Ang Tao sa Kanyang Kaugnayan sa Diyos
Habang papalapit sa bagong taon, ang pamunuan ay nagkaisa sa paksa ng Karunungan ng Diyos- mga pag aaral sa Mga Salmo at Mga Kawikaan. At likas lamang gawin na ang unang paksa ay tungkol sa kaugnayan ng tao sa Diyos lalo na ang paksa ng paglikha.
Ang tao ay isang mausisang nilalang, at ginugol natin ang mga siglo na unawain ang mga hiwaga ng mundo at paano ito gumagalaw. Maraming mga alamat ng paglalang na nagpapaliwanag kung saan tayo nagmula at maraming mga pag aaral sa agham na sinusubok na ipaliwanag ang ating planeta at ang daigdig. Paano ipinapaliwanag ito ng Biblia?
Ang Genesis ay nagsisimula sa “ Nang panimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. Ang mundo noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na bumabalot sa mundo ay balot ng kadiliman”...Genesis1:1-2a ( The Hebrew Bible ).
Binanggit ko ang pagsasalin upang bigyan ng diin ang pahayag, na “ang lupa ay walang anyo at laman.” At sa Hebrew ay tohu wabohu. Ang nagsalin ay sinusubok na makuha ang paulit ulit na mga tunog sa orihinal na wika at isalin ang “wala pang anyo at laman.” Sa pasimula, ang lahat ay ganap na kaguluhan- nguni’t ang Diyos ay nagsimula na sa paglalang. Ang Diyos ay humakbang at binago ang kaguluhan tungo sa kaayusan. Ang totoo, ay makikilala mo ang salitang Griego na “cosmos” at paano natin ginagamit sa paglalarawan ng daigdig sa paligid natin, nguni’t ang salita ay nangangahulugan ng “kaayusan.” At, ang langit at ang lupa ay ang kaayusan na nilikha mula sa kaguluhan. Gayun nga, ang pagkakasala ay dumating, at ang kalikasan ay hindi na ang maayos na hardin kung saan si Adan at si Eva ay nagsimula. Ngayon ay mahirap nang makakuha ng pagkain sa lupa at ang daigdig sa paligid natin ay pagpapaalala ng ating pagkakasala. Ang totoo, ang ikalawang batas ng “thermodynamics” ay ang batas ng agham ng pagkakalugmok. Ang lahat ay nababasag at bumabagsak kalaunan-at nangangailangan ng mamamagitan upang hadlangan ito. Makikita ito sa lahat ng ating ari arian: mula sa pananamit, sa sasakyan, sa tahanan. At ang totoo, maging ang ating mga katawan.
Alalahanin natin ang kaguluhan, at tingnan ang Salmo148. Ang Salmo 148 ay bahagi ng lupon ng limang salmo sa huling aklat ng Mga Salmo na nagsisimula at nagwawakas sa “Purihin ang Panginoon.” Ang salmong ito ay tanging nagpupuri sa Diyos sa paglikha. Ito ay nagsisimula sa kalangitan (ang sukdulang kalangitan-ang kaharian ng Diyos), at bumaba sa kaharian sa mundo, sa lupa at tubig. Ito ay magbibigay sa isipan ng larawan sa unang kabanata ng Genesis. Ang totoo, ang Salmo ay nagpapakita ng pagpupuri sa Diyos na kahalintulad sa mga araw ng paglalang.
Ngayon ay tingnan natin kung ano ang tinatanong sa pagpupuri sa Diyos. Ang mga anghel na hukbo Niya sa langit. Ang araw, ang buwan at mga bituin. Mga malalaking hayop sa karagatan at lahat ng nasa kailaliman ng dagat. Ang mga kidlat, at ulan na yelo, niyebe at mga ulap. Mga bundok, mga burol at lahat ng mga hayop. Lahat ng tao sa mundo, mga hari, mga pinuno, mga tagapamahala, mga kabataan, matatanda at mga bata.
Bakit ko ibinigay ang talaan? Ano ang pangkaraniwan sa kanila? Kung titingnan mo ang talaan- ito ay ilan sa mga mabangis at hindi napipigilang mga bagay sa kalikasan. Mapipigilan mo ba ang hukbo ng kalangitan? Mapipigilan mo ba ang araw, buwan at mga bituin? At paano ang malalaking hayop sa karagatan, o ang kalagayan ng panahon? Ang karamihan ba ng tao ay malulupig ang mahabangis na hayop o ang ating sarili?
Ang totoo, hindi ba ito ang pinagsisikapan ng tao? Hindi ba natin sinusubukan na mapag tagumpayan ang lahat ng ito? Mayroon tayong mga programang pangkalawakan upang maunawaan at suriin ang pinakamataas na kalawakan. Mayroon tayong maayos na kabihasnan sa lupa at saliksikin ang kalaliman ng dagat. Tayo ay may kaunlaran upang pigilin ang pagtanda. Tayo ay patuloy na nakikipaglaban sa kalikasan. Nguni’t nagwagi ba tayo?
Isipin mo na gugulin ang panahon sa loob ng 2-3 araw na mag isa sa ilang? Paano ka makikipaglaban sa kalikasan na mag isa? Kahit na ang mga palabas sa telebisyon ay nagbibigay sa mga kalahok na magdala ng 10 bagay. Paano kung wala kang maaaring dalhin? Paano tayo magtatagumpay laban sa kalikasan? Wala na tayo sa Hardin ng Eden. Tayo ay napaliligiran ng wasak na mundo. Gayunman, mayroon isang Diyos na ating sinusunod sa 8magulong mundong ito.
Ang wakas ng Salmong ito, “Pinalalakas Niya at pinararangalan ang Kanyang mga tapat na mamamayan, ang Israel na Kanyang pinakamamahal. Purihin ang Panginoon.” Ano ang kahulugan nito? Ang sungay ay orihinal na sagisag ng isang hayop na may sungay na itinataas ang sungay kung nagtagumpay laban sa isang hayop. Gayunman, mayroon ding mga kalagayan kung saan ang sungay ay ginagamit na kasangkapan upang ipahayag 7tagumpay laban sa isang kaaway. Alam mo ba kung sino ang magpapahayag ng tagumpay laban sa talaan sa Salmo148? Tanging ang DIYOS lamang. Ang totoo, sa wakas ng Biblia, nakikita natin ang buong aklat, ang “Pahayag” (Revelation), na ito ang nagtagumpay laban sa mundo, kasama ang kamatayan at ang hukbo ni Satanas.
Marahil, tulad ko, minsan ikaw ay nakatingin sa paligid ng mundo at nagsisimula na mawalan .ng pag asa. Iniisip mo na ang lahat ay wala nang pagpipigil at marahil ay tumingin sa mga kagawaran ng tao upang labanan ang mga bagay- tulad ng pamahalaan, o non profit na mga organisasyon o paaralan. Sa kasamaang palad-wala sinuman sa mga grupong ito ang magtataas ng sungay. Hindi sila magpapahayag ng huling tagumpay. Ang tagumpay na iyon ay sa DIYOS lamang magmumula. Sa susunod na pag awit mo ng “Hallelujah! Praise Jehovah!” awitin mo nang may katiyakan sa “Nag iisa” na nagpahayag ng tagumpay para sa Lahat ng nilalang- sa ISA na nagtagumpay laban sa kapangyarihan ng kadiliman. Sa ISA na karapatdapat sa lahat ng kaluwalhatian. Sa susunod na lumabas ka ng pintuan at makita ang kalikasan sa paligid mo- isa isip mo ang ISA na lumalang ng lahat at gawin ang karapatdapat na kaayusan sa maliit na paraan bilang kinatawan at imahen ng Diyos.