Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan, Handa sa Pakikinig

Sa unang artikulo sa hanay ng mga paksa, ay nakita natin na ang Biblia ang pinakamahalagang kasangkapan upang mapaunlad ang ating mga ugnayan. Ang susunod na kasangkapan na ating kailangan? Isang salamin. Kung ako ay seryoso na gumagawa para sa isang higit na mabuting pakikipag-ugnayan, ang unang lugar na pagsimulan at ang unang panimula na dapat kong pigilin ay ang aking sarili. Dito at sa susunod pang 3 artikulo, ay gagamitin nating patnubay ang sulat ni Santiago1:19, “Dapat maging handa kayo sa pakikinig, danan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit.”

Sinasabi sa Kawikaan 18:2, “Ang taong hangal ay hindi naghahanap na matuto; ang gusto lang niya ay masabi ang nasa isipan.” Ang hangal ay kabaliktaran ng “handa sa pakikinig.” Ang isang nakawiwiling katotohanan tungkol sa mga tao ay ang makapagsasalita tayo ng marahil ay 125 na mga salita sa bawat minuto, nguni’t nakakarinig tayo ng mahigit na 400 na mga salita sa bawat minuto. Ito ay nagbibigay sa atin ng higit na oras mula sa pakikinig hanggang sa pag-iisip- malimit tungkol sa ating tugon. Ngayon, isipin natin ang tungkol sa mabuting pakikinig sa ating pakikipag- ugnayan - hindi lamang sa pakikinig ng mga salita, nguni’t pakikinig upang makaunawa. Makikita natin na kung minsan ang pakikinig ay nasasangkot din ang ating mga labi at mga tainga. Kailangan nating sanayin ang ating mga labi na maghintay, upang ang ating mga isip ay tunay na makinig.

Kung kailangan ko ng mungkahi upang maging mabuting tagapakinig, kailangan kong alalahanin na ang Maylikha at Tagapamahala ng daigdig ay nakikinig sa akin. Sinabi ni David sa Awit 17, “O Dios, sa Inyo ako ay dumadalangin, dahil alam ko na ako’y Inyong diringgin, pakinggan N’yo po aking mga hiling.” Dahil sa Kanyang pagmamahal sa atin, ang ating ugnayan ay hindi isang daan lamang na pakikipag-ugnayan sa Dios, na tayo ay nakikinig lamang sa Kanya, Siya, bilang ating Ama, ay nais ding makinig sa atin.

Ang Dios ay tuwirang nakipag-usap kay Adan at Eba sa halamanan. Siya ay nakinig kay Abraham na iligtas ang kanyang pamilya sa Sodom. Narinig Niya ang pagtangis ng mga Israelita sa Ehipto, narinig ang hiling ni Joshua na tulungan sila at pinatigil ang araw upang tulungan sa pakikipaglaban, at narinig ang pagtangis ni Hannah sa kanyang walang kakayahan na magka- anak. Tinuruan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na Manalangin sa Ama sa kalangitan. Sa pagwawakas ng sulat ni Santiago ay nagbigay siya ng lakas ng loob na manalangin, at pinaalalahanan na “ Malaki ang magagawa ng panalangin ng taong matuwid.” (Santiago 5:16)

Nguni’t isang babala, ang aking kasalanan ay makapaghihiwalay sa akin sa Dios at hindi Niya mapapakinggan ang aking tinig. Sinasabi sa Isaias 59:1-2, “ Ang Panginoon ay hindi mahina para hindi makapagligtas. Hindi rin Siya bingi para hindi makarinig kapag tumatawag kayo sa Kanya. Ang inyong mga kasalanan ang siyang naglayo sa inyo sa Dios at iyon ang dahilan kung bakit Niya kayo tinalikuran at ayaw nang makinig sa inyong mga dalangin.”

Ang pakikipag-usap sa pagitan ng Dios at ng Kanyang mga anak ay kasiya-siya sa bawat panig. Kung mahal natin ang Dios at pinahahalagahan ang Kanyang salita, masasabi natin kasama ang mang- aawit, “Kay tamis ng Inyong mga salita, mas matamis pa ito kaysa pulot!” (Awit 119: 103)

Sa Pahayag 8:4, inilarawan ni Juan, “Binigyan siya ng maraming insenso para maisama niya sa mga dalangin ng lahat ng mga pinabanal ng Dios at maihandog sa gintong altar sa harap ng trono.” Ang salita ng Dios ay matamis sa ating planlasa; ang ating salita ay mabangonginsenso sa Kanyang trono.

Kung ang Dios ay handang makinig sa akin - higit na gaano ako handa sa pakikinig sa iyo? Ang ika-12 kabanata ng Roma ay nakatalaga na maging gabay natin sa pakikipag-uganayan sa katawan ng Dios at sa daigdig sa paligid natin. Naki-usap si Pablo na ihandog ang ating sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa Kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa Kanya. Huwag tayong gumaya sa pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Kailangan nating mahalin ang bawat isa bilang magkakapatid kay Cristo at “mamuhay nang mapayapa sa lahat ng tao.” Napakahalaga ng bukas na pakikipag-usap, “handa sa pakikinig,” upang magtayo ang payapang buhay na magkakasama !

Upang matugunan ang aking bahagi sa ugnayan na ibinigay ng Dios sa akin, sa aking asawa, mga anak, mga pinaglilingkuran, at kapwa Kristiano, ako ay dapat na maging handa na mahalin at paglingkuran sila. Upang magawa ito nang mabuti, kailangan ko na unawain sila. Upang maunawaan sila, kailangan kong makinig sa kanila - na kaharap sila sa katawan at isip kung sila’y nagsasalita. At may mga panahon, na kailangan kong manahimik upang bigyan sila ng pagkakataon na magsalita.

Paano ito mangyayari? Sa Kawikaan 17: 28, “Kahit ang mangmang ay parang marunong at nakakaunawa kapag tahimik.” Ako ay may isang makakatuwang gawain, at ito ay paghuhugis ng letrang “L” (listen) sa wikang English, sa pamamagitan ng aking hinlalaki at hintuturo. Ito ay inilalapit ko sa aking mukha, inilalagay ang hintuturo sa aking labi at ang aking hinlalaki ay sarılalım ng aking baba, na pinatatahimik ang aking labi at nagpapakita na ako’y “matalinong tagapakinig.” At ako’y nakikinig - hindi nagsasalita - habang ikaw ay nagsasalita. Ito ay tila mahirap. Nguni’t kung ikaw ay pinababayaan kong magsalita, at nakikinig na may hangarin na umunawa, “handa sa pakikinig”, ako ay magkakaroon ng kaalaman kung paano kita higit na mamahalin.

Magbigay ng ilang sandali at isaalang-alang ang ilan sa iyong mga pakikipag-ugnayan - sa ina, kapatid, guro, amo, kapitbahay, ama, kaibigan,kasama sa trabaho - İsa o dalawa sa iyong buhay na naging mahalaga sa iyo - isang may positibong bunga sa iyo, tumulong sa iyong paglago, at marahil sa iyong espirituwal na paglalakbay. At Isaalang-alang- sila ba ay naging mabuting tagapakinig? Sila ba ay tumulong kung ano ang tunay mong kailangan matapos ka nilang mapakinggan? Sa aking buhay, ang sagot ay oo. Samantalang may ilang tao ang naging mabuting halimbawa dahil sa sa kanilang mabubuting gawa, ako ay may mga kaibigan at tagapayo na aking nakakausap nang bukas at tapat. Sila ay mabuti at hindi maka-sarili at handang makinig sa akin at nagbibigay kung ano ang kailangan ko.

Malimit, ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na Magda ay sa pakikinig sa isang mahal sa buhay bago matapos ang araw. At kung ikaw ay katulad ko, mauunawaan mo kung gaano kabilis na ikaw ay mag-isip sa sarili. Ang “handa sa pakikinig” ay isang kilos o gawi na dapat nating paunlarin. Kunin mo ang iyong salamin at ang letrang “L” at makinig at matuto.


Previous
Previous

“ Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan”- Dahan-dahan sa Pananalita

Next
Next

Maaari Bang Nakawan ng Tao ang Dios ?