Hanggang Pitong Beses?
“Panginoon, hanggang ilang ulit ko po bang patatawarin ang aking kapatid kapag siya'y nagkasala sa akin? Hanggang pitong beses po ba? (Mateo 18:21)
Ang tanong ni Pedro ay nagkaroon ng kabuluhan sa akin. Hindi bat magiging mas madali kung iisaisahin natin ang mga pagkakamali ng iba hangang sa lumaon ay maari na lamang natin silang tuluyang baliwalain sa atin buhay?
Nauunawaan ko yon.
Ang problema sa ganuon pagiisip ay parang ang pagpapatawad ay mas nagiging batayan at hindi espirituwal na katangian.
Ako at si Pedro ay parehong ibig na ang pagpapatawad ay base sa dami kaysa sa kalidad. Magiging mas madali kung pakiramdam ko na ako ay naging masunurin bago ako malugmok sa aking mga hinananakit.
Walang pagaalinglangan, ang akala ni Pedro na ang pag aalok ng pagpapatawad hanggang sa pitong beses ay pagiging mapagbigay. Karamihan sa mga guro nung araw ay nagsasabi na kailangan patawarin ang isang partikular na tao ng tatlong beses lamang kung kaya halos dinoble pa iyon ni Pedro.
Ang sagot ni Hesus ay walang katapusan ang ating pagpapatawad, at ang tunay na sagot sa tanong ni Pedro ay nagmula sa isa sa mga parabula ng aliping di marunong magpatawad (Mateo 18:23-35)
Ang alipin na di marunong magpatawad ay pinatawag ng hari upang magbayad ng pagkakautang. Ang kanyang utang ay sobrang napakalaki at kahit na sinabi nya na kanya itong babayaran sa paglipas ng panahon, ang katotohanan ay walang ano mang paraan na kanyang mababayaran ang kanyang pagkakautang.
Napaisip ka ba kung ano ang naisip ng alipin nang mapatawad ang kanyang mga utang? Naisip ko kung pinuri ba nya ang kanyang sarili dahil naisahan nya ang hari o simpleng naisip nya na ang hari ay mangmang, hangal na nahulog sa kanyang manipulasyon. Kanyang natakasan ang hatol na kung tutuusin ay karapatdapat. May karapatan ang hari na ibenta sa pagkaalipin ang nasabing alipin at ang kanyang buong pamilya; isang hatol na hinihingi ng batas.
Gayon pa man, pinakinggan ng hari ang alipin at pinatawad sa hindi nya mababayarang pagkakautang.
Ang reaksyon ng alipin ay kinabigla ng ibang lingkod ng hari, walang dudang kinabigla rin ng karamihan na nakikinig kay Hesus, pati na rin kami ay nabigla.
Ang alipin kung saan hindi pa tuyo ang tinta ng kanyang kapatawaran, ng makita ang lingkod na may pagkakautang sa kanya ng maliit na halaga lamang kumpara sa kanyang milyon milyon na pagkakautang, ay kanyang sinakal at pilit na hiningian ng kabayaran.
Tila hindi nakita ng alipin ang koneksyon ng sarili nyang sitwasyon at ng lingkod. Ang kabalintunaan ay sukdulan at siyempre, may kabalbalan sa pag-uugali nito. Nagsumbong ang ibang lingkod ng hari sa kanilang nasaksihan. Nang pinatawag ng hari ang alipin, tinawag niya itong napakasama.
Ang kasamaan ng alipin ay walang kinalaman sa kanyang orihinal na naipon na utang kung saan maliwanag na wala shang planong bayaran .... ang masama ay bagaman pinakita sa kanya ang maging maawain sa pinadakilang paraan bilang huwaran para sa kanya, siya ay tumatangi pa ring maging maawain.
Ang hari, na hindi hangal sa kabila ng lahat, ay ipinakulong ang alipin hanggang sa ang kanyang utang ay mabayaran ng kabuuan.
“Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid na laging nagkakasala sa akin? Ang sagot ni Hesus sa tanong ni Pedro ay makikita sa Mateo 18:35: “Ganyan din ang gagawin ng inyong Amang nasa langit kung hindi kayo magpapatawad nang buong puso sa inyong kapwa.”
Walang nakatago o mahiwagang mensahe. Malinaw na parang kystal si Hesus. Tayo ay dapat magpapatawad sapagkat tayo ay napatawad. Hindi mahalaga kung ano man ang sinabi o ginawa ng iba. Hindi ko kayang humarap sa Panginoon sa araw ng paghuhukom at magpaliwanag kung bakit may tao na hindi ko pinatawad. Hindi ko maaring ibintang sa ibang tao ang aking mga sama ng loob.
Isang mahirap na leksyon.... ito na maari ang pinakamahirap na leksyon.
Kung di tayo marunong magpatawad, tayo ay napakasama. Tayo, na nabigyan ng sobra sobrang awa at kapatawaran ay dapat magpakita ng parehas na pagpapatawad at pangunawa tulad ng ating hari. Kung hindi, tayo ay tulad ng napakasamang alipin. Hindi pwede na meron tayong dobleng huwaran kung saan nakatanggap tayo ng kapatawaran tapos tayo ay magbibigay ng hatol. Hindi iyong ang tamang paraan sa pag ayon.
Naniniwala ako na maibibigay ang hustisya. Sa mga gumagawa ng kasamaan ay hahatulan din ng hari. Siyanga pala, ang mga lingkod na nagalit sa alipin na hindi nagpatawad ay hindi nagpasya na ilagay ang hatol sa kanilang mga kamay. Bagkus, ay dinala nila sa hari ang alipin. Ang hari lamang ang magbibigay ng hatol.
Alam ko, sa buhay ko, ang aking hangad para sa hustisya ay isang simpleng pagtatakip lamang para sa aking kawalan ng awa at mapaghusgang katangian. Kailangan kong bantayan yan at natitiyak ko na hindi ako nagiisa.
Ang Diyos ang maghahatol at sha ay maghahatol ng matuwid dahil alam nya ang ating mga puso, kasama na ang sa akin. Ang panalangin ni David, "Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat." (Salmo 51:10). Yan din dapat ang ating panalangin.
Ang puso ng iba ay hindi ko suliranin, yung puso ko lamang. Upang makatanggap ng kaawaan, kailangan kong magbigay ng patawad, ng walang limitasyon sa bilang kundi dahil sa kalidad ng aking pagkatao.
Kapag tayo ay nabigong magpakita ng awa, nagpapakita tayo ng paghahatol sa awang ating natanggap. Nagpapakita tayo ng paghamak sa pagtitis ng Diyos at sa hindi kapanipaniwalang pagsasakripisyo ni Kristo.
Kung gusto nating harapin ang hustisya, ayun ay makakamit natin. Makakamit natin ang eksaktong nararapat para sa atin at ang oras para sa awa ay magaganap.