Ano ang Katotohanan?

“Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan...” Efeso 6: 14

Sinimulan ni Pablo ang talaan ng kagamitang pandigma ng Panginoon sa sinturon ng katotohanan. Ang sinturon sa kagayakan ng mga Romano ay 2 hanggang 4 na dali ang kapal ng katad na may palamuti na maliliit na bakal. Ang mga kawal lamang ang nagsusuot ng ganitong sinturon, at isa itong piraso na gamit ng mga kawal bilang Saginaw ng kanilang katayuan. Ito ay binabawi sa mga kawal na itinawalag. Ang sinturon ay may tatlong pangunahing pangangailangan :

1. Sa ilalim ng kanilang kalasag, ang isang kawal ay nagsusuot ng maluwang na tunika. Ang tunika ay mahaba at nagiging sagabal sa digmaan, at sa gayon ay gumagamit sila ng sinturon upang tupiin ang tunika sa apat na iba’t ibang bahagi- at itoy tinatawag na bigkis. Ito ang pumipigil upang huwag siyang madapa at nakakagalaw nang maayos sa digmaan.

2. Ang sinturon ay nakakatulong sa pagbuhat ng mabibigat na dalahin- ito’y katulad ng mga sinturon ng mga manlalaro na nagbubuhat ng mabigat( weightlifters ). Ang sinturon ay nakakatulong sa pagdadala ng mabigat na gamit sa kanilang likod upang hindi gumalaw habang nagmamartsa at makatulong sa balakang at mga paa upang madala nang maayos ang pasanin.

3. Ang sinturon ay tumutulong upang ang baluti ay nasa lugar at ang armas sa kanilang tagiliran at sila’y handa sa digmaan. Ang baluti ay maaaring pumunta sa leeg at masugatan o mahirinan ang kawal kung hindi ito matibay na nakalagay sa kanilang dibdib.

Bagaman, na ang sinturon ay isang maliit na bahagi ng kasuotan, ang sinturon ng kawal Romano ay mahalaga sa paghawak ng ibang bahagi ng kasuotan at ako’y naniniwala kung bakit ito ang una sa talaan ni Pablo na kasama sa katotohanan.

Matapos tayong bigyan ng kaalaman ng isang bahagi ng kalasag, ang synod na tanong ay “Ano ang katotohanan?” Kung ang tanong na ito’y pamilyar, ito ay dahil sa itinanong ni Pilato kay Hesus sa John 18:38. Naniniwala ako na ang tanong na ito ay katulad ng naririnig natin sa kultura sa ating kapaligiran, higit na kung may nagsasabi na mayroon o alam ang tunay na Katotohanan. Alam natin sa ating mga karanasan na mayroon tayong pansariling katotohanan- ito’y tipikal na kuro kuro ayon sa sariling kagustuhan - halimbawa ay ang pinakamasarap na cookie ay ang chocolate chip cookie ( sa aking pansariling palagay). Ang mga katotohanang ito ay masasalungat ng “Iyan ang iyong palagay “ at maaaring tama ka. Ito ay pansariling katotohanan sapagkat ito ay galing sa isang tao. Nguni’t ang pinagtatalunan ay kung mayroon ba na isang bagay na totoo ayon sa pilosopiya ng Postmodernism, isang kilusan na may kinalaman sa pagbabago. Ang bagay na totoo ay hindi ayon sa damdamin o pagpili, nguni’t ang katotohanan ay para sa lahat ng tao. Kahit na anong postmodernism na kultura ang paikutin, kinikilala natin na ang daigdig ay umiikot sa tunay na katotohanan - katotohanan

tulad ng Law of gravity, Newton’s Law of motion,at Einstein’s Law of Conservation of Energy. Tayo ay nagtatayo ng malalaking gusali, nagpapalipad ng mga sasakyan sa kalawakan, at sinisisid ang kalaliman ng karagatan gamit ang mga batas (laws) na ito. Nguni’t paano ang katotohanan ukol sa pilosopiya o moralidad? Ano ang katotohanan kung paano ang ilang pangyayari sa kasaysayan ay naganap? Ang sinturon ba ng katotohanan ay isa sa mga ito?

 Pinaniniwalaan ko ang sinturon o bigkis ng katotohanan ay ang salita ng Diyos. Nguni’t sa aking pagbabasa at pag aaral ng paksang ito, ay nagbigay ng liwanag sa akin na ang salita ng Diyos ay natatangi at hiwalay na sandata ng Banal na Espiritu, kaya kailangan kong suriin ang sinabi ni Pablo. Sa pagsasaliksik sa wikang Griego ng salitang katotohanan (aletheia), nakita ko na ang kahulugan nito ay totoo, tunay at sa sinaunang kulturang mga Griego, ang salitang ito ay nangangahulugan ng totoo, kabaliktaran ng kathang isip. At sa kalaunan ay nakuha ko na ang kahulugan ni Pablo ay malawak na paksa sa salita ng Diyos. Nais kong maging maliwanag na naniniwala ako na ang salita ng Diyos ay katotohanan, nguni’t mayroon ibang katotohanan na wala sa Banal na Aklat. Naniniwala ako sa sinabi ni Pablo na ang suporta o haligi ng ating kalasag ay KATAPATAN- na tayong ay nabubuhay sa realidad. Tayo ay dapat na makilala bilang mga taong tapat- sa ating sarili at kapwa.

Ang katotohanan ay isa sa mga pangunahing paksa ni Juan(John). Ang kanyang ebanghelyo lamang ang tumatalakay kay Pilato ukol sa katotohanan. Ang tanong ni Pilato ay sa dahilan ng sinabi ni Hesus, “At ang dahilan kung bakit Ako ipinanganak at naparito sa mundo ay upang ipahayag ang katotohanan. At ang lahat ng gustong makaalam ng katotohanan ay nakikinig sa Akin”(John 18:37). Kailangan nating malaman na kung tayo ay taong may katotohanan, makikinig tayo sa tinig ni Hesus. At sa 1 Juan1:6-8, ay sinabi niya na ang katotohanan ay isang tao na hindi mapagkunwari o mapanghusga- kailangan nating gawin kung ano ang itinuturo natin, nguni’t kailangan din natin maging tapat sa pagsasabing mayroon din tayong dungis at tayo ay nagkasala rin. Ang mga ito ay parang may kaguluhan sa Juan 3:17-18. Ang katotohanan ay naglalarawan ng pag ibig sa gawa- ito ay labas sa ating mga pinili, ito ay kinikilala ang tunay na kailangan ng mundo, at sa gayon ay ginagawa ang pangangailangang ito. Ito ay parehong kaisipan na itinala ni Juan ukol sa sinabi ni Hesus tungkol sa katotohanan at kalayaan sa Juan8:31-47. Ang mga Pariseo ay hindi nakita ang katotohanan ng nag katawan tao sa harap nila, sapagkat sila’y binulag ng kasinungalingan ni satanas upang itayo ang pangsariling hangarin sa kapangyarihan at karangalan. Ang totoong katotohanan ang magpapalaya sa atin,sa halip na maging alipin ng makasariling mithiin. Ang totoong katotohanan ang magkakaloob sa atin na makisalamuha sa mundo, hindi lang sa pagiging tapat, kundi sa pagmamahal din. Sinabi ni Pablo na kailangan natin nakatayo sa realidad. Hindi tayo mabubuhay sa kabutihan, kapayapaan, pananampalataya o kaligtasan kung wala ang haligi ng katotohanan. At hindi natin magagamit nang wasto ang salita ng Diyos kung wala ang katotohanan. Ang katotohanan ang haligi ng ating kalasag- ito ang sagisag ng ating katayuan sa mundo- ang mga nasa katotohanan. Mga kababaihan, ito ay nangangahulugan na MABUHAY tayo sa katotohanan,hindi lamang puro salita. Mag bigkis tayo ng katotohanan para sa digmaan na magpapatatag sa atin, at hindi ang kathang isip ng ating mithiin.

Previous
Previous

Anong Ugali ang Nagpapakilala sa Akin?

Next
Next

Higit sa Lahat, Itaas ang Kalasag ng Pananampalataya