Ang Kabuuan ng Diyos

Sa Awit 19, si David ay nagsimula sa pagmumuni muni sa kahanga hangang nilalang ng Diyos at sa paraan na ipinahayag ang Manlilikha. Sinabi niya na hindi lamang ang gawa ng mga kamay ng Diyos ang nakikita sa kahanga hangang likha Niya kundi ang Kanyang nilikha ay nagpupuri sa Kanya at malugod na ginagawa ang Kanyang mga utos.

Noong nakaraang buwan, ay nakita natin ang kapangyarihan at lakas ng Diyos nang Ipinakita niya ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng mga nilikha. Sa Roma 1:18-20, sinabi ni Pablo ang katotohanan na ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin, ngunit ang hindi matuwid ay pinipigilan ang katotohanan ng kaluwalhatian ng Diyos. Ang ating kakayahan na mangatwiran at mag isip ay nagbabadya ng kaluwalhatian ng Diyos. Sa kasamaang palad, maraming tao ang gumagamit ng mga kaloob ng Diyos upang pagtalunan ang presensiya ng Diyos. Ito ay napakalungkot na kalagayan. Sinabi ni Pablo sa talata 20, na ang hindi nakikitang Diyos ang lumikha ng mundo, ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka Diyos ay naipahayag sa mga bagay na nilikha Niya.

Ang kalikasan ay nagsasalita tungkol sa Manlilikha- ang masalimuot na larawan ng selula ng tao, o ang sistema ng DNA, o ang tinatawag na eco system na gumagalaw nang maayos, o ang araw at mga planetang umiikot nang maayos, na kung ang mundo ay mawala sa kanyang lugar ng kahit ilang sentimetro, ang kalagayan ng panahon ay magbabago at wala nang mabubuhay sa mundo. At hindi pa natin isinasaalang alang ang ibang likha ng Diyos,tulad ng Alps, at ang Atlantic Ocean kung saan ang taas at lalim ay tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam at Kanyang nilalakaran.

Ang espiritu ni David ay napukaw nang kanyang pag isipan ang gawa ng kanyang Manlilikha. Ito ay nagkaloob kay David at sa atin na makita ang Diyos; ito ang nagpapahayag ng Kanyang sarili sa sangkatauhan.

Tayo ay mayroong Diyos na ang karunungan at kapangyarihan ay pinag uugnay ang mga tao, nakakaalam ng ating pag iisip at kung ilang ulit na titibok ang ating mga puso bago pa ang isip at buhay ay nagsimula.

Matapos lamang ang ganap at buong pagsamba sa Manlilikha, ay bumaling si David sa isa pang walang kapintasang likha ng Diyos- ang Kanyang batas.

Kung ang Kanyang mga nilikha ay nagbibigay sa atin ng paghanga, ang Kanyang mga salita ay nagbibigay din ng pamukaw sigla na gawin ang Kanyang kalooban.

At sa Mga Awit 19: 7-11, naroon ang mga napakagandang tula sa lahat ng Mga Salmo. Ito ang mga awit ni David, inawit sa pananambahan, at maaaring alam mo rin ang awit na ito.

Bagaman ang nilikha ng Diyos ay ipinahahayag ang Kanyang isipan sa atin sa maraming paraan, ang Kanyang mga utos ay may malaking kahalagahan at pakinabang sa atin. Ang nilikha ay hindi makapagpapahayag ng kalooban ng Diyos at ang nilikha ay hindi nagkakaloob ng paraan ng kaligtasan. Ang pagkilala sa kalooban ng Diyos at alamin kung paano mabuhay upang makabalik sa tamang ugnayan sa Kanya ay ipinahahayag sa pamamagitanng Kanyang mensahe.

Mayroon pang ibang paraan kung saan ang Diyos ay ipinahahayag ang Kanyang kaluwalhatian. Si David ay gumamit ng 6 na iba’t ibang termino sa iba’t ibang kaanyuan ng kalooban ng Diyos

at nagbigay ng 6 na bunga na maingatan ang batas sa 6 na paraan. Ang mga salitang ito ay Ipinakita ang kabuuan ng mensahe ng Diyos na kailangan para sa ating kaligtasan. Hindi lang natin kailangan ang Kanyang mga utos, kundi kailangan din natin ang Kanyang pag iisip, ang Kanyang mga payo, ang Kanyang tagubilin, ang Kanyang mga pangako, ang Kanyang mga babala... ito ang kabuuan kung ano ang ipinahayag ng Diyos upang magbigay sa ating mga puso na magsisi.

Una, sinabi ni David na ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian.

Sa Kanyang utos, ang tao ay matutuklasan nang buo ang kalikasan at kalooban ng Diyos, kasama ang buong tungkulin ng tao, ano ang dapat paniwalaan at isagawa, at lahat ng kailangan sa ating panahon ngayon at sa habang buhay na kaligayahan.

Ito’y nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan.

Ang diin ng Kanyang kautusan ay lumilikha ng katotohanan mula sa kamalian, nagdadala sa atin mula sa kasalanan tungo sa katuwiran, at nagbibigay buhay sa ating kawalang pag asa. Ito ang bumabago sa ating kaluluwa- ibinabaling sa isang bagong patutunguhan. Nakikilala natin ang kasalanan- kinikilala ito at nagkakaloob ng mga tuntunin ng pagkilos at sa pamamagitan ni Kristo ay may biyaya.

Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan.

Ang katunayan ay saksi; ang kautusan ay ang saksi sa pagitan ng Diyos at tao. Ang katunayan na kung ano ang nais ng Diyos mula sa atin, ất magpapahayag kung ano ang gagawin sa atin Kung nagawa natin ang mga dapat gawin. Ang Kanyang katunayan ay tiyak. Hindi tayo ililigaw; mapanghahawakan natin ito. Hindi Niya hihilahin ang tụngtungan ng ating mga paa at hindi Niya sisirain ang mga pangako. Sinabi Niya na ito ang magdadala sa atin sa kaligayahan, at higit pa riyan, ito ay magbibigay ng talino sa atin.

Ito ay nagbibigay ng karunungan sa mga walang alam.

Sa 2 Timoteo 3:15, sinabi ni Pablo kay Timoteo na alalahanin ang kanyang natutunan. Sinabi niya, “Mula pa sa pagkabata, alam mo na ang Banal na Kasulatan, na nakapagbibigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.”

Ang Kasulatan na inihayag nang buo at tumpak ang kautusan ng Diyos sa atin ay magbibigay ng talino hanggang tayo’y maligtas at iyon lamang ang mahalaga! Ang mga mapagpakumbaba at maaaring turuan-ang mga mababa sa kanilang paningin, kahit na ang mga payak na madaling akitin-ay magiging matalino sa pakikinig sa mga turo ng Diyos. At ang salungat na pagtatalo ay ginawa ni Pablo sa 1 Roma, nang sinabi niya na ang lahat nang nagtitiwala sa sariling kakayahan - na nagsasabi na sila’y matalino, ay magiging mga hangal sapagkat tinalikdan nila ang mga salita ng Diyos.

Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama.

Ang mga kautusan at mga katunayan, ang Kanyang kasunduan sa tao ay wasto- sa kanilang sarili at sa bunga nito.

Ito’y nagbibigay ng kagalakan sa puso.

Ang pagmamahal ng Diyos sa makasalanan at ang handog Niyang awa at kabutihan ay dapat magbigay sa atin ng pasasalamat na tayo’y nagagalak! Paano natin hindi makikita ang kahanga hangang pagmamahal Niya sa atin kung iisipin natin ang hirap at sakit na dinanas Niya upang tubusin tayo!

Ang Kanyang kautusan ay nagbibigay ng kagalakan sa atin.

Ang kautusan ng Panginoon- ang kabuuan ng Kanyang mga utos at alituntunin, lahat ng Kanyang iniutos sa atin- ay dalisay, walang kamalian, walang salungatan, walang kapintasan.

Ito ay hindi lamang sinasabi ang kalikasan ng Diyos kundi ang tungkulin ng tao sa pagharap sa kalooban ng Diyos. Ang gawa ng kalikasan ay totoong naipapahayag ang Diyos, ngunit ang likas na mundo ay hindi nakapagbibigay ng liwanag sa atin at maging ang mga sulat at mga natuklasan ng mga tao. Marahil ang mga natuklasan ng tao ay matutulungan tayo na unawain ang paraan ng Diyos sa mundo kung paano ito kumikilos, nguni’t ang natuklasan ng tao ay mananatiling madilim, at may kapintasan kung ihahambing sa mga utos ng Diyos. Tulad ng sinabi Job, nakikita lamang natin ang bunga ng kaluwalhatian ng Diyos, ang mạhinang bulong ng Kanyangtunay na kapangyarihan (Job 26:14). Ang mga utos ng Diyos ay nagbibigay ng liwanag sa atin. Ito ay nagbibigay ng liwanag sa madilim na lugar, sa ating daigdig, at sa ating mga puso.

Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapadalisay.

Ang takot sa Panginoon ay tulad ng isipan ni Solomon sa huling bahagi ng Ecclesiastes; ng ang kautusan ng Diyos ay nakasulat sa ating mga puso at isinabuhay natin, dahil sa ating paggalang sa Diyos. Hindi Niya tayo iiwan na nangangatal sa takot, bagaman magagawa Niya ito! “Kakila kilabot ang kahihinatnan ng mga hahatulan ng Diyos na buhay” (Hebreo10:31), nguni’t ito ay tungkol sa pinagpipitaganang paggalang natin sa paglapit sa Diyos. Ito ang kabuuan ng ating tapat na pananalig sa Kanya, at walang kapalaluan o pandaraya o pagpapahalaga sa sarili. Ang takot na ito ay pinangangalagaan ang ating mga puso.

Mananatili ito magpakailanman.

Ang kautusan ng Diyos ay hindi nahahadlangan ng kultura o panahon. Ito ay tapat at walang pagbabago. Simula na ang liwanag ay ipinagkaloob ng Diyos, ang mga biyaya at awa ng Diyos ay nakita, at sa paglalang sa tao, idinagdag Niya sa batas ng kalikasan ang batas para kay Adan at Eva kung paano mabuhay, at nang sila’y lumabag sa batas na ito, ang Diyos ay muling nagkaloob sa taong makasalanan ng isang paraan upang maiwasan ang parusa. Ang Kanyang pagiging tapat ay muling Ipinakita nang Kanyang tuparin ang pangako sa pamamagitan ng pagsusugo Niya kay Cristo upang tubusin tayo.

Alam ninyo, ang batas ng tao ay nagbabago sa paglipas ng panahon, sang ayon sa kultura at mga pangyayari. Ang batas ng Diyos ay mananatili magpakailanman.

At sa wakas, ipinahayag ni David na ang hatol ng Panginoon ay totoo.

Ang mga utos ng Diyos ay mga hatol sapagkat kinikilala nito ang kasalanan, at ang mga ito ay nagpapahayag ng Kanyang makatuwirang kalooban, at ito ang sukatan sa paghatol sa atin. Inaasahan Niya na gagamitin natin ang Kanyang kautusan upang pamahalaan ang ating sarili,at gagamitin Niya ito sa paghatol sa atin sa huling paghuhukom. Ang Kanyang mga hatol ay matuwid- ang totoo, ito ay nakasalig sa pinakabanal at hindi maipagkakailang katotohanan.

Ang mga utos Niya ay matuwid at makatarungan.

Ang lahat ay buo. Ang mg utos ng Diyos ay makatuwiran,walang isinaisangtabi. Ang mga batas ng tao ay malimit na mali at hindi makatarungan, nguni’t ang utos ng Diyos ay walang kapintasan, at patuloy na patas, makatuwiran at banal.

Sa talata 10, tinapos ni David ang mga papuri sa mga utos ng Diyos, “ Ang mga ito’y higit pa kaysa purong ginto.”

Paulit ulit sa Kasulatan, tayo ay pinaaalalahanan ng hindi mapantayang halaga ng karunungan ng Diyos, ng Kanyang mga utos at paalala.

Sinabi ni Jesus ang parehong bagay sa maraming pagkakataon- “Mag ipon kayo ng kayamanan sa langit...” — Mateo 6:20

“Umuwi ka at ipagbili ang mga ari arian mo, at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa Akin”...— Mark 10:21

“ Dahil kung hindi ninyo magagawang talikuran ang lahat ng nasa inyo ay hindi kayo maaaring maging tagasunod Ko”—Lucas 14:33

Sinabi ni David na ang salita at pag iisip ng Diyos ay higit na mahalaga kaysa pinadalisay na ginto. Ang mga bagay na may mataas na katangian dito sa mundo ay hindi maihahambing sa mga bagay ng Diyos.

Kung nais natin na simulan ang pagkilala sa Kanya, kailangan nating alisin ang pag iisip sa mundong ito. Sikapin natin na mag isip sa espirituwal na paraan. Kailangan nating makita ang mga tunay na bagay- ang mga bagay na hindi nakikita, at kailangan natin na ipahayag sa atin ng Diyos ang Kanyang sarili at kalooban upang makita natin Siya at makilala nang lubusan.

Hindi ako nakatitiyak na mauunawaan natin ang Diyos o makikilala Siya nang may tunay na matalik... nguni’t... tinatanaw ko sa hinaharap sa paglisan ko sa katawang lupa upang makasama Siya... nais ko ito. Nguni’t para sa ngayon, kailangan ko Siyang maunawaan hanggang kaya ko at ipinagkakaloob sa akin... sa pagninilay nilay sa kaluwalhatian na ipinahayag sa Kanyang nilikha at ang kagandahan at karunungan na ipinagkaloob Niya sa Kanyang Salita. 



Previous
Previous

Magalak sa Utos ng Panginoon

Next
Next

Ang Taong Nais Kong Makilala— Zacchaeus