Ang Taong Nais Kong Makilala — Anna

Sa palagay ko ay nais ko ang mga tao na ginugol ang kanilang mga araw sa templo ng Jerusalem sa panahon ni Jesus. Wala tayong kaalaman sa mga ito na ginugol ang kanilang pang araw araw na oras doon. Gayunman, walang alinlangan na ang mga tapat at matuwid na tinatawag na “ pulutong na mga tao”sa mensahe ng ebanghelyo ay naghihintay sa pagdating ng Mesiyas. Bagaman bigo sila sa politika na kalikasan sa templo, sila ay patuloy na humawak sa kabanalan at pag asa sa gitna ng kanilang gawaing panrelihiyon sa kapitolyo ng siyudad. Nabasa natin ang dalawa sa mga matuwid na tao;si Simeon at si Anna, at sa palagay ko ay nais ko silang makilala.

Si José at Maria ay naglakbay mula Bethlehem hanggang Jerusalem kasama ang kanilang Anak. Sa Lucas 2:22-24, “Dumating ang araw na maghahandog sina Jose at Maria sa templo ng Jerusalem ayon sa kautusan ni Moses, patungkol sa mga babaeng nanganak upang maituring silang malinis. Dinala rin nila ang sanggol sa Jerusalem upang ihandog sa Panginoon. Sapagkat nasusulat sa Kautusan ng Panginoon, “ Ang bawat panganay na lalaki ay kailangang ihandog sa Panginoon.” At upang maituring na malinis si Maria, naghandog sila ayon sa sinasabi ng Kasulatan ng Panginoon; isang pares ng batu bato o dalawang inakay ng kalapati.”

Nang si Jesus ay isilang,maraming ginagawa ang mga matuwid na Judio para sa kanilang unang anak na lalaki. Ang batang lalaki ay dinadala sa templo at inihahandog sa pari, at nagbibigay ng 5 shekels, pantubos na salapi, na kailangan at may malaking kahalagahan. Ang pagtubos na ito ay isasagawa sa parehong panahon na ang ina ay maisagawa na ang kailangang paglilinis.

Sa pagsunod sa batas na iniutos ng Diyos sa Kanyang bayan, si Jesus ay maaaring 41 araw ang gulang nang sina Jose at Maria ay naglakbay mula Bethlehem patungo sa Jerusalem upang tuparin ang seremonya ng paglilinis kay Maria, at ang pagtubos sa kanilang bagong silang na anak. Ating alamin, na kung ang bata ay babae, ang mga pangangailangan ay kailangan din, nguni’t ang batang babae ay dapat na 81 araw na ang gulang ayon sa batas. Sa karagdagan, nang si Jesus ay isilang, ang pamilya ay masusunod ang kaukulang seremonya sa pagpunta sa Jerusalem sa kapistahan sa anumang oras makalipas ang 41 o 81 na araw. Ang totoo, si Alfred Edersheim sa “Jesus, the Messiah,” ay sinabi na “ Hindi kailangang dumalo ang babae, ang kanilang handog ay maaaring ibigay ng kinatawan ng pamilya o mula sa sinagoga kung saan ang pamilya ay kabilang.” Tunay, si Maria na ina ng ating Panginoon ay pinili na maglakbay mula Bethlehem hanggang Jerusalem, na ginagawa ng mga deboto at tapat sa bayan.

Sa araw na ang pamilyang ito ay dumating upang ihandog ang kanilang anak, na isinilang sa isang sabsaban at dinalaw ng mga pastol, ay nakaharap nila ang dalawang nakawiwiling mga tao- sina Simeon at Anna. Tunghayan natin ang Lukas 2:36-38, “Naroon din sa templo ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Anna, anak siya ni Phanuel na mula sa lahi ni Asher. Matanda na siya, at pitong taon lang silang nagsamang mag asawa at siya’y nabiyuda na; at siya biyuda na ng mahigit na 84 na taon, hindi siya umalis sa templo, araw at gabi ay sumasamba siya sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pag aayuno. Lumapit siya ng oras ding iyon kina Jose at Maria at nagpasalamat sa Diyos, at nagsalita rin siya tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa araw ng pagliligtas ng Diyos sa Jerusalem.” Si Simeon , na nagpahayag na ang kaligtasan ng Israel ay dumating na, ay hindi lamang siya nagbigay ng papuri sa batang ito sa araw na iyon. Ang kahanga hangang babae na ito, si Anna, ay magbibigay din ng Salita kina Jose at Maria na kanilang pagninilay nilayan.

Si Anna ay isa sa mga biyuda na pinagkalooban ng pangangailangan- naninirahan siya sa templo. Ang kanyang idad ay 91 taon, may asawa ng 7 taon, at biyuda sa loob ng 84 na taon. Hindi natin alam kung ilang taon siya nag asawa,kung 15 o higit pa, maaaring siya ay 106 na o higit pa. Ngayon, siya at si Simeon ay parehong matanda na ( at si Simeon ay maaari nang mamatay matapos ang kanyang gawain), at ang idad ni Anna ay nakikita natin.

Si Anna ay kahanga hanga- sabi ni Alfred Edersheim sa kanyang Jesus the Messiah, “ Isang katangi tanging interes ang nakalakip sa kanya sa pagbibigay ng papuri sa Diyos sa kanyang nakitang papalapit na katubusan. Isang hiwaga ang tila nakapaloob kay Anna. Isang biyuda na ang maagang kalungkutan ay sinundan ng mahabang buhay ng pagdadalamhating mag isa; isa sa mga tahanan na ang angkan ay napangalagaan. Mahuhulaan natin at isang katotohanan, na isa itong lahi na hindi nagbalik sa Palestine, na ang kanyang pamilya ay may katanyagan. Nakama mangha na ang lahi ni Anna ay kinilala sa tradisyon na magagandang babae, at ang kanilang kakayahan na makapag asawa ng isang Pinunong Pari o Hari.”

Nais kong makilala si Anna,na ginugol ang buhay sa templo na nag aayuno at nananalangin. Maliwanag na ang mga taon na ay hindi nagbigay sa kanya ng pusong may katuwiran; siya ay hindi nabahiran ng kabanalan at pakitang tao na kalakaran ng kultura ng templo. Ang totoo, ang kanyang pag aayuno at pananalangin ay hindi hungkag na pagpapakita kung ano ang kanyang tunay na relihiyon- ito ay likas na katugunan sa kanyang pag asa. Ang babaeng ito at ang kanyang karanasan sa Jerusalem ( hindi maikakaila na doon siya nabiyuda), ay hindi pagpapakilala sa kanya. Isipin natin kung ano ang kanyang nakita at kung sino siya- isang napawalay sa kanyang lahi ( sapagkat ang lahi ni Asher ay hindi bumalik), siya’y napaliligiran ng politikal na estado ng Judea- panlipunang kaugalian at pang relihiyong kalagayan na hindi naaayon sa Israel na kanyang kinasasabikan. Tila ang kanyang panalangin araw araw ay kasama ang katubusan, na tanging ang Diyos ang makapagkakaloob, ang Kanyang ipinangako, ang kanyang pinaniniwalaan- at nakita ang magkatulad na pagtubos nang makita niya ang bata.

Sa araw araw na kasama niya ang mga nagpapanggap at huwad na relihiyon ng bayang kanyang minamahal, siya ay hindi nanglumo o umayaw sa matapat na pag asa ng pangako. Sa palagay ko ay gusto ko siya. Ang templo ay hindi naglalarawan ng mga bato na nagbibigay ng kaluwalhatian sa kanyang bayan; para sa kanya, ito ang pook na tulad ng Tabernakulo noong nagdaang panahon na nagtulak sa kanya upang lalong mapalapit sa Diyos. Anong mabuting pook upang gugulin ang mahabang buhay sa pag iisa? Ito ang likas na lugar para sa kanya upang itaas ang kanyang panalangin araw araw, na tumingin nang matatag sa pag asa ng Israel. Isa siya sa mga tapat na nananalig- isa sa marami- naghihintay. Marami ang nakarinig sa salita ni Anna at nalaman na ang pagtubos ay dumating na. Ako ay lubos na nagpapasalamat ss Diyos na pinagkalooban Niya si Anna na makita at makilala si Jesus. Ang lahat ng kanyang panalangin-84 na taon ng pananalangin- siya ay pinagkalooban ng katiyakan, ang mga ito ay napakinggan.

Hindi natin alam kung ilang taon pa nabuhay si Anna- ang aking hula ay hindi marami. Nguni’t ang Diyos ay napakabuti na tiniyak niya ang ating panalangin ay tinugon. Nais kong makilala si Anna upang mapakinggan ang mga taon na ginugol niya sa templo, nananalangin, nag aayuno- na siya’y na bigyan ng pagkakataon na malaman na tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako sa Kanyang bayan at sa lahat. At ako’y nagtataka, ano ang ating ipinapanalangin? Nanalangin ba tayo para sa pagtubos ni Kristo sa lahat? Tayo ba ay umaasa sa pangako ng Kanyang pagbabalik? Tayo ba ay nabubuhay sa paraan na mapapalapit sa Diyos? Pinaaalalahanan ba natin ang ating sarili araw araw na mayroon pag asa kahit na tayo’y bigo sa mga nangyayari, sa pagkakanulo o pagkukunwari? Naniniwala ba tayo nang lubos na ang Diyos ang may pagpipigil at gagawin ang lahat kung ano ang mabuti para sa lahat sa Kanyang panahon? Si Anna ay naniwala at nais kong makilala siya, at tiyak na magugustuhan ko siya nang lubos.


Previous
Previous

Ang Tao sa Kanyang Kaugnayan sa Diyos

Next
Next

Pagkakamit ng Huling Tagumpay