Ang Tahimik na Kaaway

Maaga akong gumising, alas tres ng umaga. Naghahanda ako ng mga kailangan ko para sa isang aralin na aking ituturo. Binuksan ko ang tabing ng aking bintana at nakita ko ang payapang kapaligiran, na naiilawan ng mga ilaw sa poste at mga tahanan na tahimik. Hindi Ko lubos na maunawaan kung paano mapag ukulan ng panahon ang laban na nasa ating kalagitnaan, na ang lahat sa ating paligid ay iniaalis tayo sa mga lungga at larangan ng digmaan na nagbibigay ng kapayapaan at kasaganaan, Paano tayo mamamalagi sa aktibong kaharian sa laban ng ating buhay.


Hindi natin nakikita ang laban kundi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ipinagkaloob Niya, at ito ang Salita ng Diyos. Malaking kapalaran kay satanas na nakikipaglaban sa mga tao na hindi lubos na kilala ang kalaban. Sa gayon ay malaya siyang nakakakilos sa ating daigdig, sa mga paaralan, sa mga bayan, sa ating mga tahanan at kung minsan pa ay sa mga puso ng mga hinirang ng Diyos. At sa mga tao na walang turo ukol sa pakikipaglaban, sa mga hindi handa at walang armas, ang walang malinaw na plano ng pagwawagi, ang kalaban ay sasalakay at papatay. Ang mga patay ay maiiwan upang tulungan ang bagong pinuno na walang pang unawa.
Sa unang bahagi ng sulat na nagpapahayag ng ispirituwal na sandata ng Diyos, tayo ay pinagkalooban ng mga aral na dapat sundin sa ating paglakad, at tayo ay pinaalalahanan na nagbigay ng buhay na ipinagkaloob sa atin, na noon tayo ay mga patay din.
“ Nguni’t napakamaunawain ng Diyos at napakadakila ng pag ibig Niya sa atin, na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli Niya tayong binuhay kasama ni Kristo. ( Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.) At dahil sa pakikipag isa natin kay Kristo Hesus, binuhay tayo ng Diyos mula sa mga patay kasama ni Kristo, para maghari tayong kasama Niya sa kaharian ng langit. Ginawa Niya ito para maipakita Niya sa lahat, sa darating na panahon, ang hindi mapapantayang kasaganaan ng biyaya Niya at kabutihan na ibinigay Niya sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Dahil sa biyaya ng Diyos, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Kristo. Kaloob ito ng Diyos, at hindi galing sa Inyo. Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, para walang maipagmalaki ang sinuman. Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag isa natin kay Kristo Hesus, binigyan tayo ng bagong buhay , para gumawa tayo ng kabutihan na noon pa ay itinalaga na ng Diyos na gawin natin. (Eph.2: 4-10)
Hindi ko alam kung anong pakikidigma ako tatawagin. Hindi ko nakikita kung anong mga sugat ang aking tatamuhin sa mga susunod na digmaan. Hindi ko nauunawaan ang mga turo at pagpapalakas na kailangan ko kung makaharap ang prinsipe ng kadiliman at namumuno dito sa daigdig. Nguni’t kailangan kong maunawaan na ang aking kalaban ay naririto sa tahimik at maginhawang mga araw noong siya ay pumasok sa aking buhay, na ipinahahayag ang kanyang sarili. Kung siya’y darating, kailangan kong ako ay buhay sa kawan na lumalakad sa liwanag, upang hindi ako mamataysa laban para sa aking puso.
Noon tayo’y patay, ngayon tayo’y buhay, hinango mula sa kamay ng kaaway - tayo’y inilipat sa kaharian ng Anak ng pag ibig- “ Iniligtas tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal Niyang Anak.” ( Col. 1: 13 ) Nauunawaan natin ang konsepto ng isang “conveyor system”, na nangangahulugan ng isang mabilis at mabisang aparato na naghahatid ng mga bagay at materials mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.


Kung ako’y naglalakbay, pinipili ko ang upuan sa tabi ng bintana. Minamasdan ko ang mga bagahe na inililipat mula sa terminal ng paliparan hanggang eroplano, at ako’y panatag ang loob na makita ang aking bagahe ay ligtas at nasa loob na ng eroplano na aking sinakyan. Ang aking bagahe ay hindi maiiwan at hindi maliligaw; ito’y darating sa taming destinasyon na aking pupuntahan. Ang piloto at eroplano, kung walang anumang sagabal, tao man o mekanikal,ay magbibigay sa akin ng ligtas na biyahe, katulad din ng aking bagahe na inilagak sa ilalim na bahagi ng eroplano. Ang ating kaligtasan sa pakikipaglaban ay dumarating sa paraan na tayo’y inilipat na mula sa pakikidigma patungo sa kaharian ng Anak. Itinaas tayo mula sa kaguluhan at itinago sa kanlungan ng bato, itinago at ligtas sa kaharian ng Diyos ng kalangitan at nagkakaloob ng lahat ng biyayang ispirituwal na buhat sa Kanyang kaharian.
At ngayon kung ang ating puso at isipan ay binago ng karunungan at kaalaman na buhat sa kaharian ng Anak, ay ating mauunawaan at malalabanan ang mga digmaan na nasa ating paligid. Tayo'y may kapayapaan, kahit na alam natin na ang kaaway ay narito sa ating paligid at handa tayong siluin, tayo'y nagagalak kahit may mga kapighatian at pagsubok na dumarating sa atin, tayo ay may mabuting asal kahit na ang ilan ay mapag mataas at mapang api, at tayo ay may pagtitiis at nagsisilbi ng may pagmamahal kahit na tayo'y nanghihina at pagod na. Ang hindi natin nakikilala, hindi naririnig, hindi nakikita, mga nakatagong panganib, ay hindi sagabal sa ating paglalakbay, sapagkat ang ating piloto ay hindi nagkakamali, at ang ating pinuno ay higit na makapangyarihan kaysa sa kaaway

Previous
Previous

Hanggang Pitong Beses?

Next
Next

Ang Pagpapatala sa Hukbo ng mga Disipulo