukin na palawakin ang kahulugan at pagsasagawa ng mga bahagi sa kasalukuyang panahon at kultura. Sa kabuuan ang paglalarawan ay maaaring maunawaan na magkaiba ayon sa panahon at lugar. Samakatuwid, ang pang unawa na sinuman at anumang oras na nagbabasa ng sulat ng iba ay ang unang hakbang sa paghawak ng “Salita.” Lahat ng pagsasagawa ng pangkasalukuyang pangyayari ay kailangan suriing mabuti.

Sa paggamit nang maayos na pagpapahayag ng Salita ng Diyos, maraming aral ang makukuha sa tamang pag unawa sa inilalarawan ng digmaang espirituwal. Ang salitang “wield” ay nangangahulugan ng tamang paghawak ng sandata sa mabisang paraan. Ang espada o “machaira” sa Griego, ay maaaring pananggalang na sandata gamit sa harap harapang pakikipagtunggali sa kaaway. Ito ay parang matalas at matulis na bagay gamit sa pananaksak. Ito ay nangangahulugan din ng malaking kutsilyo na ginagamit sa pag hiwa ng laman ng maliliit na hayop. Sa kabuuan ng Efeso 6, ang espada ng Espiritu ay ang “Salita ng Diyos “, na tumutukoy sa nakasulat na Salita sa kasulatan. Sa 2 Timoteo 3:16, matutunan natin na ang Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, o theopneustos sa Griego.

Ang paghawak ng espada ng Espiritu, ay ang paggamit ng isip ng Diyos upang pangalagaan ang tao mula sa walang diyos o masamang panghihikayat kung sila’y malapit sa isang espirituwal na panganib. Sa dako pa roon, ang pagsasagawa ng karunungan ng Espiritu ay magagawa sa isang mabisang paraan upang maipahayag ang liwanag. Nasaan ang larangan ng digmaan? Ang wastong larawan ay sangkot ang Espiritu ng Diyos na nakikipagtunggali sa puso ng isang nilalang kung saan ang itinanim na Salita ay magagamit na malakas na sandata. Kung paano maunawaan ito, ang kabuuan ay mayroong malaking halaga sa pagpapaunlad ng tagumpay na may kaugnayan sa kakayahan ng isang tao na “ mapag labanan ang mundo” sa kanilang buhay.

Sa 1Juan 2:16, “ang mundo” ay nangangahulugan ng lahat ng kamunduhan, ang masasamang hilig sa laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata at anumang pagyayabang sa buhay. Ang panlabas na nakikita sa ating matagumpay na pangkaloobang pakikipagtunggali laban sa kadiliman ay nagbibigay ng kalakasan at liwanag na mag abuloy sa panloob na paglago sa

 isang malapit sa atin. Ang isip ng Diyos ay maaaring tusukin at hiwain ang puso nang mabilis. Ang resulta ay wasak na maling pagtatalo laban sa mga prinsipyo ng Diyos na binigyan ng katuturan at pinatotohanan kay Kristo.

Sa mga unang talata, si Pablo ay nagbigay ng pagkakaiba sa kanyang paggamit ng masiglang Salita bilang alagad at sa pansariling paggamit na Salita. Si Pablo , sa pamamagitan ni Kristo, ay tiyak na inaalis ang takip ng makalangit na hiwaga, samantalang ang pinabanal ay kinukuha ang kaalaman para sa kanilang puso at pinahihintulutan ang Diyos na padaliin ang pagbabago mula sa kamatayan patungo sa buhay. Ang tamang paghawak ng aral ng Diyos sa espiritu ng tao ay nagkakaloob ng bagong katangian at damdamin , upang maging bagong tao. Sila ay nagpapakita ng pagbabago sa buhay na nakapagdadala ng mga tao sa Diyos. Ang Diyos ang laging tumatanggap ng kaluwalhatian kung ang Kanyang Salita ay ipinatutupad nang maayos.

Si Pablo ay ginagamit din ang kapangyarihan ng panalangin. Sa Efeso 3: 16-20, mayroong halimbawa kung paano humingi ng tulong ng Diyos. Sa isang bahagi, si Pablo ay nanalangin” Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan Niya ay palakasin Niya ang espirituwal ninyong pamumuhay sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu para manahan si Kristo sa mga puso ninyo dahil sa inyong pananampalataya.” Ang pagpapatibay na paraang ito at bunga ay nagpapakita ng liwanag ng Diyos.

Kung ang pinabanal ay minamasdan ang paggamit nila ng nakasulat na Salita sa ganitong paraan, nakikita nila ang tungkulin at paggamit ng Salita ng Diyos sa magkaibang paraan mula sa isang tao na ginagamit na pisikal na sandata sa digmaan. Ang kaibahan ay ang digmaan ay pinaglalabanan sa isip. Ang Salita ay nagiging kasangkapan para sa sariling pagbabago at karagdagan sa espirituwal na pagtatanggol. Ang lahat ng aral ay inilalapat muna sa kanilang sarili, at hindi iniisip kung ano ang magiging bunga nito sa iba. Anumang panlabas na bunga sa mga pangyayari ay makikita na isang bunga na gawa ng Espiritu sa kanilang puso.

Paano makikita ang pagdadala ng espada ng Espiritu ngayon? Ang sinuman na hawak ang espada at nakasuot ang helmet ng kaligtasan ay magkakaroon ng makatuwirang puso. Tulad ni Hesus sa harap ng mga nagbibintang sa Kanya, malalaman nila kung kailan magsasalita at kailan hindi magsasalita. Ang kanilang mga sagot ay tuwid at gumagawa ng kakaibang pagbabago sa lahat ng bagay. Sila ay nagtataglay ng katatagan at nagbibigay ng kapayapaan na nakikita ng ibang tao. Ang bawat pagninilay nilay ay ginagawa sa pamamagitan ng liwanag na galing sa Biblia sa halip na mula sa sekular na pag tingin.

Kung sila’y sinasalakay, ay hindi sila sumasagot. Kinikilala nila na sila’y mga mamamayan ng kaharian na hindi dito sa mundo. Kung nakatatagpo sila ng hikayat ng mga walang kinikilalang diyos sa kanilang kaalaman, nakikita nila ang pagkakataon na labanan ang masama sa ilang maliit na antas ng kanilang buhay habang ipinauubaya sa Diyos ang paglago. Hindi nila isinisisi sa iba ang parehong pananagutan na nararamdaman nila para sa kanilang sarili sapagkat nalalaman nila na may iba’t ibang katangian at mga pangyayari ang mga tao.

Ang mahalaga, ang pagkakaroon ng pananampalataya, sila ay nakatitiyak na makakaya ang pagiging iba. Ito ay sa dahilan na nakikita nila ang totoo na hindi nakikita ng mga humahawak sa makataong kaisipan. Ang mga layunin at bunga ng kilos at galaw ng kanilang matapang na puso ay ginagamit araw araw ang mga pagkakataon na paunlarin ang sarili at magkaloob sa iba na lumalaban sa mabuting laban ng pananampalataya !

Previous
Previous

Manalangin sa Lahat ng Oras

Next
Next

Ang Espadang Magkabila ang Talim