Anong Ugali ang Nagpapakilala sa Akin?

 Anong Ugali ang Nagpapakilala sa Akin ?

Isa ako sa mga di pang karaniwang tao na gumagawa ng mga pangako tuwing Bagong Taon. Gumagawa ako ng kasulatan ng mga layunin na nais kong tuparin sa bawat bahagi ng aking buhay at subukin na pag isipan kung ano ang aking ginawa ng nagdaang taon. Gayunman, ang mga layunin at pangako ay walang kabuluhan kung walang plano na tuparin iyon. Kung ikaw ay nagbabasa ng mga aklat ukol sa mga pagtatakda ng mga layunin, ay makikita mo ang isang bahagi ukol sa paghahati hati sa maliliit na hakbang na lumilikha ng bagong pag uuugali. Ang ugali o kinagawian ay nangangahulugan ng “isang maayos o palagiaang gawi o pagsasanay na mahirap na iwanan.” Tayo ay makakalikha ng mabuting pag ugali at makagagawa din ng masamang pag uugali. Kung gumagawa tayo ng layunin, ang susi nito ay paunlarin ang MABUTING ugali upang ang ugaling ito ay magbibigay ng kaayusan na mahirap na iwanan. Ang nakakawili na tayo, bilang tao, ay nabubuo ng ating ugali. Ako ay mayroong malinaw na alaala tungkol sa aking lalo na naka upo sa hapag kainan tuwing umaga at kumakain ng Malt o Meal, nag aahit na gamit ang de koryenteng pang ahit at nagbabasa ng Biblia. Iyon ang kanyang pang umagang mga gawi. At iyon ang tumutulong sa akin upang makilala ko ang aking lalo.

Tayo ay nabubuhay sa araw at panahon kung saan ang damdamin at pakiramdam ay malimit na ginagamit upang ipakita ang ating pangako. Gayunman, alam nating lahat- na marahil ay ito ang pinakamasamang palatandaan sa lahat. Madalas, ay ayaw kong mag ehersisyo, nguni’t pinaunlad ko ang ugali na mag ehersisyo nang palagian, at kahit na ayaw ko na gawin ito, ang pag ehersisyo ay isang gawi na mahirap na iwanan. Matapos kong sabihin iyon, halos ako’y natutuwa pagkatapos kong gawin (HALOS palagi) ! Ang nais kong ipaalam ay hindi ko papayagan na ang aking damdamin o pakiramdam ang maging patnubay ko sa pagsasanay o marahil ay tumigil na ako o madalang nang mag ehersisyo. Masasabi na magkatulad din sa espirituwal na disiplina. May dahilan kung bakit sila tinawag na disiplina- sapagkat kailangan ang disiplina upang maitatag at panalangin ang mga pagsasanay. Ibilang na, natin ang lahat, mula sa pananambahan, sa pananalangin, sa araw araw na pag aaral ng Biblia, sa mga pagsasanay.

Nguni’t iyong itatanong- bakit ang pagtatatag ng mga pagsasanay na ito ay mahalaga? Ako ay nakikinig sa isang programa na gamit ang makabagong teknolohiya (podcast) kamakailan, ay ako’y naniniwala sa pagtugon nang lubusan, gamit ang halimbawa ng pagdalo sa pananambahan. Ang isang maginoo ay nag salita noong may panahon sa kanyang buhay na siya’y espirituwal na nawawala- hindi siya namumuhay nang karapatdapat dapat. Sinabi niya na naniniwala siya sa isang dahilan na nakabalik siya sa tamang daan ay sapagkat hindi siya tumigil sa pagdalo sa pananambahan. Ito ay ugali na naitatag na, na mahirap sirain at naka tanim sa kanyang kaluluwa mula sa pag ugali at nakadagdag ng pagmamahal at damdamin pabalik. Ang damdamin at pakiramdam ay dumarating at nawawala- nguni’t ang pangako ay tumutulong sa atin na panghawakan nang matatag anuman ang ating damdamin.

Ang Diyos ay higit na kilala tayo, kaysa ating sarili- pansinin ang pangkaraniwang mga ugali at galaw na Kanyang itinakda para sa Kanyang mga tao. Noong Lumang Tipan, May mga taunang kasayahan at handaan at lingguhang araw ng pamamahinga. Ang lahat ng ito ay itnakda upang tulungan ang mga Israelita na itatag ang mga kaugalian na magpapakilala sa kanila. Sa Bagong Tipan, ipinagkaloob sa atin ang halimbawa ng hapunan ng Panginoon minsan sa isang linggo upang gunitain ang sakripisyo ni Hesus. Isang halimbawa pa ay sa Gawa 17:10-12, kung saan ang mga Bereans ay ipinakikilala na sila’y nag aaral ng Kasulatan araw araw- ang ugaling ito ang nagpapakilala sa kanila.

 May makikipagtalo na ang ating pananambahan ay dapat na mas mahigit kaysa pang karaniwan. Tunay, kailangan ito- nguni’t ito’y kailangan na palagiang pagsasanay nang maayos , lalo na ito ay mahirap na iwanan. At ang ugali na pinahihintulutan tayo na manatiling magtiwala kahit na tayo ay nasa lambak ng kawalang pag asa, at baka hindi na tayo makabalik sa maayos na pagsasanay na muli.

Kaya, sinasabi ko sa aking mga anak kung pinag uusapan ang espirituwal na pagsasanay- oo, tayo ay nagtatatag ng kaugalian- at minsan ay ayaw mong dumalo sa pananambahan, mag asa o magkasala- nguni’t ang ating pag uugali ang magpapakilala sa atin at ito ang humuhubog sa atin. May mga umaga na ako’y nakatutok sa pagbabasa ng Biblia at ako’y umaani ng malaking pakinabang. May mga umaga (marahil ay sa Mga Bilang- ang mga talaan ng ginto at pilak na tasa) kung saan ay patuloy kong binabasa- nguni’t ipinapakita ko , na itinatatag ko ang isang daan, at ito’y aking pangako. Patuloy kong ipinapanalangin ang aking mga kilos sa mga umagang iyon at aking makikita na ako’y natutuwa na matapos ang gawain sa araw na iyon.

Ngayon, habang tinitingnan ko ang nakaraang taon o nakaraang araw, nagsisikap ako at tinitingnan- anong ugali ang nagpapakilala sa akin? Sa aking mga anak, sa mga kaibigan at kasama sa trabaho? Ito ba ay ugali ng pag rereklamo,katamaran at pansariling kakayahan? Ito ba ay ugali ng pagtitiyaga, pagbibigay ng lakas ng loob, at pansariling sakripisyo? Katulad ba tayo ni Pablo sa 1 Corinto 9:26-27, “Kaya nga, may layunin at direksyon ang aking pagtakbo, kung baga sa isang boksingero, hindi ako sumusuntok sa hangin. Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral angMagandang Balita sa iba ay baka ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Diyos.”? Tayo ba ay nagtatatag ng magkatulad na ugali gaya ng babae sa Kawikaan 31? Tayo ba ay nananahan sa malinis at ka nais nais na inilalarawan sa Pilipos 4:8 ? Kunin natin ang sandali upang pag isipan kung ano ang pag kakakilala sa iyo ngayon.

Previous
Previous

Ang Taong Nais Kong Makilala — Nicodemus

Next
Next

Ano ang Katotohanan?