Higit sa Lahat, Itaas ang Kalasag ng Pananampalataya

Higit sa lahat—ito ang simula ng tuntunin ukol sa pagdadala ng ating kalasag ng pananampalataya. Una, higit sa ibang bagay, na kailangan natin upang mapaglabanan ang nagniningas na palaso ng kasamaan. Ang pananampalataya ang kalahatan para sa atin sa larangan ng tukso. Bagamat ang ilang bahagi ng ating kalasag ay walang pagbabago at nakatali upang ingatan ang mahalagang bahagi ng katawan,ang kalasag ay maaaring pumihit sa ibang patutunguhan. Sinabi ni Juan sa 1Juan 5:4, “Sapagkat ang bawat anak ng Diyos ay nagtatagumpay laban sa mundo. Napagtatagumpayan niya ito sa pamamagitan ng pananampalataya.” Ang pananampalataya at paniniwala ay mga salitang ginagamit nang may magkatulad na kahulugan. Sa Nelson’s Bible Dictionary, ang pananampalataya ay “ang paniniwala o pagtitiwala sa Diyos, kasama ang pagpapasakop sa Kanyang kalooban para sa ating buhay.” Sinabi pa ni Nelson, na “ang paniniwala ay paglalagay ng tiwala sa katotohanan ng Diyos.”

Ang pananampalataya ay ang paniniwala sa “katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ang pagiging tiyak sa mga bagay na hindi natin nakikita,” ang malalim at nananatiling paniniwala sa katotohanan ng mga pangako ng Diyos at mga babala, nakikita o hindi man, na nakikita sa ating kakayahan upang mapaglabanan ang tukso, taimtim na manalangin, gumawa ng kabutihan kung nag aalala o napapagod,nagugutom sa katuwiran at lumaban nang puspusan. Ito ang pangkalahatang pagtatanggol sa nagniningas na palaso na inihahasik ng kasamaan na walang pagpapahalaga upang makakuha ng makakasama niya sa kasamaan.

Iniisip ko kung ang artikulong ito ay maisusulat ko kung hindi ako pupunta sa malinaw na lugar —Hebrews 11. Bakit kailangan kong gawin ito? Sapagkat ito ang pangwakas na gabay at nag mamay ari ng ating kalasag. Ang kaanyuan kung ano ang magagawa ng ating kalasag ay nababalangkas sa kabanatang ito. Ang pananampalataya ay nagbibigay sa atin ng kakayahan na ipagkaloob sa Diyos ang pinakamagaling na pag aalay tulad ni Abel. Sinabi sa atin na kung walang pananampalataya ay imposible kay Enoch na bigyan ng kasiyahan ang Diyos. Ang pananampalataya ang nagbigay kay Noah ng pagkilos at gawain nang may takot sa Diyos, na sumagip sa kanyang sambahayan. Ang pananampalataya ang nagbigay ng pagsunod sa mga hirap at hindi maisip na mga tuntunin ng Diyos kay Abraham, Isaac at Jacob. Ang pananampalataya ang nagbigay kay Sarah ng puso na maniwala sa mahirap na paniwalaan. Kay Joseph, ang pananampalataya ay “nag kaloob ng katiyakan”ng mga bagay na hindi niya makikita sa kanyang buhay at hindi lubos na maunawaan. Ang pananampalataya ay nagkakaloob sa atin ng kakayahan at hangarin na talikuran ang mundo at ang mga kasiyahan nito, piliin na maging mga tao ng Diyos tulad ng ginawa ni Moses. Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang pader ng Jericho ay bumagsak—laban sa makamundong karunungan ng digmaan. Ang ating kalasag ng pananampalataya ay may mga katangian na ginapi ang mga kaharian, gumawa ng kabutihan, nakamtan ang mga pangako, napatigil ang bunganga ng mga leon, pinatigil ang marahas na apoy, tumakas sa matalim na espada, gawaing kalakasan ang kahinaan, nagkaloob ng tapang sa digmaan.

Ang ating kalasag , kung dadalhin nang mahusay, kung gagamitin nang wasto, kung nakasuot nang maayos, ay may makapangyarihang katangian at malaking habang buhay na kakayahan na mag iingat sa atin laban sa nagniningas na apoy na inihahagis sa atin. Ito ang pangunahing bahagi ng kalasag na nagbibigay ng hadlang sa tukso bago pa dumating sa suot nating kalasag. Ang kalasag ang unang linya ng depensa; ito ang ginagamit upang ang ibang bahagi ang kasuotang pandigma ay hindi mahawakan. Ito ang ating buod, ang malalim at nananatiling paniniwala ng ating buhay, ang angkla, ang gumagalaw na unang linya ng depensa.

 Sinabi ng aking ama na walang tao na agnostiko sa daigdig—walang ganoong bagay. Sinabi niya na ang lahat ng tao ay nabubuhay na may pinaniniwalaan. Ang ating pinaniniwalaan, tunay na pinaniniwalaan, ay tayo’y nagtitiwala at ang pagtitiwalang iyon ang mag uutos kung ang inihagis na palaso ay makakarating sa ating kalasag na nakatali sa ating espirituwal na katawan.

Ipinahayag ni David ang pangunahing pag iingat sa Kasulatan. Siya ay umawit matapos na talunin ang mga Philistine sa 2 Samuel 22:3, “Ang Panginoon, Kayo ang aking matibay na bato na kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking tagapagligtas na nag iingat sa akin.” Napakaraming pagbanggit sa Aklat ng mga Salmo na inawit ni David sa kanyang pagtitiwala sa Diyos at sa Kanyang mga pangako. Ang digmaan, maging ito man ay pisikal o espirituwal, sa buong buhay ni David, ay napagtatagumpayan sa pamamagitan ng kanyang pagtitiwala sa Diyos. Si Pablo ay nanalangin na magkatulad na lalim ng pang unawa at pagtitiwala para sa mga kapatid sa Ephesus; “Tuwing naalala ko ang plano ng Diyos, lumuluhod ako sa pagsamba

sa Kanya. Siya ang Ama ng mga nasa langit at nasa lupa na itinuturing Niya na Kanyang pamilya. Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan Niya ay palakasin Niya ang espirituwal ninyong pamumuhay sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu para manahan si Kristo sa mga puso ninyo dahil sa inyong pananampalataya. Ipinanalangin ko rin na maging matibay kayo at matatag sa pag ibig ng Diyos para maunawaan ninyo at ng iba pang mga pinabanal kung gaano kalawak,at kahaba at kataas, at kalalim ang pag ibig ni Kristo sa atin. Naranasan ninyo sana ito, kahit hindi ito lubusang maunawaan, para maging ganap sa inyo ang katangian ng Diyos “ (Ephesians 3:14-19).

Sa ating buhay, ang malalim at matibay na paniniwala ay ang gumagalaw na kalasag, ang unang linya ng depensa. At sa ibang paraan, sa pang araw araw na buhay, may ibang palaso— may munting kagalawan na kailangan sa pagtatanggol. Sa bahaging ito ng aking buhay, hindi ako pinipilit na ibahagi ang dahilan sa pamamagitan ng agham ng pagkakalalang at pagbabago,at tuwing may ganitong usapan, ang aking kalasag ay matibay. Hindi madalas na ipilit na ang aking pang araw araw na gawain ay baguhin ang uri ng libangan, mga pagdiriwang, mga pagiinuman, pakikipag kaibigan at mga desisyong pang moralidad, ang aking mga kinauugalian at buhay sa puntong ito ay iniingatan ng kalasag na iyon sa mahabang panahon. Ang aking kalasag ang nagbigay sa akin sa maraming taon, na hindi lisanin ang pag titipon ng mga banal, ito ang nagkaloob sa akin ng puwang mula sa malupit na katotohanan sa mundo, at ang malalim at matibay na paniniwala sa kalangitan ang aking kalasag na nagbabantay sa aking mga mata sa kaitasan at nagkaloob ng katiyakan ng pangako na patuloy na nananatili.

Nguni’t sa lahat ng ito, ang mga palaso ay patuloy na dumarating; iba’t ibang uri, hingi inaasahan mga palaso, mga palaso na sagabal sa aking katiyakan at pinipilit na gamitin ang aking kalasag nang higit. At isang mababang uri ng kawal ako, kung ako’y nagkukunwari na ang aking kalasag ay hindi nalalaglag. Anong hangal na manggagawa ako kung hindi ko alam na nagtiwala sa mga kalasag ng mga kapatid, na kung minsan ang kanilang mga kalasag ay itinataas para sa akin. Ngayon , bilang mga kawal, ay maging mapagmatyag, na ating mga kalasag ay matatag na naka angkla at tayo’y magmasid ag magbantay—handa sa digmaan na may matalino at pagkilala sa kalasag ng pananampalataya; nagbabantay sa mga palaso ng kataasan, katamaran, kapaitan, kapaguran, pagkakanulo, sirang pag ugnayan, kabiguan na dumarating dahil sa akin at mula sa iba. Tayo ay may armas na mabilis at matatag na kalasag upang pangalagaan ang ating sarili mula sa mga palaso na buhat sa mga walang katiyakan at hindi nakikilalang mga palaso na ipinupukol ng mga kawalan at kalungkutan, ng kawalan ng katarungan at kawalan ng kabutihan at maging sa ating mga kapatid. Ang ating buhay ay nangangailangan ng wastong paniniwala at malalim na pananampalataya sa Diyos, na Siyang nagtatanggol at nag iingat, at ang pag iingat na iyon ay magaganap “ na higit sa lahat, ay itinataas ang kalasag ng pananampalataya.”

Previous
Previous

Ano ang Katotohanan?

Next
Next

Ang Katotohanan na Nagkatawang tao