Ang Taong Nais Kong Makilala — Nicodemus

Ang Taong Nais Kong Makilala — Nicodemus

Maraming mga tao na nabasa ko sa Banal na Aklat, na sa palagay ko ay nais kong makilala sila nang lubusan; ako ay nag iisip kung ano ang anyo nila, kung ano ang uri ng tahanan nila,

kung sino ang kanilang pamilya. Maraming mga ulat ang hindi natin alam habang binabasa natin ang mga nabuhay noong panahong iyon. Hindi ba kawili wili na makilala natin sila, kahit na kaunti lamang ang ulat sa kanilang buhay na nakita natin?

Isa si Nicodemus sa mga tao, na sa palagay ko ay nais kong makilala. Sapagkat siya’y matalino—nguni’t hindi napakatalino na makita ang Diyos. Sa dahilan na siya ay mahalaga at iginagalang—nguni’t hindi napakabuti na malaman na ito ay hindi sapat. Dahil sa alam niya kung ano ang iniisip ng kanyang kapwa pinuno — siya ay matapang na sinaliksik ang katotohanan. Sapagkat hindi niya tiyak kung sino si Hesus, nguni’t pinarangalan niya ng paggalang, dahil ito ang tumpak at makatuwirang tugon bilang isang matapat na nakakaunawa ng Kasulatan na ang Magliligtas ay dumating na

Nabasa natin si Nicodemus sa ebanghelyo ni Juan, at ako’y nagpapasalamat kay Juan na siya’y ipinakilala sa atin. Sa Juan 3:1-3, mababasa “May isang taong nagngangalang Nicodemus. Isa siya sa mga pinuno ng mga Judio at kabilang sa grupo ng mga Pariseo. Isang gabi pumunta siya kay Hesus, at sinabi ‘ Guro alam naming isa kayong tagapagturo na mula sa Diyos, dahil walang makagagawa ng mga himalang ginagawa Ninyo, maliban kung sumasa Kanya ang Diyos.’”

Si Nicodemus ay isa sa mga unang tao na may naitalang mahalagang pakikipag usap sa Panginoon noong nagsisimula ang Kanyang pagpapahayag ng Mabuting Balita. Maraming pag uusap kung baga ito ay naitala, at marahil ay nasaksihan ni Juan. Ang gabi na nakita ni Nicodemus si Hesus ay sa simula ng pagpapahayag ni Hesus, pagkatapos ng Kanyang bautismo. Si Hesus ay dumating sa kapitolyo at ikinalat ang mga nagtitinda sa templo, at ipina hayag ang Kanyang kapangyarihan sa mga pinuno ng bansa, sa mga pinuno ng templo at sa Kataastaasang Hukuman ng Israel.

Ang diin ng pagpapahayag ni Hesus sa mga pantas at mga pinuno ng politika sa Jerusalem ay malinaw na nasa ikatlo at ika apat na kapitulo ng Ebanghelyo ni Juan. Walang paraan na makita kung ilang mga Pariseo, mga kasapi ng Sanhedrin o namumuno ang nagpakita ng magkatulad na ugali ni Nicodemus; marahil ay ang kanyang kaibigan na si Joseph, noong gabi ng kamatayan ni Hesus.

Si Nicodemus ay tatlong ulit na binanggit ni Juan; noong siya ay naghanap ng tungkol kay Hesus sa Juan 3, noong siya ay nakipagtalo sa pakay ni Hesus sa asembliya ng Sanhedrin sa Juan 7, at noong buong tapang na tinulungan si Joseph ng Arimathea ( isa rin kasapi ng Sanhedrin), sa paghahanda sa katawan ni Hesus para sa paglilibing sa Juan 19. At sa tatlong ulat na ito, ay naunawaan natin nang higit ang taong ito— at alam ko na nais ko siyang makilala.

At sa kaayusan ng pagpapahayag, ang pag uusap sa Juan 3 ay naganap sa pagitan ng pagtawag sa mga mangingisda sa Galilea at ang pagtatagpo ng babaeng Samaritana sa Panginoon. Tayo ay buhat sa iba’t ibang pook, at mayroon tayong kultura na dapat pagtagumpayan. Tinimbang ni Nicodemus ang lahat ng kanyang nakita at narinig sa kapitolyo nang nagdaang mga araw. At sa ating nakita na, ang Panginoon ay dumating sa Jerusalem matapos ang Kanyang nakatalagang paglilingkod at bautismo upang linisin ang templo, ang sentro ng buhay ni Nicodemus araw araw. Si Nicodemus ay hindi nagpakita ng agad agad na

 pagtugon tulad ng mangingisda at babaeng Samaritana. Hindi natin tiyak kung kailan si Hesus ay nasa Jerusalem o kung ilang araw Siya tumigil bago nangyari ang pag dalaw ng gabing iyon. Nguni’t si Hesus ay narito na ng mahabang panahon upang maranasan ni Nicodemus ang mga senyales, mga kahanga hangang bagay at mga turo ni Hesus. Binigyan siya ng panahon upang isipin ang lahat ng alam niya tungkol sa Kasulatan, magnilay sa nga nangyari sa templo at kapitolyo sa nagdaang araw, at hangarin pa na malaman nang higit.

Gusto ko si Nicodemus bilang isa sa mga ilang pantas, isa sa mga ilang iginagalang na pinuno, isa sa mga tanyag na mamamayan ng bansa, na iniaalis ang sarili sa pang araw araw na balita ng kapitolyo. Gusto ko siya na pinahihintulutan ang sarili na saliksikin ang totoo kung kailan may pagkakataon na lumayo sa pagtatalo talo sa mensahe ng templo, lumayo sa makabagong kaisipan, malayo sa mga tanyag na hikayat ng akademya. Gusto ko siya sa pag kuha ng pansariling oras upang makita ang matino at makatuwirang tugon sa kanyang nakita at narinig at pag isipang mabuti. Gusto ko siya sa kanyang kababaang loob at sa dangal na kanyang ipinakita, hindi lamang sa di matutulan na lakas na kanyang nasaksihan,kundi para din sa mga propeta na minahal niya noong unang panahon.

Walang pag aalinlangan na gusto rin siya ni Hesus. Napakabuti ni Hesus na dalhin tayo sa ating patutunguhan. Si Hesus ay nakikipag usap sa isang pantas, at ang pantas na ito ay pagsasabihan na palawakin ang kanyang pang unawa at ang kanyang maalwang tiyak na kultura upang bigyan ng daan ang kaisipang espirituwal. Si Jesus ay dinala si Nicodemus sa kaharian sa talata 3: “ Sinasabi ko sa iyo ang totoo, hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos ang hindi ipinanganak sa pamamagitan ng tubig at Banal na Espiritu.” Ngayon, ang mga Judio ay nauunawaan ang bagong ugnayan ng Diyos at tao— at nauunawaan din nila ang pagpapa tawad ng kasalanan. Nguni’t ang Israel ay hindi naranasan ang ipinagkaloob ni Kristo, at sa gabing iyon, si Nicodemus ay sapilitan isa alang alang ang isang bago at babala sa kanyang buhay. Hindi niya naunawaan ang anyo ng espirituwal na pagbabago, ang espirituwal na kapanangakan, na unang kailangan sa pagbabago. Ito ang mensahe ng “kapanganakan mula sa itaas,” na kung hindi dumating si Hesus ay hindi mangyayari at hindi magiging makatotohanan.

Si Nicodemus ay mapipilitan sa mapagpalang gabing ito na suriin ang kanyang pagiging mamamayan sa kaharian na nagbibigay ng katuturan sa lahat ng bahagi ng kanyang buhay. Hindi sa dahilan na hindi niya nauunawaan kung paano ang tao ay maging iba, at sa pangwakas ay mag iba— sa kalagayan ng isang taong lumipat sa relihiyon ng mga Judio na hindi “ipinanganak na muli”, nguni’t namuhay na kabilang sa kaharian. Nguni’t paano ba ang tao ay iba upang mag iba? Ang ipanganak na muli ay hindi kaisipan ng pananampalataya ng mga Judio. Makakagawa ka kung ano ka noon, nguni’t hindi ka maipapanganak na muli, ang taong lumipat sa pananampalataya ng mga Judio, ay hindi kailanman na magiging bahagi ng angkan ni Abraham.

Si Nicodemus ay naging mapalad sa “kapanangakan” at siya ay muling sinabihan na suriin muli ang mga bagay na nagkakaloob ng kabutihan, kahinhawahan at paggalang sa kanyang buhay. Malimit nating pag usapan ang mahirap at kapos sa buhay sa Kasulatan, malimit nating banggitin ang mga may kaunti,ay binigyan ng marami at pagkatapos ay nagbigay naman ng labis. Nguni’t sa ating kultura at panahon, ay magiging kapakinabangan sa atin na isipin ang mga taong may labis,ay binigyan pa ng labis— at pagkatapos ay nagbigay din ng labis.

Gusto ko ang mga taong gayon, at kilala ko ang marami sa kanila—mga manggagamot, mga nagtuturo sa kolehiyo, mga abogado, mga inhenyero, mga pantas, mga guro—marami sa mga kapatid na lalaki at babae sa Panginoon Hesus. At si Hesus ay sasalubungin tayo kung saan man tayo, tulad ng ginawa kay Nicodemus. At kung tayo’y nasa kaharian, ipinanganak na muli upang maging bagong tao ng isang bagong pamilya at isang bagong mamamayan, ngayon tayo ay makapagbibigay ng labis. Kung minsan ang pagbibigay ay nakapagpapababa sa atin

 kung ang mundo ay itinataas tayo, kung ang edukasyon, tagumpay at kabutihan ay nagtutulak sa ating buhay. Kailangan natin, tulad ni Nicodemus, ay patigilin ang ingay, suriin ang salita, timbangin ang katotohanan at iwanan ang maalwang buhay. Marahil ay may pag aalala at maaaring may takot sa paraan na hinanap ni Nicodemus si Hesus nang gabing iyon. Nguni’t nais kong isipin na hinanap din niya si Hesus sa katahimikan ng gabi na siya’y nakapag iisip at nangangatwiran. Naniniwala ako na hinanap niya si Hesus na patay ang telebisyon, ang telepono ay nakatago, ang mga kasama sa trabaho ay nakaalis na... at mayroon siyang oras na magsuri at mag aral. Si Nicodemus ay mabuti at tapat na iwanan ang masaganang mundo sa tahanan at hanapin ang ISA na nagpakita na may mga salita at tanda mula sa langit, at isa siya sa dalawang tao na nag handa sa pagkabuhay ng Panginoon mula sa kamatayan. Hangad ko na sana ay nakilala ko siya sapagkat alam ko na magugustuhan ko siya.

Previous
Previous

Ang Kamangmangan ng Diyos

Next
Next

Anong Ugali ang Nagpapakilala sa Akin?