Hanapin Ang Katuwiran; Hanapin ang Kababaang-loob

Ang lahi ni Zefanias ay mababakas sa simula ng aklat ni Hezekiah, at si Zefanias ay nabibilang sa marangal na lahi. Natanggap ni Zefanias ang salita ng Diyos nang naghahari si Josiah (Zefanias1:1), marahil sa pagitan ng 640-609 BC. Ang kahulugan ng pangalan ni Zefanias ay “si Jehovah ay nagtatago.”

Ang aklat ni Zefanias ay isang tuwiran at tiyak na aklat. Malaking kapahamakan ang darating sa mga nagpapasarap sa buhay at makasalanan, nguni’t ang mga natira ay pinangakuan ng kanlungan at pag-asa. Ang paghuhukom ay tuwirang naka-amba sa Judah, nguni’t ang ibang bansa ay kasama rin sa kanyang pahayag-ang mga taga-Moab, ang mga taga-Cush, at mga taga-Ammon. Sa ilang bahagi ng kasaysan na papunta sa mga hulang ito, nang si Hezekiah ay namatay, ang kanyang 12 taong anak na lalaki, si Manasseh ay naluklok sa trono. Ang 55 taon na paghahari ni Manasseh ay nagbigay ng antas ng kasalanan at kasamaan sa Judah na hindi pa nangyari kailanman. Ang totoo, nakasaad na dumanak ang dugo ng mga walang malay sa Jerusalem mula sa isang lugar hanggang sa kabila. Pagkalipas ng kanyang kamatayan, ang kanyang anak na si Amon ay naghari ng 2 taon, at katulad din siya ng kanyang ama. At sa wakas, si Josiah ay naging hari sa gulang na 8 taon, at siya ay nagabayan ng mga propeta tulad nina Jeremias, Habakkuk, Nahum at Zefanias. Marahil ang mga propetang ito ang tumulong sa kanya upang isagawa ang mga pagbabago na nais niyang isagawa, nguni’t sa kasamaang-palad, ang mga pagbabago ay maliliit at lubhang huli na para sa bansa. Sa kasamaang-palad, si Josiah ay hindi naipilit ang pagbabago sa puso ng mga tao.

Sa unang kabanata, si Zefanias ay inilarawan ang Panginoon na hinahanap ang Jerusalem na may dalang ilawan upang hanapin at parusahan ang mga nagpapasarap sa buhay na naniniwalang ang Diyos ay “walang gagawin ang Panginoon sa amin mabuti man o masama” (1:12). Sinabi ng Panginoon na hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at ginto (1:18), at inilarawan sa nakalulunos na salita na ang kanilang mga dugo ay dadaloy na parang tubig at mabubulok na parang dumi ang kanilang mga bangkay (1:17). Ito ang napopoot na Diyos na handang magparusa pagkatapos ng mahabang taon ng pagpapaumanhin at awa sa makasalanang bansang Ito.

Sa ikalawang kabanata, ipinagpatuloy ni Zefanias ang paglalarawan sa paghuhukom at isinama pa ang mga kaaway ng Judah. Gayunman, sinabi niya na kung ang mga tao ay hahanapin ang Panginoon, ang katuwiran at ang kababaang-loob, marahil sila ay iingatan ng Panginoon sa araw na ibubuhos Niya ang Kanyang galit (2:3). Sisindakin sila ng Panginoon dahil lilipulin Niya ang lahat ng mga dios-diosan sa buong mundo,at sasambahin Siya ng mga tao sa lahat ng bansa sa kanı-kanilang bayan (2:11).

Sa wakas ng ikatlong kabanata, ang Jerusalem ay tinawag. Hindi sila nakikinig kahit kanino, at ayaw nilang magpaturo. Hindi sıla nakikinig sa Panginoon (3:2). Ang kanilang mga pinuno ay inihahalintulad sa mga leon at mga lobo-mga maninila (3:3). Nguni’t ang aklat ay nagwawakas na may pag-asa. Si Zefanias ay nagbigay ng wika tulad ng sa Babel- nguni’t sa panahong ito, ang Diyos ay binago ang pananalita sa tunay na pqgsasalita (3:9). Ang mga natirang mamamayan ay makakasama ang Panginoon sa kanilang kalagitnaan at ililigtas ng tunay na hari ng Israel (3: 17). Sa halip na kasawian, ang mga natirang mamamayan, ay titipunin sila ng Diyos at pararangalan at panunumbalikin ang kanilang mabuting kalagayan (3:20).

Ngayon, ano ang natutunan natin kay Zefanias? Una- tayo ba ay palagay ang loob at namumuhay na ang paglilingkod sa Diyos ay sa salita lamang, nguni’t hindi tunay na naniniwala na Siya ay gumagawa sa ating buhay at sa buong daigdig? Tayo ba ay nagtitiwala sa ating kayamanan o sa mga dios-diosan ng mundo? Kung gayon, ang mga salita ng kapahamakan ay para sa atin at nagbibigay ng nakatatakot na babala. Gayunman, kung hahanapin natin ang Panginoon, ang katuwiran, ang kababaang-loob,tayo ay may kanlungan sa Diyos mula sa mapangwasak na kaguluhan sa wasak na daigdig. Tayo ay nagagalak sa katotohanan na inalis na ng Diyos ang paghuhukom sa atin (3:15). Ang aklat na ito ay may takot o pag- asa- ito ay nakasalalay kung paano tayo titingin at tutugon sa ating Panginoon. Nawa’y makita natin ang Panginoon at ang Kanyang kanlungan upang ating matanggap ang kaligtasan na Kanyang ipinangako sa mga nagkukusang tumanggap nito.


Previous
Previous

“ Matitiis n’yo bang tumira sa magagandang bahay?”

Next
Next

Bakit Mo Tinitiis Ang Mga Kamalian ?