Ang Pagpapatala sa Hukbo ng mga Disipulo

“Sa katapustapusa’y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng Kanyang kalakasan.Mangagbihis kayo ng buong kagalakan ng Diyos, upang kayo’y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagalakan ng Diyos, upang kayo’y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.” Efeso 6:10-13


Kung inyong nasaliksik ang halaga ng isang nilalang na sumapi sa Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos, ay makikita ninyo na ang mga sumapi ng kusang loob ay lubos na pinahahalagahan. Ayon sa isang artikulo, “Ang mga kawal ang pinakamahalagang bahagi ng hukbo. Sila ang nagsasagawa ng mga utos at tapusin ang mga misyon. Bilang kawal, ikaw ay maaatasan na gampanan ang tungkulin na susubok sa iyong kakayahan na kahit sa panaginip ay hindi mo alam ay kaya mo pala.”


Natitiyak ko na ang mga pahayag na ito ay ginawa sa maraming bansa, ang pagtawag sa mga mga lalaki at babae na handang turuan, mag aral, mag bago at pinakamahalaga ang ialay ang kanilang buhay, isangtabi ang sariling kapakanan para sa laban na kanilang kinakaharap. Nauunawaan natin na ang mga kusang loob na sumapi ay binubuo ng mga nais na matuto, maglingkod at lumaban. Ang pagsang ayon ng isang kawal ay nakasalalay sa kahalagahan ng ng isang mithiin, ang pagtalima sa mga pinuno, at ang pagmamahal sa kanyang kapwa. Hindi mahirap na unawain ang bagay na ito.


Sa paninirahan ko sa iba’t ibang pook militar, malimit kong itanong sa aking sarili kung anong uri ng kawal ako kung sakali. Makakaya ko ba ang mga pagsasanay, mag aral ng ibang wika, at isakripisyo ang lahat ng aking lakas para sa isang mithiin. Maging tiwasay kaya ako sa pagsunod sa mga pinuno at sa mga tao na may mataas na katungkulan na hindi ko pa nakikita
Nguni’t hindi ko na pinagisipan ito ng mahabang panahon, at pinaalalahanan ko ang sarili na ako ay nakapagpatala na, ako ay nakatalaga sa pakikidigma, at lumalaban ako sang ayon sa atas ng aking Pinuno,ng aking Hari at aking Panginoon, na nais kong makita nang harapan.Tinawag tayo ng ating Hari na magpatala at tayo ay tumugon na mapabilang sa mga kawan ng disipulo; tayo ay nakipagtipan sa pamamagitan ng bautismo. Isinuot natin ang kalasag, tayo ay tumayo at nagmatyag at tayo ay lumaban ng isang mabuting digmaan.Kaiba sa mga kawal na nagpatala sa iba’t ibang panig ng mundo, ang ating kawan ay hindi nahahadlangan ng mga lupain,politikal o ugnayan ng mga tao.Ang ating mga kawal ay nasa mga tahanan at mga komunidad sa buong mundo. Tayong lahat ay magkakasama na lumalaban sa mga kaaway na ang tunay na layunin ay sugpuin tayo at ang mamamayan ng ating kaharian- kung saan man tayo nananahan o kung kailan tayo nabubuhay sa ating mundo. At kahit na tayo ay nasa iba’t ibang dako naninirahan, ang ating isipan ay nakatuon kung kailan matatapos ang pakikipaglaban, ang ating Hari ay darating, at tayong lahat ay magsasama sa tagumpay ng ating ipinaglalaban. “Ikaw ay umawit at magalak, o anak na babae ng Sion, sapagkat narito, Ako’y naparito at Ako’y tatahan sa gitna mo,sabi ng Panginoon. At maraming bansa ang magpipisan sa Panginoon sa araw na ayon, at magiging Aking bayan; at Ako’y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo. (Zacarias 2: 10-11) Ang kasaysayan ay nagtuturo na hindi tayo nag iisa sa pakikipaglaban. Malawak ang kasaysayan ng ating hukbo; tayo ay lubos na nagpapasalamat sa mga nalugmok na mga kawal na nanguna sa kanilang kapanahunan. Mababasa natin sa Banal na Kasulatan ang mga tapat na propeta,mga pari, mga hari,mga apostoles at mga disipulo. Ang mga tapat na nagsaayos, nagpabago, mga pastor, mga tagapagturo,lalaki man o babae na ating nakilala sa ating buhay. At sa mga nakiisa kay Pablo “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya.” (2 Tim.4: 7). Ngayon, ang ating mga mata ay nakatuon sa tagumpay. “ Yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawat pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harap natin, na masdan natin si Hesus na gumawa at sumakdal sa ating pananampalataya.” (Heb.12: 1). At ngayon, sila’y nagbubunyi para sa atin, ang mga dating heneral, mga nakayapak na kawal at mga tapat na banal.


Nguni’t hindi natin dapat linlangin ang ating sarili o magpalinlang; ang pagpapatala ay hindi nagbibigay ng mabisa at matalinong kawal. Hindi lahat ng nagpapatala ay nauunawaan o pinagaaralan ang kalaban. Hindi lahat ay sumusunod sa utos ng Hari. Dapat ay lagi tayong handa sa laban sa pamamagitan ng pagiging isang tapat na disipulo.


Ang kalasag ay ipinagkaloob na, ang laban ay natukoy na (Ephesians 6: 10-20), at ang alituntunin ay maliwanag at isinaad ng ating Pinuno at Hari. Ang pagpapatala ay kusang loob at kung ating pinili, dapat nating alamin at unawain ang laban, isuot natin ang kalasag at kilanlin ang ating Pinuno at unawain ang Kanyang mga utos sa atin. “Sinabi nga ni Hesus sa mga Hudyong yaon na nagsisimpalataya sa Kanya, kung kayo’y magsisipanatili sa Aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad Ko. At makikilala ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa Inyo,” (John 8: 32-33).


May mga mabisa at di mabisang kawal; ang iba ay sumusunod, ang iba ay naguguluhan at di nauunawaan ang nangyayari sa laban, ang iba ay nahahaling sa makamundong bagay na nagiging hadlang sa paglilingkod na siyang ipinaalala ng Panginoon sa Lukas 9: 57-62. Ang iba ay magpapasakop, ang iba ay titiwalag at ang iba ay makikipagtunggali. Nguni’t ang lahat ay magpapasya sa kanilang puso at isipan kung anong uri ng kawal ang nais nila.


Hindi ako karapatdapat na maging kawal ng hukbo ng Estados Unidos. Hindi ko nais na lumahok, hindi malakas ang aking pangangatawan, mahina ang loob ko sa pakikipaglaban at hindi ko lubos na maunawaan ang kalaban at ang pabuya ay hindi malinaw sa akin. Nauunawaan ko na ako ay hindi handa at walang kusang loob sa ganitong pagpapasakop.
Ngayon, ako ay lubos na sumasangayon na maging isang tapat at karapatdapat na kawal para sa Panginoon, mag aral at kilanlin kung sino ang kaaway,isuot ang kalasag ng katuwiran, katotohanan, kaligtasan, ang ebanghelyo ng kapayapaan at dalhin ang Salita sa puso at isipan. Ako ay nakahanda na mag aral , matuto,at ilaan ang oras at lakas at kalimutan ang pansariling kapakanan, makamit lamang ang tagumpay na ipinangako sa Hukbo. Kailangan kong alalahanin na higit na mapanganib ang mapunta sa pook ng pagkatalo sa laban na ito. Ang tanging mithi ko ay makamit ang korona ng mabunying tagumpay.o

Previous
Previous

Ang Tahimik na Kaaway

Next
Next

Limang Salita