“O aking Dios, alalahanin po Ninyo ako at pagpalain”

Ang sangkatauhan ay gumugugol ng mahalagang kabuuan ng panahon na nagsisikap na makaalala. Tayo ay mga taong lubhang makakalimutin at sa gayon ay nagtatatag ng maayos na panuntunan upang tulungan tayong makaalala. Ang mga bansa ay puno ng mga alaala at mga rebulto, at ang kasaysayan ay itinuturo sa halos lahat ng paaralan. Ang mga ito ay sinasadya na alalahanin ang mga pangyayari at mga tao. Ang totoo, sa mga English Commonwealth na mga bansa, mayroong isang tinatawag na Remembrance Day upang alalahanin ang wakas ng Unang Digmaang Pandaigdig, at mga kawal na nasawi sa digmaan. Mayroon tayong mga politiko, mga kilalang tao at mga taong nanghihikayat na sila ay alalahanin ngayon at sa hinaharap - nais nila ang maka- mundong pag-aalaala. Gayunman, ang patuloy na nais ni Nehemias ay alalahanin siya ng Dios.

Si Nehemias ay tagapagsilbi ng inumin ni Haring Artaserses ng kaharian ng Persia. Ito ay isang iginagalang at mapagkakatiwalaang gawain na nagbibigay kay Nehemias ng mataas na posisyon at antas ng paglapit sa hari na hindi magagawa ng maraming tao. Ang Persia ang pinaka- makapangyarihang kaharian noong panahong iyon. Sa kaalamang ito, ay masasabi natin na si Nehemias ay nais na iwan ang posisyong ito

( pansamantala lamang) upang tumulong sa pagtatayong muli ng pader ng isang maliit at walang halagang bayan sa isang nasakop na lupain. Si Nehemias ay nagtiwala sa mga pangako ng Dios sa pamamagitan ng mga propetang tulad ni Jeremias at nais niyang maging bahagi sa pagtatatag na muli ng kanyang bansa. Sa gayon, ay iniwan niya ang posisyon na iginagalang at tanyag.

Nang siya’y dumating sa Jerusalem, ipinakita niya ang kasanayan ng isang pinuno at natapos ang pader sa loob lamang ng 52 araw, kahit na may mga pagsalungat at naka-wawalang pag-asa na mga pangyayari. Siya ay nakipag-isa rin kay Ezra upang dalhin ang mga tao na bumalik sa kalooban ng Dios. Sa panahong ito, siya ay nanalangin sa Dios na siya ay alalahanin na ginawa niya ang lahat ng mabuti at maging bahagi ng Kanyang balak. Ako ay naniniwala na nauunawaan ni Nehemias at alam ang kapangyarihan ng Dios at ang Kanyang isipan ay higit na iba kaysa atin, nguni’t ang panalangin ay nagsasaad na si Nehemias ay tiwasay na humiling sa Dios na siya’y alalahanin sa kabila ng kanyang mga pagkukulang at kapintasan. Ang totoo, ang kahilingan ito sa Dios na alalahanin siya ay inulit ng 4 na beses sa buong aklat.

Si Nehemias ay puno ng kahanga-hangang kaalaman tulad ng pamumuno, ang lakas ng magkakatulad ng mga adhikain,pagkilos na may pananalig, at iba pa. Gayunman, ang aral na nais kong bigyan ng pansin sa aklat ni Nehemias ay ang lakas ng wastong kaunawaan. Maliwanag na si Nehemias ay isang matagumpay na tao sa mata ng daigdig - nguni’t maliwanag din na inilagay ni Nehemias ang Dios sa tamang kalagayan sa kanyang buhay - ang pinakamataas na posisyon. Ito ang tumulong sa kanya na ilagay ang kanyang katungkulan, ang katanyagan at ang pagmamahal sa iba sa tamang lugar. Sa simula ng aklat, nakita natin si Nehemias na tinanong ang kapwa mamamayan tungkol sa kalagayan ng Jerusalem at Judah. Siya ay hindi lamang nag-aalala sa kanyang gawain, sa kanyang pangangailangan at sa kanyang kasalukuyang lugar. Siya ay nangangalaga sa mga bagay na pinangangalagaan din ng Dios. Siya ay nag-alala kung siya ay nakakarinig ng mga bagay na hindi mabuti. Siya ay nag-aalala nang lubos at siya’y nananangis, nananalangin at nag-aayuno. Siya ay lubos na nababahala na ito’y nasa kanyang isipan kahit nakalipas na ang 4 na buwan, at alam ng hari na mayroong hindi wasto! Nang si Nehemias ay tanungin ng hari tungkol dito, siya ay naging tapat kung ano ang gumugulo sa kanyang isipan at siya’y nanalangin bago humiling sa hari. Siya ay nagkaroon ng lakas ng loob at humiling ng palugit ng ilang panahon. Hindi lamang siya binigyan ng palugit, kundi binigyan pa siya ng mga pangangailangan at mga kawal na sasama sa kanya.

Nang dumating si Nehemias sa Jerusalem, sinimulan niya ang mga dapat gawin at gumawa ng plano. Ang pagsalungat ng mga kaaway ay nagsimula at siya ay nakaharap sa mga pakikipaglaban sa kapwa mamamayan na nagpapahirap sa iba. Gayunman, sa Kabila ng mga salungatang ito, si Nehemias ay tinipon ang mga Israelita na tapusin ang pagtatayo ng pader sa loob lamang ng wala pang dalawang buwan.

Sa ibat ibang kadahilanan, na hindi pa nalalaunan sa aking buhay, ako ay gumugol ng mahalagang panahon na nag-iisip tungkol sa paksa ng

pagsamba sa mga idolo. Habang naghahanda ng araling ito,naisip ko na si Nehemias ay isang natatanging halimbawa kung paano aalisin ang pagsamba sa mga idolo. Tulad ni Nehemias, kailangan kong ilagay ang Dios sa pinakamataas na posisyon sa aking buhay at ayusin ang iba pang bagay na dapat unahin sa paraan na nais ng Dios na gawin ko. Kailangan kong pangalagaan ang mga bagay na pinangangalagaan ng Dios at kailangan kong laging makipag-usap sa Kanya. Kailangan kong huwag mag-isip kung ano iniisip ng ibang tao tungkol sa akin at higit na alalahanin kung ano ang iniisip ng Dios tungkol sa akin. Ito ang mga paraan upang iwaksi ang mga idolo sa aking puso at bigyan ako ng tapang at lakas hindi lamang upang tapusin ang gawain para sa kaharian ng Panginoon, kasama ang karunungan at kakayahan na makiharap sa mga pagsasalungatan sa loob at labas.

Si Nehemias ay isang magandang halimbawa ng tao, tulad natin , na ginamit ang mga kakayahan na ibinigay sa kanya upang gawin ang mga kahanga-hangang bagay ayon sa kalooban ng Dios. Ako ay nananalangin, na ako man ay dapat na isaayos nang wasto ang mga dapat na unahin at gamitin ang mga kakayahan na kaloob ng Dios upang kumpunihin ang mga pader sa aking maliit na bahagi ng daigdig at ako man ay may pagpapakumbaba na hilingin sa Dios na ako’y alalahanin sa aking ginawa.


Previous
Previous

Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan, Nilikha Ayon sa Kanyang Anyo

Next
Next

“ Matitiis n’yo bang tumira sa magagandang bahay?”