Ang Paglikha sa Pamamagitan ng Mga Salmo
By : Stacy Rogers, Arlington, Texas
Ang nilikha ng Diyos ay gawain ng pagmamahal. Sa Salmo 19, “ Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos; at ipinapakilala ng kalawakan ang gawa ng Kanyang kamay.” Sa paligid natin, ay nakikita natin ang kahanga hangang likha ng Diyos, at ang mga nilikhang ito ay ipinapakita sa atin ang mahirap na unawain kung sino ang Diyos. Ang Genesis ay inilalarawan ang Diyos na malikhain. Hindi lang Siya nagtayo ng “tahanan” ( ang mundo), nguni’t pinuno Niya ito ng iba’t ibang uri ng nabubuhay na bagay upang manirahan sa tahanang ito. Ang mga halaman, ang masaganang iba’t ibang nilalang, at ang pinakamataas na nilikha, ang mga tao.
Sa Mga Salmo, ang mang aawit ay ginagamit ang mga nilikha upang ipakita ang iba’t ibang anyo ng kalikasan ng Diyos. Ang Salmo 29 ay ipinapakita ang kapangyarihan ng Diyos sa Kanyang mga nilalang. Ang mga talata 3-5, ay inilalarawan sa pamamagitan ng tinig lamang, ang lakas ng Diyos ay makapagpipiraso ang sedro ng Lebanon. Ang Salmo ay ginagamit ang malakas na kulog upang ipakita ang lakas ng Diyos. Ang Kanyang tinig ay tila kulog. Ang lakas ng kulog na iyon ay ginamit sa mga sedro ng Lebanon. Ang sedro ang punong ginamit ni Solomon upang itayo ang templo at ang kanyang palasyo. Ang mga kahoy ng punong ito ay napakatibay, subalit ang kulog ng tinig ng Diyos ay nababali at napipiraso ang maharlikang punong ito.
Ang Salmo 65, ay ipinapakita ang mapagbigay na kalikasan ng Diyos. Inaalagaan niya ang lupa at pinagyayaman ito. Ang mga ilog ay Kanyang pinaaagos (9).Nakikita natin ang lakas at Kanyang kabutihan sa salmong ito. Ang talata 7 ay ipinapakita ang Kanyang lakas sa mga nilalang sa pamamagitan ng Kanyang kakayahan na maghari sa kaguluhan- kaguluhan sa kalikasan at maging sa mga tao. At sa paghahari ng Diyos sa kaguluhan, ang Kanyang kabutihang loob ay dumadaloy tulad ng ilog mula sa Kanya. Ang mahinang ulan ay pumapatak sa mga pananim upang mabiyayaan ang mga tao. Ang Salmo ay ibinabadya ang kabutihang loob ng Diyos.
*Sa pagbabasa ng aklat, ay makikita natin ang iba pang katangian ng Diyos sa Salmo 147. Oo, nakikita natin ang lakas ng Diyos dito, nguni’t nakikita rin natin ang Kanyang hangarin na alagaan at ingatan ang Kanyang nilikha. Ang Salmo ay pinapupurihan ang Diyos sa Kanyang biyaya ng ulan sa lupa at ang Kanyang kusang loob na alagaan ang mga mababa sa Kanyang mga nilikha. Nguni’t ang Salmo ay nagsasabi na ang Diyos ay hindi nalulugod sa “lakas ng mga kabayo”, o sa “kagitingan ng mga kawal”(10). Ang mang aawit ay nagpupuri sa Diyos sa pagkakaloob ng kapayapaan sa Israel sapagkat Siya ang nagkakaloob ng tagumpay. Ang Diyos ang nangangalaga sa Kanyang nilikha. Hindi ang tao.
Ang Diyos ay hindi lamang nais na makinabang tayo sa Kanyang lakas,sa Kanyang kabutihang loob, sa Kanyang pangangalaga, nais din Niyang ipakita ang pagtitiwala sa atin. Ang Salmo 8, ay naglalarawan ng malaking pagkakaiba ng Diyos at tao. Sa malaking plano ng paglikha, “Ano ba ang tao na upang Inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang Inyong kalingain?”(4). Nguni’t ang salmong ito ay nagsasaad na ang tao ấy ginawa Niya na kaunting mahaba kaysa Kanya, at pinutungan ng kaluwalhatian (5). Ang marangal na larawan ay nagsasaad ng mga talata na kung paano ang tao ấy nilalang sa imahen ng Diyos. Sa Genesis 1:26, sinabi ng Diyos, “ Lalangin Natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis; at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa.” Ang Salmo 8, ay inuulit din ang pananagutan na ibinigay sa atin sa Genesis.
“Ipinamahala Ninyo sa amin ang Inyong mga nilalang, at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay"(6). Anong laking pananagutan ito. Ang pananagutan na ako'y nahihirapan na pag isipan.
Ang Diyos ba ay nilikha ang mundo at lahat ng naroon bilang handog Niya upang tayo’y mabuhay? Oo, tunay na ginawa Niya ! Gayunman, ang Biblia ay nangusap ng tungkol sa paglalang ng Diyos sa bagay na Kanyang mahal. Sa Genesis 1:31, “Pinagmasdan ng Diyos ang lahat ng Kanyang nilikha at lubos Siyang nasiyahan.” At ang kaisipang ito, kailangan nating isaalang alang bilang mga taga sunod ng Diyos na tayo’y pinagkatiwalaan na “mamahala” sa gawa ng Kanyang mga kamay.
Kung ikaw ay naninirahan na malapit sa ibang tao, ay makikita mo ang bunga ng lalang ng Diyos. Ang ibang mga bagay ay mabuti. Ang tao ay nakipagtayo ng nakamamanghang mga gusali na hindi lamang matitirhan kundi upang ipakita ang talino na ipinagkaloob ng Diyos. Maraming magagandang gusali na nagpapakita ng katalinuhan ng tao, ang mga kahanga hangang mga tulay na ginawa upang magkasama ang mga tao, at mga kahanga hangang bagay na nagsasabi ng mga kuwento ng mga lugar sa kapaligiran. Ang mga tao ấy pinagsama sama ang mga magagandang halaman at itinanim upang maging magandang hardin.
Kahit na marami tayong ginawa na magagandang bagay, ay nakikita rin natin kung minsan ang negatibong bagay na ginawa ng tao sa mga nilikha ng Diyos. Ang mga basura natin ay nakabunton sa mga lupain, at ang mga tanawin na dinaanan ng digmaan ay nagpapakita ng mga tao na nag aaway sa iba’t ibang kaloob ng Diyos. Hindi mahirap na pagtalunan na ang pinakamagandang bahagi ng mundo ay yaong hindi pa nahahawakan ng kamay ng tao. Madalas, tayong mga tao ay hindi pinahahalagahan ang lalang ng Diyos, at higit sa lahat, ay hindi natin pinahahalagahan ang kapwa tao-na ating nakasasalamuha araw araw. Pansinin ang lagay ng mundo at ang kanyang pagkasira, tayo ay dapat na nakatuon ang pansin sa pagbabahagi ng kaligtasan na handog ng Diyos.
Sa Hebreo 2, ay nakikita na ang Salmo 8 ay binanggit. Ang talata ay inilalarawan si Jesus ay huwaran ng walang kapintasang tagapamahala. Siya ang may kapamahalaan sa lahat ng nilikha. Ginamit Niya ang likas na mundo upang ipakita ang espirituwal na katotohanan at ipahayag ang hiwaga ng kaharian ng Diyos. At sa gayon, ay pinatunayan ni Jesus na ang tao ấy hindi kailanman mauunawaan ang likha ng Diyos. Ginagawa Niya ayon sa Kanyang kalooban at sang ayon sa Kanyang panahon. Ang magsasaka ay hindi makapagpapatubo ng binhi; ang totoo, hindi niya alam kung paano ito nangyari.
Sa pagkaunawa na ang Diyos ang may kontrol sa likas na mundo, paano tayo makagagawa ng pagbabago? Madalas, ang tao áy ginagamit ang likha ng Diyos, para sa sariling kapakanan. Ang madaliang paraan ng kultura ng kaginhawahan na makikita sa mga bansang kanluranin ay nagdadala ng kapamahakan sa mga kaloob ng Diyos kung hindi tayo nagbibigay ng pansin. Nauunawaan natin na ang kaluluwa ng tao ay binibigyan ng pansin ng Kristiano pagdating sa kaligtasan, nguni’t hindi ba kailangan din nating maging mabuting tagapangalaga sa lalang ng Diyos na inihanda Niya para sa atin- na Kanyang ginagamit upang bigyan ang kalikasan kasama na ang tao? Baka isipin ninyo na ako’y walang kapintasan tungkol sa paksang ito, nawaglit na sa akin kung ilang mga kahon ng Amazon ang dumating sa aking pintuan nitong nakaraang buwan. Ang makamundong pag iisip na laging sinasabi sa atin na kailangan pa nang marami, sa kabila ng kung paano naaapektuhan ang nilikha o ang mga tao sa paligid natin. Kailangan nating maging mabuting tagapamahala sa mga kaloob ng Diyos, nguni’t kailangan din nating alalahanin na hindi tayo ang may kontrol: “Sapagkat ang lahat ng nilikha ng Diyos ay hindi nakaabot sa layunin para sa kanila. Nangyari ito hindi dahil sa gusto nila, kundi dahil ito ang gusto ng Diyos. Pero may pag asa pa, dahil palalayain din Niya ang buong nilikha mula sa kabulukang umaalipin dito, at makakasama rin sa napakagandang kalagayan ng mga anak ng Diyos”( Roma8:20-21 ). Ipinaliwanag ni Pablo sa mga Kristiyano sa Roma na
maging ang mga nilikha ay naghihintay din na makawala sa kalagayan ng kabulukan. Ito ay isang anino lamang ng maluwalhating kalayaan na makikita natin sa pagbabalik ni Kristo.
Hanggang doon, sinabi ng Diyos na isantabi natin ang lahat ng kawalan ng kasiyahan, turuan ang mga kaluluwa sa ating paligid na hindi nakakakilala sa kanilang Manlilikha, at pahintulutan ang Diyos at ang Kanyang maluwalhating nilikha na bigyan ng kasiyahan ang mga pangangailangan natin at ipagbunyi ang lahat ng kahanga hanga, makapangyarihan at kabutihang loob na kalikasan.: “ Kaydami ng Inyong mga ginawa, Panginoon. Nilikha Ninyo ang lahat ayon sa Inyong karunungan. Ang buong mundo ay puno ng Inyong mga nilikha...Ang dagat ay napakalawak, at hindi mabilang ang Inyong mga nilalang dito,may malalaki at maliliit. Lahat ng Inyong nilikha ay umaasa sa Inyo ng kanilang pagkain, sa oras na kanilang kailanganin. Binibigyan Ninyo sila ng pagkain at kinakain nila ito at sila’y nabubusog”
( Salmo 104: 24-28 ).