Ang Pinakamalakas Kong Kaalaman
Isang araw sa opisinang aking pinagtatrabahuhan, ay nakikinig ako sa isang pangkaraniwang pag uusap sa pagitan ng ehekutibo ng aming opisina at isang manunulat. Ang manunulat ay ibinabahagi ang isang nakawiwiling estadistika, na inilahad ang mga nakakagulat na pagkakawangis ng mga partidong political sa Estados Unidos, nguni’t alam natin na ang pagkakawatak watak ay higit na malawak. Tinapos niya ang pag uusap na dahil ang tao ay malinaw na hindi maayos kung ano ang pinaniniwalaan ng karamihan, at dahil ito ay tipikal o karaniwang kaalaman sa ating buhay. Iniaayon natin ang ating pananaw sa loob na kung ano ang pinaniniwalaan ng iba sa mga pinakamalakas at pinakamadalas na kaalaman sa ating buhay. Ang kanyang aplikasyon ay tanungin ang mga tagapakinig Kung ano ang pinakamalakas at malimit na kaalaman sa kanilang buhay- ang social media ba? Ang mga balita? at iba pa? Tinanong niya kung ang mga kaalaman na ito ay may malalim na motibo.
Ito’y isang nakamamanghang usapan sa kabuuan, nguni’t nagbigay sa akin ng isipin na kung ano ang pinakamalakas at pinakamadalas na kaalaman sa aking buhay. Iyon ba ang kanyang tinalakay o ang Diyos? At ang katotohanan, anuman liban sa Diyos, ay dagliang magpapabago sa aking pananaw sa paningin ng daigdig, at ito’y hindi sa maayos na paraan. Kung ano man ang ating opinyong politikal, ang ating katayuan sa buhay, ang ating pinag aralan, o ang ating tirahan- ang kaalaman sa labas ng Diyos at ng Kanyang Salita ay may malalim na motibo. Kailangan kong ingatan at isipin mabuti ang mga motibo, mas higit na bigyan ng limitasyon ang kanilang impluwensiya sa aking buhay. Ang isang aklat na nais kong basahin ninyo ay “Amusing Ourselves To Death” na isinulat ni Neil Postman, ito ang kanyang obserbasyon ukol sa mga balita: “ How often does it occur that information provided you in the morning radio or television, or in the morning newspaper, causes you to alter your plans for the day, or to take some action you would not otherwise have taken, or provides some insight into some problem you are required to solve?” Sa ating wika, “Gaano kadalas na ang impormasyon sa pang umagang radyo o telebisyon o pang umagang pahayagan, ay nagbibigay sa iyo ng dahilan upang baguhin ang iyong balak sa araw na iyon, o gawin ang isang aksiyon na wala kang balak na gawin, o magbigay ng solusyon sa isang suliranin na kailangan mong sagutin?” Ang aklat na ito ay isinulat noong 1985, at ang aktuwal na teknolohiya sa paglalahad ng ganitong balita ay maaaring nag bago- nguni’t ang mga tanong ay totoo pa rin hanggang ngayon. Gaano kalaki ang iyong natutunan na magagamit mo sa iyong pang araw araw na buhay? Malulutas mo ba ang mga bagay na bumabagabag sa iyo matapos mong basahin? Matutulungan ka ba sa iyong pang araw araw na desisyon? Maaaring sa ibang bagay ay oo, ngunit kung tayo ay tapat, hindi lahat ay magagamit sa makahulugang layunin at karamihanay hahantong lamang sa pag aalala at takot. Nguni’t ang katulad ay hindi masasabi ukol sa Diyos at sa Kanyang Salita- ang mga kaalamang ito ay maghahatid sa atin sa isang maayosna daan kung ating papayagan gawin ito at gawin nang tama.
Hayaan ninyo na maging matalas ako tungkol dito. Marami sa aking kaalaman ay sa pagnanais ko na punuin ang aking paghatol. Si Xenophanes,isang pilosopong Griego, na nabuhay noong 570- 478 BC, ay nagsulat ng “Ang mga tao ay ginagawa ang kanilang diyos diyosan sa kanilang imahen.” Siya ay walang pag aalinlangan na iniisip ang tungkol sa mga Griegong diyos at ang lahat ng kanyang pinupuna, nguni’t ang kultura ba natin ay higit na mabuti? Sino at ano ang ginagawa nating idolo? Sino ang sinusundan mo sa social media at ano ang tinig na Ibinabahagi nila? Anong istasyon ng balita na iyong pinagkakatiwalaan? Sa Isaiah 44:9-20, inilarawan ni Isaiah ang kalokohan ng mga tao sa paggawa ng mga diyos diyosan at pagtitiwala sa mga ito. Tayo na nabibilang sa lipon ng mga tao ay nabibigla kung ang isang politiko, isang kilalang manlalaro, o isang kilalang mangangaral ng Salita ng Diyos ay matatagpuan na may malaking kasiraan. Makikita natin na kung ginawa natin na ang tao o social media, telebisyon, o palakasan o anumang bagay liban sa Diyos, na maging idolo, tayo ay mabibigo. Sila ay ginawa sa ating imahen at lahat tayo bilang tao ay mabibigo. Ang mga ito ay mag iiwan ng isang malaking puwang sa ating kaluluwa- naghahanap ng isang bagay namakapupuno na hindi makapagbibigay ng kasiyahan. Ang ating kaluluwa ay tulad ng sisidlan na binanggit ni Jeremiah sa Jeremiah 2: 13- hindi malalamnan ng tubig.
Ang aklat ng Kawikaan ay nagbigay ng patnubay ukol sa ganitong paksa. Sa Kawikaan 3:5 ay isinasaad “Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.” At sa kabanata 14:12, ay nasusulat “Maaaring sa tingin mo ang daang tinatahak mo ay matuwid, nguni’t kamatayan pala ang dulo nito.” Ang karunungan ay tumatawag sa atin at nakikiusap na unawain na ang ating pinakamalakas at malimit na kaalaman ay buhat sa Panginoon. Mga kababaihan,tayo ay tumingin sa pinagmumulan ng bukal ng buhay na tubig. Sinabi ni Jesus sa babaeng Samaritana sa John 4: 13-14, Siya ang bukal na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ngayon, ano ang inyong pinakamalakas at malimit na kaalaman? Ito ba ay nagkakaloob ng kapayapaan na dumadaan sa pang unawa at ginagawa ka na isang mabuting kapitbahay, anak, ina, asawa okaibigan? Ito kaya ay nagbibigay ng kalungkutan, pag aalala, galit o pagkatalo? Idinadalangin ko na iwawaksi natin ang mga idolo na ginawa sa ating imahen at tumingin tayo sa tunay na pinagmumulan ng bukal ng buhay na papatnubay sa ating paglakad araw araw.