“ Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan”- Dahan-dahan sa Pananalita

“ Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, nguni’t ang magandang salita ay nagpapagaling” (Kawikaan 12:18). Ah, ang lakas ng ating mga salita ! Tayo ay naging paksa sa ilang bahagi ng ating buhay na nakarinig ng mga salitang nakakasugat tulad ng isang patalim. At tayo’y nakakaramdam ng pagsisisi sa mga salitang nakasugat din sa iba. Tinawag ni Santiago na ang dila ay “puno ng kasamaan at puno ng lasong nakamamatay.” “ Kung mayroon mang hindi nagkakamali sa pananalita niya, isa siyang taong ganap at may kakayahang pigilin ang sarili.” Kung may pagpapahalaga tayo sa ating pakikipag-ugnayan, kailangan nating “magdahan-dahan sa pananalita” ( Santiago 1:19 ).

Ang Aklat ng Kawikaan ay mayaman sa mga tulong upang sanayin ang mga dila na gamitin ang karunungan. Sa Kawikaan 10:19, “Ang taong masalita ay madaling magkasala. Ang tao namang marunong ay pinipigilan ang kanyang dila.” Sa Kawikaan 15:12, “Ang salita ng taong marunong ay nagpapahiwatig ng karunungan, nguni’t ang salita ng hangal ay nagpapakita ng kahangalan.” Ang larawan ng kung paano magsalita ay nagpapakita ng kung gaano tayo madaling magsalita nang hindi nag-iisip muna. Ang tila hindi laging mapigilang gawain, ang pagpipilian sa ating dila ay may isang payak na kalutasan, mula kay Santiago. “Dahan-dahan sa pananalita.” Maghinay-hinay. Pigilin Ang bibig. Isipin ang mga damdamin sa kasalukuyan- ikaw at ang iyong tagapakinig. Isipin ang mga hindi na maaaring bumalik sa nakaraan bago sinabi ang mga nakasusugat na mga salita.

Dalawang tauhan sa Biblia ang sumagi sa aking isipan na nagsalita nang biglaan at walang pagpipigil. Sila ay mabubuting tao at ang kanilang mga salita ay walang saloobin na makasakit. Iniisip ko si David nang siya ay harapin ng propetang si Nathan (2 Samuel 12). Inilahad ni Nathan ang isang pangyayari na susugat sa maawaing puso ni David. Ang tupa ng mahirap na tao, na inalagaan na tulad sa isang anak ay pinatay para sa salo-salo ng isang mayaman. Ang malupit at walang katarungan ng pangyayari ay nagpagalit kay David, at sinabi niya ang pinaka mabigat na parusa - ang tao ay dapat na mamatay ! Isipin mo kung ano ang naramdaman ni David nang narinig niya ang sinabi ni Nathan - “Ikaw ang taong iyon .”

Ang alagad na si Pedro ay nagsalita nang agad-agad kay Jesus na kahit Siya iwanan ng lahat, hinding-hindi niya iiwan si Jesus ( Mateo 26:33 ). Makalipas lamang ang ilang oras, narinig niya ang pagtilaok ng manok, at tulad ng sinabi ni Jesus , siya ay nagkaila na kilala niya si Jesus ng 3 ulit.

Noong una, ay inisip ko na sila ay halimbawa lamang ng mga taong nagsasalita nang hindi nag-iisip muna. At kahit na may mabuting hangarin- si David ay naawa sa mahirap na lalaki na nawalan ng minamahal na tupa, at si Pedro ay maalab sa pagsama kay Jesus at sa pakikipaglaban sa Kanyang kaharian. Ito ay pinatunayan niya sa halamanan nang binunot niya ang kanyang espada at tinaga ang alipin ng punong pari nang si Jesus ay dakpin. Marahil kung bawat isa sa kanila ay tumigil sandali, maaari nilang pigilan ang kanilang mga salita. Nguni’t hindi ang salita ang suliranin - ang mga salita ay nagpakita kung ano ang nilalaman ng kanilang mga puso. Ang tugon at salita ni David ay nagbigay-diin sa maling pagpapalagay ng kanyang buhay. Siya ay nabubuhay na alam ang kanyang mga kasalanan, walang damdamin at kalupitan ng kanyang mga kilos, at ang kanyang mga salita ay naging masama-higit napatunayan. Si Pedro ay hindi sana magiging masama sa paningin kung hindi siya gumawa ng matapang na pangako na hindi niya iiwan si Jesus. Nguni’t itinatwa pa rin niya si Jesus. Si Pedro ay handang makipaglaban, hindi ng espirituwal na kaharian ni Cristo, kundi para sa hari at kaharian sa lupa na hindi niya handang iwanan.

Ang suliranin ay hindi lamang sa ating mga salita o ang walang pagpipigil - ito ay ang ating mga puso. Sa Kawikaan 4:23, “Ingatan mo ang iyong puso ng buong sıkap, sapagkat dinadaluyan ng buhay.” Sa kabila ng pagbabantay kung ano ang aking sinasabi, kailangan ko ring bantayan kung ano ang ipinapasok ko sa aking puso at kung ano ang dapat manatili roon. Ipinaliwanag ni Jesus sa Kanyang mga alagad nang sila ay punahin sa hindi pagsunod sa paghuhugas ng kamay. Sinabi Niya, “Hindi ba ninyo alam na anumang puma pasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan at idinudumi? Nguni’t ang lumalabas sa bibig ay nagmumula sa puso ng tao, at ito ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos. Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng seksuwal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa. Ang mga bagay na ito ang nagpaparumi sa isang tao. Nguni’t ang kumain nang hindi naghuhugas ng kamay ay hindi nakapagpaparumi sa tao.”

( Mateo 15: 17-20 ).

Mula sa Awit 119: 10-16, pakinggan ang kaayusan na magpupuno sa ating mga puso ng salita ng Dios: “Buong puso akong lumalapit sa Inyo; Kaya tulungan N’yo akong huwag lumihis sa Inyong mga utos. Ang salita N’yo ay iniingatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa Inyo. Purihin Kayo Panginoon! Ituro Ninyo sa akin ang Inyong mga tuntunin. Paulit-ulit kong sinasabi ang mga kautusang ibinigay Ninyo. Nagagalak akong sumunod sa Inyong mga katuruan, higit pa sa kagalakan dulot ng mga kayamanan. Ang Inyong mga tuntunin ay aking pinagbubulay-bulayan at iniisip kong mabuti ang Inyong pamamaraan. Magagalak ako sa Inyong mga tuntunin, at ang Inyong salita ay hindi ko lilimutin.”

Isaalang-alang kung gaano kahalaga ang magutom sa katuwiran sa buhay ng pakikipag-ugnayan sa bawat isa. Itinuro ni Pablo sa Colosas 3 :12-15, “Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis. Magpasensiyahan kayo sa isat isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman; dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. At higit sa lahat, magmahalan kayo, dahil ito ang magdudulot ng tunay na pagkakaisa. Paghariin ninyo sa mga puso n’yo ang kapayapaan ni Cristo....”

Kung pababayaan ko na ang aking puso ay mapuno ng kapaitan at pagka- inggit, kung patuloy kong kukunin at pahalagahan ang maka-mundong pag-iisip, ito ay magiging palagian na pakikipaglaban na bantayan ang aking salita bago ito maging tulad ng isang panaksak. Nguni’t kung ako’y nalulugod sa salita ng Dios, kung ako’y nagninilay sa Kanyang tuntunin, mararamdaman ko na ako ay walang halaga at magsisimulang magkaroon ng pusong maawain. Ako ay magsisimulang magpatawad , dahil ako ay pinatawad din. Habang lumalago ang pag-ibig ko sa Dios, lumalago rin ang pag-ibig ko sa Kanyang mga anak at sa lahat ng tao.

Bago ako magsalita, kailangan ko na magkaroon ng dahan-dahang pagpipigil. Nguni’t mayroon ding paraan upang ang Banal na Espiritu ay baguhin ang aking pag-iisip, at magsalita ng katotohanan na may pag-ibig.

Totoo, ang mga salita ay tulad ng mga saksak ng patalim, subalit ang mga salitang ito ay sinalungat ng “ nguni’t ang magandang salita ay nagpapagaling.” Sa magkatulad na kaisipan, ang salita ay nakakasugat, nguni’t ang salita ay nakagagaling din. Ito ay makapagbibigay ng ginhawa sa nasasaktang puso. Ito ay magiging tulay sa mga puwang ng pakikipag- ugnayan. At higit sa lahat, ito ang maghahatid sa mga puso patungo sa Dios, at magbibigay ng pag-asa sa pagiging anak Niya. Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ang aking puso ay nakatuon sa Dios at ang Espiritu ay nasa akin, ang aking mga salita ay magdadala ng mga bungang ito sa aking pakikipag- ugnayan.

“Kung ang salitang binigkas ay angkop sa pagkakataon, ito’y parang gintong mansanas na nakalagay sa isang lalagyang pilak.” (Kawikaan 25:11). Isang nakapag papasiglang kaisipan, na ang salita ko ay mayroong halaga at maganda. Kailangan nating magdahan-dahan bago magsalita upang walang pagsisihan sa mga binitiwang salita at magdahan-dahan din at hayaan ang ating mga puso ay maging malinis at magpakumbaba. Manalangin tayo para sa patnubay na ang ating salita ay “angkop na bigkasin.”


Previous
Previous

Ano Ang Sabi Ninyo Kung Sino Ako?

Next
Next

Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan, Handa sa Pakikinig