Pagkilala sa Kaaway

Sa paninirahan ko sa mga pook militar sa loob ng 20 taon, ang kaisipan ng pakikilahok sa digmaan ay nagbigay ng bagong kahulugan sa akin. Ang Iglesia na nasa Mainz, Germany noong mga taong 2000 ay maraming mga kasapi ang ipinadala sa Iraq noong 2003. Ang isang kapatid na umuwi upang magpahinga ay nagpahayag ng kanyang naranasan sa Baghdad. Sinabi niya na ang pinakamalaking suliranin ay ang hindi mo kilala ang iyong kaaway. Ang pagkilala sa mga taong tapat kay Saddam at sa mga taong sinalubong ang mga kawal ng Estados Unidos ay masalimuot at nakakawalang pag asa.

Kahalintulad ngayon na ang nilalabanan natin bilang mga Kristiyano. Si Satanas ay likas na mapanlinlang- siya ang ama ng kasinungalingan (John 8:44)- ang makaharap siya at alisin sa ating buhay ay nangangailangan ng atensyon. Ang ating pakikipaglaban ay hindi sa daigdig- ang kaaway natin ay ang masasamang espiritu na namamahala sa kadiliman sa daigdig

(Efeso 6:12), at ang pananakot ay tunay. Tayo ay may tungkulin na kilalanin ang kaaway at iwasan ito. Kailangan nating maging matatag; wala tayong malaking kaalaman upang makilala siya sa ating buhay, at tayo bilang mga ina ay kilalanin natin siya sa buhay ng ating mga anak, at turuan sila kung paano nila makikilala at labanan ang kasamaan.

Ngayon, paano natin kikilanlin ang digmaan? Paano natin makikilala ang kaaway? Sa simula ng Genesis,nilinlang ni satanas si Eva, at sinabi na ang tinuran ng Diyos ay hindi wasto at ito’y hindi para sa kanya. Sinabi niya kung ano ang nais na marinig ni Eva at hinikayat si Eva na ang lahat ng tinuran ng Diyos ay hindi ang nais na ipakahulugan. Parang pamilyar, hindi ba?

Madaling makita ang kasinungalingan ni satanas sa nakita natin kay Eva, nguni’t ang kanyang panlilinlang ay hindi nagbabago at ginagawa rin niya sa atin. Tayo ay binubulungan din, na ang Diyos ay hindi umaasa ng anuman liban sa kung ano tayo bilang tao, at kung anuman ang sinabi ng Diyos ay maaaring hindi iyon ang nais Niyang ipakahulugan. Pinupuno ni satanas ang atingisipan ng makamundong kalokohan, pinapaligiran tayo at pinupuno ng mga kasinungalingan araw araw.

Ang ating makabagong kultura ay hindi kakaiba sa mga kultura ng kasaysayan ng mundo. Sa lahat ng kabihasnan, ang kasalanan ay hindi lamang pangkaraniwan, ito’y ipinagbubunyi pa. Ang mga bulok at tiwaling mga tao ay pinararangalan bilang mga bayani na matapang na niyayakap ang masamang buhay, at ang mga matuwid ay sinasabing makaluma, walang muwang at mga takot. Hindi madaling mabuhay na isang maka Diyos sa paligid ng mga masasama. Ang kasaysayan ay hindi nagpapakilala kung sino tayo bilang disipulo. Nanirahan ako sa maraming lugar at nagpalaki ng isang anak sa isang kulturang liberal sa Europa, at nalaman ko na ang inaasahan ng Diyos na pagiging matuwid ay makatuwiran at tunay para sa atin. Ang inaasam na tayo ay mamuhaynang matuwid ay higit sa oras at tirahan kung saan tayo namumuhay at ito ay hindi sa panlabas na kapaligiran. Tunay na ang kultura na ating kinabibilangan ay nagbibigay ng kaalaman sa ating buhay, nguni’t hindi ito ang nagpapakilala kung sino tayo. Kung hindi tayo magiging maingat, ang ating pansin ay sa nangyayari sa ating paligid, at nawawala ang pansin sa nangyayari sa ating kalooban, kung saan ang totoong laban ay nagaganap.

Sa sulat ni Pablo sa Pilipos, ay sinabi niya na sa pamamagitan ng panalangin,tayo ay tumatanggap ng kapayapaan na lagpas sa pang unawa na magbabantay sa ating puso at isipan (Phil.4:7). Ang salitang “magbabantay” ay isang terminong militar. Ito ay naghahayag na maglagay tayo ng hadlang sa paligid ng ating puso at isipan. Iniisip ko isang bakod o pader sa paligid ng isang lunsod. Ang pader ay hadlang upang hindi makapasok ang kaaway at ang mamamayan ay ligtas sa loob ng bakuran. Ang diablo ay nais na pasukin ang hadlang sa ating puso at isipan. Kung natin ilalagay ang Diyos sa ating puso at isipan, ngayon ay hindi mahalaga kung ano ang nagaganap sa ating paligid; hindi natin matutulungan ang sinuman at ang laban ay hindi magtatagumpay. Ang laban sa ating sarili ang unang palkikipagtunggali na dapat na unahin. Kung hindi natin mapagtatagumpayan ang sariling pakikipaglaban, ay hindi tayo magiging tagumpay sa panlabas na pakikipaglaban. Hindi natin kailanman makikilala ang ating sarili.

Si Jesus ay hindi naparito upang baguhin ang daigdig sa paligid Niya. Ang Kanyang mensahe ay hindi ang pagbabago ng lipunan, kung hindi ang pansariling pagbabago, na mas malaking hamon. Ang ating pansariling kabuuan ay mas kumplikado kaysa sa kabuuang kultura. Kailangan muna nating kilalanin ang ating sarili upang magkaroon ng pagbabago. Ang makita ang ating sarili kung sino tayo bilang tao ay makakapagpakumbaba sa atin. Ito ang nagbibigay sa atin ng pagkagutom at pagkauhaw sa salita ng Diyos at tayo’y bubusugin (Mateo 5: 1-12). Tayo ay hinubaran ng lahat ng dahilan at pang unawa at inilantad kung sino tayo, at ang tanging tugon ay inlay ang ating sarili araw araw upang maging kalugod lugod sa Diyos (Romans 12:4).

Paano natin gagawin iyon? Ito ang mga sangkap na inaasahan na pag aralan sa taong ito. Isinusuot natin ang buong kalasag ng Diyos. Ang pagiging handa ang unang hakbang sa pakikipaglaban. Ipinagtatanggol natin ang ating puso at isipan sa panalangin at pag aaral. Kung hindi natin pinupuno ang ating isipan ng Ebanghelyo, si satanas ay pupunuin ito ng lahat ng kasamaan. Nais niyang tayo ay guluhin ng ating kultura, mga edukasyon, mga hanapbuhay, mga pamilya... ang lahat ng ito ay hindi masama... nguni’t si satanas ay walang pakialam. Siya ay lubos na magiging masaya kung tayo ay tulad ng mga pinaputing libingan na maputi at malinis sa labas nguni’t sa loob ay puno ng mga kalansay at maruruming bagay (Mateo 23: 27).

Hindi niya nais na tayong lahat ay nagbibigay ng panandaliang aliw at mga lulong sa ipinagbabawal na gamot. Nais lamang niya na kunin ang ating kamalayan at kunin ang ating isipan sa pakikipaglaban, ang kalimutan na naroon siya, at dahil hindi tayo nagbebenta ng aliw at hindi lulong sa droga, ay tama lang, at hanggan hindi tayo totoong napakasama ay tama lang sa Kanya. Nais niya ay tayo ay tulad ng mga Pariseo at pinababayaan gawin ang mahalagang bagay; katarungan, pagkahabag at pananampalataya - mga katayuan ng puso (Mateo 23:23).

Ang daigdig ay maingay at inaagawang ating oras at atensyon, at sa pamamagitan lamang ng pansin at pagsisikap na inihihiwalay natin ang ating sarili sa ingay ng mundo at mag aral at magnilay sa salita ng Diyos. Iyon lamang na sa pamamagitan ng salita ng Diyos ang ating mga puso ay ginigising at makikita ang sarili na kung wala ang Diyos sa ating buhay, tayo ay nawawala. Kung hindi natin nakikita ang ating sarili, hindi natin makikita ang kaaway.

Tayo ay napapaligiran ng kampo ng kaaway, nguni’t ang laban ay nasa kalooban natin- ito ay laban ng puso. Ang tagumpay ay makakamtan sa pamamagitan ni Jesus. Sa pamamagitan ng Kanyang awa at lakas, ay pagkakalooban Niya tayo ng kalasag na tutulong sa atin na “makatagal sa araw na masama at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.” (Efeso 6:13).

Previous
Previous

Ang Pinakamalakas Kong Kaalaman

Next
Next

Ano ba ang kahulugan ng ganap na Kristiano?