Katibayan ng mga Bagay na Hindi Nakikita - Sarah

Sa Hebreo 11:11, ang manunulat ay inilipat sumandali sa pananampalataya ni Abraham papunta kay Sarah. Sa pamamagitan ng pananalig ni Sarah sa pangako ng Diyos na siya’y magdadalang-tao sa idad na 90 na kasama si Abraham ay natanggap ang biyaya ng pangako.

11: “Sa pananampalataya si Sarah rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kanyang gulang, palibhasa’y inari niyang tapat ang nangako.12: kaya naman sumibol sa isa, sa kanya na tila patay na, ang kasing damı ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat.”

Maraming nakamamanghang bagay tungkol sa mga talatang ito sa pamamagitan ng mga puna o pansin. Una, may nagsasabi na ang pananalig na tinatalakay dito ay ang kay Abraham at hindi ang pananalig ni Sarah. Nang narinig ni Sarah ang sinabi ng mga lalaki na mababasa sa Genesis 18, siya ay tumawa sa narinig na ito ay nakatutuwang mungkahi hindi lamang na siya’y magdadalang-tao nguni’t magsisilang sa isang bata sa idad niyang 90.

Gayunman, marami tayong nakitang mga halimbawa na mayroong pananalig at hindi pa rin lubos na maunawaan ang paraan ng Diyos kung paano ito mangyayari. Si Jonah at si Job ay mga halimbawa. Ang dalawa ay tinanong ang balak ng Diyos at ang Kanyang kakayahan upang isagawa ang Kanyang kalooban. Kung imumungkahi na ang pananalig ni Sarah ay hindi kanya ay pagmamaliit sa babae na naging tapat na asawa at kasama ng kanyang tapat na asawa. Tunay, ang pananalig ni Abraham ay pinalalakas ng isang asawa na mayroon ding pananalig. Tila hindi niya tinanong si Abraham o ang pagsunod sa Diyos ay naging mahirap. Ang totoo, bilang isang babae nang panahong iyon, si Sarah ay hindi magkakaroon ng pantay na kalagayan sa pangyayari sa kanyang buhay, nguni’t tunay na magagawa niyang masalimuot ang mga bagay! Si Leah ay ginawang magulo ang buhay para kay Jacob, at si Peninah ay ginulo rin ang buhay ni Elkanah. Ang hindi mahalaga at mareklamong asawa ay magdudulot ng usapin! Si Sarah ay maliwanag na naniwala na ang pangako ng Diyos kay Abraham ay mangyayari. Ang totoo, ang isa sa kanyang pinaka malaking kamalian ay subukin na tulungan ang Diyos na ito ay mangyari at pilitin si Abraham na sipingan si Hagar upang magkaroon ng anak. Gaano kadalas na sinusubukan nating tulungan ang Diyos upang gawin ang Kanyang kalooban? Ako ay umaamin na ako ay isang “control freak.” Alam ko na ang pangangailangan ko na pigilin ang mga bagay ay isang pagbabalat-kayo ng “pagtulong.” Si Sarah ay sumubok na pigilan,tumulong, at ang kalungkutan at sakit ng puso at kapaitan ay mananaig.

Gayunman, ako ay hindi naniniwala na ang pananalig ni Sarah ay nanghina. Ang Diyos ay gagamitin ang kanyang pananalig upang magkaroon siya ng panibagong lakas. Ang Diyos ay sasariwain ang sinapupunan na hindi nagsilang- sa idad na 90. Ito ay mahirap mangyari, ito ay mahirap isipin... ito ay katawa-tawa...maliban kung ang Diyos ang nangako.

Sa palagay ko, mahalaga rin na malaman na si Abraham ay tumawa rin sa Genesis 17:17, nguni’t siya ay nagpatirapa sa pagsamba,sa gayon, ang kanyang pagtawa ay naiiba. Ang lalaki na iaalay ang anak sa altar bilang handog ay maaaring tumawa na may kagalakan at hindi ang kawalan ng paniniwala.

Inulit sa Romans 4:19, ang kaisipan na ang katawan nina Abraham at Sarah ay maaaring patay na - hindi na sila magkakaroon ng anak sa idad na 90 at 100 na parang sila ay nakalibing na. Gayunman,mula sa matanda at kulubot na mga katawan, ay isinilang si Isaac, ang anak ng pangako. At sa loob na 400 taon, ay nagkaroon ang bansa ng mga milyon na tao.

Si Sarah ay tumawa; ito ay totoo. Marahil siya ay tumawa dahil hindi siya naniwala, nguni’t ang kanyang hindi paniniwala ay hindi nagtagal. Maliwanag na si Sarah ay may pananalig na gagawin ng Diyos kung ano ang sinabi Niya. Ito ang “ pananalig” ni Sarah na manumbalik ang kanyang lakas sa pagdadalang-tao at nakayanan na isilang si Isaac.

Ang paksa ng pananalig ay tanggapin natin ang katibayan ng mga bagay na hindi nakikita; ito ay nagkakaloob ng diwa sa mga bagay na inaasahan natin. Si Sarah ay tunay na naghangad ng anak; alam natin na siya ay nag- kulang sapagkat hindi niya nabigyan ng anak si Abraham. Ano ang dahilan bakit niya ibinigay si Hagar kay Abraham? Ang Diyos ang magbibigay ng diwa sa ganitong pag-asa. Ang Diyos ay hihilingin kay Sarah na maniwala sa Kanyang kakayahan na gawin ang mahirap isipin. Gagawin Niya na ang baligho ay maaaring mangyari.

Ang Diyos ay gagawin ang Kanyang ipinangako. Maging tayo, ay kailangang maniwala sa kakayahan ng Diyos na ibibigay Niya ang mahirap na isipin sa ating buhay at kaligtasan. Ang Diyos ay gumagamit ng mga kapintasan at may kakulangan na mga tao. At kahit na ang ating pananalig ay nanghihina at mayroong mga sandali ng kawalan ng paniniwala, ang Diyos ay mananatiling tapat sa Kanyang pangako. Ito Ang Kanyang kalikasan na Siya’y palaging tapat. Sinasabi sa 2 Timoteo 2:13, na ang Diyos ay hindi maikakaila ang Kanyang sarili at ang hindi paniniwala o ang pagkakaila ng katotohanan ay hindi nagsasabi na ito ay hindi totoo.

Nguni’t kung susubukan natin na pigilan ang panahon ng Diyos, ito ay kawalan ng pagtitiyaga sa Diyos at hahantong sa kasalanan; ito ang naghatid kay Sarah sa tiyak na pinakamapinsalang pasya na pangyayari. Gayunman, kahit na sa ganitong nakasisindak na pangyayari, ang Diyos ay pinangalagaan pa rin, hindi lang si Abraham at Sarah, gayundin si Hagar.

Si Sarah ay hindi sumunod sa Diyos nang lubos...gayundin tayo. Gayunman, ang kanyang buhay ay nagkaloob sa atin ng katibayan na ang Diyos ang may pagpipigil sa lahat ng mga pangyayari, ang Kanyang mapagmahal na kabutihan, at Kanyang pangako ng kaligtasan. Ang mga bagay na hindi natin nakikita ay nabigyan ng diwa, sa buhay ng babae na tumawa.


Next
Next

Pagpapaunlad ng Ating Ugnayan - Huwag Agad Magagalit - (2)