Ang Kalasag ng Pagkamatuwid
Tyra Penn
Dalawang linggo bago kami ikinasal,ay binigyan ako ng asawa ko ng pulseras na may tatlong palamuti. Ito ay naging bahagi ng aming pagsasama at nadagdagan pa na nagpapaalala sa aming paglalakbay at ibang mga okasyon. Isang araw, ang pulseras na ito ay ibibigay ko sa aking anak na babae kung ito’y nais niya. Ang pulseras ay magiging kanya, nguni’t hindi ang mga alaala. Hindi niya titingnan ang maliit na palamuting dahon at alalahanin ang mga dahon sa Aspen, Colorado na kumikinang sa ihip ng hangin. Hindi niya hahawakan ang maliit na kayak at aalala- hanin ang pakiramdam ng mga alon sa California. Makikita Lang niya ang pulseras at ako ay maaalaala niya.
Maraming mga bagay ang isinasalin mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod.. Ang Ilan ay mahahawakan- tulad ng mga hiyas, mga muwebles, mga larawan- at ang mga ito’y ating pinahahalagahan, sapagkat ang makita ito at mahawakan ay nagpapaalala sa nakaraan. Ang iba ay hindi nahahawakan- mga pangalan,mga kuwento, mga tradisyon- at ang mga ito ay ating pinahahalagahan sapagkat alam natin na sila’y magtatagal dahil sa ating pag iingat.
Nguni’t May ilang bagay na mahalaga sa atin na hindi maisasalin. Ang ating halaga bilang tao. Ang ating paniniwala. Ito ang mga bagay na mangyayari sa isang henerasyon sa kanyang kaparaanan. Ito ay ang ating pagiging matuwid. Tinawag tayong anak ng Diyos na mamuhay nang matuwid (Titus 2:12). Ang kaisipan ng wastong pamumuhay ay ang patuloy na pagsisikap na mabuhay tulad ni Kristo. Ito ay pagtawag na tayo ay mabibigo dahil sa ating pagiging tao (Romans 3:10). Alam ito ng Diyos, at ipinagkaloob sa atin ang katuwiran ng Kanyang Anak na si Hesus, sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus (1 Cor.5:21 ; Rom.5:18-19).
Ang pagiging matuwid ay anyo ng isang pananggalang tulad ng isinasaad ni Pablo sa mga kalasag ng Diyos sa Efeso 6. Sa panahon ng pagsusulat nito, ang mga talatang ito ay naglalarawan ng isang malinaw na imahen ng isang kawal Romano, na puno ng kagayakan, nakahanda na suot ang pananggalang sa harap at gitna. Sa pagbabasa ng talatang ito ngayon, hindi madali ang makita ang sarili sa idea ng bakal na pananggalang. Ang sinasabi na ating isuot ay simbolo lamang. Nguni’t kung iisipin na ang suot natin at ng kawal Romano, ay makikilala na ito ay may mahalagang layunin- ang pangalagaan ang puso. Ang ating pananggalang- ang katuwiran- harap at gitna, ang ating puso ay may dagdag na proteksyon upang ingatan, upang hindi tumigas o mawala.” Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kanyang lakad” ( Kawikaan 11:5 ).
Ang isang tagapagdala ng kalasag, na isinasaad sa kasulatan, ay siyang sumasama sa mandirigma sa digmaan, pinangangalagaan ang sandata hanggang dumating ang labanan. Bilang mga ina, ang pag aalaga sa mga anak ay naglalarawan sa atin bilang mga espirituwal na tagapagdala na naglalakad kasama ang mga anak sa digmaan, handa sa pagdating ng kapahamakan. Nguni’t hindi ito ang nangyayari. Kung ang ating mga anak ay pinili ang pakikipaglaban sa masama, sila ay mabibihisan lamang sa digmaan ng Ama sa Kalangitan sa pamamagitan ng kanilang pakikipag ugnayan sa Kanya. Ang katuwiran ng Kanyang Anak- ang kanilang espirituwal na pananggalang, ayipagkakaloob sa kanila Kung sila’y nagpasya na lumaban at pumasok sa pakikipag isa sa Diyos sa pamamagitan ng bawtismo. Katulad ng ibang mga bagay na mahal sa atin, ito ay hindi maipapasa mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon. Nguni’t hindi nangangahulugan na bilang magulang, tayo ay walang silbi sa paghahanda sa ating mga anak.
Noong 1955, si Dorothy Law Nolte ay nagsulat ng isang tula na may pamagat na “Children Learn What They Live.” “If children live with criticism,” it begins, “ they learn to condemn.” “If children live with ridicule, they learn to be shy... If children live with acceptance, they learn to love.” Sa ating wika, “ Kung ang mga bata ay nabuhay na laging pinupuna, sila ay matututong humatol. Kung ang mga bata ay palaging kinukutya, sila ay nagiging mahiyain ... Kung ang mga bata ay lumaki na may pagtanggap, sila ay matututong magmahal.” Ito ay mga kilos at mga katangian ng mga bata. Ayon sa Tula ni Nolte, ang mga bata ay lumalaki o nabubuhay sang ayon sa kanilang natutunan
Kung ano ang madalas na makita ng bata, ito ang kanilang makakalakihan. Ito ang kaisipan sa Deuteronomio 6:7-9, na sinabi ni Moses sa mga Israelita ang tungkol sa utos ng Diyos,“Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag usapan ninyo ito ka pag kayo’y nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga at kapag babangon kayo. Itali ninyo ito sa inyong mga braso o ilagay sa inyong mga noo, bilang paalala sa inyo. Isulat ninyo ito sa mga hamba ng inyong bahay at sa bukana ng pintuan ng inyong mga lungsod.” Sinabi ni Moses na ang mga utos ng Diyos ay matututunan ng kanilang mga anak kung ito ay patuloy na magiging bahagi ng kanilang buhay.
Ang pagtawag sa atin ay ito, mamuhay tayo nang matuwid (Titus 2:11-12). “Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Diyos, at ang pagsunod sa Kanyang kalooban, at ibibigay Niya ang lahat ng pangangailangan ninyo” (Mateo 6:33). “Mapapalad ang mga nanganga- gugutom at nangangauhaw sa katuwiran sapagkat sila’y bubusugin (Mateo 5:6). Ang pag- tawag sa atin ay hindi lamang ingatan ang ating mga puso sa “nagliliyab na palaso ni satanas,” kundi ito ay pagtawag na isulat ang pangangailangan at biyaya ng katuwiran sa pintuan ng puso ng ating mga anak. Ang susunod na henerasyon ay makikita ang makatuwirang pamu- muhay ng sinundan nila at ang aral ay matututunan nila. Lagi tayong magbantay. Ingatan ang puso. “ Pero kung usigin kayo dahil sa kabutihang ginagawa ninyo, mapalad kayo (1Pet3:14). Ang taong walang kapintasan ay ingatan dahil sa kanyang matuwid na pamumuhay, nguni’t ang makasalanan ay mapapahamak dahil sa kanyang kasamaan ( Kawikaan 13:6 ).
Kailangan nilang makita ang ginawa nating pagpili. Kung ang mga anak ay namuhay sa panalangin, sila ay matututong umasa sa Diyos. Kung ang mga anak ay namuhay sa salita ng Diyos, sila ay matututong humanap ng karunungan. Kung ang mga anak ay namuhay na q At sa oras na ako’y umahon sa tubig ng bawtismo, ang Ama ay nagbigay sa akin ng kalasag ng katuwiran. Kung ito’y bagay na nahahawakan, ito sa ngayon ay isa ng kasaysayan naaking espirituwal na paglakad na may gasgas at galos mula sa panahon na ako’y natalisod at mga batik na makinis sa panahon na ako’y nakayapos dito.Nguni’t hindi ko ito maisasalin sa aking anak na babae,kahit nais niya ito. Ang kalasag ko ng katuwiran ay hindi magiging kanya. Nguni’t kung ito ay isinuot ko nang maayos, ang aral ay magiging kanya. Hindi niya malalaman ang bawat panalangin, gawain o pagpili na nagpalakas sa aking pagiging matuwid, nguni’t ang panalangin ko nawa’y maalala niya at isipin ang Ama sa kalangitan.