Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan, Nilikha Ayon sa Kanyang Anyo

Ako ay nagsuri, at ang paghahanap sa Amazon ng mga salitang “Improving” (paunlarin), at “Relationships” (ugnayan), ay nagbigay ng mahigit na 10,000 resulta! Sa ating tingin, maraming tao ang naghahanap ng mga paraan upang mapaunlad ang kanilang pakikipag-ugnayan. Nais nating maşaya ang ating buhay may-asawa at pamilya, ating ugnayan sa trabaho, ating ugnayan sa mga kaibigan, at sa ating pamilya sa iglesya. Bagaman maraming mga aklat na maayos na naisulat at makatutulong, ay mayroong isang aklat, ang Bibilia, na siyang pinakamabuti ng pagsisimula. Nasa salita ng Diyos kung saan natin nalalaman kung bakit ang pakikipag- ugnayan ay nangyayari, ano ang ating mga pananagutan, at bakit natin ginagawa ang mahirap na gawain na ibigay ang buong pagpupunyagi para sa ating kapakanan.

Magbalik tayo panahon ng paglalang-ang unang tao. Nang Ang Diyos ay nilalang si Adan, pagkatapos ng mga kalangitan at ang daigdig, ang mga halaman at mga hayop ay sinabi ng Diyos na, “Likhain natin ang tao ayon sa Ating wangis” (Genesis1:26). Ginawa ng Diyos ang tao na kakaiba sa mga hayop at binigyan ng pamamahala sa mga iyon. Pagkatapos, ibinigay ng Diyos kay Adan ang lahat ng mga hayop, at maliwanag na hindi nila mabibigyan ng kasiyahan ang pangangailangan ni Adan ng pakikipag- ugnayan sa isang nilalang na katulad niya. Gayun nga,mula kay Adan, ang Diyos ay hinubog si Eba, ang babae na naging asawa ni Adan. Ang Diyos ay nilalang ang tao upang mabuhay sa pakikipag-ugnayan, at ang Diyos ay nakipag-ugnayan sa tao.

Pagkatapos na si Adan at Eba ay nagkasala at itinaboy sa labas ng halamanan, sila ay nagkaroon ng mga anak at nakilala ang ugnayan ng pamilya. Nang ang pamilya ay lumabas sa daigdig, ang mga pamayanan ay nabuo, at ang mga pamahalaan ay naitatag. Mula kay Abraham, ang Diyos ay pumili ng isang pamilya sa daigdig upang Kanyang maging piniling tao, Kanyang mga anak, Kanyang kaharian. At sa araw ng Pentecostes, nang ang balak ng Diyos na tubusin ang mga bansa ay ipinahayag, ang iglesya, ang espirituwal na pamilya ng Diyos ay itinatag. Ang ating ugnayan sa daigdig ay nagturo sa atin ng tungkol sa kalikasan at karunungan ng Diyos. Ang pagkakaroon ng ama at ina sa daigdig ay nagpakilala sa atin ng kuro-kuro tungkol sa pangangalaga at kapangyarihan, ng awa at walang kapantay na pagmamahal. Sa mga kapatid na lalaki at babae, nakilala natin ang katapatan at pagpaparaya at ang pagkakalapit- lapit ng pamilya. Ang mga hari at pamahalaan ay nagturo sa atin ng kapangyarihan at pangangalaga. Samantalang ang mga kaharian sa mundo ay isang kabiguan, isipin natin ang buhay sa isang kaharian, na sinadya ng Diyos, kung saan ang hari ay minamahal at pinagkakalooban ang Kanyang mamamayan, at sila naman ay pinararangalan at sinusunod Siya.

Ang Diyos ay laging nagbibigay ng mga utos upang pamahalaan ang mga ganitong ugnayan. Si Adan ay sasama sa kanyang asawa. Ang batas ni Moses ay pinamahalaan ang kapangyarihan ng magulang at kalinisan ng pagsasama ng mag-asawa. Ito ang nagturo sa mga Israelita kung paano pakitunguhan ang kanilang kapit-bahay, ang kanilang kaaway, at ang mga bansang nakapaligid sa kanila. Ipinahayag ni Jesus ang mga pakikipag- ugnayan sa Kanyang Sermon sa Bundok, kung saan sinabi Niya na isaalang-alang hindi lang ang ating mga kilos, kundi gayundin ang ating mga puso at mga pag-iisip. Ang mga alagad ay tinuruan din ang mga bagong mananampalataya kung paano pakitunguhan ang bawat isa at ang ating mga kilos at gawi na nakikita ng mga hindi mananampalataya. Mayroon ding batas kung sino ang nais ng Diyos na manguna sa Kanyang iglesya at kung paano tayo makikitungo sa ating mga pinuno.

Ang isang bagay na dapat pagtuunan ay ang batas ng Diyos ay laging para sa kabutihan ng tao. Sa Deuteronomio 6:24, ang mga Israelita ay handa na sa pag pasok sa Lupang Pangako. Pinagtibay ni Moses ang mga batas ng Diyos, “Inutusan kami ng Panginoon na sundin namin ang lahat ng mga tuntuning ito at gumalang sa Kanya na ating Diyos, para lagi kaming maging maunlad at mabuhay nang matagal gaya ng nangyayari ngayon.” Ipinaalala ni Moses sa Deuteronomio 4:5-8, na ang mga bansa sa paligid nila ay nagmamatyag, na kung maririnig nila ang lahat ng tuntuning ito ay sasabihin, “Totoo nga na marunong at may pang- unawa ang mga tao ng makapangyarihang bansang ito.” Ang Diyos ay nagkaloob ng mga batas upang itatag ang Kanyang kabanalan at para sa ating kabutihan. Kailangan nating alalahanin ito sapagkat Kung minsan ang mga batas na gumagabay sa ating ugnayan ay mahirap na sundin. Hindi madaling magtrabaho at pagyamanin ang iyong bukirin, at hayaan na ang ilang butil ay maiwan sa bukid para sa mahihirap. Hindi madaling hindi na singilin ang may utang sa iyo pagsapit ng ika -pitong taon. Hindi madaling magpatawad ng pitumpu at pitong ulit sa isang araw. Mahirap magbayad ng buwis sa isang masamang pamahalaan. At ang tunay na biyaya ng pagsasama ng mag-asawa ay mangyayari lamang sa pamamagitan ng batas ng palagiang kabanalan na para sa iba ay mahirap na pagpili kung tayo ay hindi nagtagumpay sa ating pagsasama, nguni’t may kusang pagsunod sa batas na Kanyang ipinahayag.

Isaalang-alang natin ang mga uganayan na ginawa ng Diyos para sa atin- kung paano tayo tinutulungan upang maging tapat, kung paano ang buhay ay magiging mabuti, at bakit tayo hindi nagtatagumpay? Halimbawa, ang kasal, ay nagtuturo sa atin ng kapangyarihan ng tapat at hindi maka sariling pagmamahal. Ang pag-aasawa sa isang kapwa mananampalataya ay nagbibigay sa atin na gumawa nang kapit-kamay sa pagtahak sa buhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng kapanatagan at makakasama. Ang kahinaan sa pagsasama ng mag-asawa ay dahil sa pagiging maka-sarili, kapabayaan, o hindi pagbibigayan, at ang kamunduhan.

Ang mga pamahalaan ay itinatag ng Diyos. Ito ay para sa ating pangangalaga. Sa Estados Unidos, ang ating pamahalaan ay nagbibigay sa atin ng kalayaan na magtipon at manambahan ng walang hadlang. Mayroon tayong mga batas na nangangalaga ng pangsarili at pangkalahatang kaligtasan. Ang lahat ng negatibong bagay sa pamahalaan, mula sa panunuhol hanggang sa kalupitan, ay nasa kamay ng mga makasalanan at mapaghimagsik na mga tao.

Ang ating ugnayan na kasama sa tapat na buhay kay Cristo ang magiging tali sa pagsasama sa mga kapwa nating kapatid na Kristiyano. Ako ay magiging isang tapat na Kristiyano, kahit hindi ako asawa, ina,o kapatid sa isang pisikal na pamilya. Gayunman sa 1 Corinto 12: 12-31, sinabi ni Pablo na tayo ay nabautismuhan sa isang katawan, ang katawan ni Cristo, at ang bawat isa sa atın ay bahagi nito. Dahil sa aking pagsunod kay Cristo, ang lahat ng mananampalataya ay aking pamilya.

Mayroon tayong kaalaman kung paano tayo makikipag-ugnayan sa katawang ito. Ipinaliwanag ni Pablo na maaaring tayo ay mag-isip na maliit ang pagtingin sa ating sarili at ayaw humawak ng tungkulin. O kaya naman ay nag-iisip tayo na nakahihigit tayo sa iba at pinababayaan ang kakayahan ng iba na akala natin ay walang halaga. Nguni’t ipinaalala ni

Pablo na ang Diyos ang nag-ayos ng lahat ng bahagi ng katawan “tulad ng nais Niya” at kailangan nating kumilos na parang isa.

Ang isang samahan ay naiitayo lamang kung ang mga tao ay may magkakatulad na hangarin upang magsama-sama at magalak sa ugnayan. Sila ay nagsusulat ng kanilang alituntunin, at kung ayaw mo, o hindi para sa iyo, ay maghahanap ka ng ibang samahan. Ang katawan ay iba. Ang lahat ng bahagi ng katawan ay palaging magkakasama at kailangang gumawa nang sama-sama upang mabuhay at lumago. Ang pagpapabaya o pananakit sa alinmang bahagi ay nagbibigay ng sakit o pagkawala sa buong katawan. Sa isang daigdig na kung saan tayo ay nagsisikap na mapabilang, anong laking biyaya na ginawa tayo ng Diyos, sa kabila ng ating kahinaan at karupukan, tayo ay naging mahalaga at kailangan na bahagi ng katawan ni Cristo. Isipin natin ang nakamamanghang iglesya na sinusunod si Cristo bilang puno at ang lahat ng kasapi ay kumikilos na parang isa. Ang pangkat ng mga tao na hindi marami ang pagkakatulad, maliban sa hangarin na paglingkuran ang Panginoon na may pag-ibig sa isang katawan- sama-samang gumagawa, sama- samang nagdurusa, Pinangangalagaan ang bawat isa, tunay na ipinapakita ang napakaraming karunungan ng Diyos. Ang mga kaguluhan na nakikita natin sa mga iglesya ay malimit na gawa ng mga kasapi na pinahahalagahan ang sarili, sa halip na ang kabutihan ng katawan, o ng kalooban ng Diyos. Sa Ebanghelyo ni Juan, sinabi ni Jesus, “Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo. Magmahalan kayo. Kung paano Ko kayo minamahal, gayon din dapat ang pagmamahal n’yo sa isat-isa. Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat ng tao na mga tagasunod Ko kayo” ( 13:34-35 ). Ang mga ugnayan ay uunlad kung ang mga Kristiyano ay dadalhin ang pag -ibig ni Cristo sa kanila.

“ Kung tumitingala ako sa langit na Inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, ako’y nagtatanong, ano ba ang tao upang Inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang Inyong kalingain?” (Awit 8:3-4). Ang Diyos sa Kanyang malaking karunungan ay nilalang tayo sapagkat kailangan natin ang bawat isa. At pinagkalooban Niya tayo ng pakikipag-ugnayan - mga pamilya, mga pamayanan, mga pampook na iglesya upang tulungan tayo sa paglalakbay sa buhay sa daigdig at paglingkuran Siya. Sa mga hanay ng mga paksa, tayo ay maghahanap ng natatanging paraan upang maging pinakamabuti sa ating pakikipag-ugnayan.


Previous
Previous

Maaari Bang Nakawan ng Tao ang Dios ?

Next
Next

“O aking Dios, alalahanin po Ninyo ako at pagpalain”