Maaari Bang Nakawan ng Tao ang Dios ?

By : Sonja H. Winburn

Si Malakias ay isa sa mga pinili ng Dios na harapin ang mga bumalik na mamamayan ng Israel. Marahil ay isinulat ni Malakias ang mga hula sa aklat makalipas na itayong muli ang pader sa paligid ng Jerusalem. Bagaman si Nehemias ay naging gobernador at ang kaunlaran ay nagawa, ang pagpapanibagong simula na sumunod sa kanyang mabuting padsisikap ay nabawasan nang malaki. Ang mga tao ay may mga kaguluhan sa pagbabago ng kanilang mga puso tulad din ng pagtatayo ng kanilang lungsod !

Ipinaalala ng Dios na matapos lisanin ng bansang Israel ang Ehipto, ang Dios ay ibinukod tangi sila sa ibang mga bansa, upang ipakilala si Cristo sa pamamagitan ng lahi ni Abraham. Sa pagpili kay Jacob, ang nakababatang kakambal ni Esau, ay dapat na makatulong sa kanila na pahalagahan na sila’y himalang pinili at minahal. Sinadya ng Dios na ang Israel ang magiging tulay upang dalhin si Cristo sa daigdig. Nguni’t iba ang pananaw ng mga tao sa balak ng Dios at itinaas ang kanilang mga sarili higit sa ibang mga bansa.

Ang Dios ay pinagkalooban ng mga biyaya ang mga anak ni Jacob. Tinuruan Niya at itinuwid tulad ng isang ama sa kanyang minamahal na anak. Nguni’t sa panahong ito ng kasaysayan, ang Israel ay patuloy na inalis ang ipinakitang pagmamahal ng Dios. Siya ang nanguna sa kanilang paglisan sa Ehipto, ibinigay ang mga Utos upang maunawaan nila kung paano maging Banal, kasama Siya sa pakikipaglaban sa mga kaaway, at sila’y naging bihag upang tulungan sila na maunawaan ang Kanyang pagmamahal at mga pagpapala.

Gayunman, tulad ng isinasaad sa aklat ni Malakias, ang mga bumalik na mamamayan ay nanatiling nakikipaglaban sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Dios. Sa mga nagdaang panahon, sila ay karaniwang bumabalik na nagsisisi at nagpapasalamat sa kaligtasan kung sinasaway, nguni’t ngayon ay hindi na nila ipinapakita ang paggalang at pagpapahalaga sa mga ginawa ng Dios. Sila ay nag-aalay ng mga may kapansanan at maruming mga hayop sa kanilang paghahandog, at ang mga pari ay tinatanggap ang mga iyon. Nakapagtataka, nais nilang makita na sila ay tapat, kaya patuloy silang naghahandog ng mga hindi nararapat na alay sa templo.

Ang mga taong ito ay hindi ibinibigay ang pinakamabuti sa Dios. Hindi nila inihahandog ang mga unang ani ng prutas kundi iyong mga itatapon na lamang. Inihahandog Nila sa Dios ang mga bulag, may sakit at pilay na mga hayop bilang alay, hindi ang nais ng Dios. Sinabi pa ng Dios na maging ang mga pinuno ng pamahalaan ay hindi rin tatanggapin ang kanilang handog!

Hindi na nila iginagalang ang Panginoon bilang Dios na Makapangyarihan. Sila ay naniniwala na kaya nilang pangalagaan ang kanilang mga sarili at itinataas ang pananaw sa kanilang kakayahan higit pa sa Dios. Hindi na sila nakikinig sa Kanyang mga tagubilin.

Sa halip na mahiya at unawain ang kanilang kasalanan, tulad ng nagdaang panahon, sila ngayon ay kinukutya ang Dios. Ang pagbagsak ng kanilang bansa ay nagpapakita ng ugali ng puso, at ang pusong iyon ay wala ng pag-asa ng pagbangon. Ang bawat isang tao ay magbabalik, nguni’t ang bansa ay hindi na magiging tulad ng dati.

Sinabi ng Dios na si Elias ay magbabalik at ibabaling na muli ang puso ng mga tao sa Dios. Ang totoo, ay ito si Juan na tagapag- bautismo, na mangunguna kay Cristo 400 taon sa hinaharap. Ipakikilala niya si Jesus bilang Kordero ng Dios sa daigdig.

Sa loob ng pag-uusap na ito, ang isang paratang ay nasa anyo ng katanungan. Maaari bang nakawan ng tao ang Dios? Ipinakita ng Dios na Siya ay ninakawan ng paggalang at pagpapahalaga na karapat-dapat Niyang tanggapin dahil sa Kanyang mapagmahal na kabutihan. Nguni’t sinasabi nila, paano namin Kayo ninanakawan? Hindi nila pinanagutan ang kanilang masamang pag-uugali o hindi nararapat na kilos at tumutugon tulad ng isang bugnutin na bata.

Ipinaaalala ng Dios na Siya’y mananatiling tapat,sa Kabila ng hindi nila pagsunod. Tutuparin Niya ang Kanyang pangako ng kaligtasan sa lahat ng mga nagsisisi. At ang Mesiyas ay magmumula sa kanila. Bagaman, kaunti lamang sa bansang Israel ang makikinig, ipinaliwanag Niya kung paano ang mga bansa ngayon at sa hinaharap ay may pag-asa sapagkat siya ay tapat, at ang Kanyang balak ay nananatili. Sila ay hindi na makakapag nakaw sa Dios. Ang mga susunod na lahi ay magbibigay ng kaluwalhatian sa Dios.

Ang Dios ay nangusap sa pamamagitan ni Malakias na Siya ang Panginoon ng mga Hukbo sa langit at lupa. Sinabi Niya na anuman ang kanilang mga kilos ng galit o poot, ang lahat ng mga bansa ay magbibigay ng luwalhati at itataas ang pangalan ng Panginoon. Ang kanilang kasamaan ay hindi makasasalungat sa mga pangako ng Dios. Hindi mabibigo ang Kanyang layunin.

At ngayon, ang katanungan na nais nating itanong, tayo ba ay nagtatangka na nakawan ang Dios tulad ng ginawa ng mga tao noon? Tayo ba ay makikipaglaban sa ating tugon sa Dios at sa Kanyang pagtutuwid? Tayo ba ay lubos na nagpapakita ng walang pagpapahalaga sa mga pagpapala ng Dios? Tayo ba ay dumadaing sa mga bagay na wala tayo at hindi nagpapahalaga sa mga bagay na mayroon tayo? Tayo ba ay nahihiya at nagsisisi kung ating naunawaan na tayo ay nagkamali sa isang bagay? Ibinibigay ba natin sa Dios ang pinakamabuti o ang tıra - tirahan lamang.

Aminin natin, na ginagawa natin ang ilang mga bagay na ito sa ibang antas. Nguni’t tandan natin, ang Dios ay nangako na Siya ay nagkakaloob ng mga biyaya at kapatawaran sa Kanyang mga anak. Tayo ay may pag- asa kung tayo ay nagsisisi. Ang Dios ay tinutupad ang Kanyang mga pangako. Ikaw ba tumutupad din sa iyong mga pangako?


Previous
Previous

Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan, Handa sa Pakikinig

Next
Next

Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan, Nilikha Ayon sa Kanyang Anyo