Ang Kamangmangan ng Diyos
Ang aking mga anak ay nag aaral sa isang paaralan na ginagamit ang huwaran ng sinaunang pagtuturo. Bagaman ito ay binibilang ng maraming bagay, ang isang tiyak ay ang pagbibigay diin sa klasiko o lumang literatura o panitikan. Sila ay nagbabasa ng lumang literatura tulad ng Iliad and Odyssey ni Homer, Aeneid ni Virgil, at ang Epic of Gilgamesh. Noong nagdaang mga taon, ako at ang aking kapatid, sa pag asang maunawaan kung ano ang pinag aaralan ng aming mga anak, ay sumapi sa isang pag aaral ng mga aklat, na pinangungunahan ng isang guro sa kanilang paaralan at binasa namin ang ilan sa mga aklat. Maraming bagay ang natutunan ko sa pag aaral na ito,nguni’t isa sa mga pinag iisipin ko ngayon ay kung ano ang kahulugan ng sinabi ni Pablo noong isinulat niya ang sumusunod sa 1 Corinto 1: 18- 25 :
“Ang mensahe ng pagkamatay ni Kristo sa krus ay kamangmangan sa mga napapahamak, nguni’t sa mga naliligtas, ito’y kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, ‘Sisirain Ko ang karunungan ng mga marurunong, at ipawawalang saysay Ko ang katalinuhan ng mga matatalino.’ Ano ngayon ang kabuluhan ng matatalino, ang mga tagapagturo ng kautusan at ng mahuhusay sa debate sa panahong ito? Hindi ba’t ipinakita ng Diyos na ang karunungan ng mundo ay kamangmangan? Sapagkat sa karunungan ng Diyos, hindi Niya pinahintulot na makilala Siya ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng mundong ito. Mas minabuti ng Diyos na iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa ipinangangaral na Magandang Balita, na ayon sa iba ay kamangmangan lamang. Ang mga Judio ay ayaw maniwala hangga’t walang nakikitang himala, at ang mga Griego naman ay humahanap ng sinasabi nilang karunungan. Nguni’t kami naman ay ipinangangaral ang Kristo na ipinako sa krus- bagay na hindi matanggap ng mga Judio, at isang kamangmangan para sa mga hindi Judio. Nguni’t para sa mga tinawag ng Diyos, Judio man o hindi, si Kristo ang siyang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Sapagkat ang inaakala ng tao na kamangmangan ng Diyos ay higit pa sa karunungan ng tao at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay higit pa sa kalakasan ng tao.”
Ang isa sa pangunahing bagay na natutunan ko sa klaseng ito na tayo, bilang nabubuhay sa ika dalawampu at isang siglo, ay hindi maaaring maunawaan kung paano ang sinaunang kultura ng mga hentil ay maramdaman ang “bulung bulungan ng mga kuwento” tungkol kay Hesus. Basahin ang mga tula ni Homer o ang Mythology ni Edith Hamilton at mauunawaan mo ang mga diyos ng sinaunang kultura. Tunay nga sila’y makapangyarihan, mapaghiganti at hindi maunawaan. Sila ang mga diyos na inihagis si Odysseus sa karagatan nang maraming taon dahil sa selos, nakisama sa mga babae at pinayagan ang kanilang mga diyosang asawa na gawin ang pareho sa mga babae (Zeus at Hera), o dukutin ang mga babae upang tumira sa kailaliman ng kalahating taon (Hades). Hindi ito ang mga diyos na makikipagtunggali ka at hindi sila mga diyos na masasabi mo na mapagpakumbaba.
At nagsimula ang bulung bulungan tungkol sa isang mahiwagang pangkat ng mga Judio. Ang pangkat na nananambahan sa isang Diyos lamang. Ang bulung bulungan na ang Diyos na ito ay isinilang bilang isang kaawa awang bata,- hindi isang batang hari, nguni’t isang bata na isinilang sa isang hindi kilalang pamilya, sa isang hindi kilalang pook sa mundo. At pangwakas ay pinayagan ang sarili na IPAKO. Basahin ang ilang kuwento ng mga ibang diyos at makikita mo ang tunay na larawan na mahirap na paniwalaang kahibangan na maririnig.
Makikita na, ang Kristong ipinako ay ang katitisurang bato sa mga Judio at kahibangan sa mga Hentil. Paano na ang magliligtas sa mga Judio ay papayag na ang Kanyang sarili ay patayin ng kaharian na dapat Niyang talunin? At para sa mga Hentil, anong uri ng diyos na papayag sa mga Romano na Siya’y patayin? Ang naunawaan ko na ako’y nabubuhay sa mundo kung saan ang pagpapako ay hindi binibigyan ng halaga bilang daan sa kaligtasan, ay hindi ko maunawaan at nakakagalit ang mga pangungusap noong panahong iyon.
Isa sa mga susi ng paksa sa Biblia ay ang Diyos ay kinuha ang karunungan ng tao at ito’y Kanyang binaliktad. Ang mga pinakabata ay binigyang halaga sa halip na matatanda, ang mga walang alam ay naging mga pinuno, ang mga mangingisda ay naging tagapagturo ng takbo ng mundo. Ang mga tao ay tumitingin sa kapangyarihan at kalakasan. HINDI ito ang mga katangian na hinahanap ng Diyos. Sa katunayan, sinabi Niya kay Samuel sa 1 Samuel 16:7, “Huwag mong tingnan ang tangkad at kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili Ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pag tingin ng tao. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na kaanyuan, nguni’t ang tinitingnan Ko ay ang puso.” Sa aking patuloy na pagtanda at tingnan kung paano ang mundo ay nakikita ang mga bagay, ay kinikilala ko na si Kristo ang kalakasan ng Diyos at ang karunungan ng Diyos, sapagkat ang kamangmangan ng Diyos ay higit kaysa karunungan ng tao, at ang kahinaan ng Diyos ay higit na malakas kaysa kalakasan ng tao.
At ako’y natutuwa na ang aking mga anak ay natutunan ang na ang mensaheng ito ay dumating sa sinaunang Roma- ito ay tunay na kamangmangan sa mga Hentil. Ako’y nagtitiwala na ito’y malalaman nila na maaaring gayun nga sa ibang mga tao, nguni’t ang kamangmangan ng Diyos ay higit sa karunungan ng tao, at ito lamang ang nag iisang Diyos na mapagkakatiwalaan, mamahalin at mapanghahawakan na ingatan ang Kanyang Salita.