Ano Ang Sabi Ninyo Kung Sino Ako?

Kamakailan, kasama ang aming mga kabataang mag-aaral, ay pinag- aralan namin ang mga relihiyon ng daigdig. Ginamit namin ang katanungan ni Jesus sa Mateo 16 bilang patnubay na paksa sa aming pagtatalakayan. Ito ay nakakawili... at nagsasabi... na ang lahat ng malalaking pananampalataya sa daigdig ay may kinalaman kay Jesus. Islam,Judaism, Buddhism,at kahit na ang walang paniniwala sa Dios, at ang Hinduism ay may paliwanag tungkol kay Jesus. Siya ay itinuturing na propeta, guro, matalinong tao, o isang may inpluwensiyang guro sa lahat halos ng relihiyon, nguni’t ang pinaka-mahalagang bagay... ay Siya ay kinikilala... ng lahat.

Bilang isang Kristiyano, hindi ko kailangang ipaliwanag kung sino si Muhammed, at hindi ko kinikilala si Buddha, o ang daan-daang mga dios- diosan ng mga Hindu. Ang pinagsimulan at siyensya ay mga bagay na hindi ko dapat isipin. At tiyak na hindi ko kailangang alamın kung ano ang gagawin sa mga turo ng mga propetang Judio, samantalang ang lahat ay papunta kay Jesus.

Ano ang sabi ninyo kung sino Ako ay katanungan na nasagot na, sa isang paraan o naiiba ng bawat tao sa planeta. Sapagkat ang Kanyang buhay ay hindi maikakaila at ang Kanyang mga turo ay may inpluwensya, ang bawat kaayusan ng pananampalataya ay salamin kung ano ang gagawin kay Jesus.

Sa aklat na ThatYou May Believe: Studies in the Gospel of John, na isinulat ni Homer Hailey, sinuri niya ang pag-aangkin ni Jesus tungkol sa Kanyang pagka-Dios. Sinabi ni Jesus na hindi lamang Siya nagbuhat sa Dios at kilala ang Dios, kundi Siya ay may angking mga katangian at kapangyarihan ng Dios sapagkat Siya at ang Ama ay “Iisa” (Juan10:30). Ang pangwakas ni Hailey ay, “Ang pag-angkin ni Jesus sa Kanyang kaugnayan sa Dios alinman na Siya nga at Siya ang Anak ng Dios o Siya ay isang nagpapanggap. Siya ay hindi lamang isang mabuting tao” (41).

Para sa mga hindi Kristiyano, ang suliranin kay Jesus ay Siya ay pinatunayan ng Dios. Ito ang paksa ngayon, at ito ang paksa na itinuro ni

Pedro sa Aklat ng Gawa 2:22. Sinabi ni Pedro sa mga tao na bagaman si Cristo ay pinaratangan at pınarusahan ng tao, Siya ay pinatotohanan ng Dios.

“Mga kababayan kong Israelita, makinig kayo sa akin, si Jesus na taga- Nazaret ay sinugo ng Dios sa inyo, at pinatotohanan ito ng Dios sa pamamagitan ng mga himala at kamangha-manghang ginawa Niya sa pamamagitan ni Jesus. Alam n’yo mismo ang mga ito dahil ang lahat ng ito’y nangyari rito sa inyo.”

Ipinahayag ni Pedro na si Jesus ay nasa kalagitnaan nila na gumagawa ng mga himala, at kahanga-hangang mga tanda. Siya ay hindi gumagawa nang lihim; nakita nila at nasaksihan ang kapangyarihan ng Dios na ginawa ni Cristo sa gitna nila. Ayaw lang nilang kilalanin ito. Ang totoo, sa ilang pagkakataon, ang mga pinuno ng Judio ay iniuukol ang Kanyang kapangyarihan, na hindi maikakaila , kay Satanas. Kailangan nilang alamin kung ano ang gagawin sa Taong ito na maliwanag na gumagawa na labas sa batas ng kalikasan.

Ang ibang relihiyon ay hindi pinatay si Jesus, nguni’t kinatay ang Kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagtanggi sa Kanyang pagka -Dios. Ito ang tunay na nangyayari sa Mateo 16; na mayroong mga bulong- bulungan na kumakalat tungkol kay Jesus at kung sino Siya.

Ang araw ay ginugol sa pakikipagtalo sa mga Pariseo at tinatalakay ang mga tanda na ipinangangaral ni Pedro sa mga Gawa. Ang mga Pariseo at mga Saduseo, na magkakampi upang pawalan ng kabuluhan si Jesus ay humingi ng tanda mula sa langit, o sa mga langit. Sila ay nagkunwari na kung Siya ay magpapakita ng tanda na hindi nakikita sa lupa...sapagkat ang pagpapagaling sa bulag at lumpo, at pagpapaalis ng masamang espiritu ay hindi pa sapat...saka lang sila maniniwala.

Sinabi ni Jesus na sila ay tumitingin sa kalangitan at binabasa ang lagay ng panahon, at gayunman ay hindi nila nakikita na Siya ang Cristo kahit na ang lahat ng Kanyang ginawa ay tiyak na tumutukoy sa Kanyang pagka- Dios. Sila ay hindi na bibigyan ng mga tanda maliban sa napakalaking tanda ng Kanyang pagkabuhay, sa panahong iyon, na marami ng mga tanda sa mga kalangitan.

Madali para sa atin na tingnan ang mga ebanghelyo at makita ang katumpakan. Si Jesus ay hindi lamang isang propeta, o hindi lamang isang matalinong tao. Siya ay tunay na Panginoon. At tayo ay binigyan ng mga nakasaksi sa pangyayari sa pagpatay kay Julius Caesar, at gayunman, ang ating makabagong kultura ay tinatanggap ang isa at inaalis ang isa.

Kahit na sa krus, ang nakapaligid sa Kanya ay nagsasabi na Kung Ikaw ang Tagapagligtas, Siya ay dapat na bumaba at iligtas ang Kanyang sarili. Sila ay hindi pa rin naniniwala kahit na nakita nila ang lahat. Kabaligtaran, na isang hentil, ang kapitan ng hukbong Romano, ay naniwala na si Jesus ang Anak ng Dios, na hindi nakita ng mga nagmamasid.

Nang tinanong ni Jesus ang mga alagad, kung ano ang sabi ng mga tao kung sino Siya, ang tugon ay marami ang naniniwala na Siya ay isang propeta - tulad nina Jeremias, Ezekiel, at Juan, ang tagapag-bautismo. Hindi ba parang narinig na natin? Kung Siya ay propeta,ngayon, ay may kamalian.

Kahit na ang mga taong ito ay magagaling, sa buhay o isipan ng mga Judio, sila ay hindi naging karapat-dapat sa kaluwalhatian ni Cristo. Ang mga bulong- bulungan ay nabigo na kilalanin si Jesus na Tagapagligtas, na Kanyang ipinahayag.

Ang Kanya bang mga malalapit na alagad ay nahulog din sa ganitong kaisipan? Ang tugon ni Jesus ay higit na may diin sa orihinal na Griego. At ito ay mababasa, “Pero sa inyo, sino Ako?”

Ano ang sabi ninyo kung sino Ako? Sapat na sa ibang tao, ano ang IYONG tugon? Ikaw na kasama Ko araw-araw, nasaksihan ang Aking mga himala, nakabahagi ng Aking kapangyarihan... Tiyak alam mo nang higit sa lahat kung sino Ako!

Ang tanong sa Kanyang mga alagad ay napakahalaga tulad sa atin. Ang totoo, ilalagay Niya ang saligan ng Kanyang kaharian sa kanilang tugon.

Si Pedro ay sumagot sa isang paraan na magbibigay ng kahulugan - “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng buhay na Dios.” Si Pedro ay tumugon sa kapakanan ng pangkat sa kanilang paninindigan na si Jesus ay hindi lamang isang propeta, kundi Siya ang Anak ng Dios. Hindi nila ganap na mauunawaan ang kanilang pahayag sa ilang panahon, nguni’t ito ay inulit ng ilan sa kanila bago ang Kanyang kamatayan. Ang pahayag ni Pedro ay nagbukod sa pangkat at mga tagasunod mula sa kanilang kababayan at sa mga bulong-bulungan sa mga lansangan kung sino si Jesus.

Si Pedro at mga alagad ay hindi nagdalawang-isip kung ano ang maliwanag sa kanila. Hindi sila yumuyukod sa mga tanyag na kuro-kuro. Hindi sinasabi ng mga alagad, “Mabuti, ang mga may pinag-aralan ay naguguluhan, marahil kailangan nating maghintay kung kailan sila magpapasya .” Siya ay may katiyakan sa kanyang tugon sa tanong ni Jesus - “Ikaw ang Cristo.”

Ang aking hula ay ibibigay din natin ang magkatulad na tugon. Kung ito ay binabasa mo, inaakala ko na ikaw ay naniniwala rin. Tinugon natin ang tanong, nguni’t isinasabuhay ba natin ang ating tugon? Tayo ba ay nakatitiyak sa harap ng kultural na mensahe sa si Jesus ay “mabuting tao” na may paraan sa pananalita, nguni’t hindi Siya ang Cristo? Tayo ba ay sumasagot at ipinagtatanggol ang pagka-Dios ng Tagapagligtas? Makakaya ba natin na makipagtalakayan sa ibang mananampalataya, at maging sa ibang Kristiyano, ang ating pag-asa ay sa pamamagitan ng pagkabuhay ni Jesus?

Kung babalikan natin ang Araw ng Pentekostes, matapos na sinabi ni Pedro na si Jesus ay pinatotohanan ng Dios, ipinahayag niya ang ebanghelyo sa mga tao, binanggit si Joel at David, at sinabi sa mga nakikinig na dapat ay alam nilang basahin ang mga tanda, sa halip, ay kinuha nila ang Mesiyas at kanilang pinatay.

At ang mensahe ay napakalungkot, na totoo, na ang lahat ng may bukas na puso, ay narinig at nag tanong, “Ano ang gagawin namin?”

Ano ang gagawin namin? Kung sinasabi natin na si Jesus ang Tagapagligtas, ang Anak ng Dios na buhay, ngayon, ano ang ating gagawin? Sa kaalaman na si Jesus ang Cristo ay kalahati lamang ng pakikipaglaban. Kung tayo ay naniniwala sa Kanyang sinasabi,at kinuha natin ang pangalan bilang Kristiyano, kailangan na ang ating pansin ay nakatuon kung sino talaga tayo ! Ano ang aking gagawin? Ano ang magiging buhay ko kung ako ay susunod sa Kanya?

Sa Juan 8: 31, sinabi ni Jesus kung ano ang gagawin kung tayo ay sa Kanya, “Kung patuloy kayong susunod sa Aral Ko, totoo nga na mga tagasunod Ko kayo.” Ito, lamang. Payak, hindi ba? Tayo ay nananatili sa Kanyang salita. Sa lahat ng araw ng ating buhay, sa lahat ng mga pagkilos, lahat ng ating lakas ay nakalaan sa Kanya nang taos- puso, maging ito ay tiyak sa pamamagitan ng pananambahan at paglilingkod, o di-tiyak sa ating buhay sa mundo. At gayon nga, ang ating buhay ay magpapahayag ng ating tugon sa Kanyang tanong, “ Ano ang sabi ninyo kung sino Ako?”

Ang iyong buhay ang iyong tugon. Siya ay iluluklok mo sa iyong puso at ipagkakatiwala ang lahat ng iyong pag-asa sa Kanya, o ipahayag sa mundo na Siya ay kulang bilang Panginoon at aalisin at babawasan ang Kanyang lugar sa iyong buhay. Huwag maging hangal sa pag-iisip na ang mundo ay hindi alam kung sino si Cristo para sa iyo ! Tunay nga, ang totoong panganib ay ang pagsasaalang-alang sa paghuhukom na nagpapahayag sa pamamagitan ng kanilang mga labi, at hindi ng kanilang mga puso ay maririnig ang, “Hindi Ko kayo kilala” ( Mateo 7:21-23 ).

Tayo ay tutugon - sa isang paraan o iba. Sino Siya para sa iyo, at ano ang magiging kahulugan nito sa iyong buhay? Ako ay tinatanong Niya, at ikaw ay tinatanong din Niya.


Previous
Previous

Pakikipag-usap sa Dios : Ano nga sa Iyo ?

Next
Next

“ Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan”- Dahan-dahan sa Pananalita