Panghabang Panahon na Bunga o Kahihinatnan

Matapos kong basahin ang kuwento ng buhay ni David sa aking pang araw araw na pagbabasa ng Biblia, nagsimula kong pag isipan ang panghabang buhay na bunga ng ating mga pagpapasya. Sa 2 Samuel 11, tayo ay ipinakilala sa isang kuwento na magbabago sa buhay ni David magpakailanman. Ito ay nagsimula sa isang maliit na pasya na manatili sa bahay mula sa digmaan. Sa katunayan, si David ay lumahok na sa maraming pakikipaglaban at tiyak ko na handa na siya para sa isang pamamahinga pagkatapos ng digmaan- nguni’t ang isang pasya na ito na pinili ang kalayawan ay maghahatid sa mahabang talaan ng bunga o kahihinatnan.

Habang si David ay naglalakad sa kanyang bubungan- ay nakita niya ang isang babae na naliligo. Sa halip na alisin niya ang tingin at kalimutan ang pangyayari- si David ay pinagtuunan ng pansin at ipinagtanong pa kung sino ang babaeng ito. Kahit nalaman niya na ito ay asawa ng isa sa kanyang magigiting na kawal, ay nagpasya pa siya na anyayahan ang babae upang sila’y magkita, at alam na natin ang wakas ng kuwentong ito. Gayunman, nais kong tumigil sumandali at tingnan ang matutuklasan sa ibang mga talata. Sa 2 Samuel 11:3, si Bathsheba ay anak ni Eliam. Sino si Eliam? Isa siya sa magigiting na mandirigma ni David, at sa 2 Samuel 23:34, sinasabi na ang magiting na mandirigmang si Eliam ay anak ni Ahithophel. Si Ahithophel ay isa sa mga pangunahing tagapayo ni David. Pag isipan natin ito nang bahagya. Natuklasan ni David na ang babae na nakita niyang naliligo ay ang asawa at anak ng dalawa sa kanyang magigiting na tauhan ( na nasa larangan ng digmaan Para sa Kanya ) at apo ng isa sa kanyang pangunahing tagapayo. Nguni’t ang pagnanasa ay nangibabaw at ang kanyang mga pasya ay nagsimulang gumuho.

Nang harapin ni Nathan si David dahil sa kanyang kasalanan, ibinigay niya kay David ang mensahe ng Diyos: “Kaya dahil sa ginawa mo, mula ngayon, palagi nang magkakaroon ng labanan at patayan sa pamilya mo, at dahil sinuway mo Ako at kinuha ang asawa ni Uriah upang maging iyong asawa.” Ito pa ang sinabi ng Panginoon: “ May isang miyembro ng sambahayan mo ang maghihimagsik laban sa iyo. Ibibigay Ko ang mga asawa mo sa taong iyon na hindi iba sa iyo at sisiping siya sa kanila na kitang kita ng mga tao. Ginawa mo ito nang lihim pero ang gagawin Ko’y makikita nang hayagan ng buong Israel” ( 2 Samuel 12:10-12 ).

Ang tanging hula na ito ay dumating sa isang gusot na paraan- ang isang anak ni David ( si Amnon ), ay pinagsamantalahan ang kapatid na si Tamar at nagkaroon ng pagkamuhi ang isang anak( si Absalom). Makalipas ang dalawang taon, si Absalom ay nag iinit ang kalooban at walang ginawa si David, kaya pinatay ni Absalom si Amnon at tumakas upang pangalagaan ang kanyang buhay. Makalipas ang ilang panahon, siya ay bumalik sa kaharian, at ang marupok na kapayapaan ang namagitan sa kanya at sa kanyang ama- nguni’t si Absalom ay nawalan ng paggalang sa kanyang ama, naniniwala siyang makagagawa ng mabuting tungkulin at pagkatapos ay naghimagsik upang makuha ang trono. Nakamamangha, sino ang isa sa mga nagkanulo kay David at pumanig kay Absalom? Siya ay si Ahithophel.

Hindi ko binibigyan ng katarungan ang ginawa ni Ahithophel, nguni’t ang kasaysayan ba ay nagbibigay ng kabuuan sa kanyang pasya? At ano ang unang payo ni Ahithophel kay Absalom? Sinabi niya na sipingan ang mga aliping asawa ng kanyang am na naiwan sa siyudad, at magtayo ng mga kubol sa bubungan upang ipakita sa Israel ang kanyang gagawin “(2 Samuel 16:20-23). Hindi ko tiyak na ito’y isang pagkakataon na ito ang payo ni Ahithophel.

Gayunman, ang payo ni Ahithophel ay hindi tinanggap, at pinili niya ang magpakamatay dahil alam niya na si Absalom ay hindi magwawagi. Ang buong kuwento ay totoong napakalungkot at nakapanghihina, nguni’t may aral sa atin. Ang ating mga pasya ay may panghabang panahon na bunga o kahihinatnan na maaaring TAON ang bilangin bago makita. Maaaring may mabuti at masamang kahihinatnan. Sa ganitong kalagayan ang isang bagay na maaaring maliit at pabuya sa lahat ng hirap ni David, ay nag dala sa ganap na pagkakawatak watak ng pamilya ni David ating walang katatagan sa buong bansa sa isang panahon.

Nawa’y masunod natin ang payo sa Kawikaan 2: 11-15 sa pagsasagawa ng ating mga pasya : 

“Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito. Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag ugali at sa mga taong nagsasalita ng masama. Pinili ng mga taong ito na iwanan ang magandang pag uugali at sumunod sa mga pamamaraan ng mga nasa kadiliman. Natutuwa sila sa paggawa ng masama at nasisiyahan sa mga kalikuan nito. Masama ang pag uugali nila at hindi matuwid ang kanilang pamumuhay.”

Previous
Previous

Ang Pagdadala ng Espada

Next
Next

Ang Kamangmangan ng Diyos