“ Matitiis n’yo bang tumira sa magagandang bahay?”

Ang kasunod sa hanay ng mga tanong ng Dios sa tao ay, “matitiis n’yo bang tumira sa magagandang bahay?” Ang tanong na ito ay ipinahayag sa pamamagitan ni Propeta Hageo, na kinausap ang mga Israelita kung ano ang dapat unahin nang sila’y nakabalik sa Jerusalem matapos ang kanilang pagiging bihag sa Babilonia. Habang ang kanilang pansin ay nakatuon sa sariling kaginhawahan at karangyaan, ang templo ng Dios ay nananatiling wasak, mabilis na tinawag na muling suriin ang kanilang mga kahalagahan at pangako sa Kanya.

Ang aklat ni Hageo ay naitala noong panahon ng pagbabalik ng mga Israelita sa Jerusalem mula sa pagkabihag ng mga taga Babilonia noong 520 BC. Ang templo ay nanatiling wasak at nakaligtaan, samantalang ang mga tao ay abala sa pagbuo ng kanilang mga tahanan. Sa unang 11 talata ng unang kabanata, si Propeta Hageo ay hinikayat ang mga tao na unahin ang tahanan ng Dios kaysa sa kanilang mga tahanan.

[2] “Sinasabi ninyo na hindi pa ito ang panahon upang muling itayo ang Aking templo.”

Ilang ulit na sinabi natin ito? Ang bawat isa ay may mabuting gawain. Nguni’t hindi pa napapanahon, şaka ko na gagawin ito. Ang pagpapaliban ay maaaring bigyan ng katuwiran dahil sa ating abalang buhay, nguni’t ang talatang ito ay dapat na isaalang-alang ang mga dapat unahin.

[3] “Ito ang sinabi ng Panginoong Makapangyarihan sa pamamagitan ni Propeta Hageo, [4] “Matitiis n’yo bang tumira sa magagandang bahay habang wasak ang templo?”

Sinabi ng Dios, “Sandali lamang, kayo ay nakatira sa mga magagandang bahay, habang ang aking bahay ay nananatiling wasak?” Ang malaking pagkakaiba ay maliwanag na ang mga tao ay mali sa kanilang mga dapat na unahin. Kung hindi tayo magiging maingat, madali nating makikita na tayo ay namumuhunan sa sariling kaginhawahan at makamundon karangyaan at napapabayaan ang ating espirituwal na pananagutan at mga pangako.

[5] “Isipin ninyo ang mga nangyayari sa inyo.” [6] “Marami ang inihasik ninyo, pero kakaunti ang inyong ani. May pagkain nga kayo, pero kulang. May inumin nga kayo, pero hindi rin sapat. May damit kayo, pero giniginaw pa rin kayo. At may tinatanggap kayong suweldo, pero kulang pa rin.

Ah, kung ito ay hindi inilalarawan sa ating lipunan ngayon, hindi ko alam kung ano na. Malinaw kong natatandaan ang isang panahon na ako ay nasa Rwanda para sa isang gawain, at ako’y kasalamuha ng ibang mga babae roon na kasama ko sa gawain. Kami ay nasa kusina at ang isang babae ay binuksan ang maliit na palamigan at nakita na higit na maraming pagkain kaysa dati (na kaunti kung ihahambing sa pamantayan ng mga Amerikano) at nabigkas na “Wow, ang dami nating pagkain!” At ito ang tila tinamaan ako. Ilang beses ko bang binuksan ang malaking palamigan sa bahay at inisip, “Wow, wala tayong kakainin”? Ang pagkakaiba ay lubhang maliwanag, at ngayon ay malimit kong iniisip ang panahong iyon kung binubuksan ko ang aking palamigan. Nguni’t kailangan nating maging tapat. Tulad ng sinabi ni Hageo, hindi ito nagtatapos doon. Ilang beses ba tayong nagbubukas ng lalagyan ng mga damit at iniisip, “Wala akong isusuot”? O kaya ay tingnan ang ating pera sa bangko, “Saan napunta ang aking pera”? Na ang totoo, tayo ay labis na pinagpala. Ang talatang ito ay nagpapakita ng kahungkagan ng materyalismo at ng walang kasiyahan na nagmumula sa pagkalimot sa gawain para sa Panginoon.

[7] “Kaya isipin ninyo ang mga nangyayari sa inyo.”

Tulad ng laging sinasabi ng Dios sa atin - isipin kung ano ang ating ginagawa at kung paano tayo kumikilos. Tunay na isaalang-alang ang ating mga kilos pansamantala. Ang pagmumuni-muni at pagsusuri sa sarili ay lubhang mahalaga sa paghahanay ng ating mga kilos sa kalooban ng Dios.

[8] “Ngayon, umakyat kayo sa bundok at kumuha ng mga kahoy, at itayo ninyong muli ang templo. Sa ganitong paraan, masisiyahan Ako at mapapangaralan. Ako, ang Panginoon ang nagsasabi nito. [9] Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, marami ang aning inaasahan ninyo,pero kakaunti lang ang inani ninyo. At sinira Ko pa ito nang iuwi ninyo sa inyong bahay. Ginawa Ko ito sapagkat wasak ang Aking templo habang ang bawat isa sa inyo ay abalang gumagawa ng bahay ninyo. [10] kaya dahil sa inyo, ang langit ay hindi na magbibigay ng hamog, at ang lupa ay hindi na magbibigay ng ani. [11] Pinatuyo Ko ang lupain at ang mga kabundukan, kaya naapektuhan ang mga butil, katas ng ubas, langis, at iba pang mga ani, maging ang mga tao, at ang kanilang mga hayop at mga pananim.”

Sinabi ng Dios na sapagkat sila ( o tayo ) ay naging abala sa kanyang bahay - sa sariling ari-arian at sa bagay sa mundo - na Kaya Niya pinatigil ang hamog at nagbigay ng tagtuyot. Ito ay nagsisilbing panggising ng diwa, paghikayat na muling suriin ang kaunahan at bigyan ng pansin ang higit na mahalaga.

Hindi ko alam kung paano ang pagpapala ng Dios na ginagawa ngayon, nguni’t alam ko na ito’y malimit kong iniisip. At ito ay pag may nagaganap na hindi mabuti. Ang pansin ko ba ay nasa mga maling bagay? Ako ba naging lubhang abala upang umasenso sa aking trabaho, at ang Dios ay pinatigil ang hamog na nag dulot ng tagtuyot? Hindi ko alam. Ang alam ko ay ang tagtuyot ay tumutulong upang maibalik ang pananaw kung ano ang mahalaga. O kung saan nararapat ang iyong pansin. O kung paano ka pinagpala.

Ang mga talatang ito mula kay Hageo ay nag-aanyaya sa atin na magnilay nang taimtim sa ating buhay. Tanungin natin ang ating sarili :

1. Ano ang mga “magagandang bahay” sa iyong buhay na gumugulo sa iyo mula sa kaunahan ng Dios?

2. Paano mo muling ihahanay ang iyong pansin upang tiyakin na ang gawain para sa Dios ay hindi napapabayaan?

3. Sa anong paraan ka makapagbibigay ng tulong sa pagbuo ng “bahay ng Dios sa iyong lugar?

Ang mensahe ng Dios kay Hageo ay nagpapaalala sa atin na ang dapat nating unahin ay kung ano ang naaayon sa kalooban ng Dios. Kung inuuna natin ang Dios, ang lahat ay magiging maayos. Magnilay sa iyong mga kilos, gawin ang nararapat na kaayusan, at magtiwala sa ipagkakaloob ng Dios. Siya ay laging tapat sa mga unang naghahanap ng Kanyang Kaharian.


Previous
Previous

“O aking Dios, alalahanin po Ninyo ako at pagpalain”

Next
Next

Hanapin Ang Katuwiran; Hanapin ang Kababaang-loob