Bakit Mo Tinitiis Ang Mga Kamalian ?

Ang maikling aklat ni Habakkuk ay hindi tulad ng iba; ito ay ang walang- kapintasan na aklat na naglalaman ng ating paksa para sa taong ito (2024) sapagkat ang buong aklat ay ang pag-uusap sa pagitan ng Dios at ng Kanyang Propeta. Samantalang isa lamang ang tatalakayin natin sa ilang katanungan ni Habakkuk sa Dios sa artikulong ito, hinihikayat ko kayong basahin ang artikulo ni Amy Schlosser - In The Trenches, The Righteous Shall Live By His Faith upang maunawaan ang magandang aklat na ito.

Si Habakkuk ay pinagkalooban ng mensahe tungkol sa kalunos-lunos na pagsakop at gawing bahagi ang bansang Judah ng kanilang kaaway sa Hilagang Silangan, ang Babilonia, na tinatawag ding Chaldea dahil sa kanilang hindi makatuwirang puso. Ang unang kabanata ng aklat ay nagsisimula sa pagpapakilala ng pasanin na nakalaan sa propetang ito. Nguni’t,hindi lamang sa kanya ang pasaning ito - ito ay pasanin din ng bawat salin-lahi. Paano ba na ang katarungan ng Dios ay mauunawaan natin? Gaano katagal na pababayaan ng Dios ang kasamaan at kasalanan? Gaano tayo katagal mananatili sa katuwiran habang nakapaligid ang kasamaan?

Nakita ni Habakkuk na ang kasalanan ay ginagawa ng mga mamamayan ng Dios sa loob ng Judah. Gayunman, ang kanyang katanungan ay hindi nangangailangan ng tugon sa mga natirang mabubuting tao, subalit ang patas na kaparusahan ay nararapat sa mga mamamayan ng bansa - sagipin at pangalagaan ang mga tapat.

Habakkuk 1:1-4 :

Ang pasanin na nakita ni Propeta Habakkuk.

Panginoon, hanggang kailan po ako hihingi ng tulong sa Inyo bago N’yo ako dinggin?

Kailan N’yo po ba kami ililigtas sa mga karahasang ito?

Bakit N’yo po ipinapakita sa akin ang mga kasamaan at kaguluhan? Kahit saan ay nakikita ko ang mga pagpapatayan, karahasan, hidwaan at pagtatalo.

Kaya naging walang kabuluhan ang kautusan.

At wala ring katarungan dahil sa mga taong may kasalanan ang siyang nananalo sa korte, at hindi ang mga taong walang kasalanan.

Kaya nababaluktot ang katarungan.

Ito ay problema, hindi ba? Ito ay katanungan ng bawat matuwid na lahi na kanilang ipinaglalaban. Ang totoo, ito ay nagdadala sa ilan na iwan ang Dios o magtanong na mayroon bang Dios - sino ang hindi makapapansin sa mga natamong hindi makatarungan, ang pagwawagi ng mga hindi matuwid, ang mga pag-aalitan, mga digmaan at mga salot? Si Habakkuk ay ipinahayag ang kanyang damdamin; siya ay pagod na, siya ay hindi nakatitiyak, siya ay nalulungkot, siya ay nag-aalinlangan, at siya ay nabibigatan sa mga nangyayari sa daigdig.

Siya ay nagtanong sa Dios, bakit hindi nakikita ng Dios at hindi sumasagot? Gaano katagal ang pagtitiis ng Dios? Gaano tayo katagal na maghihintay? Ilang panalangin ang kailangang sambitin? Ilang mga pagsasalungatan at kawalan ng katarungan ang kailangang makita?

Ang buhay ay nakapapagod para sa lahat; hindi lahat ng sangkatauhan ay nauunawaan, kinikilala, o isinasa alang-alang kung bakit. Nguni’t ang mamamayan ng Dios ay nauunawaan na dapat nilang pagtiisan ang paglalakbay na ang kasamaan ay nasa lahat ng kapaligiran. Ang matuwid ay dapat na lumakad sa liwanag na nagbibigay ng kaisipan at mataas na karunungan sa mga walang katuwiran na nakapaligid sa kanila. Sa mga susunod na pag-uusap, ang Dios ay tınıyak kay Habakkuk na, “ang taong matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pananampalataya,” kahit na dumating ang araw na ang mga masama at malupit ay papatawan ng parusa. Dahil sa pananampalataya, sila ay magtatagumpay, ito lamang ang paraan, ang Dios ay hindi aalisin ang pasanin, kundi dadagdagan pa ito.

Ang Panginoon ay nagkaloob kay Habakkuk ng isang hindi lubos na maisip na tugon sa mga talata 5-11. Sinabi Niya kay Habakkuk na Siya ay naghahanda na wasakin at parusahan ang kanyang mga tao na nagtakwil sa Kanya - sa pamamagitan ng Babilonia, isang masama, mabangis, walang kinikilalang dios, at walang awang bansa na magmamalupit sa kanila, hihiyain at sasakupin sila.:

“Tingnan ninyong mabuti ang mga nangyayari sa mga bansa at talagang magtataka kayo sa inyong makikita.

 Sapagkat may gagawin Ako sa inyong kapanahunan na hindi ninyo paniniwalaan kahit may magbalita pa nito sa inyo

Sapagkat pamamahalain Ko ang mga taga-Babilonia, na kilala sa kalupitan at karahasan.

Mabilis nilang sinasalakay ang mga bansa sa buong mundo upang agawin ang mga lugar na hindi kanila.

Kinatatakutan sila ng mga tao.

Ginagawa nila ang gusto nila, at walang makapipigil sa kanila.

Ang mga kabayo nila’y mas mabilis kaysa sa mga leopardo, at mas mabangis kaysa sa mga lobo na gumagala sa gabi.

Tumatakbo ito mula sa malalayong lugar , parang agilang mabilis na lumilipad para dagitin ang kanyang biktima.

Paparating ang kanilang mga sundalo na handang gumawa ng kalupitan. Para silang malakas na hangin mula sa silangan.

Ang kanilang bihag ay kasindami ng buhangin.

Hinahamak nila ang mga hari at mga pinuno.

Tinatawanan lamang nila ang mga napapaderang lungsod,dahil kaya nila itong akyatin sa pamamagitan ng pagtambak ng lupa sa tabi nito.

Sa ganitong paraan, nakakapasok sila at nasasakop nila ang lungsod. Pagkatapos, aalis sila na parang hangin lang na dumaan.

Nagkasala sila, dahil wala silang kinikilalang dios kundi ang sariling kakayahan.”

Wala saanman sa Kasulatan na higit na maliwanag na ang Dios ay namamagitan sa mga gawain ng mga tao at mga bansa. Sinabi ng Dios kay Habakkuk na Siya ay may binabalak-samantalang si Habakkuk ay ginugugol ang mga araw sa pag-aalala kung ang Dios ay nakikita ang lahat ng ito. Ito ay balak na mag-iiwan kay Habakkuk ng pagkamangha, ligalig, at kabiguan. Sapagkat ang Dios na Maylikha ay gagamitin ang mga Chaldeans na mabangis at masamang kawan na aalisin sa mga tao ang kanilang lupain, kalayaan at pagpapahalaga sa sarili. Ang tugon sa tanong ni Habakkuk, “Panginoon, hanggang kailan po ako hihingi ng tulong sa Inyo bago N’yo ako dinggin?” Ang Dios ay tumugon sa kanyang katanungan na hindi abot ng kaisipan. Ang totoo, ang pag-uusap ay nagpatuloy habang si Habakkuk ay nagsisikap na malinawan kung paano ito ay makatuwiran.

Paano ito magiging katarungan para sa mga matuwid? Paano na ang Dios ay pinapayagan na ang kaparusahan ay dumating sa ganitong paraan? Tunay na ang mga Chaldeans ay higit na masama kaysa mga anak ng Judah, at higit na masama kaysa sa matuwid ! Hindi ito ang pakahulugan ni Habakkuk habang siya ay tumatangis sa Panginoon na makipag kasundo sa daigdig na kanyang tinitirhan.

Paano tayo tatangis sa Panginoon na makipagkasundo sa mga hindi matuwid? Iniisip ba natin na ang ating Dios ay hindi “gumagawa ng gawain sa ating panahon”? Ako ay nalulungkot na marinig sa mga kapatid na lalaki at babae na nag-uusap nang maalab tungkol sa mga bansa sa mundo - na halos walang maalab na damdamin para sa kaharian na pang- habang buhay. Hindi ba natin alam na ang Dios ay gumagawa ng gawain sa lahat ng oras? Samantalang ang mga tao ay nag-aalala at nagagalit, ang Dios ay patuloy na ginagawa ang Kanyang balak.

Hindi ba natin natatandaan na sa ika-2 kabanata ng Pahayag, tiniyak ni Cristo sa mga iglesya sa Asia na ang lahat ng mga pagsubok at kawalang katarungan sa mga nabubuhay sa pananampalataya ay magkakaroon ng katarungan, pagkakalooban ng lakas ng loob na maging matatag at maniwala sa mga pangako ng Dios? Tiniyak sa atin na si Cristo ang mamamahala sa lahat ng bansa sa mundo na may kamay na bakal at dudurugin silang lahat tulad ng pagdurog sa mga palayok.

“ Ipagpatuloy na lang ninyo ang inyong katapatan sa Akin hanggang sa pagdating Ko. Sapagkat ang mga magtatagumpay at patuloy na sumusunod sa kalooban Ko hanggang sa wakas ay binigyan Ko ng kaapangyarihang mamahala sa mga bansa, tulad ng kapangyarihang ibinigay sa Akin ng Aking Ama. Mamahala sila sa pamamagitan ng kamay na bakal at dudurugin nila ang mga bansa tulad ng pagdurog sa palayok. At ibibigay Ko rin sa kanila ang tala sa umaga.” (Pahayag 2: 25-28).

Paano tayo mangangahas na isipin na ang bansa ay pinamamahalaan ng mga tao na ang kapangyarihan ay si Cristo ang nagbigay, ang tala sa umaga? Higit nating alam, tayo ay pinagpala na malaman, na habang tayo’y nabubuhay sa pananampalataya, na ang ating Dios at Kanyang Anak ay ginagawa ang balak. Ang balak na hindi sa pamamagitan ng mga bansa,kundi sa pamamagitan ng mga tao, mga pulutong,liwanag sa kadiliman. Ang balak na mag-aalis sa mga tao sa mundo ng kasamaan patungo sa kaharian ng liwanag. Ang Dios ang may pagpipigil. Nakikita Niya ang mga matuwid at ang hindi matuwid. Nakikita Niya ang liwanag at kadiliman. Alam Niya ang mga hinaing ng Kanyang mga mamamayan. Ang ating maikling panahon ay nakatala sa isip ng Dios, at kung nakikita natin ang kaparusahan sa mga masasama, sa pamamagitan ng mga bansa, mga pulutong, o mga tao, tayo ay ligtas din tulad ng mga natirang nabubuhay sa pananampalataya.

Wala sa ating kaisipan, tulad ni Habakkuk, kung ano ang ginagawa ng Dios. Siya ay patuloy na nagmamasid, at ang Kanyang Anak ay patuloy na namamahala, at ang “gawain” ay nagpapatuloy pa rin.

Ang mga matuwid na kawal ng kahariang Ito ay nasasandatahan ng espirituwal na pananggalang at armas na mabuhay sa pananampalataya habang ang mga hindi matuwid ay patuloy tayong tinutudla. Kailangan nating tumingin sa kabila ng mga walang katarungan na darating sa atin at sa ibang tao, nalalaman natin na ang ating Pinuno ay alam ang pakikipaglaban at “ginagawa ang gawain.”


Previous
Previous

Hanapin Ang Katuwiran; Hanapin ang Kababaang-loob

Next
Next

Josiah, “Sapagkat ....Ikaw ay Nagpakumbaba”