“Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan”- Huwag Agad Magagalit

Sa Roma 14:19, isinulat ni Pablo, “Kaya pagsikapan nating gawin lagi ang mga bagay na magbibigay ng kapayapaan at makapagpapatibay sa isa’t isa.” Ano kaya kung lahat ng makakatagpo ko ngayon ay susundin ang utos na iyon ? Ano kaya Kung ako ang sumunod? Bakit Kaya ang kapayapaan ay mahirap na pamalagiin ? Bakit kaya ang mga taong pinahahalagahan ko ay ang mahirap na pakitunguhan? Ano ang gagawin natin kung may hindi pinagkakasunduan?

Alalahanin natin ang hanay ng mga artikulong ito; sa loob ng pitong araw, ang Dios ay nilikha ang daigdig, inihahayag ang bawat paglikha na “mabuti.” Ang unang “hindi mabuti” ay ang “hindi mabuti na ang lalaki ay mag-isa,” At sa gayon ay nilikha si Eva. Ginawa Ito ng Dios upang lumago ang ugnayan na Kanyang itinatag para sa atin. Nagbigay Siya ng mga utos upang pamahalaan ang ating pakikipag-ugnayan, at sa pagsunod sa mga utos na ito, ay naipapakita ang lahat ng pinakamabuti kung ano ang magagawa ng mga ugnayang ito.

Halimbawa, ipinahayag ng Dios na ang mag-asawa ay mamuhay bilang “isang katawan” habang buhay, nag-utos din na ang mga anak ay sundin ang mga magulang, ang mga mamamayan ay sumunod sa pamahalaan, at ang mga Kristiyano ay alalahanin na sila ay isang katawan. Ang Dios ay ibinigay ang lahat ng mga kailangan natin “upang mamuhay nang mapayapa sa isa’t isa” ( Roma 12:16 ). Nguni’t ang pagkakaisa at pagkakasunduan sa ating pakikipag-ugnayan ay isang pang araw-araw na hamon. Si Santiago ay nagbigay ng payak nguni’t malalim na kaisipan - “Dapat maging handa Kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit” (Santiago 1:19).

Ano ang pagsasalungatan sa ating ugnayan? Ang isang may asawa ay nagsasabi na ang pakikipag-isa sa iyong asawa ay may kasamang mga hamon. Ang mga magulang at mga anak ay may palagiang kalagayan ng paninimbang sa pagpipigil sa mga anak at ng pagnanais ng mga anak na magsarili. Ang ugnayan sa trabaho at paaralan ay malimit ding magpakita ng ating pakikipag paligsahan. Ang pakikipag kaibigan ay sinusubok ding ng pagiging makasarili. Ang mga Kristiyano ay pinaiiral din ang damdamin kung mayroon hindi pinagkakasunduan at ang iglesya ay naaapektuhan.

Ang aking asawa at ako, na lubhang nagmamahalan sa loob ng mga unang buwan ng aming pagsasama, ay nagkaroon ng pagkamulat sa panahon ng unang pagdiriwang namin ng kapaskuhan. Sa paglalahad ng aming mga balak, tulad ng aming pagsasaluhan na pagkain, at kung paano kami maglalagay ng mga palamuti, maliwanag na kami ay hindi magkasundo sa mga “kinagawian.” Naipakita namin sa isa’t isa ang pag hamak sa mga kuro kuro ng bawat isa kung ano ang “tamang” paraan ng pagdiriwang. Bagaman ito ay payak na halimbawa, at isa na itong nakakatawang kuwento ngayon, kami ay nag-usap kung paano gawin ang aming bagong tradisyon. At upang gawin ito, kailangan naming pag-aralan kung paano pahalagahan ang bawat isang kuro kuro.

Ako ay nanirahan sa New York at sa karatıg na pook sa loob ng maraming taon at sumama sa pananambahan sa 3 iba’t ibang samahan ng Katawan ng Panginoon. Sa bawat isang samahan, ang pamilya sa iglesya ay binubuo ng mga tao na buhat sa iba’t ibang mga bansa, nagsasalita ng iba’t ibang wika at ipinapakita ang buong kaanyuan ng antas ng pinag- aralan at kalagayan sa buhay. Mabilis naming napag-aralan na hindi kami makagagawa ng palagay na naayon sa mga bagay na dating ginagawa. Kailangan naming isa alang-alang ang bawat isang ideya, tulad ng kailan, saan, at gaano kami kadalas na magkikita? Paano gaganapin ang Hapunan ng Panginoon? Ano ang higit na mahalaga - magsimula sa tamang oras o maghintay hanggang dumating ang lahat?

Tunay, ang nakuha kong aral sa karanasan ito ay isang malaking pagpapala. Hindi maipagkakaila na hindi ako tiwasay sa mga pangyayari. Ito ay nangangahulugan na isantabi ang sariling kagustuhan at antas ng kaginhawahan. Nguni’t sa paglipas ng panahon, ito ay nakatulong sa akin na makita ang halaga ng pananaw na hindi ko nakita noon.

Upang mabigyan ng halaga ang bawat isang ideya, saan tayo magsisimula? Sinabi ni Pablo sa Roma 12:3, “Sinasabi ko sa inyo na huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili ng higit sa nararapat.”

At sa Filipos 2:3-4, sinabi ni Pablo, “ Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isa’t isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo.” Ngayon, ang magpakumbabang puso ang saligan.

Ako ay inutusan na isaalang-alang ang iyong kapakanan at halaga na ito ay mahalaga tulad din ng sa akin. At narito ang pagsasanay na handa sa pakikinig, dahan dahan sa pananalita, na makatutulong upang huwag agad magalit.

Si Sharon McMahon, isang manunulat at tagapagturo ay nagsabi na, “Ang pakikinig upang makaunawa ay hindi nangangahulugan na ikaw ay dapat sumang-ayon.” Sa isang pag-aaral kasama ng mga kabataang babae sa pagpapaunlad ng ugnayan, ang lahat ay lumahok sa tinatawag na “The Great Candy Debate.” Ito ay isang pagsasanay upang maunawaan ang bawat isang kaisipan.

Sa The Great Candy Debate, pumili kami ng 3 magkasalungat a mga kendi- candy corn, marshmallow peeps at black licorice. Ang bawat isang babae ay pipili ng isang kendi na mayroong siyang saloobin, positibo man o negatibo. Siya ay kukuha ng kapareha na hindi sasang-ayon. Ngayon, ang isang babae ay may pagkakataon na sabihin ang nasa isip niya, nagsasalita ng buong alab (habang siya ay nanatiling mabait), at ang isa namang babae ay nakikinig na hindi binibigyan ng pagkakataon na hamunin. Sa wakas ng pagsasanay, ang tagapakinig ay kailangang ulitin ang ipinahayag ng kanyang kapareha. At gayun nga, kami ay nagpalitan at inulit ang pagsasanay. Ito ay isang malaking katatawanan, gayunman, ang lahat ay sumang-ayon na ito ay hindi naging madali.

Ang huling gawain sa pagsasanay sa mga babae ay suriin ang kanilang katuwiran at kilalanin ang katotohanan at kuro kuro ng kanilang ipinahayag. Ang “candy corn ay lubhang matamis” ay isang kuro kuro o pansariling kaisipan. Kailangan nating tanggapin na ang katotohanan ay totoo, at mapag-aaralan natin na ang ating mga kuro kuro at mga pinili ay makapaghihiwalay sa atin.

Ang totoo, ay pinipili natin ang paksa na hindi magbibigay ng galit sa atin. Kailangan kong mag-isip nang matagal at mahirap na makakuha ng maaaring pag talunan na hindi magbibigay ng matinding damdamin o mag hamon tungkol sa mahahalagang bagay. Maraming bagay ang hindi napagsasang-ayunan na may malakas tayong damdamin tungkol dito, at malimit ito may kinalaman sa ating espirituwal na pagpapahalaga.

Ano kaya kung tayo ay maaari at handang makinig sa bawat isa, maingat at walang paghahambing, maunawaan lamang ang bawat isang kaisipan?

Ano kaya kung alam ko ang “nangyari sa iyong nakaraan”, ang mga damdamin na naka-ugnay, ang mga katotohanan? Ano kaya, kung sa katapusan, ay hindi pa rin ako sumang-ayon, nguni’t ako ay tumigil na sa pakikipagtalo sa iyo, kutyain ka, o lumayo na lang sa iyo? Ano kaya kung ang aking puso ay nagpakumbaba at makinig sa iyo, at mabilis na isantabi ang sariling mga nais para sa iyo?

Sa Roma 1 hanggang 11, isinulat ni Pablo ang magandang pagtutuwid ng Dios upang tayo’y maligtas. Sa ika-12 kabanata ay sinimulan sa, “Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios,”at sinimulan sa pananalita sa buhay ng paglilingkod, una ay kung paano pakitunguhan ang ibang tao. “Ibigay ninyo sa Kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa Kanya.” Ako ba ay may balak na mag sakripisyo para kay Cristo? Ang totoo ay oo. Isinaalang-alang ko ba ang sariling sakripisyo ng buhay bilang bahagi ng katawan at ang pagpapasakop ng aking kalooban sa aking mga pakikipag-ugnayan?

Nilinaw ni Pablo na ito ay maaari lamang sa pamamagitan ng pagbabago ng isipan- isang pagbabago mula sa pag-iisip at kilos ng daigdig. Ang mga pamilya, mga kaibigan, mga pamayanan, at mga iglesya ay hindi nagkakaisa sa bawat paksa. Nguni’t ang pagbabago mula sa pagiging makasarili at pagsunod sa sariling kalooban, patungo sa pasasalamat, pagmamahal, kababaang loob at paggalang sa bawat isa ay magbibigay sa atin na itaguyod ang kapayapaan at pahalagahan ang bawat isa. Tayo ay may kaaliwan sa mga salita ng 2 Corinto 13:11, “Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at sundin ninyo ang mga payo ko. Magkaisa kayo at mamuhay nang payapa, nang sa ganoon, ang Dios na pinanggagalingan ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.”


Previous
Previous

Hindi ba talaga kayo makapagpuyat na kasama Ko kahit isang oras lang?

Next
Next

Pakikipag-usap sa Dios : Ano nga sa Iyo ?