Pagkakamit ng Huling Tagumpay

By Becky Cawthon

Ito ang ika apat at limang segundo na lamang ang natitira sa orasan sa ika apat na bahagi ng kampeonato ng football. Mayroon pang oras para sa isang laro. Ang isang koponan ay mararamdaman ang “kagalakan ng tagumpay” at ang isa ay ang “sakit ng pagkatalo”. Ang pariralang ito ay binigkas ni Jim McKay, ang tagapagsalita ng Wide World of Sports na nagsimula noong Abril 29,1961. Sinabi niya, “Spanning the globe, to bring you the constant variety of sports...the thrill of victory...the agony of defeat...the human drama of athletic competition...this is ABC’s Wide World of Sports!”

Sa ipinakitang mga larawan ng mga nagwagi at mga natalo, ang pagtatanghal ay nakakuha ng pansin sa katotohanan na sa larangan ng paligsahan ay may tinatawag na itaas at ibaba sa buong mundo. Ito ay totoo; gayunman, hindi ito limitado sa paligsahan. Naramdaman ko ang galak sa tagumpay sa pagbabawas ng timbang, nguni’t mas malimit ang lungkot kapag nakita sa timbangan na bumalik ang dating timbang at may dagdag pa na isa o dalawa. Mayroong galak sa pakiramdam matapos ang mahabang pagkakasakit, at ang hirap ng sakit habang ikaw ay nagpapagaling. Naroon din ang kagalakan sa pagwawagi sa larong Quiddler matapos makipagtunggali sa mga mahuhusay na kalaban. Tiyak ko na kayo’y sasang ayon sa mga tagumpay at pagkatalo sa iyong sarili. Sa buhay na ito, tayo ay humaharap sa mga labanan, kung minsan tayo ay magwawagi, at kung minsan ay hindi. Ang ibang tagumpay ay hindi lubhang mahalaga, samantalang ang iba ay may malaking kahalagahan sa ating buhay dito sa

mundo. Ang dapat nating gawin ay tiyakin sa pamamagitan ng Kasulatan kung ano ang higit na mahalaga at kung alin ang hindi.

Ang tanging paraan upang magawa ito ay nakatingin tayo sa Pagkakamit ng Tagumpay. Ito ay ang pagpili sa layunin at daan na papatnubay sa buong buhay natin. Ang kahulugan ng tagumpay ay ang kilos o gawa upang talunin ang kaaway o kalaban sa digmaan, laro o ibang paligsahan. Ang ating Diyos ay pinagkalooban tayo ng lahat ng kailangan natin upang makamit Ang Tagumpay. Ipinahayag Niya ito sa pamamagitan ng Biblia, at ang Kanyang layunin ay na isa ayos na bago pa lalangin ang daigdig. Sa Efeso 1:3, sinulat ni Pablo na ang Diyos ay pinili na Niya tayo para maging banal at walang kapintasan sa paningin Niya. Ipinagpatuloy ni Pablo sa mga talata 9-11, “para maunawaan ang Kanyang lihim na plano na nais Niyang matupad sa pamamagitan ni Kristo pagdating ng itinakdang panahon. At ang plano Niya ay pag isahin ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, at ipasailalim sa kapangyarihan ni Kristo. Ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa plano Niya at kalooban. At ayon nga sa plano Niya noong una pinili Niya kami para maging Kanya sa pamamagitan ng pakikipag isa kay Kristo.”

Tulad ng koponan ng football na naglalaro sa huling limang segundo, ang mga kakampi ay binibigyan sila ng suporta, at ang 11 manlalaro ay ginagawa ang lahat, nasa atin ang lahat ng kailangan natin at ang Diyos na tumutulong sa atin upang magtagumpay. Sa 2 Pedro 1:3, “Ang kapangyarihan ng Diyos ang nagbigay sa atin ng lahat ng kailangan natin upang mamuhay nang may kabanalan. Ito’y sa pamamagitan ng pagkakakilala sa Kanya na tumawag sa atin. Tinawag Niya tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan Niya at kalooban.” Kailangan natin ng pananalig at pagtitiwala sa Diyos upang makapagtiyaga at gawin ang lahat ng sinabi Niya at huwag magtiwala sa ating sariling kakayahan. Iyan ang magpapatalo sa atin at mararanasan ang pagkatalo sa buhay.

Kailangan nating malaman kung sino ang kaaway at maunawaan na gagawin ng kaaway ang lahat upang tayo’y magapi niya. Alalahanin natin na si Satanas ang ating kaaway,siya ang Ama ng kasinungalingan at gagawin ang lahat upang hindi tayo makarating sa layunin . Alam ito ni Kristo, at alalahanin natin kung paano Niya nagapi si Satanas, “ Sinasabi sa Kasulatan.” Ito ang

 paraan kung paano Niya sinagot si satanas nang Siya ay tuksuhin sa ilang ( Mateo 4:1-11 ). Kailangan nating malaman ang Kanyang Salita at ang kalooban ng Ama upang magwagi sa mga maliliit at malaking digmaan Sa buhay na ito.

Ginawa ito ni Kristo nang buong sakdal, at sa gayon, ay ginapi si satanas, na naging possible, upang Makamit ang Tagumpay sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya. Ituon ninyo ang inyong mga mata sa nag iisang layunin na mahalaga. Tingnan ang mga tapat na saksi sa Hebreo 11 na pumanaw sa kanilang pananampalataya. Lahat sila’y naghangad ng higit na mabuting bayan- isang makalangit na bayan. Ang Diyos ay nag handa ng isang siyudad para sa kanila. Ang nagbibigay ng lakas ng loob sa atin ay nagpapatuloy sa Hebreo12:1-2, “Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Diyos. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Diyos para sa atin. Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis Niya ang paghihirap sa krus at hindi Niya ito ikinahiya, dahil iniisip Niya ang kaligayahang naghihintay sa Kanya. At ngayon nga ay nakauwi na Siya sa kanan ng trono ng Diyos.

Walo at kalahating taon ang nakaraan, ay dinalaw ko ang aking ama sa isang pasilidad na nagbibigay ng bagong lakas. Araw araw sa loob ng dalawang linggo ay dinadalaw ko siya upang saluhan sa pananghalian. Siya ay nakaupo sa silyang may gulong, nagbabasa bg Biblia na kanyang laging ginagawa. Nguni’t sa oras na ito ay sinabi niya, “ Hindi ko na nais gawin ito...handa na akong umalis.” Dahil hindi ko lubos na naunawaan, ay binigyan ko siya ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang kanyang pagpapalakas. Hindi ito ang nais niyang sabihin. Siya ay pagod na at nais niyang pumunta sa isang mainam na lugar. At isinama niya ang Biblia at binanggit ang mga salita ni Pablo sa 11 Timoteo 4. Sa kalagitnaan ng talata 6, sinabi niya,

“ Dumating na ang panahon ng pagpanaw ko. Puspusan akong nakipaglaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya. At ngayon, may inilaan ang Diyos sa akin na korona ng katuwiran, ibibigay ito sa akin ng Makatuwirang Panginoon sa araw ng paghuhukom Niya. At hindi lang ako ang bibigyan, kundi ang lahat ng nananabik sa pagbabalik Niya.” Saka nalaman ko, na handa na siya sa na Makamit ang Tagumpay...ang tanging tagumpay na mahalaga. Siya ay handa na makamit ang mga pangako ni Kristo na Kanyang ipinangako sa lahat ng Kanyang mga tapat na lingkod. Siya ay pumanaw makalipas ang tatlong araw.

Mamuhay tayo na ang paningin ay nakatuon sa layunin. Ang pananampalataya ay ang Tagumpay laban sa mundo. Nawa tayong lahat ay patuloy na tumingin sa hinaharap upang Makamit ang Tagumpay.


Previous
Previous

Ang Taong Nais Kong Makilala — Anna

Next
Next

Sa Bawat Hininga, Nananabik Akong Sundan si Jesus