Ang Espadang Magkabila ang Talim

Ang huling piraso ng pananggalang na inilalarawan ay ang tanging piraso na nakakasugat sa talaan- ang espada ng Espiritu- ang salita ng Diyos. Ang espada na maiisip natin na nagbabasa ng Sulat sa mga taga Efeso ay ang espada ng mga Romano na tinatawag na Gladius. Ang espadang ito ay maikli na ang magkabilang gilid ay pinatalas at mayroong matulis na dulo. Ito ay kilala na nagbibigay ng malakas na saksak at kahanga hangang matalas na gilid.

Kung ikaw ay sumapi sa Hukbong Sandatahan ngayon, ay hindi ka nila ipadadala agad sa digmaan. Ikaw ay mangangailangan na pumunta sa bootcamp o pagsasanay. Tulad din ng pagsapi sa hukbo ng mga Romano, ay mayroong apat na buwan na pagsasanay na kasama ang paghawak ng sandata. Kailangan mong matutunan ang wastong paghawak ng sandata bago ka ipadala sa digmaan.

Nang tayo’y sumapi sa Hukbo ng Panginoon, tayo ay papunta sa isang labanan at bilang nasa labanan ay nangangailangan ng isang nakasusugat na kasangkapan. Gayunman, sa maraming paraan, ang karunungan ng Diyos ay tunay na salungat sa ating karunungan, at ang kabaliktaran ay bago natin gamitin nang tumpak ang espadang ito laban sa ating espirituwal na kaaway, ito ay kailangan nating gamitin sa ating sarili. Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad sa Juan 12:24-25, na upang mamunga, kailangan nating mamatay. Inulit ni Pablo ang kaisipang ito sa Efeso 4:22-23, nang sinabi niya na iwanan ang lumang pagkatao at magbihis nang panibago. Sa ibang salita, kailangan nating ibaling ang espada sa ating lumang katauhan.

Nabasa natin na ang nasa digmaan ay nabubuwal sa kanilang sandata—na lubhang nasugatan, ay inililigtas ang sariling kayabangan (1Samuel 31:4 ). Ito ba ang nais kong ipakahulugan? Hindi, ito ang pagtatangka na iligtas ang ating pagpapahalaga sa ating sarili- at hindi ito ang operasyon na Ating magagawa- sa halip ay ang ginagawa ng Diyos para sa atin na mayroon tayong pagsang ayon. Sa Hebrew 4:12-13, ay mababasa natin ang salita ng Diyos: “ Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwa at espiritu, at hanggang sa kasu kasuan at kaloob looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao. Walang makapagtatago sa Diyos at lantad sa paningin Niya ang lahat, at sa Kanya kayo mananagot.”Sinabi sa atin na ang salita ng Diyos ay tumatagos hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at katawan. Ano ba ang tunay na kahulugan nito? Habang nabubuhay tayo sa daigdig ay hindi mapaghihiwalay ang dalawang ito. Ang ating kaluluwa ay nakapaloob sa ating pisikal na katawan. Ang kasalanan ay nakikita sa pisikal nguni’t ang kaluluwa ay naaapektuhan. Ang salita ng Diyos ay kasangkapan upang alisin ang kanser ng kasalanan sa ating kaluluwa.

Sinasabi sa Kawikaan 27:6, “Ang masakit na pagsaway ng isang kaibigan ay may katuturan, nguni’t ang halik ng kaaway ay hindi maaasahan.” Tunay, ito ay makikita sa ating pisikal na mga kaibigan at mga kaaway. Gayunman, ito ay tiyak na totoo sa ating pinakamabuting espirituwal na kaibigan- ang ating Tagapagligtas at Panginoon at ang ating pinakamasamang espirituwal na kaaway- si Satanas. Makikita mo na, tulad ng siruhano na mag oopera sa atin upang gumaling tayo, ang salita ng Diyos kung minsan ay nakagagawa ng malalim na sulat. Nguni’t ito’y mga tapat na sugat na ang pakay ay pagalingin tayo at itama tayo. Sa Ezekiel 36:26, ang Diyos ay nangako na bibigyan tayo ng bagong puso. Nguni’t ito’y nangangailangan ng paglalagay ng bagong puso, at ito’y nangangailangan ng pagpayag na sumailalim sa ganitong operasyon.

Samantala, ang ating kaaway na si Satanas, ay nais ang mga “halik”. Siya ay nagpapanggap na kaibigan at bumubulong sa mapayapang tinig na “karapatdapat ka dito” at “hindi naman iyan napakasama” o “hindi ka katulad ni...”. Ang mga salitang ito ay parang galing sa kaibigan, nguni’t nagpadala sa iyo sa kamatayan. Hindi ito mga salita na nakakasugat at sa halip ay lalong lumalala ang kanser.

Si C.S.Lewis ay nagsulat ng isang magandang paglalarawan ng ganitong paraan sa kanyang aklat na The Voyage of the Dawn Treader. Mayroon isang makasarili at malupit na pinsan na ang pangalan ay Eustace na bahagi ng kuwento. Sa kabuuan ng mga pangyayari na kasama ang pagtira sa masakim at mapaghiganting pag iisip, siya ay naging dragon. Siya ay natatakot na siya ay titigil sa malungkot na kalagayan sa buhay, nguni’t dumating si Aslan sa eksena at dinala siya sa hukay ng tubig at sinabi na maghubad siya at tumalon sa tubig. Sa wakas, naisip ni Eustace na ang paghuhubad ay nangangahulugan ng pag aalis ng balat ng dragon, at nagsikap nang maraming ulit na alisin nguni’t hindi niya magawang mag isa. Sinabi ni Aslan, “ Kailangan mo akong pumunta sa mas malalim.” Kailangan niyang sumang ayon kay Aslan upang alisin sa kanya sa pamamagitan nang napakasakit, nguni’t makapagpapanumbalik na paraan. Si Eustace, nang kanyang balikan ang kuwento ay sinabi niya “ Ang pinakaunang hiwa na ginawa niya ay napakalalim na akala ko ay nagpunta sa aking puso.” Ito ay maganda at nakalulungkot na eksena na naglalarawan ng operasyon na kailangan nating pagdaanan. Makikita- na tayo ang unang dapat na makaranas ng matalas na tusok ng salita ng Diyos. Kailangan nating sumunod sa paraan ng pag aalis ng napakalaking troso sa ating mga mata, palitan ang pusong bato, at mamatay upang mabuhay.

Ang isang kabaliktaran ng paraan na ito ay hindi lamang ang apat na buwang pagsasanay. Ito ay isang operasyon na kailangan nating sumailalim sa lahat ng araw ng ating buhay. Kailangan natin na tumingin sa Salita na magpapakita kung saan kailangan ang pagpapagaling at pagbabago. Tayo ay binalaan ni Hesus sa James 2:22-25, hindi dapat na tayo ay making lang, dapat tayong gumawa ayon sa ating narinig.

Sa simula ng talata sa mga kalasag ng Diyos, tiniyak ni Pablo na ito ang kalasag ng Diyos. Hindi ito ang kalasag na ginawa natin- ito ang pananggalang na buhat sa Diyos. At sinabi Niya kung sino ang kaaway- hindi pisikal na kaaway, kundi “ masasamang espiritu sa himpapawid.” Sa kaalamang ito, ang espirituwal na operasyon ay kailangan upang “makipaglaban sa kasamaan at pagkatapos ay manatiling matatag.” Ngayon ay tatanungin kita- Ikaw ba ay sumailalim na sa magkabilang talas ng espada? Pinapayagan mo ba na ang Salita ng Diyos ay baguhin ka upang maging kawal na tumatayo nang matatag? Nawa’y ang Salita ng Diyos ay manahan sa atin nang sagana upang hawakan nang tama ang espada ng Espiritu.

Previous
Previous

Pangasiwaan nang Maayos ang Espada ng Espiritu

Next
Next

Ang Pagdadala ng Espada