Ang Pagdadala ng Espada
On Handling the Sword by Lindsay Mast
Walang sinuman sa Peachtree Street ang naroon upang makinig ng pangangaral. Ang bangketa ay halos napupuno na nang ako, aking mga anak at mga kaibigan ay dumating sa Midtown, Atlanta, tatlong oras bago simulan ang parada upang ipagdiwang ang pagkakapanalo ng Atlanta Braves sa 2021 World Series Championship. Habang papalapit ang oras, patuloy na dumarami ang tao, na nakasuot ng pula at asul na damit at ang pila ay milya milya na ang inaabot.
Sa isang hiwalay na sulok malapit sa amin, dalawang lalaki ang nagsisimula nang maghanda at hindi tiyak na binigyan ng lisensya ng Major League Baseball. Ang mga lalaking ito ay hindi naroon upang ipagbunyi si Freddie Freeman. Sa halip, may dala silang megaphones at de- gulong na speakers at mga karatula na higit na mataas kaysa pulutong ng mga tao.
“ Magsisi.”
“ Ang Araw ng Paghuhukom ay Darating na.” “ Kilala Mo Ba Ang Diyos?”
Ang mga karatula ay nagtataglay ng mga mensahe buhat sa Biblia. Ang kanilang sinabi ay hindi mali, nguni’t sa pag daan nila sa pulutong ng mga tagahanga, ay mararamdaman mo na may pagbabago sa ihip ng hangin. Isang munting pagkainis sa pulutong. Sa isang banda, marami sa kanila ang nagsimula ng Braves’ chant at Tomahawk chop, upang hindi mangibabaw ang malakas na mikropono.
Bilang Kristiyano, ay mahirap itong masdan. Marami akong dapat na pag aralan sa pagiging marubdob at masigasig na tulad ng mga lalaking iyon na nangangaral sa lansangan. Nguni’t ang pulutong ng mga tao nayamot sa mga mensahe na alam kong totoo. Mga kaisipan na tunay na nasa Biblia. Mga salita na totoo, o nagtuturo sa katotohanan.
Bakit ?
Bakit ang ganitong malakas na mensahe kung ibinibigay ng walang personal na namamagitan, ay hinahadlangan? Ang mga lalaki bang ito ay matatapos ang araw na may isang tao na ipagkakaloob ang kanyang buhay sa Diyos? Hindi ko alam. Nguni’t ang aking nakikita ay ang mga taong ito ay ginagamit ang espada ng Espiritu- ang Salita ng Diyos ( Efeso 6:17 )- na isang nakasasakit na sandata laban sa mga tao. Kung walang pag uugnayan bago ito at walang matibay na layunin na susundin sa mga sugat na dapat gamutin at mapapatunayan kung gaano mo kailangan ang Panginoon, ang malakas na mga salitang ito ay hindi magiging makabuluhan.
Ang mga kabiguang ito ay mahirap na matulungan- ang isang naghihirap na kaluluwa- na maramdaman niya na ang mga katotohanang ito ay hindi personal na pagsalakay kundi ang pagtatangka na pangalagaan ang kanilang panghabang buhay na kapakanan. Nguni’t naka lulungkot, na ang ganitong pamamaraan ay hindi makapagdadala ng maraming tao patungo kay Kristo. Sa totoo, kung minsan ang kanilang mga gawa ay nagiging mahirap para sa pangangaral.
Sa dahilan na ang lakas ng espada ng Espiritu, ang Salita ng Diyos, kailangan nating magpatuloy na may pag iingat at pangangalaga. Marami sa atin ang hindi nangangaral sa lansangan, nguni’t matututo tayo sa kanila kung paano HINDI dadalhin ang espada. Sapagkat
madalas, kahit wala ang malakas na mikropono at karatula, ay lumalahok tayo sa parehong hindi patas na pakikipag laban sa mga taong nakakasalamuha. Sa halip na makapagdala ng tao kay Kristo, ay nakikipagtunggali pa tayo sa kanila.
Speaking the Truth in Love
Pagsasalita ng Katotohanan sa Pag ibig
Ang kabuuan ng Sandata ng Diyos ay isang nakawiwiling bagay, hindi ba? Nagtuturo tayo ng Biblia sa mga sabik na mga bata, at nais nating umawit ng “ The Battle Belongs to the Lord” at”I’m in the Lord’s Army.” Ang mga bagay na ito ay nagbibigay sigla at tunay na katiyakan na ang tagumpay ay nakamit na.
Nguni’t narito ang totoo. Malimit na inaakala natin ang masiglang damdamin na iyon sa lansangan ( o marahil sa internet )at magsimulang sigawan ang mga di kilalang tao tungkol sa kanilang kaluluwa. Nakakalimutan natin na hindi lahat ng tao ay kasama natin sa pananampalataya. Hindi lahat ay handa na sa pakikipagtunggali kay Satanas. At kung may isa o maraming karanasan sa espada na hindi mabuti, ito ay makakasugat nang mas magka iba kaysa sa talagang nais na isagawa.
Ang problema? May ugali tayo na hindi gamitin nang wasto ang espada laban sa mga tao sa halip na laban kay Satanas. Ang mga talata sa Efeso 6 ay tunay na tinatalakay ang digmaan natin laban kay Satanas, hindi sa tao na hindi alam na pinapayagan niya ang kanyang sarili na gamitin ni Satanas bilang pain. Maaaring maging masigasig sila na ibigay ang kanilang buhay sa Tagapagligtas, kung matututo lang sila na pagtiwalaan Siya, sumunod sa Kanya at dalhin ang kanyang espada. Sa halip, nananatili silang takot sa mga Kristiyano na lumalapit sa kanila na may ibang talata sa Biblia na hindi nila maunawaan.
Ilan sa mga maikling talata bago ang pagtukoy sa pananggalang, si Pablo ay hinikayat tayo na “magsalita ng katotohanan sa pag ibig” (Efeso 4:15). Hindi “nagsasalita ng katotohanan dahil sa kabiguan sa ating kultura.” O kaya’y “nagsasalita ng katotohanan upang mapagwagihan ang pagtatalo.” At sa pinakahuli, kailangan ba na “magsalita ng katotohanan na walang sasayangin?” Malimit na nais nating magsalita ng katotohanan sa mabilis na paraan, upang magawa lamang ang gawain ng pangangaral at bigyan ng marka ang isang kahon ng listahan ng”Christian To Do’s” sa araw na iyon.
Nguni’t ang pag ibig ay hindi mabunga.
Tunay, nagmamahal tayo ng kapwa kaluluwa agad agad. Nguni’t upang maipahayag ito, at papaniwalain ang isang tao, ay malimit na nakakabagot na gawain ito. Nguni’t Kung pag uukulan ng oras ang gawaing iyon, sila ay maniniwala sa ating taos pusong pagnanasa para sa kanilang kaligtasan kung saan ipinapakita natin ang tunay na sinasabi sa Biblia. At ang espada ay makagagawa ng makapangyarihan, ang hindi maipaliwanag na gawain na tusukin ang puso ng tao at ipinakikita sa atin kung paano tayo gagaling kaagad.
Wala tayong pagpipilian kung nais natin maglingkod tulad ng sinasabi ni Pablo. Hindi tayo mag sasalita ng Katotohanan na mag isa. Hindi natin maipapakita ang Pag ibig na mag isa. Kailangan humanap tayo ng daan para gawin ang dalawang ito, at hayaan ang Diyos na gumawa ng iba. Ilapag natin ang malakas na mikropono at speakers at buksan ang kamay sa mga nasasaktan na nangangailangan na malaman na tayo’y dumating na may pag ibig at katotohanan.
Salamat, Panginoon, sa espada ng Banal na Espiritu, ang Iyong Salita.
Ito ay nakagagawa ng mga bagay na hindi ko kaya. Ito ang tumusok
sa akin sa paraan na ayaw kong masaktan, nguni’t ito’y nagpapatunay
sa akin nang maraming ulit na ako’y mayroong Tagapagligtas na magbubuo
sa akin. Panginoon, bigyan Mo po ako ng pagtitiyaga at bigyan Mo po ako ng mga salita na sasabihin upang magdala ng mga tao sa Iyo upang gawin aming bahagi sa digmaan laban sa Masama. Sa pangalan ni Jesus, AMEN !