Ano ang Gagawin Mo Upang Magkaroon ng Buhay na Walang Hanggan?
Ang “oxymoron”ay isang anyo ng pangungusap kung saan ang dalawang bagay na magkasama ay sinasalungat ang bawat isa. Halimbawa, isang napakalaking hipon o nakabibinging katahimikan. Nakita natin ang halimbawa ng ganitong uri ng pangungusap sa tanong kay Jesus kung saan ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na pangyayari ay nagtanong kay Jesus kung ano ang kanilang gagawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Alam natin na ang handog ng Dios na ipinagkaloob sa atin ay hindi natin makakamit nang sa sariling paraan, nguni’t paano ba tumugon si Jesus sa tanong? Tingnan natin ang tugon ni Jesus sa dalawang lalaking ito, at matutunan kung ano ang gagawin upang maging mga tapat na kasapi sa Kanyang kaharian at magkaroon ng buhay na walang hanggan, sa kaalaman na hindi natin ito makakamit.
Ang salaysay ni Marcos ay nagsisimula sa isang mayamang lalaki at lumapit kay Jesus at binati ng “Mabuting Guro.” Nagtanong siya kay Jesus, “Ano po ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Si Jesus ay tinanong ang lalaki sa paggamit ng salitang “mabuti,” pinaaalalahanan na ang Dios lamang ang mabuti, wala ng iba, na nagbigay sa Kanya ng kapangyarihan na sagutin ang tanong. At tinanong Niya ang lalaki kung alam ang kasulatan at kung sinusunod ang mga utos ng Panginoon. Sinabi ng lalaki na ang lahat ay sinusunod niya mula sa pagkabata, na alam naman ni Jesus. Tiningnan siya ni Jesus nang may pagmamahal, at sinabi na isang bagay pa ang kulang, na ipagbili ang kanyang mga ari-arian at ibigay ang pera sa mga mahihirap at siya’y magkakaroon ng kayamanan sa langit at hindi sa lupa. Ang lalaki ay nalungkot at umalis sapagkat napakayaman niya. Ang lalaki ay naging masunurin sa mga batas ng Dios, nguni’t kulang sa pagmamahal sa kapwa.
Sa Mateo 6:24, sinabi ni Jesus, “Walang taong makapaglilingkod ng sabay sa dalawang amo. Sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kaya’y magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Dios at kayamanan.”
Sapagkat minahal niya ang kanyang kayamanan sa lupa, ang lalaking mayaman ay napigilan ang paglilingkod sa mga taong nasa paligid niya.
Sa Lucas 10:25, may isang lalaki na lumapit kay Jesus upang subukin Siya at tinanong ang magkatulad na katanungan na kung paano magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Si Jesus ay tumugon tulad sa mayamang lalaki. Tinanong Niya ang lalaki tungkol sa batas. Dahil sa siya ay isang mambabatas, ang lalaki ay alam ang tungkol sa batas, at sinabi niya na mahalin ang Panginoon at ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili. Isang payak na paliwanag ng batas, nguni’t sinabi ni Jesus na kung susundin ang dalawang bagay na ito, magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan. Nguni’t ang lalaki ay patuloy na pinapainan si Jesus sa tanong na kung sino ang kanyang kapwa. Ang tugon ni Jesus ay isang talinghaga na nagpapatunay na Siya ang “Mabuting guro.” Sinabi ang kuwento ng isang lalaki na ninakawan, binugbog, at iniwang halos patay na sa tabi ng daan. May isang pari at isang Levita ang nakakita sa lalaki at lumihis sila ng daan at nagpatuloy sa kanilang paglalakad. Nguni’t nang ang isang Samaritano ang dumaan at nakita ang lalaki, siya ay naawa, at isinakay ang lalaki sa kanyang kabayo at dinala sa bahay panuluyan at inilagaan doon, hindi alıntana ang oras at salapi na gugugulin upang makatiyak na aalagaan ang tao. Matapos sabihin ni Jesus ang kuwento, tinanong Niya ang mambabatas kung sino ang tunay na kapwa, at ang tugon ay ang lalaking nagpakita ng awa. Ang lalaking ito ay nagpakita ng pang-unawa, nguni’t humanap ng paraan upang bigyan ng katuwiran ang kanyang kawalan ng pagsunod at pagmamahal.
Walang sinuman sa dalawang lalaking ito ang may kalagayan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Samantalang alam natin na wala tayong kakayahan na makamit ito, mayroong mga bagay na inaasahan ng Dios sa atin upang manatili ang ating kalagayan bilang tagapagmana. Sa Roma 6:23, ay ipinapakita ang malaking kaunawaan sa handog na ito ng Dios :
“Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, nguni’t ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.”
Tulad ng maraming handog sa mundong ito, may mga katangian na dapat na sundin. Kung tayo ay mananalo sa loterya, kailangan ay dapat na 18 taon ang gulang o higit pa. Kung tayo ay mananalo sa palabunutan, kailangang bumili ng tiket at naroon ka upang manalo. Ang magkatulad na halimbawa ay nagbibigay ng mga kondisyon nguni’t walang katiyakan na ang mga nanalo ay nakamit ang handog. Ang ating walang bayad na kaloob ng Dios ay magkatulad, hindi natin ito kailanman makakamit, ito ay ipinagkaloob ng walang bayad, nguni’t mayroong mga kondisyon na kailangang sundin. Si Jesus ay ibinahagi ang dalawang kuwentong ito na may kuro-kuro tungkol sa pagsunod at pagmamahal. Sa dalawang lalaking ito, tinanong ni Jesus ang kanilang pagsunod sa mga kautusan ng Dios. Ang kaayusan ay may layunin, na tayo ay sumusunod muna bago natin maunawaan kung ano ang ating sinusunod at bakit natin dapat na mahalin ang pagsunod dito. Nakikita natin ito sa mga batang nagtatanong sa lahat ng bagay na sinasabi sa kanila, laging nagtatanong ng bakit at nagrereklamo na naroon ang mga utos upang alisin ang kanilang katuwaan. Nguni’t pagsapit nila sa wastong gulang, ay nakikita nila ang layunin ng mga batas na ibinigay sa kanila.
Tulad ng mga bata, tayo din, ay dapat na sumunod sa mga utos ng ating Panginoon, nguni’t sa pagsulong ng ating pananalig, ay nangangahulugan na dapat din nating mahalin ang batas. Si David ay malimit na sinasabi ang pagmamahal niya sa mga utos ng Dios.
“ Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mga taong nangungutya. Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw at gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan”
( Awit 1:1 ).
Sa pagmamahal sa mga utos ng Dios,ay nararapat din ang pagmamahal sa Kanya at sa Kanyang mga anak. Binanggit ni Jesus ang pamantayang ito sa pakikipag-usap sa mayamang lalaki; sapagkat siya ay naglilingkod sa dalawang amo, hindi niya tunay na mapaglilingkuran ang Panginoon at ang Kanyang mga tao. At sa salaysay ng mabuting Samaritano, ipinakita ni Jesus sa mambabatas, at sa atin, na hindi tayo dapat na gumawa ng katuwiran at maghanap ng mga butas sa Kanyang mga batas, na ang pagmamahal sa Kanya ay nangangahulugan ng pagmamahal sa Kanyang mga mamamayan.
Sa dalawang salaysay, ang tanong ay magkatulad, nguni’t ang layunin sa likod ng tanong ay marahas na magkaiba. Gayunman, ang tugon ay magkatulad. Kailangan nating gumawa ng anumang sakripisyo upang masunod ang mga kasunduan at kaayusan. Kailangan nating matutunan na sumunod sa mga utos ng Panginoon, at kailangan nating lumago sa pagmamahal sa batas, at ang mga tao na sumunod dito. Kung wala ang ating pagsunod sa Dios at ang ating malalim at tapat na pagmamahal sa Kanya, ay mawawala ang ating kalagayan bilang mga tagapagmana. Tayo ay mabubura sa Kanyang kalooban, hindi kailanman na maririnig na tayo’y tinatanggap Niya sa buhay na kasama Siya sa langit.
“Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip. At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili...gawin mo iyan at magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan.”