Sa Kanyang Panahon
By Linda Barnett, Artesian, NM
Ang karunungan ay binigyan ng kahulugan ni Merriam-Webster Dictionary, na ang kakayahan na maunawaan o makita ang katangian ng kalooban at mga pakikipag ugnayan, ang pagkaunawa; mabuting pag iisip, paghatol. Tayo, bilang taong may hangganan, ay hindi lubos na maunawaan ang walang hanggang Diyos, nguni’t ang Mga Salmo ay tinutulungan tayo na isaalang alang ang Kanyang karunungan upang pahalagahan ang Kanyang kadakilaan at talino. Ang Kanyang nilalang ang magpapatunay sa Kanyang malaking kapangyarihan at karunungan. Mayroon tumpak na kaunlaran sa mga araw ng paglalang kung saan ang tao ay hindi niya magagawa, kahit na magawa niya na mula sa wala. Sa Salmo 8:1,
“O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng Iyong pangalan ay makikita sa buong mundo, at ipinakita Ninyo ang Inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan.” Ang nilalang ay kumuha ng malaking kapangyarihan, nguni’t kumuha rin ng magkatulad na malaking karunungan.
Ang karunungan at kaalaman ay magkasama, nguni’t magkaiba sila. Ang isa ay may kinalaman sa katotohanan, at ang isa ay ginagamit ang kaalaman para sa kabutihan. Ang karunungan ay nagsusuri at pagkatapos ay ginagamit sa wastong paghatol at pagkaunawa. Ang karunungan ng Diyos ay lubhang napakataas sa tao at ito ay ipinahayag sa atin sa Roma 11:33. Sinulat ni Pablo, “Napakadakila ng kabutihan ng Diyos ! Napakalalim ng Kanyang karunungan at kaalaman ! Hindi natin kayang unawain ang Kanyang mga pasya at pamamaraan !
Maraming bagay ang nagpahayag ng karunungan ng Diyos sa atin: ang Kanyang salita,ang Kanyang nilikha, ang Kanyang Anak. Ang pagsisikap na parisan ang Kanyang karunungan, ay itinataas natin ang ating ugali sa isang mataas at dakilang antas. Ang pagbabasa ng Salmo 8 ay nagpapalakas ng loob sa atin. Ang nilikha ng Diyos ay nagpapakita ng Kanyang kalikasan at Kanyang kapangyarihan sa paglalang. Tayo ay mistulang maliliit na mantsa kung ihahambing sa napakalawak na sansinukob na makikita sa kalangitan sa kalaliman ng gabi. Gayunman, ang Diyos na bilang ang mga bituin at alam ang bawat pangalan, ay hinanap ang aking kababaan na makasama Niya sa Kanyang kaluwalhatian. Sa Salmo8:4, tinanong ni David, “Ano ba ang tao upang Iyong alalahanin? Sino nga ba siya upang Inyong kalingain?”
Tayo ay nilalang ng Diyos; tayo ay iniingatan Niya, at binigyan ng kapangyarihan na isailalim ang lahat ng nilalang. Nguni’t tila wala tayong kasiyahan. Tayo ay nababalisa at nag aalala, nguni’t kilala tayo ng Diyos, ang lahat ng ating pangangailangan at suliranin. Ipinangako Niya na ipagkakaloob ang ating pangangailangan sapagkat mahal Niya ang lahat ng Kanyang nilalang. Sinabi ito ni Jesus sa Mateo 6:8, “...Dahil alam na ng Inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo bago pa man ninyo ito hingin sa Kanya.” Anong kaginhawahan na ibibigay sa atin! Nguni’t sa daigdig ngayon, tulad sa mga araw ng Mang aawit, tayo ay nababalisa at nag aalala tungkol sa lipunan, sa ating bansa, mga namumuno, sa ating pamilya, at masasamang tao.
Basahin natin ang Salmo 37. Bakit ang mabuting tao ay nagdurusa at ang masama ay gumiginhawa? Ang matandang katanungan na ito ay masasagot sa apat na bagay na natutunan natin sa karunungan ng Diyos sa salmong ito. Una, kailangan nating magtiwala sa Panginoon; pangalawa, kailangan nating magalak sa Panginoon ; pangatlo, kailangan natin ipagkatiwala ang ating ginagawa sa Panginoon ; at pang apat, kailangan nating maging matiyaga sa paghihintay sa Panginoon.
Salmo 37:3; “Magtiwala ka sa Panginoon at gumawa ng mabuti.” Kailangan nating magtiwala sa Diyos. Siya ang Manlilikha; Siya ang may kontrol. Kahit ano ang mangyari, may tiwala tayo sa Kanya na iingatan Niya tayo kung tayo ay lalapit sa Kanya. Ang pagtitiwala ay nangangahulugan na tayo’y lubos na umaasa sa katotohanan at kakayahan ng Diyos na iingatan ang lahat ng mga nangyayari.
Salmo 37:4; “ Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,at ibibigay Niya sa iyo ang nina nais mo.” Kailangan nating asahan ang kaligayahang mula sa Kanya, at hanapin ito sa Kanya. Kailangan nating hanapin ang tuwa sa Diyos at sa Kanyang Salita. Kung inaalala natin na ang Diyos ang naglalang sa atin at inaalagaan tayo, wala tayong dapat na ipag alala. Lahat ng pangalan, katangian, salita at gawa ni Jehovah ay kaligayahan sa atin.
Salmo 37:5; “Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa,magtiwala ka sa Kanya at tutulungan ka Niya.” Tayo ay pinapayuhan na ipagkatiwala ang ating daan sa Diyos- sa tuwirang salita ay ibigay ang alalahanin sa Diyos. Ang pariralang ito ay kinuha sa kamelyo, na nakaluhod habang ang mga pasanin ay inilalagay sa kanyang likod. Ang lahat ng ating alalahanin, mga pag iingat, ang ating kalooban at mga paghatol ay ibigay sa Diyos. Ito ay kaya Niyang dalhin at gayun din tayo sa Kanyang kaluwalhatian.
Salmo 37:7; “Pumanatag ka sa piling ng Panginoon at matiyagang maghintay sa gagawin Niya.” Sa Kanyang karunungan, ang Diyos ang gagawa ng mabuti para sa atin. Huwag kang mag alala at mawalan ng kasiyahan. Maghintay, magtiyaga. Ang Diyos ay nagkakaloob ng marami at mabuti. Magkakaroon tayo ng kapayapaan ng pag iisip at kapayapaan sa Diyos- ang kapayapaan na hindi kayang ibigay ng mundo at hindi makakamtan. Ang panahon ay hindi mahalaga sa Diyos at kailangan natin na ang kalooban ng Diyos ang mangyari sa Kanyang tamang panahon.
Ang Diyos ay palaging naninindigan para sa Kanyang mga hinirang. Parurusahan Niya ang mga masama, na maaaring hindi natin makita sa buhay na ito, at Kanyang pagpapalain at bibigyan ng pangangailangan ang mga matuwid. Ang Salmo 37 ay nagwawakas sa talata 39-40, “Ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula sa Panginoon. Siya ang nag iingat sa kanila sa panahon ng kaguluhan. Tinutulungan sila ng Panginoon at ililigtas sa mga taong masama, dahil sila’y humihingi ng Kanyang kalinga.” Tayo ay lubhang walang tiyaga sa mga bagay na dapat gawin Ngayon. Kailangan nating sundin at isagawa ang mga alituntunin ng Diyos na mababasa sa Salmo 37. Purihin ang Diyos at ipagkatiwala ang lahat sa Kanya at umawit nang malakas, “ Lord please show me everyday as you’re teaching me Your way that You do just what You say in Your time.” ( Panginoon ipakita Mo sa akin araw araw ang pagtuturo Mo sa akin ng daan na gagawin Mo ang sinabi Mo sa Iyong panahon ).