Ang Taong Nais Kong Makilala— Zacchaeus

Ang Ebanghelyo ni Lucas ay nagpapakita ng isang kawili wiling pagtatagpo habang si Jesus ay naglalakbay mula sa Jericho papuntang Jerusalem. Ito ang buod ng Lucas 19:1-9 :

“Pumasok si Jesus sa Jericho dahil doon Siya dadaan papuntang Jerusalem. May isang lalaki roon na ang pangalan ay Zacchaeus. Siya ay mayaman at isa sa mga pinuno ng mga maniningil ng buwis. Gusto niyang makita kung sino talaga si Jesus, pero dahil pandak siya at marami ang tao doon ay hindi niya ito magawa. Kaya patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Jesus na dadaan doon. Pagdating ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala Siya at sinabi, “ Zacchaeus, bumaba ka agad dahil kailangan kong tumuloy sa bahay mo ngayon.” Kaya nagmadaling bumaba si Zacchaeus at masayang tinanggap di Jesus. Nang makita ng mga tao na roon Siya tumuloy sa bahay ni Zacchaeus, nagbulong bulungan sila,

“Tumuloy Siya sa bahay ng isang masamang tao.” Sa loob ng bahay niya ay tumayo si Zacchaeus at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung may nadaya akong sinuman, babayaran ko ng apat na beses ang kinuha ko sa kanya.” Sinabi sa Kanya ni Jesus, “Dumating na ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito, dahil siya ay mula rin sa lahi ni Abraham. Sapagkat Ako na Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw.”

Ang pangalang Zacchaeus ay nangangahulugan ng dalisay (pure); siya ay mamamayan ng bansang Israel, at marahil ay narinig niya ang kabutihan loob ni Jesus sa mga publikano. Ang Jericho ay pangunahing daan ng mga manlalakbay mula sa hilaga at silangan patungo sa mapanganib na kahabaan ng bundok sa pagitan ng Jericho at Jerusalem. Ang daan sa pagitan ng Jericho at Jerusalem ay kilala bilang isang mapanganib na lakbayin; gayunman, maraming mga daan ang papunta sa Jericho na nagdadala sa mga mangangalakal at mga deboto sa Jerusalem. Ang siyudad ay isang mahalagang pook para sa mga maniningil ng buwis, at tiyak na si Zacchaeus ay nakinabang sa pook na ito.Ang kasulatan ay nagsasaad ng kanyang kayamanan; siya ay mayaman. Si R.C. Foster, sa kanyang Studies in the Life of Christ, ay binanggit na “Ang pangunahing pakay ay magbigay ng malinaw na larawan ng tao at ipakita ang hirap na pinagdaanan upang mapagtagumpayan ang pagtanggap kay Kristo. Si Lucas ay nagbigay din ng isang larawan ng pakikipagtagpo ni Jesus sa isang mayaman at ang mensahe na Kanyang ipinangaral sa panganib ng kayamanan. Ang mayamang binatang pinuno at si Zacchaeus ay magka iba, at maaaring may posibilidad na ang mayaman ay maliligtas.”

Isipin natin- si Jesus ay hindi pinansin ang mga naghahanap sa Kanya, dahil sa kanilang pagiging mausisa at masamang pakay o kaya’y pagiging makasarili, tulad ni Herod Antipas. At sa gayon, tila nakita ni Jesus ang puso ni Zacchaeus at Siya ay tumigil. Mahirap na isipin ang kagalakan at pananabik habang si Jesus ay naglalakbay mula Jericho hanggang Jerusalem; hindi lingid na ang mga pinuno ay nais Siyang patayin. Ang Kanyang maliwanag na mga tanda ay nakita ng lahat; ang bulag ay nakakita. Si Jesus ay kumain kasama ang mga publikano at ibang tulad nila, at Siya’y naging mapagbigay na hindi ginagawa ng ibang tao sa bansang ito. Mula sa mga talata, alam natin na si Zacchaeus ay hindi pa nakikita si Jesus, at siya’y umaasa na makikita niya si Jesus sa Kanyang paglalakad. Ang maraming pulutong ng mga tao ay isang hamon kahit na ang tao ay matangkad- nguni’t sa isang pandak na tao, ito ay hindi madali na makita Niya si Jesus sa pulutong ng mga tao.

Nguni’t ang hangarin na makita si Jesus ay nalagpasan ang hadlang- isang malaking kahalagahan ang makita niya ang Isa na narinig niya sa iba. Siya ay umakyat sa puno tulad ng isang bata- hindi upang magkaroon ng tulong at hindi upang makita ng tao,nguni’t ang pagsisikap ni Zacchaeus ay maaaring maging tampulan ng pangungutya at tukso- hindi siya nagtatago sa punong ito.

Si Jesus ay tumigil- tulad ng ang isang babae na inaagasan ay hinipo ang laylayan ng Kanyang damit na hindi rin napansin ng mga tao. Si Zacchaeus ay tinawag ni Jesus sa kanyang pangalan- ang taong ito na hindi binibigyan ng pansin- ay isa ng malaking pansin sa Isa na nais makita ng lahat. Isang malaking interes ang nangyari nang sabihin ni Jesus, “Zacchaeus, bumaba ka agad, dahil kailangan Kong tumuloy sa bahay mo ngayon.”

Sinabi ni Lucas, na si Zacchaeus ay agad na sumunod. At tinanggap niya si Jesus nang buong galak !. Isipin mo gaanong laki ng tuwa ni Zacchaeus. Nais lamang niyang makita ang propetang ito sa malayo- nguni’t ngayon ay binigyan siya ni Jesus ng malaking karangalan. Tama lang kay Zacchaeus na makilala si Jesus sa pansarili, nguni’t Ipinakita ni Jesus sa pulutong ng mga tao na pinili Niya si Zacchaeus upang pumunta sa kanyang bahay.

Ang paksa sa Griego ay nagsaad na si Jesus ay tumigil sandali, upang magpahinga. Hindi natin alam kung gaano katagal tumigil si Jesus, maaaring ginugol Niya ang buong gabi upang makapagpahinga nang maayos bago ang susunod na paglalakbay sa Jerusalem. Ating naunawaan sa mula sa paksa na ang mga tao ấy hindi sang ayon at muli ay pinaratangan si Jesus na nakikibagay sa mga makasalanan. Ang aking hula ay hindi binigyan ng pansin ni Zacchaeus ang mga tao sa labas ng bahay habang binibigyan ng kasiyahan ang Panginoon.

Hindi natin tiyak kung ano ang itinuro ni Jesus sa tahanan ni Zacchaeus- nguni’t Siya’y nagturo. Malinaw na makikita ang bunga na si Zacchaeus ay nagkaroon ng pagkakataon na marinig ang salita na makapagpapabago sa Kanya. Maaari kayang binanggit din ni Jesus ang talinghaga- ang hindi makatarungang alipin- at yaong mga nag iipon ng kayamanan sa lupa. Nagsalita kaya Siya kung sino ang pagpapalain - ang may malinis na puso, ang may mababang kalooban, ang mga nagugutom at nauunawaan sa katuwiran. Sinabi kaya Niya ang kuwento ng mayamang lalaki na dinaraanan si Lazarus araw araw? Tiyak, na sinabi ni Jesus ang langit at bagong kaharian at ang bagong pagkakataon para sa lahat.

Ang pangungusap ni Zacchaeus na nakatala sa paksa ay nagbabadya na siya’y nakarinig upang dumating siya sa katapusan at pagpapasya. Ipinangako niya na siya’y kikilos, susunod at magbabago. Ang mga salita ni Jesus ang magpapabago rỉn sa atin; ito ấy madaling unawain, makatuwiran at mahalaga para sa atin upang isaalang alang natin na may malinis na puso ang mensahe ng ebanghelyo. Hindi itinago ni Zacchaeus ang pagkilala sa pananampalataya at ang pangako na magbabago- sinabi niya upang marinig ng karamihan na siya’y magbabago, isang bagong tao. Babaguhin niya ang kanyang mga kinagawian, bigyan ng halaga kung ano ang tama, pag isipan ang mga dating kilos. Hindi sinabi kay Zacchaeus na ipagbili niya ang lahat- at hindi siya nangako na gagawin iyon. Sa halip, siya ay sinabihan na kumilos tulad ng isang nabibilang sa kanyang bagong Panginoon. Tila mayroong pagtitiwala na ang bagong Zacchaeus ay mapangangalagaan ang kanyang sarili at nauunawaan niya ang halaga. Papalitan niya ang kayamanan sa lupa ng kayamanan sa bagong kaharian. Ang kaligtasan ay masunod, ang taong ito na nagpakumbaba, ay gumugol ng panahon upang maunawaan si Jesus, at marinig nang may malinis na puso ang ISA na hindi niya karapatdapat dapat na pakiharapang mabuti. Tiyak na nais ko siyang makilala.


Previous
Previous

Ang Kabuuan ng Diyos

Next
Next

Ang Ilaw sa Aking Dadaanan