Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan - Huwag Agad Magagalit - (2)

Ang aking asawa at ako ay naninirahan sa isang masikip na lungsod sa isang bahay na mahigit ng 100 taon nang naitayo. Ito ay gawa sa tisang bato. Ito ay maraming katangian. Sa ibang salita: ito ay maganda sa paningin, nguni’t laging may dapat na kumpunihin. Ang tubig ay pumasok sa bahay sa 4 na iba’t ibang lugar. Ang mga tubo ay pumutok, at ang tubig ay nasa ilalim na ng bahay. Ang likurang hagdan ay nakatagilid na, at ang panara ng pinto ay halos bumagsak araw-araw sa sahig. Ang bahay ay nangangailangan ng aming pansin.

At tulad din ito ng ating pakikipag-ugnayan. Kahit na ang isang bagay na pangmatagalan, kung ang tao ay sangkot, ay nangangailangan ng pagkukumpuni kung tayo ang nakasira. Tayo ay nakagagawa ng kamalian sa bawat isa - maging ito’y sa kasalanan, sa kawalan ng pakiramdam, o kawalang-ingat. At tayo ay nasasaktan din ng ibang tao - mga salitang nakakasakit, mga kasinungalingan sa atin o tungkol sa atin, mga kapabayaan, at marami pang iba. Paano natin bibigyan ng pansin ang mga problema bago ang bahay ay tuluyang masira? Sinasabi sa Kawikaan 15:18, “Ang taong mainitin ang ulo ay nagpapasimula ng gulo, nguni’t ang taong mahinahon ay tagapamayapa ng gulo.” Muli, makikita natin na ang “hindi madaling magalit” ay ang dapat piliin.

Ang Dios ay hindi tayo iniwan na walang alituntunin upang mapanatili ang kapayapaan sa ating pakikipag-ugnayan kung nasasaktan natin ang bawat isa. Si Jesus ay nagsalita nang tuwiran sa bagay na ito. Sa Mateo 5:23-24, sinabi ni Jesus, “Kaya kung nasa altar ka at nag-aalay ng iyong handog sa Dios, at maalala mong may hinanakit sa iyo ang iyong kapatid, iwanan mo muna ang handog mo sa harap ng altar. Makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid at şaka ka bumalik at maghandog sa Dios.” Sa pangyayaring ito, tayo ay nakagawa ng isang bagay na hindi matatanggap ng ating kapatid. Dito ay may maliwanag na dapat unahin; makipag- kasundo muna at pagkatapos ay maghandog ng alay.

Sa salungat na pangyayari, sinabi ni Jesus sa Mateo 18:15, “Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo Siya at iyong kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapanunumbalik mo siya sa Dios.” Ang huwaran at layunin ay magkatulad - pumunta ka at sabihin mo, at makaka- sama mo uli ang iyong kapatid.

Dahil ako ay hindi nanirahan sa isang tumutulong bahay, hindi ko naunawaan kung gaano kamahal at nakakapagod na gawain ang paghahanap at pagkukumpuni ng mga butas. Kung hindi ito gagawin, ang mga bato at kahoy na pumipigil sa bahay ay masisira lahat. Ito ay totoo sa ating pakikipag-ugnayan. Ang inilarawan ni Jesus sa 2 payak na turo ay, nakikita natin na ito mahirap na bagtasin at tuparin. Bagaman, kung hindi ginawa ang pag-aayos sa alitan sa pagitan ng dalawang tao na hindi dapat magkahiwalay, ay masisira ang pagmamahal at magandang samahan hanggang ang samahan ay tuluyang masira.

Si Jesus ay ginagamit ang salitang “kung” sa Kanyang mga tagubilin. Ang totoo, sa lahat ng aking pagsisikap, ang paglapit na ito ay maaaring hindi mangyari na makipagkasundo. Maaaring may kapatid o kaibigan na hindi ako patatawarin, ayaw makipagkasundo, o ayaw kilalanin ang ginawang kamalian. Wala sa aking pagpipigil ang puso ng isang tao. Ang aking puso at kilos, gayunman, ay dapat na may buong pagsang-ayon sa pagbuo at pagpapanumbalik.

Isang malaking aral ang mga salita ni Pablo. Sa Colosas 3:12-14, sinabi ni Pablo, “Kaya bilang mga banal at minamahal na pinili ng Dios, dapat kayong mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis. Magpasensiyahan kayo sa isa’t-isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.”

Bago ikaw at ako ay magsimula ng pag-uusap tungkol sa kamalian, maaari ba akong magkaroon ng pusong mapagmalasakit, kabaitan at kababaang -loob? Kung tayo ay mag-uusap, maipapakita ko ba sa iyo ang kahinahunan at pagpapasensiya? Makikita ko ba na ako’y pinatawad at patawarin ka rin sa bagay na ito?

Mahirap na basahin sa anumang bahagi ng Ebanghelyo na hindi mabasa na si Jesus ay nagtiis ng pagmamalabis. Siya ay palaging pinipintasan, sinasalungat, at nilalait ng mga relihiyosong pinuno noong araw. Sa panahon ng Kanyang pagpapahayag, Siya ay nanirahan sa salat at walang tiyak na tirahan para sa ating kapakanan, naging manggagamot sa mga may pisikal at espirituwal na karamdaman. Bagaman, alam Niya ang pagmamahal at taos na pananalig sa Kanya ng Kanyang mga alagad, alam Niya kung sino ang nagnanakaw at kung sino ang magkakanulo sa Kanya. Siya ay nalulungkot kung sila ay nagtatalo-talo, nawawalan ng pananalig, at hindi nauunawaan ang Kanyang tunay na layunin. Sa Kabila ng Kanyang kataasan at higit na katuwiran kaysa lahat, tiniis Niya ang lahat para sa ating kapakanan. Nasaan ang aking karapatan na mabuhay na walang pagtitiis at pagpapakasakit?

Tayo ay tinuruan ni Cristo na manalangin sa Ama na patawarin at magpatawad. Tinuruan tayo ni Pablo sa Efeso 4:31-32, “Alisin ninyo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, patı na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin. Sa halip maging mabait kayo at maawain sa isa’t-isa. At magpatawad kayo sa isa’t-isa gaya ng pagpapatawad ng Dios sa inyo dahil kay Cristo.” Para sa atin na nangangailangan ng larawan, sinabi ni Jesus ang talinghaga ng aliping ayaw magpatawad na matapos na siya’y pinatawad sa malaking pagkakautang, ay walang awa sa may utang sa kanya ng maliit na halaga. Ako ay nanginginig sa aking pagkukunwari sa narinig kong sinabi ng amo sa kanyang alipin, “Hindi ba dapat maawa ka rin sa kapwa mo alipin gaya ng pagkaawa ko sa iyo?” ( Mateo 18:33 ).

At ang iba pa, ang nasabing talinghaga ay sinabi rin sa tugon sa tanong ni Pedro, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid ko na laging nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sinabi ni Jesus, “ Hindi lang pitong beses, kundi 77 beses” ( Mateo 18:21-22 ). Tayo ay tumitingin sa pansariling katarungan sa pamamagitan ng paglalagay ng hangganan samantalang tayo ay binigyan ng walang hanggan na pagpapala at pagmamahal.

Ang huling pangyayari: ano ang gagawin natin kung hindi wasto - na hindi parehas? Kung ako ay ginawan ng masama at walang kapasiyahan? Muli, ang Dios ay binigyan tayo ng tiyak na halimbawa. Sa Corinto, ang mga Kristiyano ay gumagawa ng panlilinlang sa pagitan ng bawat isa, at nilulutas sa mga hukuman ng batas. Si Pablo ay sinumbatan sila sa mga hidwaan sa pagitan nila at naghahanap ng katarungan sa mga taong maka-mundo. Sa halip, sila ay dapat na pakı samahan ang bawat isa nang patas at kausapin ang kapatid na may karunungan upang sila’y mabigyan ng payo. Ang nararapat ay nasa mga salitang ito: “Kayo mismo ang talo sa pagkakaroon ninyo ng mga kaso laban sa isa’t-isa. Bakit hindi na lang ninyo tiisin ang mga gumagawa ng masama at nandaraya sa inyo ?”

( 1 Corinto 6:7 ).

Kailangang dayain? Huwag na lang bigyan ng katarungan? Hindi ito makatarungan ! Tama. Nguni’t natatandaan ba natin kung ano pa ang hindi makatarungan? “ Sapagkat si Cristo nga ay pinatay kahit wala Siyang nagawang masama. At minsan lang Siya namatay para mapatawad ang mga kasalanan natin. Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa atin na mga makasalanan para madala Niya tayo sa Dios. Pinatay Siya sa laman pero binuhay Siya sa Espiritu” (1 Pedro 3:18 ). Ako ay hindi pinakitunguhan ng Dios nang “patas”; ako ay binigyan ng Dios ng biyaya. Purihin ang Dios !

Tatapusin natin ang hanay ng mga artikulo sa mga salita ni Pablo sa Colosas 3:14-15, “At higit sa lahat, magmahalan kayo, dahil ito ang magdudulot ng tunay na pagkakaisa. Paghariin ninyo sa mga puso n’yo ang kapayapaan ni Cristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng isang katawan, tinawag kayo ng Dios upang mamuhay nang mapayapa. Dapat ding kayong maging mapagpasalamat.”

Ang aking asawa, mga anak, mga kapatid na babae at lalaki, mga kaibigan,espirituwal na pamilya - ang lahat ay ipinagkaloob sa akin ng Dios para sa aking kabutihan. Kailangan nating tandaan ito. At Laging Magpasalamat.


Previous
Previous

Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita - Sarah

Next
Next

Hindi ba talaga kayo makapagpuyat na kasama Ko kahit isang oras lang?