Limang Salita

2 Kinabukasan, maaga pa ay bumalik na si Hesus sa templo. Maraming tao ang lumapit sa Kanya, kaya umupo Siya at nangaral sa kanila. 3 Dumating ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang babae na nahuli sa pangangalunya. Pinatayo nila ang babae sa harap ng mga tao,4 at sinabi nila kay Hesus, “Guro, ang babaeng ito ay nahuli sa pangangalunya ; 5 Ayon sa kautusan ni Moses, ang babaeng tulad niya ay dapat na batuhin hanggang sa mamatay. Anong masasabi Mo?” 6 Itinanong nila ito upang hanapan ng maipaparatang laban sa Kanya. Pero yumuko lang si Hesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng Kanyang daliri.7 Pero paulit ulit silang nag tanong, kaya tumayo si Hesus at sinabi sa kanila, “ Kung sino sa inyo ang walang kasalanan ay siyang unang bumato sa kanya.” 8 At muli Siyang yumuko at nagsulat sa lupa.9 Nang marinig nila iyon, isa isa silang umalis mula sa pinakamatanda, hanggang si Hesus na lang at ang babae ang naiwan.10 Tumayo si Hesus at sinabi sa babae, “Babae, nasaan na sila? May humatol ba sa iyo?”11 Sumagot ang babae, “Wala po.”Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala.”(“ Go and sin no more.”)12 Muling nagsalita si Hesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sumusunod sa Akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw na magbibigay buhay.”
Tayo ba ay nagtataka tungkol dito sa pagtatagpo ni Hesus at ng babae sa simula ng ika - walong kabanata ng Juan? Si Hesus ay nangangaral na ng dalawa at kalahating taon, ang aking hula ang babaeng ito ay hindi pa nakikita o nakikilala si Hesus hanggang sa umagang yaon. Inaakala natin na siya ay nabubuhay sa araw araw na puno ng kasalanan. Malinaw na ang babaeng ito ay patuloy na namumuhay sa magulong mundo na kanyang ginagalawan.


Nang kanyang matanggap ang kalayaan mula sa pagiging alipin, matapos palayain sa parusa ng kamatayan, ang Tagapagligtas ay nagbigay ng maikli at malinaw na utos sa limang salita, “Go, and sin no more,” na sa ating wika ay “Maaari ka nang umalis at huwag na muling magkasala.” Marami tayong pinaguusapan. Sa ating mundo ngayon, ang utos na ito ay hindi sapat, kulang at hindi wasto. Ang limang salitang ito ay hindi nagsasaalang alang kung anong pagsusuri sa kanyang isipan o mentalidad, walang mahabang talakayan, tanong at sagot upang bigyan ng pag asa o patawarin ang babaeng ito.
Ang Templo, ang sentro ng gawaing pangrelihiyon para sa mga Banal na Bayan ng Diyos, ay puno ng mga tao na nag mula sa iba’t ibang panig ng mundo, ay naghahanda ng mga sakripisyo ng pagaalay, ng tubig at seremonya ng kaliwanagan na ginaganap sa mga araw na iyon. Ang Sanhedrin, ang kataastaasang hukuman ng bayan, na walang gawain sa mga araw ng kapistahan, ay malugod na nakikihalubiho sa mga mamamayan na galing sa maraming bansa upang makarating sa pinakamatuwid at kataastaasang Herusalem, at sumasagot sa mga katanungan ukol sa batas at katanungan.


Isang maagang araw ng Kapistahan ng Tabernakulo, na ang babaeng ito itinanghal sa publiko. Ating nauunawaan na sa lumang batas, na siya ay nahaharap sa kamatayan. Ang pagharap niya sa Panginoon, sa umagang iyon, ay nagkaloob sa kanya ng pagkakataon na baguhin ang takbo ng kanyang buhay.


Wala tayong alam sa anumang bahagi ng kanyang buhay bago o pagkatapos na makita siya sa templo. Hindi natin alam kung ilang taon na siya, hindi natin alam kung siya ay nakapag asawa, minsan o makalawang ulit. Hindi natin alam kung may mga anak siya, hindi natin alam kung saan siya namuhay. Hindi natin alam kung mayroon siyang mga dahilan upang makarating sa pook na ito- marahil siya ay isang ulila, o inabuso, o kaya ay namuhay sa isang marangyang buhay sa isa sa mga tahanan sa Herusalem, kung saan ang batas ay itinatag at itinuro nguni’t

 kung saan ang hindi makatotohanang pag asam ay ginagawa para sa kanya araw araw. Hindi natin alam kung siya ay pinakisamahan nang hindi mabuti at pinagsamantalahan o kaya ay inakit niya ang lalaki upang sila’y magkasala. Hindi natin alam kung siya ay maganda, matalino, kung siya’y may hanapbuhay o tinutulungan ng ibang tao.
Hindi ibinigay sa atin ang wakas ng kuwentong ito. Ang palagay ko ay lumisan siya sa harap ni Hesus noong araw na iyon at gumawa ng lahat ng dahilan ng kanyang pagkatao bago at pagkatapos na makaharap niya ang nanggaling sa Kalangitan. Ang palagay ko ay lubha siyang nahihiya at nagsisisi para sa kanyang sarili na hindi na kayang pumaroon sa sinagoga upang paglingkuran ang nagligtas sa kanya sa kamatayan. Marahil ay ginugol niya ang kanyang sarili at lahat ng nangyari sa kanya at hindi binigyan ng halaga ang utos... pagkatapos nang lahat, ano ang alam ng Taong ito kung ano ang kanyang pinagdaanang buhay at lahat ng kanyang ginawa ?


Si Hesus ay hindi naupo na kasama ng babaeng ito upang suriin ang lahat ng mga nangyari at kunin ang lahat ng detalye sa mga huling buwan at taon ng babae- sapagkat hindi ito mahalaga. Lahat ng ating pinag usapan, lahat ng paliwanag na ibinigay natin upang hindi magsilbi- ang lahat ng dahilan na ginawa natin upang hindi tayo gumawa ng mas mabuti, ay hindi mainam na pag usapan. Noong tayo ay tanungin,upang mag bago,walang paliwanag upang gawain ito. Hindi inakala ni Hesus na ang babae ay inosente o walang alam, at hindi Niya tinanong ang tungkol sa kanyang buhay. Binigyan ni Hesus ng pagkakataon ang babae na maging bagong nilalang na nabubuhay at gumagawa ng iba kaysa dating buhay...at umasa Siya na kukunin ng babae ang pagkakataon na gumawa ng makabuluhang bagay sa buhay niya.


Alam natin na ang kanyang nakaraan ay hindi makakalimutan - na siya, hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, ay ang babae na inakusahan sa Sanhedrin sa mga araw ng Kapistahan ng Tabernakulo. Siya ay patuloy na alalahanin ng marami na ang babae na inilantad sa publiko dahil sa kanyang kasalanan. Mananatili siya sa ganoong pagkakikilala. Uuwi siya sa kanyang tahanan, ligtas sa pambabato at kamatayan, nguni’t siya pa rin ang babaeng iyon. At ang ugnayan sa kanyang pamilya at relasyon ay nawasak at mananatili sa ganoong kalagayan. Hindi pinalaya ni Hesus ang babae sa mga epekto na nagmula sa kanyang mga ugali at gawa bago niya nakaharap si Hesus. Nguni’t pinalaya siya ni Hesus sa bigat ng kasalanan. Siya ay masasabing nasa ilalim, at kailangan niyang lubos na madaig o matalo ang kapalaluan, at kahihiyan. Maaaring mawala sa kanya ang mga mahal sa buhay- at marahil ang lalaki na kasama niya sa pakikiapid- alam natin na ito ay totoo at ang lalaki ay totoo. At siya ay babalik, may pagpapakumbaba at nahihiya sa komunidad at sa sinagoga ng mga Judio na alam ang kanyang mga ginawa.


Hindi ko maisip na ang babae ay hindi pipilitin ang sarili na makilahok sa mga pananambahan. Ang utos ng Panginoon ay nangangailangan ng pagsang ayon. Hindi nag alok si Hesus na ito ay gagawin para sa Kanya- katunayan, hindi nag alok si Hesus na samahan siya para maging gabay niya. Hindi rin Niya inalok ang isa sa mga disipulo na samahan at turuan siya. Paano siya- sa tunay na kalagayan niya- ay umalis at huwag nang magkasala? Walang dahilan si Hesus na ibigay ang utos kung inaakala Niya na hindi ito patas, mahirap o hindi makatuwiran. Siya ay namagitan at iniligtas ang buhay ng babae, na sa aking pagkaka alam, ay naglalarawan ng Kanyang makatarungang ugali - at ito ay makatuwiran lamang na magbago ang babae.


Kung iisipin natin na ang ating buhay ay lubos na magulo upang mabuhay nang matuwid, kailangan lang natin na isipin ang babaeng ito. Kung iisipin natin na hindi makatuwiran na umasa na tayo ang mga tapat dahil sa mga nangyayari sa ating buhay, isipin natin ang babaeng ito. Kung iniisip natin na tayo ay mayroong paliwanag at dahilan na hindi maging kasama ng mga matiyaga sa kanilang pag aaral at tungkulin, isipin natin ang babaeng ito. Ang Panginoon ay hindi nagbigay sa kanya ng maraming pagpipilian, hindi Niya binigyan ng pagkakataon ang babae na sabihin sa Kanya kung bakit hindi siya mapapabilang sa mga tapat na mananampalataya. Ang huwag nang magkasala ay nangangailangan ng taos pusong pagsamba at pagpapasakop sa mundo ng ating Panginoon- isang espirituwal na mundo- nangangailangan ito ng masusing pag aaral- ang tuloy tuloy na pagninilay sa mga espirituwal na bagay- ito’y nangangailangan ng pagbabago sa mga nakaugalian at mga kasama. Ang huwag nang magkasala ay nangangailangan ng pagsang ayon na pagaralan ang Batas ng Diyos at ang inaasahan Niya sa Kanyang pinagpala.


Ang lumakad sa liwanag at maging mabunga ay nangangailangan ng katatagan, at ito’y isang makabuluhang pag asam ( 2 Pedro 2 : 5-11 ). Kung ang babaeng ito ay umalis sa harap ng Panginoon at bumalik sa mundo na sumira at itinali ang kanyang puso at isip, ang kasalanan ay nasa paligid lamang. Nguni’t kung alam niya kung ano ang naligtasan , pumasok sa mundo ng ating Panginoon, nagdesisyon na ang kanyang pagpapasakop ay karapatdapat na talikuran ang nakaraan na mga gawain at harapin nang may katatagan at may malaking katiyakan, na ang kanyang mga mata ay nakatuon sa halaga ng buhay sa mensahe ng Ebanghelyo, sa gayon ay magiging tagumpay siya.


Limang salita na nagpapabago- makabuluhan at makakamit. Anong laking kagalakan para sa babaeng ito, nawa’y para rin sa ating lahat !

Previous
Previous

Ang Pagpapatala sa Hukbo ng mga Disipulo

Next
Next

Ang Pinakamalakas Kong Kaalaman