Pakikipag-usap sa Dios : Ano nga sa Iyo ?

By: Erica Seymore

Ang paghahambing ay magnanakaw ng kaligayahan, bagaman, malimit, pinahihintulutan natin na ang buhay ng iba ay magbigay ng malalim na pagpapahalaga sa ating mga isipan, mga puso at buhay. Karaniwan sa mga taong mananampalataya na magkaroon ng pag-aalala sa mga kaluluwa ng ating mga kapatid na lalaki at babae kay Cristo, tulad ng nararapat, nguni’t may mga panahon na pagbabalik-kayo ang paghahambing sa “pag-aalala.”

Sa ika-21 kabanata ng ebanghelyo ni Juan, makalipas ang pagkabuhay ni Jesus, Siya ay nagpakita sa Kanyang mga alagad sa may lawa ng Galilea. Sa Jesus ay nakipag-usap kay Pedro na nagtatwa sa kanya ng 3 ulit bago ang Kanyang kamatayan sa krus, at tinanong si Pedro ng 3 ulit kung mahal niya Siya. Sa bawat tanong ni Jesus kay Pedro kung mahal niya si Jesus, si Pedro ay pinatunayan ang kanyang pagmamahal, at sinabi ni Jesus kay Pedro, “Alagaan mo ang Aking mga tupa,” sagisag ng tungkulin ni Pedro na akayin at pangalagaan ang unang iglesya, at sa pag-uusap na ito, ay tinukoy ang kamatayan ni Pedro na magbibigay ng kaluwalhatian sa Dios. Gayunman, ang pansin ni Pedro ay bumaling kay Juan, at sa talata 21, si Pedro ay tinanong si Jesus, “Panginoon, paano naman po siya?”At si Jesus ay sumagot kay Pedro, “Kung gusto Ko siyang mabuhay hanggang pagbabalik Ko, ano naman sa iyo?”pagbibigay diin na kailangan ni Pedro na ibaling ang kanyang pansin sa sariling pagsunod at kaligtasan, huwag ihambing ang kanyang kapalaluan kay Juan.

Gaano kadalas nating gawin ang bagay na ito sa ating buhay? Marahil, ikaw ay katulad ko; ikaw lamang ang nag-iisa sa pangkat ng mga may asawang kaibigan na nagpapalaki na ng mga anak. Ikaw ay laging inihahambing ang sarili sa kanila at tinatanong ang Dios kung bakit kailangang maghintay ng isang asawa at pamilya na iyong ipinapalangin nang taimtim. Gaano kadalas tayong magtanong at maghambing sa pagsunod o di- pagsunod ng iba kung nagninilay sa ating sarili? Iniisip ko sa mga nagbabasa na mga ina na naranasan ng maraming ulit sa kanilang mga anak. Sinasabihan na “Pakilinis mo ang iyong silid” sa isang anak, at sasagot ang anak na, “Nguni’t bakit si (at sasabihin ang pangalan ng kapatid) na hindi naglilinis ng kanilang silid,” at magpapatuloy ito.

Sa ating lipunan ngayon, tayo ay napaliligiran ng mga kaabalahan at mga tukso na nagiging madali na ihambing ang ating buhay sa mga taong nakapaligid sa atin. Ang Social Media at Pinterest sa ating daigdig ay maaaring maging lugar ng digmaan na nawawala ang ating pansin kay Cristo. Tayo ay lubhang nakatuon ang pansin “upang maka-agapay sa ibang tao” na tayo ay pumapasok sa mapanganib na lupain ng negatibong mga kilos, tulad ng inggit, kayabangan, tsismis, at marami pang iba. Nawawala ang malinaw na patutunguhan mula sa Dios na Siya lamang ang Isa na higit na mahalaga. Malimit, sa mga ganitong panahon, nawawala ang pagkakataon na manalangin sa Dios, humiling ng pagtitiyaga at karunungan. Nawawala ang mga pagkakataon na purihin ang Dios kung nasaan na tayo at ipakita ang pasasalamat sa mga pagpapala na nasa harap natin. Sa atin na nag-iisa, na walang pananagutan ng pamilya at mga anak, ay nawawala ang tiyak na pagkakataon na maglingkod sa iba, at sa mga may asawa at mga anak, ay nawawala rin ang pagkakataon na ipakita sa mga anak kung paano maglingkod at tumugon sa tanong ng mga anak na may karunungan at tuntunin na buhat sa Biblia. Ang ating paglilingkod ay hindi magkakatulad; ang paghahambing ay walang saysay. Kailangan nating magbigay ng pansin sa mga pagkakataon na maaaring gawin, at pagkatapos ay gawin ito.

Tayo ay makakakita ng mga halimbawa sa Biblia ng mga panganib ng paghahambing.

Sa Genesis 4, nabasa natin ang kuwento nina Cain at kapatid na si Abel. Si Cain ay lubhang naging mainggitin sa mga biyaya na tinatanggap ni Abel mula sa Dios, na nagtulak sa kanya upang patayin ang kanyang kapatid. Malinaw nating nakikita ang mapang-wasak na kalikasan ng paghahambing at ang kahalagahan ng sinabi ni Jesus, “Ano naman sa iyo?” nang ang Dios ay binalaan si Cain, “ Ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nakasimangot? Kung mabuti lang ang ginawa mo, maligaya ka sana. Pero mag-ingat ka! Dahil kung hindi mabuti ang ginagawa mo, ang kasalanan ay maghahari sa iyo. Sapagkat ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nagbabantay sa iyo para tuklawin ka, kaya talunin mo ito “ ( Genesis4: 6-7 ). Si Cain ay may pagkakataon na matuto sa halimbawa ng kanyang kapatid, at gumawa ng mabuti, sa halip ay pinatay niya si Abel.

Ang kuwento nina Saul at David ay isang napakahusay na halimbawa kung paano ang paghahambing ay magdadala sa atin sa isang mapanganib na landas. Sa 1 Samuel 18:7, makalipas na matalo ni David si Goliath, ang mga babae ng Israel ay nagsayaw at umaawit, “Libo-libo ang napatay ni Saul, kay David naman ay tıg-sasampung libo,” at nag dulot ng pagseselos kay Saul, at binantayan niyang mabuti si David upang patayin, nguni’t naging daan ng kanyang kamatayan. Dito, ay nakita natin ang halimbawa ng pagkawala ng pagkakataon na pasalamatan ang kakayahan ni David at makipagdiwang sa mga taga-Israel sa tagumpay ni David.

Ang pinakahuli, sa Lucas 15, nakita natin ang Talinghaga ng Naglayas na Anak, sa halip na makipagsaya sa ama sa pagbabalik ng naglayas na anak, ang kapatid ng naglayas na anak ay nagalit at naramdaman na ang kanyang ama ay hindi naging pantay ang pagtingin. Sa talata 29, sinabi niya, “Pinaglingkuran ko kayo ng tapat sa loob ng maraming taon at kailanman ay hindi ko sinuway ang mga utos ninyo. Pero kahit minsan ay hindi ninyo ako binigyan ng kahit na isang batang kambing para makapag handa ako at makapagsaya kasama ang mga kaibigan ko. Pero nang dumating ang anak ninyong lumustay ng kayamanan ninyo sa mga babaeng bayaran, ipinagpatay n’yo pa ng pinatabang baka.” (Lucas 15:29-30). Ang ama ay tumugon sa talata 31, “Anak, lagi tayong magkasama at ang lahat ng ari-arian ko ay sa iyo. Dapat lang na magsaya tayo dahil ang kapatid mo na inaakala nating patay na ay bumalik na buhay. Nawala siya pero muling nakita.” Ang kapatid ay may pagkakataon na ipakita ang biyaya at pagmamahal sa kanyang kapatid nguni’t sa halip ay nagselos sa pagmamahal na tinanggap mula sa kanilang ama. Kung ating isasaalang-alang ang kuwento sa ating buhay, tayo ba ang kapatid na ito? Tayo ba ay nagpakita ng kapaitan o galit sa isang kapatid na lalaki at babae kay Cristo na bumalik sa Panginoon? Tayo ba ay nawala ang awa sa isang bumalik mula sa pagkakasala? Nakalimutan ba natin na huwag nang tingnan ang kamalian sa nagdaang panahon, at makipagsaya sa kanilang pagsunod?

Ang mga ito ay ilan lamang ng mga halimbawa. Mapag-uusapan natin sina Jacob at Esau, Leah at Rachel, Mary at Martha, mga kapatid ni Joseph, at marami pang iba. Sa nakikita nating mga halimbawa, ang paghahambing ay pangkaraniwan at mapanganib na landas na tatahakin.

Ang isa pang tuntunin na may kinalaman kung paano iiwasan ang paghahambing ay ang paalala na paki-alaman mo ang sarili mo. Huwag magkamali; may mga panahon na kailangan nating mamagitan kung ang kapatid na lalaki at babae ay nagkakasala, nguni’t kailangan nating gumamit ng kaalaman at karunungan na buhat sa Biblia kung kailan ito dapat na gamitin. Ang Biblia ay nagtuturo na kailangan na panatilihin ang kapayapaan sa mga mananampalataya.

Sa 1 Tesalonica 4:11-12, si Pablo ay pinayuhan ang mga taga-Tesalonica na, “Sikapin ninyong mamuhay nang mapayapa, at huwag kayong makiki- alam sa buhay ng iba. Magtrabaho ang bawat isa para sa ikabubuhay niya, tulad ng ibinilin namin sa inyo. Nang sa gayon, hindi n’yo na kailangang umasa sa iba, at igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya.” Sa pagsunod sa tagubiling ito, ang ating pansin ay nasa ating mga pananagutan at paglalakbay, na maghahatid sa buhay na nakalaan kay Cristo.

Sa Kawikaan 26:17, ang Kawikaan ay inilalarawan ang pakikialam sa buhay ng ibang tao; “Mapanganib ang nanghihimasok sa gulo ng may gulo, ito ay tulad sa pagdakma sa tainga ng aso.” Kung tayo ay makiki- alam sa mga bagay na walang kinalaman sa atin, tayo ay nanganganib na maging sanhi ng hindi nararapat na hidwaan at pinsala.

Sa Roma14:4, si Pablo ay tinalakay ang paghatol sa kapwa sa mga bagay na pansariling paninindigan, sinasabi, “Kaya sino ka para humatol sa utusan ng iba? Ang amo lang niya ang makapagsasabi kung mabuti o masama ang ginagawa niya. At talagang magagawa niya ang tama, dahil ang Panginoon ang tutulong sa kanya.” Ito ay isang paalala na tayo ay mananagot sa Dios sa ating sariling mga kilos at mga pasya.

Sa daigdig kung saan ang social media at patuloy na ugnayan ay naghahasik ng paghahambing at inggit, ang tanong na, “Ano nga sa iyo?” ay higit na napapanahon, ipinaaalala sa atin na ang ating pansin ay sa kaligtasan at paglalakbay na kasama Siya. Ngayon, paano natin ilalapat ang tanong ni Jesus kay Pedro sa Juan 21 sa ating buhay? Narito ang ilang paraan:

Una, ilagay ang ating pansin sa ating paglalakbay kasama si Cristo. Tulad ng utos ni Jesus kay Pedro na sumunod siya, ang ating kamalayan ay dapat na nasa ating pananalig at paglalakbay na kasama Siya. Tayo ay may mga lakas at paraan kung paano maglingkod; ang paghahambing ng ating sarili sa iba ay magdadala lamang ng mga kaabalahan na gawin ang nararapat.

Ang susunod ay kailangan nating ipagdiwang ang tagumpay ng iba. Sa halip na magselos o payagan ang sarili na matakot sa buhay ng iba, kailangan nating ipagdiwang ang kanilang tagumpay at mga nagawa kasama nila. Higit na magiging maşaya na mabuhay at purihin ang Dios sa mga mabubuting biyaya sa Kanyang mga nilalang.

Ang isang pinakamabuting gawi sa ating buhay ay magsanay na may kasiyahan. Ang pagkakaroon ng kasiyahan ay isang mabisang paraan na alisin ang paghahambing. Kung tayo ay nagpapasalamat sa ating mga biyaya at ilagay ang pananalig sa Panginoon,makikita natin ang kapayapaan at kasiyahan sa ating buhay.

Ang pinakahuli, tayo ay dapat igalang ang hangganan. Alalahanin natin na paki-alaman ang sariling buhay at igalang ang hangganan at huwag mag-alala sa mga bagay na walang kabuluhan sa atin. Ito ay makatutulong sa atin na panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan at maiwasan ang walang kabuluhang pagsasalungatan.

Kung ating sasanayin ang mga tuntuning ito, ay mapapalago natin ang kasiyahan, paggalang, at ang higit na malalim na layunin ng kaisipan sa ating paglalakbay na kasama ang Dios. Sa Juan 10:10, sinabi ni Jesus, “Dumarating ang magnanakaw para lang magnakaw,pumatay at mangwasak. Nguni’t dumating Ako upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap.” Tayo ay pinagpala nang higit sa ating buhay, nguni’t higit sa lahat, tayo ay pinagpala sa pag-asa sa buhay na walang hanggan. Huwag nating sayangin ang pagkakataon at biyaya. Maraming mabuting bagay ang dapat na gawin kung ang ating mata ay nakatuon sa Dios, magtiwala sa Kanya ng buong puso, at huwag pabayaan na ang “magnanakaw”, ang paghahambing ay pumasok sa ating buhay.


Previous
Previous

“Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan”- Huwag Agad Magagalit

Next
Next

Ano Ang Sabi Ninyo Kung Sino Ako?