Ang Katotohanan na Nagkatawang tao

Lori Asher

Ako ay mayroong tatlong anak. Ang dalawa ay mga kabataang lalaki at ang pangatlo ay isang kahanga hangang dalawang taong batang babae. At sa ganitong panahon ng buhay, na aking kinasasabikan ay ang pagbibigay ng kuwento sa aking mga anak ,na ang lalaki ay nakalakihan na at ang babae naman ay masasabing nasa murang idad pa.

Bilang mga tao ay mahal natin ang mga kuwento. Isinasaayos natin ang ating isipan at buhay sa palibot ng mga kuwento. Kahit na ito’y nakikita sa iba’t ibang paraan, ang disenyo ay makikita natin ito sa iba’t ibang idad, kultura at kasaysayan. Nakikita natin ang mga batang nakapaligid sa paa ng guro sa panahon ng kuwentuhan, at sa makabagong mga tao, ay maagang bumibili ng tiket sa sinehan at pumipila nang maaga na parang mga baliw mapanood lamang ang susunod na serye ng Superhero. Bakit kaya ang mga kuwento ay malakas ang hila sa atin? Sa aklat na “Tales of Wonder, “ na isinulat ni Matt Bianco, ay ikinatuwiran niya na ang katotohanan ay kailangang bigyan ng buhay upang maunawaan ito... ang mga kuwento ay isa sa mga makapangyarihang gamit upang maipahayag ang katotohanan.

Ano ang ibig sabihin na ang kuwento ay bigyan ng buhay ang katotohanan? Marahil ang isang salita na malimit na gamitin sa pang araw araw na buhay ay bigyan ng buhay. Ang kuwento ay nagbibigay sa ating isipan ng matibay na mapanghahakan natin. Ginagawa natin ito madalas sa ating mga anak, na likas na sa atin. Kung mayroon kang anak na may pagkakataon na nagsisinungaling, kailangan mong maupo at bigyan ng aral kung bakit hindi siya dapat magsinungaling at kung ano ang kahihinatnan nito. Nguni’t mas lalong mabisa kung iparirinig sa kanila ang kuwento tungkol sa isang batang lalaki na nagsasabi ng mga kasinungalingan tungkol sa asong lobo para lang makakuha ng atensyon at kung ano ang kahihinatnan nito. Ang mga bata ay nauunawaan ang aral ng kuwento at magagamit ang praktikal na paraan.

Ang Banal na Aklat ay nagbibigay ng mga halimbawa sa paggamit ng mga kuwento. Ang mga oras ni Hesus ay ginugol Niya sa pagtuturo sa pamamagitan ng talinghaga. Ang isang bantog na talinghaga ay tungkol sa alibughang anak na lumayas sa kanyang ama, nilustay ang ari arian at namuhay sa pag aalaga ng mga baboy. Ang nakikita nating anak dito na nasa lubluban ng mga baboy ay naglalarawan na kung ano ang magagawa ng kasalanan sa ating buhay. Ang kanyang kuwento ay patuloy na nabubuhay ngayon sa dahilan na ang mga tao ay ginagamit ang salitang “alibugha” at naaalala ang talinghagang ito. At sa isang bahagi naman, ay ang kuwento ni Hesus tungkol sa isang mamahaling perlas na ang isang tao ay nais na ibenta ang lahat ng kanyang ari arian makuha lamang ito. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan na maging bahagi ng kaharian at bigyang buhay ang katotohanan ng halagang ito sa ating isipan.

Kailangan natin na maging bukas ang ating isipan sa ganitong mga kuwento. Nauunawaan ito ni Hesus at sinabi Niya kung bakit Siya nagtuturo ng mga talinghaga. Tinugon Niya sa Mateo 13:11-17, at sinabi Niya na mayroon nakakaunawa at mayroon din naman na hindi. Mayroong bagay sa mga kuwento na naghahanda sa lupa ng ating mga puso upang tanggapin ang katotohanan- nguni’t kailangan tayong handa na tanggapin ang aral. Kailangan nating tulad ng sinabi ni Hesus na mga “batang paslit” (Mateo 18:3 ). Ang mga bata ay may mabilis na paraan na kung paano makita ang aral ng kuwento, nguni’t habang tayo’y tumatanda,nakikita natin ang malabong bahagi at sinusubukan na bigyan ng katarungan ang ating mga kilos o kung minsan ay ginagawa ang aral ng kuwento na may pagkakaiba. Ang isang halimbawa sa aklat na “ Tales of Wonder “ Ang mga bata ay nauunawaan ang parabola ni Aesop na tumutugtog hanggang tag init at walang makain pagkatapos, kung hindi ka nag trabaho, hindi ka rin kakain. Nguni’t itatanong ng mga matanda, hindi ba may halaga sa musika, at kailangan ba na siya’y parusahan? Ngayon , ay kailangan tayong lagging handa at sundin ang aral ng kuwento.

 Si Hesus ay hindi ang una sa Banal na Aklat na makuha ang katotohanan sa pamamagitan ng mga kuwento. Ang isang kilalang pag uusap ay nasa 2 Samuel 12:1-14, kung saan si Nathan ay sinaway si David sa isang kuwento. Alam ni David ang katotohanan- nguni’t tinulungan siya ni Nathan na pag ugnayin ang katotohanan sa kanyang puso. Ang payak na kuwentong ito ay nagmulat ng pangangailangan ni David ng kapatawaran. Ito ang kabuuan ng katotohanan ng kanyang kasalanan at ang kanyang haharapin sa kinabukasan.

Ang kabuuan ng katotohanan ay mahalaga sa atin sa pamamagitan ng mga kuwento- at mas higit na mahalaga ang nagtataglay ng tunay na kabuuan ng katotohanan- si Hesus! Naparito Siya sa daigdig at namuhay upang magkaroon tayo ng tunay na halimbawa ng isang nilalang na mabuhay sa katotohanan na mahalin ang Panginoon ng buong puso, isip at kaluluwa at mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili. Ang kabuuan ng katotohanan ni Hesus ay ang tunay na pagkakatawang tao na dapat nating tingnan at pagnilay nilayan sa ating buhay. Ang sinabi ni Andrew Peterson, “Kung nais mong ang isang bata ay malaman ang katotohanan,sabihin mo ang katotohanan, kung nais mong mahalin ng bata ang katotohanan, bigyan mo siya ng kuwento”. Ang Diyos ay patuloy a sinasabi sa Kanyang mga nilalang ang katotohanan simula pa noong una sa pamamagitan ng mga utos at mga propeta. At Kanyang sinabi ang pinakamalaking kuwento na nababatid sa buhay ni Hesus upang tulungan tayo na mahalin ang katotohanan. Ang kuwento tungkol kay Hesus ay makikita ang katotohanan sa buhay ng mga nagtatalo talong mga disipulo, sa mga mapag higanting mga pinuno ng relihiyon at malimit na pagsalungat nn mga mahihinang loob at ng mga mababa ang kalagayan sa lipunan. Tinugon Niya ng pagpapala at kabutihan,nguni’t walang takot na labanan ang kasalanan. Bilang mga kababaihan sa lipunan ngayon,ang kabuuan ng mga katotohanan ay nagbibigay ng matibay na bato kung paano hahawakan ang paglakad sa kuwento ng ating buhay. Kailangan mo ba ng praktikal na pagsasagawa sa ganitong katotohanan? Ikaw ba ay ina ng nag away na mga anak? Paano tinugon ni Hesus ang mga nagtatalong mga disipulo? Nagtatrabaho ka ba at ikaw ay tinanong upang ipagsapalaran ang iyong moralidad? Paano tinugon ni Hesus ang ganitong hamon? Ikaw ba ay nanghihina na sa palaging nanghihingi ng mga nasa mahirap na kalagayan na humuhila sa iyong oras at kabuhayan? Paano tinugon ni Hesus ang mga nangangailangan ng Kanyang kabuhayan at oras? Mga kababaihan, tumingin tayo sa katotohanan ng kabuuan ni Hesus at tumugon nang may pagmamahal sa katotohanan !

Previous
Previous

Higit sa Lahat, Itaas ang Kalasag ng Pananampalataya

Next
Next

Paninindigan o Kaginhawahan