Ang Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita—Enoch

Sa huling artikulo, ay tinunghayan natin ang mga makasaysayang nilalang ng pananampalataya na itinala sa ika-11 kabanata ng Hebreo. Ang manunulat ay sinimulan kay Cain at Abel at tinitiyak sa atin na ang pananampalataya ni Abel ay nangungusap pa rin sa atin ngayon.

Ang susunod na tao ay si Enoch. Si Enoch ay isang lalaki na hindi natin lubos na kilala. Siya ay nakatala sa henerasyon mula kay Adan hanggang kay Noah sa Genesis 5 at muli sa Lucas 3 sa salinlahi ni Jesus. Siya ay anak ni Jared, ang Ama ni Methusalah, at ang matandang ninuno ni Noah. Si Enoch ay kakaiba sa talaan sapagkat sa Genesis, siya ay nakatala na kinagiliwan ng Diyos. Sinasabi sa Biblia na siya ay...”lumakad na kasama ng Diyos nang 300 taon...”(22). Alam din natin na siya ay isang propeta. Ito ay nabanggit din sa Jude 14. Hinulaan din niya ang pangalawang pagbabalik ni Kristo upang hatulan ang mga masasama. Si Enoch ay namuhay na may tiwala na mayroong isang araw na darating at ang Diyos ay tatawagin ang lahat ng tao para sa huling paghuhukom.

Ang pagiging propeta ni Enoch ay hindi nakamamangha. Hindi lamang siya may pananampalataya. Hindi lang siya mabuting tao. Siya ay lumakad kasama ang Diyos.

Kung minsan, ako ay naglalakad kasama ang kaibigan pagkatapos ng pag aaral. Ang paglakad nang magkasabay ay mayroong kamalayan sa kasama mo— ang katabi mo sa paglalakad. Ito ang pagkakataon upang mag usap, maghawak kamay— sinasabi ng aking anak na ako raw ay naglalakad na parang alimango, Kung ikaw ay naglalakad na kasama ko, baka ikaw ay mabangga ko. Maaaring may madaling pag uusap o magaang na katahimikan, kung minsan ang isa ay nauunang maglakad, o kung minsan naman ay nahuhuli, parehong nais na sabay sa paglakad, madalas na nagkakaisa.

Si Enoch ay lumakad kasama ang Diyos. Ito ang lalaki na alam na siya’y laging nasa presensya ng Diyos. Siya ay may pakiramdam sa presensya ng Diyos at dama niya na kasama niya ang Diyos saan man siya patungo. Ang Diyos ay nangunguna sa Kanya bilang pamantayan ng katuwiran, at ang Diyos ay nasa likuran ni Enoch upang masdan ang kanyang paglakad. Tiyak, ang mga bagay na iyon ay totoo para kay Enoch, at ito’y kasiya siya. Gayunman, ang pansin ni Enoch ay ang kanyang paglakad kasama ang Diyos.

At, ito ang katanungan: ako ba ay naglalakad kasama ang Diyos?

Iniisip ko ba ang maghapon at ang mga dapat at isipin kung ako ba ay kasiya siya sa Diyos? Ako ba ay maingat sa lahat ng sandali ng araw upang hindi ako magkasala sa Diyos? Isinaalang alang ko ba ang aking kilos,ang ugali ko sa trabaho,ang aking salita ay magbibigay ng luwalhati sa Diyos? Nararamdaman ko ba ang presensya Niya sa aking tabi? Siya ba ay lagi kong namamalayan? Naglalakad na kasabay Siya? Nakikipag usap sa Kanya? O nananahimik sa kaalaman na Siya’y malapit lamang?

Magagawa natin, at marahil ay nararapat ang ganitong mga katanungan — ito ay magbibigay ng pag iisip sa atin!

Si Enoch ay hindi lamang nabuhay na maka Diyos, siya ay lumakad na kasama ang Diyos. Samantalang ang mga tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili kahit hindi gumagawa ng masama, ang buhay ni Enoch ay nakatuon sa kanyang ugnayan sa Diyos. Si Enoch ay nabuhay sa panahong ang mga tao ay nagpapakasama. Sa loob lamang ng 2 henerasyon, ang Diyos ay

winasak ang mundo sa pamamagitan ng baha. I paglalagay, na 1,000 taon pa ang pagitan, ang buhay ng tao na karaniwan ay 900 taon, si Enoch ay saksi sa kasamaan ng mga henerasyon na patungo kay Noah. Sa gitna ng kasamaan sa paligid niya, siya ay nagpasya na lumapit sa Diyos. Si Enoch marahil ay naunawaan ang kanyang bahagi bilang mananampalataya at ang lugar ng Diyos na Panginoon ng kanyang buhay. Ang pagiging kasiya siya sa Diyos ay hindi sinasadya; ito ay laging may balak na isagawa . Nais niyang makilala ang Diyos, lumakad kasama Niya. Inialis niya ang kanyang sarili sa paligid ng mundo na ginagalawan niya. Tayo ay may ugali na isipin na ang daigdig na ating tinitirhan ay mas may hamon at maraming suliranin upang mabuhay na maka Diyos kaysa noong mga nakaraang henerasyon, nguni’t hindi ito totoo. Si Enoch ay walang makabagong gamit o panoorin tulad ng telebisyon upang siya’y abalahin, nguni’t ang kanyang kultura ay mayroon din mga bitag na hindi natin alam. Siya ay nagpasya na maging iba, at ito ang dapat nating gawin.

Hindi siya nabuhay tulad ng ibang tao, at hindi siya namatay tulad ng iba. Siya ay kinuha ng Diyos.

Si Enoch ay kinuha noong siya ay 365 na taon, na maaaring bata pa sa paghahambing sa pamantayan ng panahon na hindi pa bumabaha. Siya ay nasa kalagitnaan ng buhay, at dahil siya ay malapit sa Diyos, at sa kanyang ugnayan sa Diyos, siya ay kinaaawaan ng isa pang 365 na taon, at kinuha ng Diyos si Enoch.

Si Enoch at si Elijah ang dalawang tao na naitala na hindi dumanas ng pisikal na kamatayan. Ang nakatala sa Genesis ay “siya ay nawala”(24). Sa Hebreo 11 ay tiniyak na si Enoch ay”hindi namatay”(5). Hindi na siya nakita. Hindi siya namatay; wala siya sa mundo ng mga buhay. Hindi siya nakita sapagkat kinuha siya ng Diyos.

Ako ay nagtataka kung ito ay magkatulad na paraan na gagamitin sa mga buhay pa sa muling pagbabalik ni Kristo. Ang totoo,wala tayong alam, nguni’t ang pag aalaala kay Enoch ay isang paalala na mayroong buhay sa presensya ng Diyos—sa pisikal at espirituwal na kalagayan. Mangyayari rin na ang lahat ng tapat ay kukunin ng Diyos —sa Kanyang kaharian.

Ito ang hangarin ng bawat Kristiano na nagsisikap na mabuhay araw araw na lumalakad na kasama ang Diyos. Kahit mahaba o maikli ang paglalakad, ito ay hindi mahalaga. Walang makapaglalakad na kasama ang Diyos sa loob ng 365 na taon ! Kung ano man ang panahon na mayroon tayo, bigyan nawa tayo ng pag asa ni Enoch. Hindi siya naiiba sa ibang nasa talaan, maliban sa kanyang pananampalataya na hindi tuwirang bịnanggit sa Genesis. Ang manunulat ng Hebreo ay nais na ipaalam sa atin ang malaking pananampalataya ni Enoch ay nasaksihan sa kanyang buhay.

Ang tao ay hindi makapaglalakad na kasama ang Diyos kung wala siyang pananampalataya. Ang pahayag ni Enoch ay “kinalugdan siya ng Diyos” (Hebreo11:5). Hindi makapagbibigay lugod sa Diyos ang taong walang pananampalataya (6). Ang ating pananampalataya ay nagsasaad na ang Diyos ay buhay— nilikha Niya ang lahat ng ating nakikita, na isinugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang tubusin ang ating mga kasalanan, at Siya ang “Ako at yaong Ako nga”. Kailangan nating maniwala na Siya ang lahat na ipinahayag Niya sa atin.

At sa wakas, tulad ni Enoch, kailangan nating malaman na gagantimpalaan Niya ang naglalakad na kasama Siya (6). Kailangan nating lumapit sa Kanya—“matiyagang hanapin Siya.” Kung hindi tayo maniniwala na tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako at diringgin ang ating panalangin, walang dahilan para hanapin Siya. Ang totoo, Siya ang humanap sa atin; kailangan lang natin na makilala Siya, maglakad na kasama Siya...hindi tulad ng mga nasa mundo, sa kanilang sariling paraan. Kailangan nating malaman na tayo ang may kailangan sa Diyos. Hindi ang Diyos ang nangangailangan sa atin. Ang Diyos ay hindi nagbabago, matatag at tiyak...hindi Niya iaangkop ang Kanyang pamantayan sa atin. Kung nais nating maglakad na

 kasama Siya, gawin natin ang ginawa ni Enoch —tayo ay magpasya na magiging iba tayo sa mundo. Upang makasama ang Diyos sa paglakad, hanapin natin ang Kanyang mga utos, ang Kanyang mga alituntunin, ang Kanyang mga paraan.


Previous
Previous

Paglilingkuran Ko Siya Nang May Kagalakan

Next
Next

Magalak sa Utos ng Panginoon