Ang Taong Nais Kong Makilala - si Maria, ang Tagasunod
Si Maria na taga Bethany at ang kanyang mga kapatid ay mga mahal na kaibigan ng ating Tagapagligtas. Maaari na si Jesus ay nakituloy sa kanilang bahay nang maraming ulit kung Siya ay pumupunta sa ,jerusalem, na 20-25 na lakarin mula sa Bundok ng Olibo. Isang pagdalaw ang isinaad sa Lukas 10: 38-42, “Nagpatuloy si Jesus at ang mga tagasunod Niya sa paglalakbay at dumating sila sa isang nayon. May isang babae roon na ang pangalan ay Marta. Malugod niyang tinanggap sina Jesus sa kanyang tahanan. Si Marta ay may kapatid na ang pangalan ay Maria. Naupo si Maria sa paanan ng Panginoon at nakinig sa mga itinuturo Niya. Pero si Marta ay abalang-abala sa paghahanda niya, kaya lumapit siya sa lumapit siya kay Jesus at sinabi, “Panginoon, bale wala po sa Inyo na nakaupo lang diyan ang kapatid ko at hinahayaang ako ang gumawa ng lahat? Sabihin N’yo naman po sa kanya na tulungan niya ako.” Pero sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, hindi ka mapalagay at abalang-abala ka sa maraming bagay. Nguni’t isang bagay lang ang kailangan, at ito ang pinili ni Maria. Mas mabuti ito at walang makakakuha nito sa kanya.”” Si Maria at kanyang kapatid na si Marta, at ang kapatid na lalaki, si Lazaro ay mga tagasunod ni Jesus. Nguni’t sa bahaging ito, tayo ay pinaaalalahanan kung gaano kahalaga ang pagsunod para sa atin, kung paano tayo dapat maging maingat sa pagsunod,at kung paano tayo maging tapat sa pag- aalay ng ating sarili sa paglilingkod. Si Maria ay karapat-dapat na isaalang- alang sa pagsusuri natin sa kalagayan ng ating sariling paglilingkod. Nais ko siyang makilala; alam ko na nais ko siyang higit na makilala.
Sinabi ni Jesus sa Juan 8:31, “Kung patuloy kayong susunod sa aral Ko, totoo ngang tagasunod Ko kayo.” Ang ugat ng salitang tagasunod ay walang pang-relihiyong kahulugan - ang tagasunod ay nangangahulugan lamang ng isang mag-aaral o estudyante. Ang kahulugan ng tagasunod ay “isang tao na nag-aaral o isang sumusunod sa isang katotohanan o paniniwala sa isang tao.” Kahit sino ay maaaring sumama sa pagsunod - nakakaalam ng maliliit na bahagi ng paniniwala o kaalaman o pilosopiya, nguni’t ang tunay na tagasunod ay nananatili sa turo at minamasdan ang pinuno, ang guro - nasasabi nila ang mga pilosopiya at nauunawaan ang mga alituntunin na nagbibigay ng pag-asa sa pangako ng mga turo. Ang isang tao ay may mga sinusunod sa buhay: sa pagkain, sa pag-aaral, sa pag-aalaga ng bata, sa pagpapalakas ng katawan - at relihiyon.
Tayong mga Kristiyano ay hindi lamang ang mga halimbawa ng tagasunod sa mundo ng pananampalataya; natutunan natin ang pinaka batayan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga ibang relihiyon. Ang tunay na tagasunod ay makikilala kung ano ang kanilang anyo, paano magsalita, paano magdamit, paano ipahayag ang sarili - sinasalamin ang kanilang guro. Ang mga Mormons, mga paring Buddhists, Hare Krishnas, Hindu Sikhs, Orthodox Jews at mga Muslim, at iba pa, ay makikilala sa panlabas na pagpapakitang pagsunod. Araw-araw, tayo ay nakakakita ng mga tagasunod ng makataong karunungan at paniniwala. Ang mga tagasunod ay ipinapakita nang bukas ang kanilang mga sarili; ang mga salita, pag-iisip, at mga tuntunin ng kanilang pag-aaral ay laging nasa isipan. Ikaw ba ay nakasama na sa isang hapunan na kasapi ng Weight Watchers? Ikaw ba ay gumugol ng oras na kasama ang isang nag- eensayo ng CrossFit? Habang sila ay nagiging masigasig sa kanilang pagsunod, sila ay higit na matagumpay sa kanilang pakay. Ang pagsunod ay makikita sa lahat ng anyo, at ang bawat isa sa atin ay makagagawa ng maraming pagsunod na dumarating at nawawala sa buong buhay natin. Nguni’t ang tunay na tagasunod ni Cristo ay hindi dapat maguluhan, hindi dapat mawala ang pakay, hindi dapat mawala ang paniniwala sa pag-asa, o hindi dapat mawala ang gutom at uhaw para sa katuwiran at sa mga salita ng buhay na walang hanggan.
Gayon, ang tunay na paksa na pinag-uusapan sa ebanghelyo ni Lukas tungkol kay Maria ay isang pagpapakita ng tunay na pagsunod, at ang panganib na mawala ang kailangang taos na pagsamba. Ang ating Panginoon ay ipinakilala ang suliranin ng pagdaing ni Marta. Sa aklat ni Alfred Edersheim, “Jesus,the Messiah,” ay ipinakita niya ang isang abalang tahanan sa panahon ng kapistahan. Tila si Jesus ay kasama ang magkapatid na Maria at Marta at nagkaroon ng pagkakataon upang talakayin ang kaharian ng langit - upang ibahagi sa kanila ang mga salita ng buhay, mga salita na magpapakilala ng tunay na tagasunod ng Tagapagligtas. Sa araw na ito ay natunghayan ni Jesus ang dalawang paraan upang maging tagasunod - ang isa ay ang lubhang abala sa mga nangyayari sa paligid niya, at ang isa ay nakakita ng higit na mahalaga sa nangyayari sa kanilang tahanan ng araw na iyon. Ito ang payak ; ito lang ang nararapat.
Marami tayong masasabi tungkol kay Marta, nguni’t Ang pagsunod ni Maria ang tinutukoy sa pahayag ni Lukas. Mahal ko ang magkapatid, at ako’y naniniwala na si Marta ay mayroon ding malalim na pananalig ; ito ay tiyak na makikita natin sa Lukas 11. Nguni’t mayroong natatanging bagay sa ugnayan ni Maria kay Jesus. Ang dalawang babae ay maliwanag na inanyayahan na kalimutan ang mga alalahanin ng tahanan at makinig sa mga salita ng Tagapagligtas. Sina Marta at Maria ay binigyan ng pagkakataon na tumigil sandali at makinig sa mga salita ng buhay na walang hanggan; kailangan nilang iwan ang mundo upang maupo at makinig sa pinagmumulan ng buhay na walang hanggan. Ang anyaya na magkaroon ng kalayaan sa kasalanan at samakatuwid sa mga alalahanin at kabalisahan ay iniaalay sa ating lahat. Siya ay nasa ating tahanan araw- araw. Ang Salita ay matututunan at maisasaisip nating lahat ; nguni’t kailangan tayong interesado sa lahat ng sinasabi at upang isipin na ito’y higit na mahalaga kaysa sa pang araw-araw na pangangailangan
Sa maraming taon, inisip ko na may 2 uri ng katauhan, A at B. Inisip ko na si Marta ang may pananagutan sa mga gawain araw-araw at si Maria ay hindi nakikita ang mga dapat na gawin. Narinig ko rin ang ibang tao na nagsasabi na si Marta ay nakatatanda at siya’y gumagawa ng mas higit. Ako ay may kuro kuro na si Maria ay marunong ding gumawa ng dapat gawin, nguni’t ang kanyang Panginoon at Tagapagligtas ay may panahon para sa kanya, at hindi niya ito kaliligtaan dahil sa mga alalahanin. Hindi ako tiyak kung ano ang pinagkakaabalahan ni Marta - ako’y nakatitiyak na maaaring siya’y abala rin sa panonood ng telebisyon, o ng telepono, at iba pang mga bagay.
Hindi naman na si Marta ay hindi naniniwala sa mga salita ng kanyang Panginoon; alam natin na siya’y naniniwala. Ito ay hindi pagtalakay sa edukasyon, ang paksa ay hindi nagsasabi na si Maria ay, lagi na lang nagbabasa ng aklat! Ang pagkilala kay Jesus ay hindi pagsubok sa kaalaman, ito ay may layunin at katiyakan at masigasig na pagtiyak sa buhay. At ito’y magsisimula sa Kanyang paanan. Si Maria ay isang tagasunod na gutom at uhaw para sa kanyang Panginoon, at ang lahat ng Kanyang kinakatawan, at ito ay iba kay Marta sa araw na iyon.
Si Jesus ay kilala nina Marta at Maria sapagkat sila’y mahal na mga kaibigan. Nguni’t nais ni Jesus na higit sa pagkakaibigan na makilala Siya. Ang ating pansin ay dapat na sa Kanya lamang. Kailangan nating Siya at ang Kanyang salita ang dapat nating unahin; maging tulad ni Maria na maupo sa Kanyang paanan na ibigay ang buong pansin na walang alalahanin. Alam ko na nais ko si Maria nang higit; siya ay mabuting halimbawa sa akin.
Ako ay hindi dapat abalahin ng mga bagay na sinasabing mahalaga at mga pangyayari sa buhay na kailangan ng aking pansin - ang aking asawa, mga anak, trabaho, mga kaibigan, mga libangan, ang aking kalusugan, mga pangangailangan at mga nais sa buhay. Sinasabi sa Lukas 10:42, na pinili ni Maria ang bagay na kailangan at hindi ito makukuha sa kanya. Ang Panginoon ay pinaaalalahanan tayo na kung pipiliin natin Siya nang higit sa lahat, tulad ni Maria, tayo ay mamamalagi sa Kanyang paanan na walang pinagkakaabalahan at ingay ng mundo. Siya ang mag- iingat at papatnubay sa atin habang tayo’y kumakapit sa Kanya sa ating abalang buhay. Si Maria ay nanatiling kahanga-hangang tagasunod- pinaglilingkuran ang Panginoon, naniniwala sa Kanya, umaasa sa Kanya, at binuhusan ng pabango na nagdadalamhati sa nalalapit na kamatayan. Nais ko siyang makilala; alam ko na nais ko ang kahanga-hangang mag- aaral at tagasunod ng aking Panginoon."