Paninindigan o Kaginhawahan
Judy Smiley
Ngayon ay nakikita natin ang ating sarili na nasa gitna ng isang malaking digmaan, ang digmaan na umabot na sa mahigit na apat na libong taon. Ang digmaan na ito ay laban sa isang nakakatakot na kaaway, si Satanas. Ang digmaan na hindi natin kanyang mapag- tagumpayang mag isa. Kailangan natin ang tulong sa pag laban sa digmaang ito.
( Efeso 6:13 ).
Salamat sa Diyos, hindi tayo nag iisa sa digmaang ito. Ang mapag mahal na Ama ay binigyan tayo ng sapat na kalasag upang ingatan tayo laban kay satanas at sa masamang daigdig. Ang kalasag na ito ay nagtataglay ng lahat ng bagay na kailangan natin upang ingatan tayo habang nabubuhay sa daigdig na ito, nguni’t ang hindi sumama sa buhay ng daigdig. Ang bawat bahagi ay may sariling tungkulin upang ingatan tayo. Kailangan natin ang bawat sandata sa pakikipaglaban. Ang pagiging matuwid ay isang mahalagang bahagi ng ating pananggalang (Efeso 6:14). Paano makakatulong ito sa atin?
Ang tunay na pananggalang ay tinatakpan ang buong katawan, at iniingatan ang maselang bahagi ng tao, at iyon ay ang puso. Ang masaktan o masaksak ang puso ay makakamatay sa isang kawal. At ito ay tulad ng pananggalang na ipinagkaloob ng Diyos; iniingatan ang ating espirituwal na puso, sapagkat kung hindi ay maghahatid ito sa espirituwal na kamatayan. Ang pagkamatuwid na taglay natin, ang katuwiran na tinubos tayo ni Kristo sa krus ( 2Cor 5:21), ay naghahatid sa atin na mamuhay na may pagsunod sa Diyos, isang may takot sa Diyos, banal na buhay, isang buhay na pinapupurihan ang Diyos at isang buhay na nakikipagtunggali sa mundo. Ang kaloob ng Diyos na pananggalang ay nag iingat sa ating puso at buhay laban kay satanas at sa mundo.
Mula sa ating puso ay nagmumula ang pagpapasya na sundin ang Panginoon, ang pasya na kumilos sang ayon sa makalangit o batas ng buhay, at ang pasya na tumayo nang matatag laban kay satanas. Hindi natin kailangan na ipaubaya ang ating puso at kaluluwa kay satanas at sa makasalanang daigdig. Sa1 Pedro 5:8, sinabi sa atin na ang diablo ay gaya ng leong umaatungal na gumagala at humahanap ng masisila niya. Naghahanap siya ng mahinang bahagi sa ating pananggalang. Kahit na ang isang maliit na butas o maliit na lamat sa ating puso ay magbibigay ng daan sa mga tukso at pandaraya ni satanas. Sa panahon na tumanggi tayo sa Diyos at ang ating pananggalang ay nalaglag, nagbibigay tayo ng pagkakataon na si satanas ay pumasok sa ating puso at kaluluwa. Ipinagkaloob ng Diyos ang ating kailangan, ang ating kalasag, kailangan lang natin isuot iyon at mamalagi sa atin.
Ako ay lumaki sa isang bahagi ng katimugan ng Estados Unidos. Ang aking pamilya ay sumasamba sa isang maliit na kongregasyon, kung saan ang lahat ay magkakilala at magkakamag anak. Ako ay sumasamba sa samahan na iyon sa mahabang panahon hanggang ako’y nakapag asawa. Ang aking buhay doon ay tiwasay at ligtas. Sa labas ng daigdig at sa loob ng samahan, ako ay nagpakita na ako’y isang tapat na anak ng Diyos. At ako’y nagpakasal sa isang kawal. Ako ay umalis sa aking komportableng lugar, nguni’t salamat sa Diyos, ang buhay ko ay nag bago mula sa isang tiwasay na buhay patungo sa isang bago at nakawiwiling buhay. Wala na ako sa pag iingat ng isang pamilyang espirituwal, na kilalanin ko sa mahabang panahon, na tumutulong upang ako’y mamalagi sa tamang landas. Kailangan ko na gumawa ng sariling pagpapasya, na sundin si Kristo o sumunod sa tukso ng diablo. Binigyan ako ng Diyos ng kasuotan, na may pananggalang sa dibdib at ingatan ang aking puso. Ano ang gagawin ko dito ?
Sa aking pag aalala (na lumalabo araw araw), ako at ang aking asawa ay namuhay sa 12 iba’t ibang lugar. Alam ko na hindi ito marami sa inyo, nguni’t sa akin ang manirahan ng 25 taon sa parehong lugar, ito ay malaki. Ang apat sa mga lugar na iyon ay sa ibayong dagat. Nabuksan ang bagong daigdig sa akin, nguni’t isang daigdig na puno ng hamon. Ang pinakamalaking hamon ay ang humanap ng isang samahang Kristiyano upang makasama sa pananambahan. At dahil malapit ang tirahan sa base militar, madalas na kami ay nakakakita ng samahan at madalas ay maliliit na grupo lamang. At sa isang panahon, ang samahan ay binubuo lamang ng aming pamilya, tatlong tao. Ang aking asawa ang namumuno sa panalangin, sa pagsisilbi sa hapunan ng Panginoon, namumuno sa awitan at sa pangangaral. Kung minsan ay naglalakbay kami nang malayo upang makasama ang kapwa Kristiyano. Kung minsan ay hindi magkatulad ang wika. Kung minsan ay hindi nila nauunawaan ang aming wika. Malimit ay hantad kami sa iba’t ibang kaugalian at paraan ng pagsamba,nguni’t ang lahat ay nakasalalay sa Banal na Kasulatan. Kung minsan ay may mga tao na tumitigil sa amin, kahit hindi kilala, nguni’t makikilala na sila’y kapwa Kristiyano. Minsan, mayroon mga kabiguan, mahirap pero nakakatulong sa akin. Kailangan kong magpasya kung gaano ako katiyak na maglingkod sa Panginoon. Sa iba, lto ay mabigat. Nakakalungkot na ang ibang tao ay nag iisip na ang pagpunta sa ibang bansa, bakasyon o anumang paglalakbay na nag aalis sa sariling samahan ay isang pagkakataon na umiwas sa pananambahan. Hindi ito maginhawa tulad nang ikaw ay nasa sariling samahan. Anong kakilakilabot na pagpapasy! Si satanas ay nasa lahat ng dako, laging naghahanap ng lamat sa ating pananggalang. Wala siyang pakialam kung umalis tayo sa samahan kung saan tayo lumaki. Wala siyang pakialam kung nagliliwaliw tayo. Hindi siya nagliliwaliw kahit minsan. Kung saan taya pumunta sa daigdig na ito, lagi siyang naroon, nag- mamatyag at naghihintay sa ating pagkakamali. Kailangan nating ingatan ang ating puso at ang ating pananampalataya saan man tayo naroon at anuman ang ating katayuan. Kailangan nating ipaglaban ang ating pananampalataya ! At ang kalasag na ipinagkaloob ng Panginoon ang tutulong sa atin.
Alam ko na ang ating pananampalataya ay malimit na hahamunin. Nasa digmaan tayo sa mundo at si satanas ay isang malakas na kaaway at mapang tukso. Sa dahilan na ang Diyos ang ating Pinuno at ang pagpapasya na sumunod sa Kanya, malulupig natin si satanas. Ang tanong ay kung ikaw ba ay Kristiyanong may paninindigan o isa lamang kaginhawahan. Ang kaginhawahan ay nakakasira sa ating pananampalataya at nagbibigay lamang ng pansariling kasiyahan. Wala na tayong paninindigan para lumaban sa digmaan sa mundong ito. Matatagpuan natin na sa bawat pagkakataon na tayo ay makipag isa o makibagay, ay madali na sa susunod na hamon na darating sa atin. Ipinagkaloob na ng Panginoon ang lahat ng kailangan natin upang lamaban sa digmaang ito. Mayroon tayong pananggalang ng katuwiran na mag iingat sa ating mga puso na patuloy na maging malinis at magpasakop sa Diyos. Ipinagkaloob na sa atin ang lahat ng bahagi ng pananggalang na mag iingat sa atin nang buong buo ( Efeso 6: 10-18 ) . Ang kapasyahan ay nasa atin kung ito ay isusuot natin o hindi.