Magalak sa Utos ng Panginoon
By: Anna Lee Mann
Mayroong paniniwala sa lipunan ngayon na ang mga utos o batas ng Diyos ay hindi na angkop sa mundong ito na ating ginagalawan. Sinasabi nila na ang lahat ng alituntunin, mga batas at mga utos ay wala na sa panahon at mabigat. Ang Diyos ay inilalarawan ang buong kuwento na kakaiba. Sinasabi sa kasulatan na dapat tayong “ magalak sa mga aral na mula sa Panginoon” (Awit 1:2). Paano natin gagawin ito?
Ang mundo ay nagsasabi na hindi natin kailangan ang Diyos. Tayo ay dinadaya sa paniniwala na kaya nating manangan sa ating mga sarili sa paggawa ng pagpapasya. Ang kaisipang ito ay nagbibigay sa tao na hindi niya kailangan na pasakop sa mga alituntunin ng Diyos. Ito ay nagbibigay ng daan sa paniniwala na kailangan nating payagan ang gumagawa ng kasalanan o hindi talakayin ang ating paniniwala sapagkat nakikita silang hindi mapagtitiisan. Ang mang aawit sa unang kabanata ng Mga Awit ay sinabi na, “Mapalad ang mga taong hindi namumuhay ayon sa payo ng mga masasama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mga taong nangungutya.” Mayroong pagsulong doon. Sa una, marahil tayo ay dumaraan lamang nguni’t inilalagay natin ang ating sarili sa malapit sa kasalanan. Sa oras na ito’y maging pangkaraniwan, nagsisimula tayong tumayo at magmatyag. Sa kalaunan, tayo’y nauupo nang tiwasay sa mga bagay na iniuutos ng Diyos na takasan.
Sa halip na sundin kung ano ang pinaniniwalaan ng lipunan na maghahatid sa atin sa maling landas, kailangan nating bigyan ng pansin ang paghahanda ng kagalakan sa sa mga alituntunin ng Diyos. Ang Awit 19:7-11ay nagbibigay ng larawan sa mga pabuya ng batas, ipinaaalala na “may dakilang gantimpala kapag ito’y sinusunod.” Ang salitang(delight) magalak ay maisasalin sa pagkakamit ng malaking kasiyahan, katuwaan at kaligayahan. Ang pagbabasa, pag aaral at pagsasabuhay ng katotohanan ng Diyos sa ating buhay ay nagbibigay ng kasiyahan sa ating buhay na nawawala kung tayo’y nagtitiwala sa ating sarili.
Tayo ay nagagalak sa utos ng Panginoon sa pagninilay sa mga salita ng Diyos araw at gabi (Awit 1:2). Maraming mga bunga sa pagninilay sa Kanyang Salita. Tayo ay nagkakaroon ng karunungan na harapin ang anumang suliranin sapagkat ang Kanyang karunungan ay higit na mataas kaysa akin o sa iba na maka pagbibigay (Awit 119:97-101). Kailangan nating sumangguni dito nang malimit, na nagbibigay sa atin ng patnubay na liwanag at tamang landas sa ating daraanan( Awit119: 35, 105). Ito ay may kapangyarihan na pagkalooban tayo ng tuwa sa panahon ng pagdadamhati (Awit 119:92); magbigay ng kaaliwan (Awit 23:4), magbigay ng pag asa (Awit 119:81), kanlungan at pananggalang (Awit119:114), at tagumpay laban sa kasalanan (Awit 119:11). Tayo ay mapalad kung tayo’y tunay na nagagalak sa Kanyang mga utos (Awit 112:1).
Ang Diyos ay gumawa ng mga utos upang magkaroon ng ugnayan sa atin at ipakilala tayo sa Kanya. Ang Kanyang mga utos ay nagpapakilala sa atin ng Kanyang pag uuugali, at kailangan nating magsikap na tularan ang Kanyang ugali. Upang makilala ang Diyos, kailangan nating hanapin Siya sa kasulatan. Ang pagbabasa ng Biblia ay dapat na bahagi ng ating pang araw araw na buhay, tanggapin ang mensahe nang may pananabik at pag aralan ang mga binasa (Gawa 17:11). Ang Kanyang Salita ay nagtutuwid sa ating kamalian at nagtuturo sa atin na gawin kung ano ang wasto (2Timoteo 3:15-17). Tayo ay nagagalak sa mga utos sa pamamagitan ng pagtitiwala at pagsunod dito (1Tesalonika 2:13 ; Santiago 1:22).
Palaging magkakaroon ng pamimilit mula sa lipunan na baguhin ang ating paniniwala sa anumang paraan. Nguni’t sa ating pagkakaalam sa salita ng Diyos at tayo’y nagagalak dito, ito ang tutulong sa atin upang manatili sa tamang landas. Sa pagbabasa ng Awit 1, ay nakikita
natin na may 2 daan o landas na nakahanda sa atin: ang daan ng mga matuwid at ang daan ng mga masasama. Ang batas ng Diyos ay ibinigay upang ipakita sa atin ang pagkakaiba ng 2 daan, at kailangan nating mamili ng daan na ating tatahakin (Deuteronomio 30:15-20).