Hindi ba talaga kayo makapagpuyat na kasama Ko kahit isang oras lang?

Nang ako ay bago pa lang maging guro, ako ay nakatulog sa isa sa aking mga klase. Ako ay mayroong pangkat ng mga mag-aaral na nasa ika -8 antas na gumagawa ng pagsusulit, at dahil hindi mabuti ang aking pakiramdam, ako ay uminom ng gamot. Ang naalala ko lang ay ang mga batang gumagawa ng pagsusulit, at ang kasunod ay ang tinig mula sa intercom na hinahanap ang isang estudyante. Ako ay nagulat, at sinabi sa kalihim na ang estudyante ay paroroon, at pagmulat ng aking mga mata ay walang mga bata sa silid. Ako ay natakot sa pangyayaring iyon. Ako ay isang kabataang guro ng English na nawalan ng 32 mga bata na nasa ika-8 grado. Ako ay tumingin sa mga pasilyo, sa gym, sa palaruan...hindi ko sila makita kahit saan. Sa wakas, ako ay nagpunta sa opisina at humingi ng tulong upang hanapin ang mga bata. Nakita ko ang mga bata sa silid ng punong guro. Ang punong guro ay nagpunta sa aking silid upang tingnan ako at natagpuan na ako’y natutulog, at nagpasya na magpatawa. Siya at ang mga bata ay nagkatuwaan. Sa paglipas ng mga taon, ay nararamdaman ko pa ang pagkapahiya sa aking pagkukulang.

Ito ay hindi sinasadya, at hindi ito pagkukulang ng pagnanais na gumawa ng isang mabuting gawain. Nguni’t ako ay naging palagay ang loob, marahil sa kayabangan, na iniisip na hindi mangyayari ang kapabayaan sa aking pagtuturo, at ito ay isang malaking aral na hindi ko malilimutan.

Nang ang mga alagad ay nakatulog sa Hardin ng Gethsemane, ito ay hindi pagkukulang sa pananalig o pang-unawa kung sino si Cristo. Sila ay naniniwala na Siya ang Mesiyas; ang totoo, ang tagpong ito ay pinangunahan ni Pedro - at lahat ng mga alagad, maliban kay Judas - sumumpa na hindi nila iiwan si Jesus. Alam nila ang masidhing kalungkutan at pagkabalisa ni Jesus, kahit hindi nila alam ang susunod na mga pangyayari.

Isinama Niya ang tatlong alagad sa Halamanan at sinabi na magpuyat kayo at manalangin upang hindi sila madaig ng tukso. Kahit ang Panginoon ay nangangailangan ng tulong ng Kanyang mga kaibigan sa Kanyang pagdadalamhati. Kailangan Niya ng kanilang katapatan, at kailangan nilang manalangin upang hindi sila madaig ng tukso. Ang mga lalaking ito ay dadaan sa pagsubok sa darating na mga araw. Sila ay iniwan ang lahat upang sumunod sa Kanya, maliban sa mayamang kabataang pinuno.

At ngayon, ang kaharian na kanilang ipinagpakasakit at inaasahan ay magsisimula na ang kanilang hari ay ipapako sa krus? Hindi ito isang tagumpay sa kanila! Tunay, nararamdaman nila na ang mga bagay ay nagbabago. Ang pagiging tanyag ni Jesus ay nababawasan, ang pagkamuhi ng nga pinuno ng Judio ay nagiging maalab...sa halip na makipaglaban, sila ay sinabihang magbantay.

Ang pagbabantay ay kailangan na may kasamang panalangin sapagkat sila ay dadaan sa tukso na tumakbo at umayaw na. Sinabi ni Jesus na silang lahat ay aalis at ang mga tupa ay mangangalat at ang Pastol ay papatayin; ang mahirap na panahon ay darating. Kailangan nilang manalangin at magbantay.

Nguni’t hindi sila nakabantay. Tatlong ulit na bumalik si Jesus at nakita na sila’y natutulog. Madaling isipin na ang kanilang pagtulog ay dahil sa pagwawalang-bahala, nguni’t sinabi ni Lucas na sila ay nakita ni Jesus na “natutulog dahil sa napagod sila sa matinding paghihinagpis” (22:45). Ang pagtulog ay malimit na tugon sa pagdadamhati, at ang mga alagad ay naramdaman at naging bahagi ng pagkabalisa ni Jesus. Gayunman, sa halip na manalangin tulad ni Jesus, sila ay madaig ng pagod. Marahil ang kanilang katamaran ay sanhi ng malaking hapunan na kanilang kinain at ang kalaliman ng gabi. Marahil ang gabi ay maalinsangan at payapa, kaya sila ay nakatulog. Hindi na mahalaga kung bakit nangyari. Ang mahalaga ay tulog sila sa mahalagang panahon sa buhay ni Jesus at sa pagtatayo ng kaharian at sila’y madaling madaig.

Tila hindi sila lubos na gising hanggang dumating si Judas na kasama ang mga darakip kay Jesus.

Tila ang pagkapahiya na sila ay nakitang natutulog ay magbibigay ng init sa kanila. At sa palagay ko ay sa maikling panahon; si Pedro ay nais pang pigilan na huwag makuha si Jesus, nguni’t ito’y nasundan ng kanyang pagtatatwa kay Jesus sa bahay ni Caiphas. Sila ay tunay na nangalat na nawala ang kanilang Pastol. Sa ating pagkaka-alam, sila ay nangalat ng dalawa o tatlong araw; si Juan ang tanging alagad na kasama ng mga babae sa paanan ng krus.

Sa gabing iyon sa halamanan, ipinagkaloob ni Jesus sa mga alagad at sa atin, ang paraan kung paano hindi mawala ang pananalig. Kailangan nating magbantay at manalangin. Nakikinig ba tayo sa Kanya?

May mga panahon na ako ay namamangha sa sarili ko na gumagawa ng mga malikhaing dahilan sa aking kawalan ng pagbabantay at panalangin. Ako ay madaling mawala ang pansin. Hindi ko alam kung kayo ay umaawit kasama ang mga kapatid at ikaw ay gumagalaw na lamang. Alam natin ang mga awit, alam natin ang mga himig, hindi kailangang mag-isip... ito ay gumagalaw sa sarili. (Automatic). Ang kawalan ng pagbabantay ay nakamamangha sa akin. Ang ibuhos ang buong kamalayan o pag-iisip ay isang gawain para sa akin. Alam mo ba na ang pansin ng isang tao ay paikli nang paikli? Ang karaniwang Amerikano ay may antas ng pansin na 8.25 na segundo. Hindi ba ito ay nakakamangha? Ito ay mas maikli kaysa pansin ng isang goldfish, para sa iyong kaalaman.

Dahil sa bunga ng ating pagiging abala, tayo ay mga taong natutulog sa pagbabantay! Ang espirituwal na katamaran ay totoong mapanganib, at lagi na, kaya ginising ni Jesus ang mga alagad at sinabing magbantay at manalangin. Ito ang dahilan nang sinabi Niya ang talinghaga ng 10 mga dalaga na ang kanilang ilawan ay dapat na handa sa pagdating ng lalaking ikakasal, ito ang dahilan ng talinghaga ng maghahasik tungkol sa mga binhi na tumubo sa matitinik na damo. Paulit-ulit, tayo ay binabalaan tungkol sa ating walang kusang-loob na pagtitiyaga sa ating espirituwal na buhay.

Tayo ay sinisisi ang lahat: ang ating maikling pansin, ang ating abalang buhay, ang ating mga anak, mga anak ng ibang tao...nguni’t kailangan nating gumising! Kung pahihintulutan natin ang ating mga sarili na maabala ng mga bagay sa mundo, at mawala ang paningin sa ating mithiin, tayo ay katulad din ng mga bantay ng Israel sa Isaiah 56, na ang pagwawalang-bahala at katamaran ay humimok sa Diyos upang parusahan ang bansa.

Hindi madali na laging nakabantay sa lahat ng oras. Ako ay tunay na naniniwala na bahagi ng ating suliranin sa lipunan ng Kanluranin ay sapagkat ang ating buhay ay madali at magaan na inaasahan natin na ang Kristianismo ay gayundin. Sa kanyang aklat na The Kingdom of God in America, ang manunulat na si H. Richard Niebuhr, ay napagmasdan na ang makabagong Kristiano sa America ay nais na ituro si Cristo na walang krus. Nais natin ang pag-asa at kapayapaan sa ating pananalig sa kaligtasan nang walang sakripisyo at walang sagabal sa ating pang-araw- araw na buhay at ginagawa. Tayo ay hindi nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga utos ng Dios, at sa gayon ang ating kultura ay muling nililikha ang Dios sa Kanyang imahen - ang Dios na hindi nangangailangan ng anuman, walang pagsunod, walang taos-pusong pagsamba, walang pag-iisip. Tayo ay lubos na nagiging makasarili at nararamdaman na tiwasay sa likod ng mga pader ng siyudad, na ang totoo, ang mga nagbabantay ay lasing, bulag at hindi nakikita ang mga panganib na dumarating.

Sa kaalaman na ang Kanyang mga alagad ay tutudlain ng mga nagbabantay na nagsisikap na biguin ang paglago ng Kanyang kaharian. Si Jesus ay buong pagmamahal na binalaan ang Kanyang tatlong alagad sa ganitong kawalan ng damdamin. Hindi Siya nagalit na sila’y natutulog; Siya ay nag-aalala. Siya ay nag-aalala sa kakayahan ng Kanyang mga alagad na baka hindi makayanan ang mga darating na panganib at pag- uusig. Nakikita Niya kung ano ang haharapin nila, at nakikita Niya ang kabutihan sa kanila nang sabihin Niya na “Ang espiritu ay handang sumunod, nguni’t mahina ang laman.” Hindi sila nagsisinungaling na sila’y handang mamatay na kasama Siya, nguni’t ang ating laman ay salungat sa ating kalooban kung minsan, at kung itutulak na tayo, maging si Pedro ay itinatwa si Jesus upang iligtas ang kanyang sarili.

Ang mensahe na magbantay at manalangin ay nagbibigay ng diin na hindi sila nagtitiwala sa sariling lakas, at gayundin tayo. Kung walang pagbabantay at panalangin, ang ating pakikipag-ugnayan sa Dios ay nanganganib.

Kailangan kong tumigil sa pagbibigay ng mga dahilan sa aking espirituwal na katamaran at palakasin ang aking isip at puso upang maiwasan ko ang tukso. Ang aking laman na mahina ay hindi dapat na maging dahilan na gamitin; ito ay babala na kailangan kong magtagumpay sa labanan na nasa aking sarili.

Kung tayo ay naniniwala na ang ating buhay ay may bilang (Awit 139), tayo ay naniniwala na ang Dios ay alam kung ano ang nararapat sa atin... maging tagumpay at kabiguan, katuwaan at hinagpis ng puso. Ang Kanyang mga salita na magbantay at manalangin upang hindi tayo madaig ng tukso, upang mapagtiisan ang mga pagsubok ng buhay, upang harapin ang kamatayan ng walang takot, sa kaalaman na ang ating tagumpay ay tiyak na. Hindi ito magaan, at hindi rin magiging madali. Maaaring tayo ang tinutudla ng ating henerasyon na nais na ibagsak ang katotohanan.

Nguni’t anuman ang pagpapakasakit, hindi tayo dapat natutulog sa gawain, at walang mga dahilan na katanggap-tanggap sa Dios. Kailangan nating magbantay gaano man kahaba ang panahon sa mga araw ng ating buhay, at baka tayo ay mapunta sa mundo, mangalat, at mawala tulad ng mga tupang walang Pastol, hindi handa sa pagdating ng Lalaking ikakasal.


Previous
Previous

Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan - Huwag Agad Magagalit - (2)

Next
Next

“Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan”- Huwag Agad Magagalit