“Malapit na Akong Dumating!”

Revelation 22:7

Ang paksa ng A SHARED INHERITANCE sa taong ito ay “Pakikipag- usap sa Dios.” Sa simula ng Genesis, tayo ay napag-aralan sa Biblia ang pakikipag-ugnayan ng Dios sa mga tao, at nawa’y nagkaroon ng mga aral sa mga ito. Malapit nang matapos ang taon, sa wakas ng mga “pakikipag- usap”, sa huling aklat ng mga salitang ipinahayag ng Dios, nguni’t hindi sa wakas ng pag-aaral at paglago sa “biyaya ng Dios at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Cristo Jesus” ( 2 Pedro 3:18 ).

Si Jesus ay nasa simula (Alpha) at ngayon ay nagsasalita sa atin sa huling Pahayag ng Dios (Omega). Sa Kanyang pagiging Alpha at Omega, nakilala natin Siya na Ang una at ang huli, o ang simula at ang katapusan ng lahat. Siya ang ating buong Panginoon na hindi magbabago na tapusin ang mabuting gawa na Kanyang sinimulan sa atin na sinabi ni Pablo sa Gawa 17: 28, “dahil sa Kanyang kapangyarihan tayo’y nabubuhay at nakakakilos.” Sa Pahayag 22: 12-13, ay ibinigay sa atin ang naka-aaliw na mga salita ni Jesus, “Makinig kayo! Malapit na Akong dumating! Dala Ko ang Aking gantimpala para sa bawat isa ayon sa mga ginawa niya. Ako ang Alpha at Omega, na ang ibig sabihin, ang una at ang huli, o ang simula at ang katapusan ng lahat.” Ang Panginoon ay matatag sa Kanyang mga salita at mga pangako.

Sa panimula, ang Dios ay nakipag-usap kay Adan at Eba, pinarusahan sa kanilang kasalanan, nguni’t ipinahayag ang kaligtasan na mangyayari sa daigdig sa pamamagitan ni Jesu Cristo. At ngayon sa Pahayag, ang Dios ay ipinakita na ang gantimpala ay darating at dahil nga Siya, tiyak na ipagkakaloob Niya ang gantimpala. Paulit-ulit sa buong kasulatan, ay nasa atin ang pangako ng tagumpay kay Jesus. Tayo ay sinusubukan dito sa daigdig, nguni’t tayo ay pinagkalooban ng mga pagkakataon na patunayan na tayo’y karapat-dapat, sa pagkaka-alam “Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang-hanggan na ipinangako ng Dios sa mga nagmamahal sa Kanya” (Santiago 1: 12). Sa paglipas ng mga taon, ang mamuhay bilang mga mananampalataya ay puno ng mga pagsubok at gayundin ay mapanganib. Sa ating mga kahinaan, nais natin ang katiyakan ng lakas ng Dios at pagiging malapit sa Kanya upang palakasin ang ating mga espiritu. Sa pagkaka-alam na ang Dios ang Simula at Wakas ng lahat ng bagay ay nagbibigay ng pagpapala sa atin.

Ang huling “pakikipag-usap” sa Dios ay nagdulot ng mga hindi pagkakaunawaan sa mahabang panahon. Sa New American Standard Bible, si Jesus ay nangako na “malapit” na Siyang dumating at sa ibang salin, ang salitang Griego na tacky ay “sa madaling panahon.” Bagaman, ang iba ay ipinakakahulugan na ang Pahayag 22: 7,12, 20, ang pagbabalik ni Jesus ay malapit na, ang binibigyan ng diin dito ay ang kalikasan ng Kanyang pagbabalik, higit sa kung kailan Siya magbabalik. Sa 1 Corinto 15: 51-52, ay pinatunayan ito sa atin: “Nguni’t makinig kayo dahil may sasabihin ako sa inyo na isang lihim. Hindi lahat sa atin ay mamamatay, nguni’t tayong lahat ay bibigyan ng bagong katawan sa isang iglap, sa isang kisap- mata, kasabay ng pagtunog ng huling trumpeta. At sa pagtunog ng trumpeta’y muling bubuhayin ang mga patay at bibigyan ng katawang hindi nabubulok. At tayong mga buhay pa ay bibigyan din ng bagong katawan.” Kailangan nating may kamalayan na sa Kanyang pagbabalik, ito at sa isang iglap at ang lahat ay magwawakas. “Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng Aking pagbabalik” (Mateo 25: 13). Maraming mga talata sa Bagong Tipan ang malinaw na nagsasabi na hindi natin alam ang tiyak na araw o oras ng pagbabalik ni Jesus.

Sa 1 Tesalonika 5: 12, sinasabi, “Mga kapatid, hindi ko na kailangang isulat pa sa inyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na ito, dahil alam ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay katulad ng pagdating ng isang magnanakaw sa gabi.”

Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, “Tungkol sa araw o oras ng Aking pagbabalik, walang nakaaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o Ako mismo na Anak ng Dios. Ang Ama lang ang nakaaalam nito” ( Mateo 24: 36 ).

Dahil ito nga ang kalagayan, na hindi natin alam kung kailan babalık ang Panginoon, hindi ba nararapat na hangarin natin na panatilihin ang pansariling kalinisan habang tayo’y naririto sa mundo? Wala tayong takdang panahon sa Kanyang pagbabalik, nguni’t wala rin tayong pangako ng kinabukasan; samakatuwid, kailangan nating “Kaya nga mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang, kundi tulad ng mga marurunong na nakakaalam ng kalooban ng Dios. Huwag ninyong sayangin ang panahon n’yo, gamitin n’yo ito sa paggawa ng mabuti, dahil maraming gumagawa ng kasamaan sa panahong ito” ( Efeso 5: 15-16 ). Sa mga nagpabaya sa mga babala ng Dios na ipinagkaloob hindi lang sa Pahayag, gayundin sa Kanyang salita, ay pinagkakaitan nila ang kanilang sarili ng ipinangakong gantimpala at pagpapala na ipinagkakaloob ng Dios, “Dahil sa pakikipag- isa natin kay Cristo, ibinigay Niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espirituwal mula sa langit” (Efeso 1:3). Subalit ang mga biyaya ay may babala sa darating na wakas. Sinabi ni Pedro na sa pagbabalik ng Panginoon, hindi para sa daigdig, kundi para tapusin ang lahat ng bagay at muling lalangin ang bagong langit at bagong lupa para sa Kanyang mga tao at parusahan ang mga hindi nakinig sa Kanyang mga babala.

“Sa pamamagitan din ng Kanyang salita, itinakdang tupukin ng Dios sa apoy ang kasalukuyang langit at lupa sa Araw ng Paghuhukom at paglipol sa mga masasama. Nguni’t huwag sana ninyong kakalimutan mga minamahal, na sa Panginoon, walang pinag kaiba ang isang araw sa isang libong taon. Para sa Kanya, ang mga ito ay pareho lang. Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako Niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan Niya lamang ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw Niyang mapahamak ang sinuman. Ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, biglang mawawala ang kalangitan na may nakakapangilabot na ugong. Masusunog ang lupa, at mawawala ang lahat ng nasa lupa. Kung ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat, dapat kayong mamuhay nang banal at makadios, habang hinihintay n’yo ang araw ng pagdating ng Dios at ginagawa ang makakayanan n’yo para mapadali ang pagdating Niya. Sa araw na ito, masusunog ang langit sa apoy at matutunaw ang lahat ng nasa lupa sa tindi ng init. Nguni’t ayon sa pangako Niya, may maaasahan din tayong bagong langit at lupa na paghaharian ng katarungan” (2 Pedro 3: 7-13).

Ngayon ay nasa atin ang huling salita na Siya ay tiyak na babalik at gagawin ito nang madali. Anong kagalakan ang mapapasaating mga puso kung isasaalang-alang natin ang nakapapanabik na pangako ng Panginoong Jesus sa huling kabanata ng Biblia. Ang Kanyang mga salita ay tapat at totoo, at ang Kanyang huling pahayag ay sukdulan ng maluwalhating tugon: “Talagang malapit na Akong dumating! Sana nga po! Pumarito na po Kayo Panginoong Jesus!” Tatlong ulit sa huling kabanata ng Kasulatan, ay ipinahayag ni Jesus ang Kanyang pagbabalik. Sa kabanata 22, mga talata 7, 12, 20, “Malapit na Akong dumating.” Kung Siya ay nagsasalita, kailangan nating makinig. Subalit kung napakinggan natin ang isang bagay ng tatlong ulit na sinabi, kailangan nating makinig nang mabuti at ibigay ang buong pansin. Siya ay nagkakaloob ng mabubuting gantimpala sa Kanyang mga tagasunod. Siya ang kabuuan ng makalangit na utos ng Dios. Nguni’t ang Kanyang gantimpala ay nakalaan lamang sa mga tumatalima sa Kanyang salita at sumusunod sa Kanyang mga utos sapagkat Siya ay darating “galing sa langit kasama ng makapangyarihan Niyang mga anghel. Darating Siyang napapalibutan ng nagliliyab na apoy at parurusahan Niya ang mga hindi kumilala sa Dios at hindi sumusunod sa Magandang Balita tungkol sa ating Panginoong Jesus. Parurusahan sila ng walang hanggang paghihirap at pagkawalay sa Panginoon, at hindi na nila makikita pa ang dakila Niyang kapangyarihan. Mangyayari ito sa araw ng pagbabalik Niya, at papapurihan at pararangalan Siya ng mga pinabanal Niya na walang iba kundi ang lahat ng sumasampalataya sa Kanya. Kabilang kayo rito, dahil sumampalataya kayo sa ipinahayag namin sa inyo” (2 Tesalonika 1:7-10).

Kilala mo ba ang Jesus na ang Una at Huli, na magkakaroon ng gantimpala sa atin sa mga ginawa dito sa daigdig, na darating nang mabilis upang wakasan ang lahat ng bagay? Mauulit mo ba ang mga salita ni Pablo, “Sana nga po! Pumarito na po Kayo, Panginoong Jesus!” (Pahayag 22:20). İdinadalangin ko na “maging karapat-dapat sa Dios bilang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan” (2 Timoteo 2:15).


Previous
Previous

Mga Hula na Tumutukoy kay Jesus

Next
Next

“Saan Naroon Ang Aking Dangal?”