Pagtitiwala sa Digmaan
Denise Bowman
Isa itong Miyerkules ng gabi.Bago ako umalis ng bahay para sa pananambahan, ay narinig ko na ang Estados Unidos ay nasa larangan ng digmaan. Ako ay nasa kolehiyo, at ito ang unang pagkamalay na ang aking bansa ay mayroong kawal na nakikipaglaban sa banyagang bansa. Ito ay nagpasakit sa aking tiyan at hindi ako mapalagay. Lumisan ako sa bahay ng gabing iyon na umaasa na makakita ng mga taong nakasuot ng pula, puti at bughaw, naguusap tungkol sa digmaan, at nagsasabit ng mga bandila sa kanilang tahanan. Ang nakita ko ay mga taong ginagawa ang mga dating gawain. Walang pag aalala, walang pag uusap na nakakabahala, tuloy lang buhay. Bakit? Sapagkat ang digmaan ay malayo sa sariling tahanan.
Bilang Kristiyano, tayo ay nasa digmaan din. Kung minsan ay nakakalimutan natin na ang digmaan ay hindi nagaganap sa ibang lupain, kundi narito sa ating paligid. “Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa dugo at laman, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadiliman ito sa sanlibutan, laban sa mga espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Eph 6:12). Kung tayo ay na kay Kristo, at nagpatala sa Kanyang Hukbo, tayo ay lumalaban para sa wasto. Walang usapang pang kapayapaan, o tigil putukan sa digmaang ito. Magpasya tayo araw araw na isuot ang ating kalasag at lumaban para sa Panginoon. “Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni KristoHesus. Sinomang kawal na nasa pagkakawal ayhindi nahalubiho sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya’y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal” (11 Tim 2:3-4). Ang katamaran, kawalan ng damdamin sa kapwa at kaguluhan ay walang puwang sa buhay ng isang Kristiyanong kawal. At kung inaakala natin na ang labanang ito ay napakalaki upang hindi makayanan ay pag isipan natin ang mga ito.
Mayroon tayong plano sa digmaang ito. Binigyan tayo ng Diyos ng lahat ng kailangan natin upang maging mabuting kawal. Sa Kanyang plano ay ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili at ang Kanyang pag ibig sa lahat ng tao. Sinabi Niya kung paano tayo maliligtas ,upang makasama Niya sa Kanyang Hukbo at lumaban para sa Kanyang dahilan. Mayroon tayong kaalaman tungkol sa kaaway at ang kanyang kasinungalingan,pandaraya at masasamang gawain.” Humanda kayo at mag ingat, sapagkat ang kaaway ninyong si satanas ay umaali aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa” (1Peter5:8). Sa tulong ng ating Pinuno, alam natin kung paano magwawagi sa pakikidigma sa diablo: “Kaya magpasakop kayo sa Diyos, labanan ninyo ang diablo at lalayo ito sa inyo” (James 4:7, Matt 4:1-11). Alam natin na ang diablo ay hindi umaalas nang matagal. Kahit noong si Hesus ay tinukso ng diablo sa ilang, ang diablo ay umalis ay umalis at naghintay ng susunod na pagkakataon (Luke 4: 13). Palagi tayong maging handa sa kanyang mga pagsalakay. Ang ating Pinuno ay maliwanag sa mga inaasahan sa bawat kawal. Sa pagsasagawa ng Kanyang plano, ay ating matutuklasan ang ating kahinaan at gawin ang pagpapalakas sa sarili sa pag aaral at pagsasanay, upang tayo’y maging karapat dapat na mga kawal at pagtagumpayan ang araw araw na pakikihamok (Phil. 2:12-13). Anong laking pagpapala na mayroong plano ang Diyos na makakatulong sa atin sa lahat ng oras !
Maaari tayong makipag usap sa ating Pinuno. Bilang kawal sa Hukbo ng Diyos, hindi ko na kailangan na dumaan sa ibang mga pinuno upang ibahagi ko ang aking pag aalala o kabiguan o takot. Makakapunta ako sa kataastaasang Pinuno, sa pamamagitan ng Kanyang Anak at ako’y diringgin Niya. “Kaya panghawakan nating mabuti ang pinaniniwalaan natin dahil mayroon tayong dakilang punong pari na pumasok sa kalangitan, na walang iba kundi si Hesus na Anak ng Diyos. Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahirapan natin, dahil naranasan din Niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi Siya nagkasala. Kaya huwag tayong mag atubiling lumapit sa trono ng maawaing Diyos para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan” (HEB 4:14-16). Ang Diyos lamang ang may kapangyarihan na baguhin ang mga bagay. Hindi natin alam kung paano sa sagutin ng Diyos ang ating mga panalangin. Ang totoo, maaaring ang tugon sa aking panalangin ay HINDI. Nguni’t sa dahilan na alam natin na mahal tayo ng Diyos at Siya’y para sa atin, tayo ay nagtitiwala sa Kanyang mga kaloob at Kanyang mga plano. “Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin? Siya na hindi ipinagkait ang Kanyang sariling Anak kundi ibinigay para sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?” (Rom 8:31-32). Ang panalangin ay isang mahalagang karapatan.
Tayo ay bahagi ng Hukbo. Purihin ang Panginoon, hindi ako nag iisa sa pakikipaglaban. Mayroon akong mga kapwa kawal na nangangalaga sa akin, nagbibigay ng tulong at nakikipaglaban kasama ko. Ang diablo ay nais na matagpuan ako na nag iisa at pinanghihinaan ng loob tulad nang makita niyang nag iisa si Eva sa halamanan. Kailangan nating malapit sa kapwa kawal at huwag bigyan ng daan ang kaaway upang tayo’y salakayin. At ipinapayo na ang pagtatalo o pagkakabahabahagi ay hindi dapat maging parte ng laban na ito (1 Cor 1:10). Tinawag tayo ng Diyos magsamasama at mahalin ang bawat isa. Ang kapalaluan, pagseselos, hidwaan at pagkakabahabahagi ay mga kilos ng mundo at hindi dapat makita sa mga kawal ng Diyos. Ang pansariling labanan ay totoong mahirap. Hindi natin makakaya na mawala ang tulong ng kapwa kawal. “Pero dahil namumuhay na tayo sa liwanag, dapat ay may pagpipigil na tayo sa sarili. gawin natin bilang panangga sa dibdib ang pananampalataya at pag ibig, at bilang helmet naman ang pag asa natin sa pagliligtas sa atin ng Diyos. Sapagkat hindi tayo itinalagang Diyos para sa kaparusahan, kundi sa pagtatamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoon Hesukristo. Namatay Siya para sa atin, para kahit buhay pa tayo o patay na sa pagbabalik Niya ay mabuhay tayo sa piling Niya. Dahil dito, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isat isa, katulad naging ginagawa ninyo (1 Thes 5:8-11). Magkapit bisig ang lahat at huwag kalimutan ang pagsasama sama.
Alam natin kung paano ang digmaan ay magwawakas. Ang Diyos ay panalo. Ang Diyos ay panalo. ANG DIYOS AY PANALO. Ang pagkabuhay namuli ni Hesukristo ay tiyak na tagumpay laban sa kasalanan at kamatayan (1 Cor 15:56-57). Kung ang ating pang araw araw na paghihirap ay nagbibigay ng panghihina at kawalang pag asa, tumingin tayo sa itaas. Magpakatatag tayo. Ituloy ang pakikipaglaban. Ang digmaan ay mahirap, nguni’t ang laban ay napagtagumpayan na. Habang ikaw ay nakatayo kasama ang Panginoon,ang tagumpay ay walang panganib : “Kaya nga mga minamahal na mga kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Magpakasipag kayo sa gawaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, dahil alam ninyo na hindi masasayang ang mga paghihirap ninyo para sa Kanya.
( 1 Cor 15:58 ). Dahi dito, mabuhay tayo na may malaking kagalakan, pag asa sa ating pagtitiwala. At kahit sa mga unos sa ating buhay, ay makikita ng mundo ang pagtitiwala natin sa ating Pinuno at sa Kanyang mga plano. Paano natin aasahan na magdala ng bagong kawal sa Panginoon, kung ang makikita sa atin ay pag rereklamo,pag sisimangot,walang kasiyahan na mga kawal? Wala tayong dahilan para sa mga ganitong kilos. Mahal tayo ng Diyos,tayo ay kabilang sa Kanyang Hukbo, lumalaban para sa mabuti at tama, at ang ating pabuya ay tiyak na matatanggap sa kalangitan.(John 14:2, 1 Cor 15:51-54 ). Mayroon tayong dahilan upang magalak anuman ang ating kalagayan ! Anong laking kagalakan ang pagsasaluhan ng bawat isa at sa mga naliligaw sa paligid natin ! “Pero kahit ganito ang kalagayan natin, kanyang kaya natin pagtagumpayan ito sa tulong ni Kristo na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak ko na walang makapaghihiwalay sa atin sa pag ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Hesukristo na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang Espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit na ano pa mang bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag ibig ng Diyos” (Rom 8:37-39 ). Purihin ang Diyos !
Mga kawal ni Kristo, magsitindig ! Magtiwala tayo sa plano ng Diyos, patuloy sa panalangin sa ating Pinuno, maghawak kamay sa mga kapwa kawal at magmartsa patungo sa tagumpay sa pamamagitan ni Hesus na ating Panginoon !