Ang Ilaw sa Aking Dadaanan
Ikaw ba ay nagkaroon ng pagkakataon na maglakad nang malayo habang madilim pa ang paligid? Isipin mo ang kapaligiran. Ito ay ang maagang oras sa umaga na hindi pa sumisikat ang araw. Mayroong katahimikan sa paligid mo habang ang ibang tao ay natutulog pa. Ang hangin ay nakapagbibigay ng sigla. Sa kabutihang-palad, ang ningning ng iyong ilawan sa ulo ay nagbibigay ng sinag upang sundan ang landas. Kung wala ang ilaw na ito ay mawawala ka sa daan at sasapitin mo ang kapahamakan.
Sa Awit 119:105, ipinahayag ng mang aawit, “Ang salita Mo’y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.” Ang salita ng Diyos ay tulad ng ilawan sa ulo- ito ay nagbibigay ng kailangang patnubay at manatili sa tamang landas at hindi masangkot sa kaguluhan. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na ang liwanag (at kadiliman) ay ginamit bilang paghahalintulad sa karunungan ng literatura. Sa Awit 119:130, “ Ang pagpapahayag ng Inyong mga salita ay nag bibigay liwanag sa isipan ng tao at karunungan sa mga wala pang kaalaman.” Sa Kawikaan 4:18-19, “Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal. Pero ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkalugmok.” Ang katuwiran (na mauunawaan sa pamamagitan ng utos) ay inilarawan tulad sa madaling araw na patungo sa katanghalian - nguni’t ang kasamaan ay isang malalim na kadiliman na hindi mo nakikita ang katitisuran mo. Naranasan mo na ba ang ganitong antas ng kadiliman? Marahil ay sa kuweba o sa kagubatan na malayo sa karumihan? Ang hangarin ng mga tao ay liwanag. Nais nating malaman kung ano ang nasa paligid natin. Mayroong antas ng galak sa pagsilay ng bagong umaga, at nakikita natin ang ating kapaligiran.
Nakamamangha, sa simula ng paglalang, ang lahat ay kadiliman, at ang unang sinabi ng Diyos ay “Magkaroon ng liwanag.” Tayo ay may pang araw araw na paalala sa mga utos at kasamaan sa pag ikot ng araw at gabi. Ang liwanag ay nagbibigay ng kaayusan sa kaguluhan. At sa Exodus,si Moses ay pinangunahan ang mga Israelita mula sa Egypto, at ang Diyos ang nagsilbing ilawan para sa Kanyang mga tao. Ginagabayan Niya ang mga tao sa pamamagitan ng naglalagablab na haliging apoy sa gabi. Ipinagkaloob Niya ang landas at patnubay sa Kanyang mga tao upang sundin. Sa mga tagubilin para sa Tabernakulo, ay may ginintuang ilawan na dapat laging nagniningas (Leviticus24:2). Ang sagisag ng ilawan ay nagwakas sa sinabi ni Jesus, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sumusunod sa Akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw na magbibigay buhay” (John8:12). Si Jesus, ang Emmanuel (kasama natin ang Diyos), ay ang liwanag sa mundo. Siya ang kabuuan ng utos.
Ngayon- ang tanong ay ito-Paanong ang utos ng Diyos ay tulad ng liwanag na tumutulong upang tayo’y makakita? Si Pablo ấy gumugol ng maraming oras sa pagsusulat ukol sa utos sa kanyang mga sulat. Sang ayon sa mga sulat na ito,mayroong 2 tungkulin ang utos- ito ay ginagamit upang turuan ang mga tao ng Diyos kung paano sila dapat mamuhay at patawarin ang kanilang mga kasalanan. Ang totoo, sinabi ni Pablo sa Roma 7:7, “ Sapagkat kung walang kautusan hindi ko malalaman kung ano ang kasalanan,” at sa talata 12, “Pero sa kabila nito, banal pa rin ang kautusan; ang bawat utos nito ay banal, matuwid at mabuti.” Nguni’t hindi natin matutupad ang mga utos. Sa Roma 7:21-24, inilarawan ni Pablo ang pakikipaglaban niya sa pagitan ng kanyang laman at isipan nguni’t ibinigay niya ang tugon sa pakikipaglaban na ito sa talata 25. Si Jesus- ang ilaw ng mundo ang katubusan. Siya ay nagkatawang tao at isinabuhay ang utos nang walang kapintasan at tuparin ang utos. Ipinakita Niya kung paano mahalin ang Diyos at kapwa tao- na siyang kabuuan ng utos.
Ilarawan mong muli ang kadiliman- ito ay mahirap sa ating makabagong panahon kung saan ang liwanag ay madaling makuha- nguni’t isipin mong gumawa ng apoy tuwing darating ang dilim. Ang kadiliman ay hindi lamang nagbibigay ng walang kasiyahan sa nagdaang panahon, kundi nagbibigay din ng panganib. Ang hindi nakikita ay nasa paligid lamang ng daan. Sa John 3:19, sinabi ni Jesus, “mas ginusto pa ng mga tao na manatili sa dilim,kaysa sa lumapit sa Kanya na nagbibigay liwanag, dahil masama ang ginagawa nila.”
Ngayon, ating ilarawan ang katapusan- sạ Revelation 22:15, sinulat ni Juan :
Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog na nagbibigay buhay. Ang tubig nito ay sing linis ng kristal at dumadaloy mula sa trono ng Diyos at ng Tupa, at umaagos sa gitna ng pangunahing lansangan ng lungsod. Sa mag kabilang tabi ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay buhay. Namumunga ito ng 12 beses sa isang taon, isang beses sa bawat buwan. At ang mga dalhin nito ay ginagamit sa pagpapagaling sa mga bansa. Walang anumang isinumpa ng Diyos ang makikita roon. Naroon ang trono ng Diyos at ng Tupa, at sasambahin Siya ng mga lingkod Niya. Makikita nila ang Kanyang mukha, at isusulat sa mga noo nila ang Kanyang pangalan. Wala nang gabi roon, kaya hindi na kailangan ang mga ilawan o ang liwanag ng araw, dahil ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila at maghahari sila magpakailanman.
Ang Diyos ang ating ilaw sa kalangitan. Ito ang huling pagsasagawa- wala nang maliit na sinag sa daraanan- kundi ang buong maliwanag na ilaw ng Panginoon.
Bagaman wala pa tayo sa “siyudad,” ang Diyos ang ating magiging ilaw. Sinabi ni Hosea sa mga Israelita sa 6:3, “Pagsikapan nating makilala ang Panginoon. Siya’y tiyak na darating, kasintiyak ng pagsikat ng araw.” Tulad ng kaaliwan at tuwa na bigay ng pagsikat ng araw na nagbibigay ng liwanag sa kadiliman, tulad ito ng Diyos. Ipinagkaloob Niya ang Kanyang mga utos upang magbigay liwanag sa ating landas at dalhin tayo nang malapit sa Kanya.